
Chapter 27
Pwede bang iregalo ang kiss?
Napakurap ako habang nakatingala sa kisame ng aking kuwarto. Naaamoy ko pa rin ang mabangong hininga ni Jackson at nararamdaman ko pa rin ang init niya.
Nakarinig ako ng katok sa labas ng pinto. Mahihinang katok. Binaha agad ako ng kaba at excitement na hindi ko alam kung saan nagmula. Bakit ako kinakabahan at nae-excite? Baliw na ba ako?
Tumayo ako para buksan ang pinto ng kuwarto. But it was Ate Minda—Hindi siya. Hindi iyong inaasahan ko sana.
"Bakit dismayado ka?" nakataas ang isang kilay na taong niya sa akin.
"Po?" Napalunok ako. "Ah, hindi, ah! Nagulat lang ako, 'Te, kasi anong oras na pero nandito ka. May kailangan po ba kayo sa akin?"
Itinulak niya ako nang bahagya para makapasok siya sa loob ng kuwarto. Siya na rin ang nagsara ng pinto. Narinig ko ang pagtunog ng lock kaya napatingin ako sa mukha niya.
"Bakit, Ate?"
"Fran, hindi sa nanghihimasok ako, ah."
Kinabahan ako agad sa klase ng kanyang tono. Saka hindi niya ako tinawag na "Ganda" ngayon.
"Alam ko na yaya lang ako dito sa bahay na ito. Pero magkaibigan tayo at concerned ako sa 'yo."
"Ate Minda, ano po bang sinasabi niyo?" tagaktak ang pawis na tanong ko. Biglang nawalan ng silbi sa akin ang nakatodong aircondition ng kuwarto ko.
"Dalaga ka na, at kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo, pero hindi sa mga bagay na bago ka pa lang."
"Ate Minda, hindi ko po kayo maintindihan—"
"Nakita ko kayo ni Sir Jackson sa verandah."
Napatigagal ako.
"Nakita ko kayo na naghahalikang dalawa!"
Napayuko ako sa hiya.
"Hindi ko alam kung ano ang meron sa inyong dalawa. Naguguluhan ako. Hindi ka naman malihim sa akin, kaya nagulat ako sa nakita ko."
Hiyang-hiya ako sa kanya na hindi ko masalubong ang mga tingin niya sa akin.
"Oo matagal ko nang napapansin na napaka-protective sa 'yo ni Sir Jackson. Sobrang protective na halos pakialaman niya na ang lahat para lang masure ang kalagayan mo. Matagal ko na ring napapansin na ikaw lang ang dahilan ng pagbabago ng mood niya. Ikaw lang rin ang halos nakikita ng mga mata niya sa bahay na ito."
Natatakot ako sa mga sasabihin pa niya pero nakaabang naman ang mga tainga ko na pakinggan siya.
"Puro ikaw. Laging ikaw. Wala nang iba kundi ikaw. Pero sa lahat ng iyon, iniisip ko lang na baka kaya siya ganoon dahil sa ang tingin niya sa 'yo ay responsibilidad ka niya."
Hindi ako makapagsalita. Naiiyak na ako.
"Alam mo bang madalas ang mga pagkakataon na nahuhuli ko siyang nakatitig sa 'yo kapag hindi ka nakatingin?"
Natigilan ako at napaangat ang tingin kay Ate Minda. Nasa mga mata niya ang katotohanan ng kanyang sinasabi.
"Hindi ako manhid. Nakailang crush, M.U., boyfriend at muntik na akong makipag-live in. Marami na ang nagparamdam sa akin na mas maganda at sexy ako kay Catriona Gray. At marami na rin ang bumiyak sa akin na para akong buko na matapos masimot ang katas, sa basurahan ibinabagsak."
Humakbang siya palapit sa akin, at napaatras naman ako.
"At hindi lang si Sir Jackson ang nahuhuli kong tumitingin nang malagkit sa 'yo, pati ikaw mismo! Hindi mo siguro napapansin ang sarili mo na madalas ka ring tumitig sa kanya."
Ako, tumititig kay Jackson?
"Alam na alam ko ang mga tinginang ganoon. Titig na may pagnanasa!"
"Ate Minda!" windang na bulalas ko.
"Walang masama, Ganda. Dalaga ka na, at binatang pogi na macho na mabango naman si Sir. Okay na okay rin siya financially, hindi rin naman siya barumbado, at mukhang hindi naman din siya bato since natuka ka na nga niya kanina. At sampung taong mahigit lang ang tanda niya sa 'yo, ideal age gap naman 'yan. Ang concern ko lang ay ang sasabihin ng ng lipunan sa inyo."
Bumagsak ang balikat ko. Tama si Ate Minda, isang malaking factor ang lipunan. Ang tingin ng lahat sa akin ay charity case lang ni Mayor Jackson Cole.
"O wag na iyong lipunan ang isipin natin. Kahit iyong sasabihin na lang ni Vice."
Mas lalong bumagsak ang balikat ko. Malamang na hindi matutuwa si Vice kapag nalaman niyang hinalikan ako ng kanyang unico hijo.
"Sorry Ganda, kung wala nang filter ang bibig ko, ha. Saka bakit pa ba ako magdadahan-dahan e nakita ko na nga kayong natutukaan kanina. Nabigla ako. Nawindang. Na-stressed nang very light at... well, kinilig. Pero nakakagulat pa rin talaga ang nakita ko. So umamin ka, may relasyon ba kayo ni Sir? At kailan pa?"
Napatanga ako sa tanong ni Ate Minda.
Relasyon? Ako at si Jackson magkakaroon ng relasyon? Bakit ganoon? Bakit tumataas ang mga balahibo ko sa katawan pero hindi sa nakakakilabot na paraan? Para bang... normal lang? Was it because I was so used being with him?
"Ganda, tayo lang namang dalawa e. Alam mo namang mapagkakatiwalaan mo ako."
Napatitig ako kay Ate Minda. Nakakatakot lahat ng pwedeng mangyari kapag may ibang nakaalam sa nangyari kanina sa amin ni Jackson sa verandah. Magiging issue iyon. Baka ako pa ang maging reason para masira siya. Kahit pa ipaliwanag kong regalo lang iyong kiss na iyon ay wala namang maniniwala. Baka pagtawanan lang ako kapag sinabi ko iyon.
"Nagkakamali po kayo ng iniisip." Umiling ako.
"Ano ang mali sa naiisip ko? Sabihin mo nga, ano ang mali? Dis oras na ng gabi, madaling araw na nga, tapos madadatnan ko kayong nagtatagpo doon sa verandah, sa gitna ng dilim, sa ilalim ng buwan? At naghahalikan."
"Kaya ko naman pong ipaliwanag kung hahayaan niyo lang akong—"
"Sus!" Humalukipkip siya. "'Wag kang mag-alala, hindi kayo masagwang tingnan kanina. Ang totoo niyan, ang cute niyo nga kaya kinuhanan ko kayo ng picture."
Nanlaki ang mga mata ko. "Kinuhanan niyo po kami ng picture?!"
"Oo. Pero wala akong balak ipagkalat kayo, kumalma ka."
"P-pwede ko po bang makita iyong picture?"
"Oo kaso deadbat na e. Nakalimutan ko magcharge e. 'Buti nga naclick ko pa iyong capture bago mamatay iyong CP ko."
Sayang. Balak ko pa naman sanang diretsong burahin iyon.
"Gusto mo ba talagang makita?" Siniko niya ako. "In fairness, ang lakas ng picture niyo. Dinaig niyo iyong mga poster ng mga romantic films!"
"T-talaga?" Napangiwi ako sa aking tanong. Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko ay alam kong namumula na ako ngayon.
"Oo. Hayaan mo, magch-charge lang ako mamaya tapos ip-private message ko agad sa Facebook mo"
Dalawang malakas na katok ang nagpalingon sa amin sa pinto. Si Ate Minda ang nagbukas ng pinto kahit obviously na kinakabahan siya. Nang mabuksan niya iyon ay sabay kaming nakahinga nang maluwag.
"Minda, anong ginagawa mo rito?" Kunot na kunot ang noo ni Mrs. Cruz.
"Ay, Mrs. Cruz. Dinalhan ko lang ng milk si Miss Fran kasi hindi siya makatulog." Kumindat sa akin si Ate Minda. "Sige Ganda, sleep ka na."
Nang makalabas si Ate Minda ay matagal na tumitig pa sa akin si Mrs. Cruz bago ito umalis na rin. Nang wala na ang dalawa ay inilock ko na ang pinto at bumalik ako sa aking kama.
Nahiga na ako at tumulala. Mga anong oras kaya isesend ni Ate Minda iyong picture?
Ano kayang iisipin ni Jackson kapag nalaman niyang may picture ang paghalik niya sa akin? Gusto kong makita ang magiging reaction niya. Napangiti ako habang iniimagine ang pagsasalubong ng kanyang mga kilay.
Inilabas ko ang phone ko at itinype ang pangalan niya. Marami siyang Facebook pages, karamihan ay gawa ng mga fans niya. Doon ako sa official FB page niya nagpunta. Walang masyadong posts dahil obviously, hindi naman nagpi-Facebook ang Mayor. Wala siyang Facebook dahil hindi siya marunong at wala siyang paki. Ginawa lang ang page na ito ng kung sino para lang masabing may page siya. At halos lahat ng kuha niyang photos dito, stolen noong panahon ng kampanya.
"Bakit ganito ka? Kahit stolen shots, ang sungit pa rin ng pagmumukha mo?" Lumabi ako.
Titig na titig ako sa kuha niyang bahagyang naka-sideview. Kitang-kita kung gaano kaperpekto ang ilong niya at pilik-mata sa kuhang ito. Napakaguwapo. Siguro kaya hindi ko ma-appreacite ang mga lalaki sa aking school ay dahil naging batayan ko na ang mukha at tindig ni Jackson. 'Tingin ko, walang hihigit sa kanya.
Hindi makatarungan ang picture niya dito sa Facebook page ng Office of the Mayor-Quezon City. Hindi siya mukhang politiko, mukha siyang modelo rito. Kahit hindi siya nakangiti sa kuha, malakas na malakas pa rin ang datingan ni Mayor. At photo na ito ay may 64,000 likes and hearts combined. At sa comments, pati mga hindi taga-QC ay makikita mong mga top fans ng page.
Napailing ako. Sino naman kaya ang nagma-manage ng page na ito? Hindi naman marunong magFB si Jackson. Ni wala nga siyang pakialam noong nagtrending siya dahil sa bansag sa kanyang "Babe Mayor"
Pero dapat lang ay may social media account siya. Importante iyon para pag magde-declare siya ng walang pasok o kung may ia-announce man siyang importante. Nasa social media na halos lahat ng tao ngayon, kaya kailangan niyang makiuso. Sa katunayan ay dahil din sa social media kaya siya nanalo. Naging popular siya dahil sa platform na ito.
Alas cuatro na ng madaling araw ng isend sa akin ni Ate Minda ang picture na sinasabi niya. Masyado raw siyang naging abala sa textmate niya kaya nalimutan niyang isend sa akin agad ang picture. Ah, kilala ko pala iyang textmate na iyan. Kagabi kasi bago matapos ang party ay nahuli ko siyang nag-iwan ng tissue sa harapan ng table ni Kuya Tarek. Ang hula ko ay doon sa tissue niya isinulat ang cell phone number niya dahil huling-huli ko rin ang pagbubulsa ni Kuya Tarek sa tissue na iyon.
Nanginginig ang mga daliri ko habang binubuksan ang message ni Ate Minda. Nakazoom ang kuha at sakto ang liwanag ng buwan kaya kitang-kita kami ni Jackson sa picture. Magkadikit kami. Ang mga palad ko ay nasa dibdib niya. Siya naman ay nakahawak sa aking bewang ang isang kamay at ang isa ay sa batok ko.
At sa picture na ito, magkalapat ang mga labi namin...
I replied to Ate Minda's message. Ipinakiusap ko sa kanya na burahin na ang picture, at umoo naman siya. Tiningnan ko muna nang matagal ang picture, pinakatitigan at binalak na i-delete na rin pero nagdalawang isip ako.
Dapat ang mga regalo ay iniingatan at itinatago. I should treasure this one.
Nakatulog ako ng may ngiti sa mga labi. Saglit lang at umaga na kaya puyat-puyat ako nang bumangon. Naligo agad ako at nagbihis para makababa agad. I don't know why I'm so energetic today. Nakakapanibago lang kasi madalas na akong tamaring pumasok lately. Naiinip na kasi ako sa pag-aaral. Gusto ko nang grumaduate, magmature pa lalo, magkaroon ng mas mabibigat na responsibilidad sa buhay.
Wala na si Jackson nang bumaba ako. Maaga raw umalis papuntang munisipyo. Mula ng maging mayor siya rito sa QC ay bihira ko na lang siya makasabay sa mesa sa almusal. Maaga siya palaging umaalis dahil bukod sa flag ceremony ay nagroronda pa si Mayor sa kung saan-saan. Takot ang lahat sa kanya dahil hindi siya naniniwala sa second chances, pag nagkamali ka, agad-agad, sibak ka. Ang laki ng iginanda ng bayan na ito mula ng maupo siya sa pwesto. Nahawa sa kapogihan niya ang nasasakupan niya.
Sino ba ang mag-aakala na magiging effective mayor si Jackson e ang alam lang non ay sumimangot. Tatahi-tahimik lang iyon pero mabangis.
After breakfast ay sa garahare na ako dumiretso. Nakasandal si Kuya Tarek sa Jaguar habang busy sa pagtitipa sa hawak na cell phone nang tumikhim ako. Agad na naging bumalik sa pagkapoker face ang mukha ng lalaki. "Good morning, Miss Fran."
"Chill." Nakangising pumasok na ako sa passenger's seat.
Namumula ang magkabilang pisngi na seryosong sumunod naman sa pagsakay sa driver's seat si Kuya Tarek. Pinasibad na agad niya ang sasakyan para ihatid ako sa DEMU. Mukhang excited na siyang idispatsa ako para maipagpatuloy ang naudlot niyang pakikipagusap sa katext niya.
...
LUMIPAS PA ANG ISANG TAON.
Even though Jackson was busy being the mayor of the city, we still met each other in the mansion, still had dinner together, and he still kept me updated through his short, simple, and plain text messages.
At ang tungkol sa regalo niyang 'simpleng halik' noong nakaraang birthday ko, hindi na iyon naungkat pa. Minsan napapaisip pa rin ako, pero mukhang simpleng regalo nga lang talaga iyon para kay Jackson.
Everything went back to normal after that. I was immersed in studies, while Jackson was focused on his political position. I was nineteen now, at masasabi ko na kahit paano ay lumuwag na siya sa akin. Mas nae-enjoy ko na ngayon ang aking kalayaan bilang isang adult woman.
Sa Don Eusebio Mariano University pa rin ako nag-aaral at ngayon ay third year na at ilang buwan na lang, fourth year na. Wala ng Sacha at Olly sa college life ko dahil nagdrop na ang dalawa sa kani-kanilang reason. After Olly ay wala na akong naging kaclose pa sa DEMU. Kahit nga sina Jaeda at Hyra na nakikipaglapit sa akin ay hindi ko pinapansin. Sapat na sa akin ang tamang kakilala lang, kaklase at schoolmates. Wala akong masasabing close friends. So far, okay naman ako. Okay ang college life ko.
"He is her uncle!"
Matinis ang boses ni Hilda na rinig hanggang pinto ng room. Naudlot ang paghakbang ko nang marinig ang usapan ng mga kaklase ko. Papasok na sana ako sa room ko for first subject.
Tatlo ang kababaihang magkakaharap at nag-uusap, sina Hilda, Elvy at Bea. Kilala ko lang sila sa mukha at pangalan, but never ko pa silang nakausap since first sem. Natatandaan ko rin na umattend sila sa debut ko. Actually halos lahat ng kaklase ko sa iba't ibang subjects, at kahit schoolmates ko lang ay nagsipuntahan din noong birthday party ko. Who invited them? I really don't know.
"Yup. He's her uncle, pero may something sa kanilang dalawa."
Hala! Anong pinag-uusapan nila?!
"The uncle is young and so very handsome kaya nafall si girl. Plus the fact that hindi naman talaga sila totoong magkamag-anak. So I guess okay lang maging sila."
Napalunok ako.
"I agree too! Besides she just turned eighteen. She's now in the legal and right age. And the guy is not that old naman. Kapiranggot lang ang age gap nila so it's okay if maging sila nga."
Napalunok ulit ako, although I am already nineteen, matanda ng isang taon sa pinag-uusapan nila.
"Right! Hindi naman talaga sila magkaano-ano. Though tinatawag niyang uncle iyong guy." Si Elvy na namimilog ang mga mata.
"Sabagay," sang ayon na ni Hilda. "Ang kaso lang, the society will surely raised an eyebrow kapag nalamang may something sila. Even though they are not blood related, and they are both young, still ay kilala sila bilang pamilya. Issue pa rin iyon."
Tuloy-tuloy sa pagpapalitan ng salita ang mga ito habang ako ay naninigas na dito sa kinatatayuan ko.
"I can't really blame her. She's feeling alone, lonely and there's a man who's giving her attention. If I were in her shoes, I would fall for this tall, mysterious and so very handsome man, too. Regardless if he's my guardian in the eyes of the judgmental society."
Pakiramdam ko ay pati talampakan ko'y namamawis na habang naririnig ang usapan nila.
Napalingon sa akin ang isa sa tatlo kong kaklase, si Elvy. "Oh, Frantiska's here! She's listening to our topic."
Namutla ako nang pati ang dalawa ko pang kaklase ay napatingin na sa akin. Sa itsura nila, hindi naman sila mukhang guilty na pinag-uusapan nila ako.
"Nakikinig ka sa pinaguusapan namin?" nakangiting tanong sa akin ni Elvy. Relax lang ito na parang hindi ko sila huling-huli sa chismisan nila tungkol sa buhay ko at ni Jackson.
"Yes," sagot ko sa magaang boses kahit pa nanginginig na ang mga kamay ko sa kaba.
Ngumiti sa akin si Bea. Inosente ang ngiti nito at malambing na nagsalita. "Come on, Fran. Wag kang mahiya sa amin. If you like to join us, no problem."
"Yup! You can join us if okay lang sa 'yo," si Elvy na lumawak ang pagkakangiti. "Kung okay lang sa 'yo na makabond kami, aba mas okay na okay sa amin."
Mukhang mababait ang bukas ng mga mukha nila pero ang hirap nang magtiwala. I've learned my lesson in my past experience with Olly.
Saka bakit ako makikipagkaibigan sa tatlong ito gayong pinag-uusapan nila ako? And now they are acting cool na parang wala lang na narinig ko sila. At bakit nila pinapakialaman ang buhay ko? Ang buhay namin ni Jackson—
"You should read this book, too, Fran!"
Napalingon ako kay Hilda. She's holding a book in her left hand. "Book? What book?" Ikinunot ko ang aking noo.
"This novel." Itinaas niya ang libro na kulay pula ang cover. "This is a Wattpad story na pinublish. It's about an eighteen-year old girl who fell with a guy na sa society ay kilalang uncle niya. Though they are not really blood-related. The story is cool, pero horror genre."
Napanganga ako sa kanilang tatlo at sa librong nasa tapat na ng mukha ko.
Tumayo si Elvy. "You should buy the book. It's a must buy. It's uncut and with additional scenes plus the intriguing sequel. The title is The Untold Story of Ara."
Tumikhim si Bea. "Wag niyo nang pilitin si Fran. Hindi niya siguro tipo ang nagbabasa ng libro or magbasa kahit sa Wattpad app. Tayo lang ang book nerd dito, girls."
Kimi akong ngumiti sa kanila. "No, Bea. I read too."
Nagliwanag ang mga mata ni Bea. "Really?! Wow! Hindi pala iba sa atin si Fran kahit ang ganda-ganda niya."
"Mas maganda ang mga babaeng mahilig magbasa." Ngumisi si Elvy. "Welcome to the club, Fran. Akala talaga namin snob ka."
Sa kanila na ako tumabi sa buong subject namin. Pinag-isipan ko agad sila nang masama kaya I owe them. Hindi naman siguro lahat ng tao ay may masamang intensyon. Nagmental note din ako na dumaan ng National Bookstore mamaya to look for the book na ibinibida nila sa akin. Hindi sa nakakarelate ako ron, ha? l I'm just curious with that book.
After class ay hindi agad ako nakalabas ng building dahil umaambon-ambon at nakalimutan ko kaninang umaga na magdala ng payong. Saka ko na bibilhin iyong book dahil umaambon. Kahit ambon lang 'yan, hindi ako pwedeng matalamsikan niyan. The last time kasi na naambunan ako ay sinipon ako. Simpleng sipon lang naman iyon, ang kaso ay isang linggo akong hindi pinapasok ni Jackson. Itinuring niya lang namang trangkaso ang simpleng sipon. Mahirap na raw kasi at baka matuluyan ako.
I can still remember his words nung nagpumilit akong pumasok. Ang sabi niya "We're under the same roof. Kapag lumala ang sipon mo, mahahawa lahat ng tao rito. Don't be selfish, kapag nahawa ako sa 'yo, mawawalan ng mayor ang bayan na 'to. So you're not going to school until gumaling ka na."
So iyon. Sa simpleng sipon, pwedeng mawalan ng mayor ang Quezon City kaya hindi na lang ako pumasok ng isang linggo para gumaling ako. At araw-araw, may tambak akong oranges plus dalawang beses yata sa loob ng isang araw dumadalaw sa akin ang private doctor ng mga Cole.
Nakapagtataka lang dahil takot mahawa sa akin si Mayor pero mayat-maya naman ako sinisilip sa kuwarto ko. Kapag nahuhuli, nagsusungit. Parang tanga.
Pinatila ko pa para lang makapunta sa parking lot kung saan naghihintay ang bodyguard slash driver ko na si Kuya Tarek. Pagsayad palang ng pwet ko sa backseat ng kotse ay umandar na agad ito. Ganito palagi, excited umuwi si Kuya Tarek. Siguro utos ni Jackson na bawal magsayang ng sandali. O baka excited lang siya na makita si Ate Minda.
Sa mansiyon ay nagulat ako nang makita si Jackson. Ang aga niya ngayon. He's busy with his phone. May kung ano siyang kinakalikot doon.
"Hi." Ako ang unang bumati sa kanya.
Tumingin siya sa akin. Tinging wala. Tinging wala lang.
Kumunot ang noo ko. Sabay pa kaming kumunot ang noo kasi ang tagal na pala naming nakaharap sa isat-isa.
"Kakauwi ko lang, maaga natapos iyong class sa last subject ko—"
"Kakauwi ko lang, maagang natapos ang meeting sa munisipyo—"
Sabay kaming napatigil sa sabay naming sinasabi. Para kaming sira na nakatitig sa isat-isa. Kitang-kita ko na naiilang siya, at ganoon din ako. Kung hindi pa may tumikhim mula sa likod ko ay hindi pa mabibreak ang connection ng mga mata namin ni Jackson.
"Hi Fran! Nandito ka na pala."
Nanigas ang leeg ko nang makilala ko ang matinis na boses—It's Valentina's!
"Fran, happy birthday again." Bumeso siya sa akin. "Gosh! Saglit lang pero dalagang-dalaga ka na talaga. And you are so lovely I could cry."
Tipid akong ngumiti kay Valentina. Ano bang ginagawa niya rito? Matagal ko na siyang hindi napagkikikita, maliban sa party ko kagabi at ngayon. Bakit bumabalik na naman siya? Umaasa pa rin ba siya hanggang ngayon?
Lumingon ako kay Jackson. Nagtatanong ang tingin ko sa kanya pero nakayuko na siya ulit sa hawak niyang cell phone at busy na naman siya roon. Kung anong pinagkakaabalahan niya ay nakakacurious. Hindi naman kasi siya ang klase ng tao na mahilig magphone. As far as I remember, calls lang ang pakinabang sa kanya ng gadget niya and nothing more.
And why is he like this? Bakit wala siyang paki sa paligid niya? Naaalala niya pa kaya na hinalikan niya ako? Imposible naman sigurong hindi.
Nagsalita na naman si Valentina. "So JC, dinner tayo later? You owe me remember? Ilang beses ka nang tumanggi sa akin. Bumawi ka."
Napaismid ako. At iyon ang reaction ko na nahuli ni Jackson nang alisin niya ang paningin niya sa hawak niyang cell phone.
"Go home, Val. I have more important thing to do tonight," sagot niya sa babae ngunit sa akin naman nakatingin.
Napalunok ako nang padabog na umalis si Valentina. Si Jackson naman ay muling sumubsob sa cell phone niya habang mahinang napapamura.
"Why is this so hard ang complicated?" bulong niya habang gigil sa pagtitipa.
Lalo akong nacurious sa ginagawa niya.
"Gotcha!" Bigla siyang ngumisi na parang tanga.
Patalikod na sana ako nang biglang magbeep ang notif ng phone ko. Nakalimutan ko palang patayin ang data ko. Nang icheck ko iyon ay may new friend request ako from a newly made account. Napanganga ako nang maview nang buo ang notif.
Jackson Cole added you as a friend
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro