Chapter 26
LIFE WAS BECOMING MONOTONOUS.
Dahil ba may mali sa akin? Sa pag-iisip ko?
Bakit lahat na lang ay umaalis? Kahit tahimik ako, magaling ako sa eskwelahan, pero itong bagay na ito ay hindi ko maintindihan. Bakit ba kailangang may umalis kung puwede namang manatili?
Isang paru-paro ang biglang dumaan sa aking harapan. Ah, naririto nga pala ako sa garden ng mansiyon na pag-aari ng matandang Justimbaste, dito sa Davao. Kararating lang namin ni Dad gamit ang aming chopper. And I was brought here against my will.
Muli akong napatitig sa paru-paro. It was so lovely that it made me want to covet it. Unfortunately, butterflies had a short lifespan. Its appearance would fade as it died. Yet, there was a way to keep its color and beauty, if it was carefully captured, hidden, and preserved, it could last a long time.
Bago ko pa iyon maabot ay nakalipad na ito palayo. Napabuga ako ng hangin at tumalikod na lang. Naglakad-lakad pa ako sa hardin para magpalipas ng oras. Napalayo na ako nang makaramdam ako ng pagkaihi. It was too late to go back. Hindi ko na iyon mapigilan kaya pumili na lang ako ng tagong puwesto.
Wshhhh...
"Sino ka at bat ikaw wiwi sa garden namen, ah?!"
"Fuck!" Agad akong napatagilid. Muntik ko nang maihian ang aking pantalon nang may biglang sumulpot na batang babae sa tagiliran ko. Nakasimangot ang maliit at cute na cute nitong mukha habang nanunulis ang mamula-mulang nguso.
Akala ko naman kasi walang tao kaya dito na ako nagdilig. Ayoko sa loob ng mansion dahil nababanas ako kay Dad. Bigla niya akong pinapunta dito kahit alam niyang may audition ako ngayon sa Black Omega Society band. I just received an invitation letter from that revived band, and I am so happy because singing is my thing.
My world only revolved on studying, staring into nothingness, and listening to music. But it was only through music that I found life. But Dad didn't like it. At ito, kinaladkad ako ni Dad sa Davao ngayong araw. Hindi ko pa rin alam kung ano nga ba ang sadya namin sa lugar na ito.
And who was this little kid in front of me?
"Anong fuck?!" Lalo itong sumimangot. Nasa five years old lang yata ang age ng bata based sa liit nito. The little girl was wearing a pink cute floral bow dress and her shiny dark brown hair was tied in a pigtail.
"Hala, birdie 'yan!" Namilog ang mga mata ng paslit sabay turo sa harapan ko.
Napatulala ako sa kanya nang ilang segundo. Mukhang naglalaro ito rito sa garden kaya natyempuhan ako.
"Hala, ampanget! May balahibong black! Parang big itik!"
"Shit," usal ko nang marealized kung saan nakatitig ang inosente nitong mga mata.
Tinalikuran ko ito para tapusin ang ginagawa—na sa kasamaang palad, hindi pa rin matapos-tapos. Isang galon ba naman yata ang nainom ko kanina sa haba ng biyahe papunta rito.
"Shit—" Natutop nito ang munting bibig. "Alam ko 'yan! That's a bad word!" Namilog ang mga mata nito. "You're a bad man!!!" Agad itong tumalikod.
Patakbo ito sa mansiyon nang maabutan ko ang dulo ng buhok nitong naka-pigtail. Nagkakawag ang bata pero agad ko itong nabuhat at nabitbit sa gitna ng garden kung saan wala talagang katao-tao. Hindi ito makasigaw dahil tulala ito. Tulala, ewan ko kung bakit.
Nang ibaba ko siya pinisil ko ang makinis niyang pisngi. "Listen, baby girl, I'm not a bad man, okay?"
Tulala pa rin ito. Sa pagkakatulala nito, nagmukha tuloy itong mannequin. No. A doll.
Hindi ako mahilig sa mga bata. Ni lumapit sa mga ito. Maski nga sa mga kaedad ko, hindi ako lumalapit kahit kailan. Pero iba ang batang ito. May kakaiba rito. Parang iyong paru-paro na nakita ko kanina lang...
"Baby girl?" Tinapik ko ang makinis niyang pisngi.
Goddamn it! Mukhang natrauma ko talaga ang batang ito! Napakabata niya pa para makakita nang nakita niya kanina.
Muli ko siyang tinapik sa matambok niyang pisngi. Doon lang kumurap ang batang babae.
"Are you okay?" alalang tanong ko sa kanya.
Tumango siya at mayamaya'y sumimangot muli. "Sino ka at bat wiwi ka sa garden namen, ah?!"
"I'm Jackson. What's your name and how old are you?"
"My name is Fran. I'm five." Itinaas niya pa ang munting kamay para ipakita sa akin ang limang mga daliri.
She's really a cutie.
"And I'm fifteen." Itinaas ko rin ang mga kamay ko. "Ten plus five." Iwinasiwas ko ang isa kong palad.
"Ah..." Ngumisi siya. "You're old!"
Napangiwi ako.
"Frantiska!"
Sabay kaming napalingon sa babaeng parating. It was Marsha Justimbaste. Makapal ang make up ng babae at tuwid na tuwid ang mahabang blonde na buhok. Fitted ang suot nitong black chiffon dress. Pahinto-hinto ang lakad nito dahil sa pagbaon ng takong ng suot na sapatos sa damuhan.
Kilala ko si Marsha dahil panay ang pakita ni Dad ng photo ng babae sa akin kanina sa chopper. Doble ang tanda nito sa akin. Sa pagkakaalam ko, wala ito rito sa Davao dahil kasama nito ang boyfriend sa ibang bansa. Kaya bakit nandito ito ngayon?
"Kanina pa kitang hinahanap na bata ka!" Hinawakan agad nito ang mabilog na braso ng batang babae. "Nandito ka na naman! Nakipaglaro ka na naman siguro sa mga aso ni Dad! Napakatigas talaga ng ulo mo!"
"Aray, Mama!" Ang cute na mukha ni Fran ay nalukot dahil sa pagbaon ng mahahabang kuko ni Marsha sa balat niya.
"Hey, you're hurting the kid!"
Napaalma ako na ikinagulat ko.Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ako ng pakialam sa ibang tao. Sa paligid ko.
Matalim ang sulyap na ibinato sa akin ni Marsha. "My kid is none of your business, you little boy!"
"Marsha!" Mula sa mansiyon ay tawag ng matandang Justimbaste, the Don Justimbaste. May hawak itong tungkod sa kaliwang kamay. "Wag mo na namang pag-initan ang anak mo dahil lang hindi kita pinayagang umalis ngayong gabi!" sigaw nito.
Binitawan ni Marsha si Fran at nakasimangot kaming tinalikuran.
"Jackson, right? Hijo, come with me. May sasabihin sa 'yo si Senator Cole." Tukoy ni Don Justimbaste kay Dad.
Senator. Yeah, my father is a senator of this country. Alam ko, may plan na si Dad na tumakbong vice president this coming election. Hindi na ito nakuntento sa pagiging senador, katulad ng hindi nito pagkakakuntento sa pagiging mayor, gobernador, pumasok na rin ito federal position. Hilig ni Dad ang politika noon pa man. Naging SK ako sa lugar namin because of him. Pero hindi ko hilig ang politika, ang hilig ko talaga ay musika.
Bago makalayo si Marsha ay lumingon ito sa akin. "Masusurpresa ka sa pinag-uusapan ng mga tatay natin, little boy." Ngumisi ito nang nakakaloko. "Ngayon palang, nakikiramay na ako sa 'yo."
Kumunot ang noo ko. What did she mean by that?
"Tama 'yan, magpractice ka ng i-babysit ang anak ko." Pagkasabi'y tumalikod na ulit ito.
Isang maliit na kalabit sa tagiliran ang kumuha ng atensyon ko. Nang bumaba ang aking paningin ay ang cute na mukha ni Fran ang aking nasilayan.
"Magiging yaya ba kita?" inosenteng tanong niya.
"Huh?" Bumaba ang tingin ko sa braso niya na bahagyang namula dahil sa pagpisil ng kanyang ina rito kanina. Nagtagis ang mga ngipin ko sa inis. Damn that woman. Bakit ganon niya tratuhin ang anghel na ito?
"Mom said that you'll babysit me..." Ngumuso siya. "Tutuo?"
Hindi ko napigilang ngumiti—Na ikinagulat ko na naman. Why was I smiling?
"You'll take care of me po?"
Ginulo ko ang kanyang buhok. "If I will be given a chance, I will." Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi. Siguro dahil nainis ako kay Marsha sa ginawa nito kanina.
O dahil nakakarahuyo ang batang ito. Or maybe because I saw this kid as a beautiful creature that should be taken care of. This child was perfect in every aspect. Her lovely eyes glowed brightly, making her look even more like a doll. But could she possibly be a real doll?
A doll that would never age and never leave?
"You're really not a bad man?"
Napakurap ako nang muli itong magsalita. "Y-yeah, of course. I'm not a bad man."
"Promise?"
"Promise." Lumuhod ako sa harapan niya para magpantay kaming dalawa. "But I can be strict. Hindi pwedeng kung anu-ano ang nakikita ng mga batang tulad mo."
Lumabi siya. "Bawal akong makakita ng big itik?"
Natatawang pinisil ko ang kanyang pisngi. "Not until you turned eighteen, doll."
Yes, she was still a child at this moment. But if only I had the power to stop the time.
Or even the right to keep her. I would lock her up in a safe place where no one else would see her. And I would preserve her so she could live...
...forever.
...
I SLOWLY OPENED MY EYES.
What the hell did I just do?!
Nakatulala si Fran sa harapan ko at hindi makapaniwala. Kahit ako ay nagulat sa aking nagawa. Fran was saying something before I dominate her lips. Her words lost against my mouth, and I was lost in her lips.
Fran was just a doll. So when did I forget about that fact, huh?
She was the only thing that was constant in my life. My salvation. At hindi ko siya nakita sa ganitong paraan noon... maliban lang nitong mga buwan na nagdaan. Para siyang biglang nagbago sa paningin ko. Hindi ko maintindihan.
Hindi ko matandaan kung ilang beses akong nagulat sa tuwing magkikita kaming dalawa. Habang tumatagal, nag-iiba siya. She was like a growing person. A real human!
Oh, right. Of course, she wasn't really a doll. I was the only one who convinced myself that she was. Damn, I could taste the bitterness of my own thought.
Tumikhim ako. "Happy birthday, doll."
Napakurap siya. Her lips were parted and still moist from the kiss.
Matagal na nakatingin lang siya sa akin, at ako sa kanya.
Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. "S-sige, matutulog na ako..." Kahit medyo madilim dito sa verandah ay alam kong namumula ang mukha niya.
"Okay," I said to her.
"S-sige... t-thank you..."
I nodded. Wala na akong masabing iba. Hindi ko naman pwedeng sagutin ang pagpapasalamat niya ng "welcome"
Mabilis siyang tumalikod at halos patakbong umalis. Nang wala na siya sa paningin ko ay saka ako napangiti. My doll... she's really now a grown up woman.
...
FRANTISKA
"BAKIT AKO NAG-THANK YOU?!!!"
Nag-thank you ka kasi binigyan ka niya ng birthday gift, gaga! Sagot sa akin ng isip ko.
Pasubsob akong dumapa sa aking kama. Nabigla ako. Nagulat. Nalito. Naguluhan. Nag-panic ang buong sistema kasi bakit niya ginawa iyon? Parang nabigla rin siya. At bakit hindi ko gusto ang isipin na nabigla lang siya?!
"Ahhhg!" Halos pabalibag kong isinara ang pinto ng aking kwarto. Para akong hinahabol ng sampung kabayo sa bilis kong maglakad pabalik dito. Nanginginig ako. Buong sistema ko, naghuhurumentado. Hindi ko ma-explain pero ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Para akong sasabog anumang oras.
And I couldn't be wrong, bago siya lumayo sa akin ay narinig ko rin ang malakas na tibok ng puso niya!
Kailan pa nagkaroon ng tensyon sa pagitan naming dalawa?!
Nitong mga nakaraang buwan, doon ko napansin na parang may nagbago na. Iba na ang mga titig niya sa akin. Hindi na parang nakatingin lang siya sa isang bata, o isang manika, kundi sa akin mismo. Ako mismo. At ilang beses ko ring nahuli sa mga mata niya na nagugulat siya at nalilito.
Ganoon din ako. Nitong taon lang na ito, tuluyan nang nagbago ang tingin ko kay Jackson. Maybe it's because we rarely see each other for the last two years. And that space gave me the opportunity to weigh my real feelings towards him.
Yes, I like Jackson. It's not hard to like him. Kahit suplado siya, hindi madalas mamansin, at masyado siyang malalim, I still found myself falling for him. Not just because it's hard to ignore how handsome he is, but also because I appreciate everything that he does for my well-being.
Kahit hindi niya aminin at kahit magpanggap siyang malamig, hindi niya maitatago sa akin ang katotohanan na mabuti siyang tao. He really do care for me. At para sa akin na kahit kailan ay hindi siya itinuring na pamilya, hindi na mahirap ang mahulog sa kanya.
Yes, I never look at Jackson as family. Akala ko noong una ay hindi puwede, pero hindi ko na kayang paniwalain ang aking sarili. Ibang tao siya. Pero hindi ko ito sinasabi dahil umaasa ako sa kanya. Alam ko na masyado pang maaga para magsalita nang tapos. He's still twenty eight and I am only eighteen.
Kaya lang... Paano ang nangyari kanina sa pagitan namin?
Jackson and I... we just kissed. He breathed against my lips, and I breathed against his. Oh my God!
Tinampal-tampal ko ang aking pisngi. "Baka panaginip lang 'to!"
Nanakit na ang magkabilang pisngi ko sa aking kakasampal pero hindi pa rin ako nagigising. Meaning, this is not a dream! Niregaluhan talaga ako ni Jackson—ng kiss!
Hindi ko akalain na sa kanya ko makukuha. Kahit pa parang hindi niya sinasadya, wala na siyang magagawa. He already kissed me, and there's no way that I can forget about it!
That was my first kiss... at masarap siya.
Napapitlag ako nang biglang magbeep ang phone ko sa bedside table. Agad ko iyong kinuha para lalong mataranta nang makitang "siya" ang sender ng one message. Nanginginig pa ang daliri ko sa pagclick ng open message.
JACKSON
Have a sweetdreams, big girl.
'Big girl' basa ko muli sa last two words ng message niya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong... bigla na lang ako napangiti.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro