Chapter 22
One week ko na siyang hindi nakikita. Gigising ako, wala na siya. Matutulog ako, wala pa siya. Ganoon parati. Umiiwas siya sa akin. Ayaw niya akong makita.
Wala na rin akong bodyguards. Okay lang, I'm safe now dahil wala naman na si King sa DEMU. Pero hindi lang naman iyon ang nagbago. Ang totoo, ang daming nagbago. Nakakauwi na ako ng late at walang kumu-kwestiyon sa akin. At kahit hindi ako maghapunan sa gabi, walang katulong na mangungulit sa akin na kesyo pagagalitan sila ni Uncle Jackson 'pag hindi ako kumain. At kahit lumabas ako ng mansiyon, wala na ring mga guwardiya na humaharang sa akin.
He'll go easy on me. Iyon siguro ang ibig niyang sabihin don. Ang kaso hindi ako mapakali dahil sa huling pag-uusap namin. Nagtatampo siya sa akin dahil kay Calder at iyon ang pinakamalabong bagay na akala ko ay pwedeng mangyari.
"Wala pa ba si Uncle Jackson?" tanong ko kay Ate Minda. Pababa siya ng hagdan ng tawagin ko.
Napahinto siya sa pagbaba. "Ay, nasa study room na, ganda. Kakarating lang. Nagpahatid nga sa akin ng kape. Ay teka, bat pala gising ka pa?"
"Kakausapin ko sana siya. Salamat, 'Te." Iniwan ko na siya para puntahan si Uncle Jackson. Alas dose na ng hating gabi sinadya ko na hindi pa matulog para maghintay. Sabi ko na, hintayin ko lang siya at maaabutan ko siya. Noong nasa tapat na ako ng pinto ng study room ay hindi naman ako makapagdesisyon kung kakatok ba ako o hindi. Binaha ako ng kaba bigla.
Ano nga bang sasabihin ko sa kanya? Sorry? Sorry ulit? Sorry saan? Sorry na mas natuon ang pansin ko kay Calder kaysa sa kanya? Napangiwi ako. Kaya ko ba?
Kaya ko bang humarap sa kanya? Saka naaalala niya kayang birthday ko na bukas?
Minuto ang lumipas na nakatayo pa rin ako sa tapat ng pinto at kung kailan kakatok na ako ay saka ako nakarinig ng lagutok ng heels sa marmol na sahig. Pagtingin ko sa pinanggalingan ng paparating na yabag ay nakita ko si Val, si Valentina Zosia Hynarez.
"It's midnight, young lady. Why are you still awake?" Walang kangiti-ngiti ang mga labing nitong namumula sa nakapahid na lipstick.
Gabing-gabi na bakit nandito ka? Sa isip ko lang iyon sinabi pero gustong-gusto kong isaboses kay Val. Bigla ay kumulo ang dugo ko sa kanya, siguro kasi dahil hating gabi na ay labas pa ang cleavage, pusod at mga hita niya sa suot niyang halos kapirasong tela na lang.
Maganda naman sa kanya ang damit niya, bagay naman sa kanya, kaya lang ay ano ang magagawa ko? Hindi ko mapigilan ang pagkulo ng aking dugo.
"Pumasok ka na sa kuwarto mo, hija," utos niya sa akin. May diin ang huling salita. May kaakibat ding sarkasmo.
"Kakausapin ko pa sana si Uncle Jackson."
"Hindi ba makakapaghintay bukas ang sasabihin mo sa kanya?"
Hindi ko sinagot ang kanyang tanong.
"Matulog ka na, Fran. May mas importante kaming pag-uusapan ng uncle mo." May diin na naman ang kanyang salita, sa parteng 'uncle' nang banggitin niya.
"Sorry pero importante rin kasi iyong sasabihin ko. Pero okay lang na dito ako at maghintay hanggang matapos kayong mag-usap," seryosong sabi ko.
"Seriously?" Sumimangot ang maganda niyang mukha. "Ano bang problema mo, Frantiska?"
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko, dito sa tapat mismo ng pinto ng study room.
"Look, I'm being nice here though honestly I really don't like you."
Ganoon? Ibig sabihin pina-plastic niya lang ako mula simula. Sa isang iglap nakita ko kung ano talaga si Val.
Sinikap ko pa rin siyang ngitian. "I'm sorry kung nakakaistorbo ako sa pag-uusapan niyo. Sige bukas ko na lang siya kakausapin."
"Hindi mo ba kaya ang sarili mo, Fran? Bakit sa lahat ng oras kailangan ka pa niyang isipin at alalanin? Kung tutuusin nga hindi ka naman niya talaga kargo dahil hindi ka naman niya kaano-ano."
Kahit nagulat ako sa sinabi niya ay hindi na lang ako kumibo, at humakbang na ako paalis sa tapat ng pinto. Hindi pa ako nakakalayo ng magsalita ulit si Val. "Wait, Fran."
Nilingon ko siya. "Bakit?"
"Ano ka ba talaga sa buhay ni Jackson?"
Humakbang siya palapit at pinamewangan ako. Matalim ang mga mata niyang nakatingin sa akin at ewan kung bakit hindi ko iyon kayang salubungin.
"Tell me. Bakit ganoon ka na lang niya intindihin? Kung hindi ka nga lang menor de edad ay baka pagdudahan na kita na baka higit pa ang relasyon niyo sa bahay na ito."
Napakamalisyosa ng sinabi niya kaya bakit nakapagtataka na hindi man lang ako kinilabutan?
"Hindi ako natutuwa sa 'yo, Fran. God knows I tried na pakisamahan ka, but you're getting into my nerves. Nagiging sagabal ka na to the point na napagtatalunan ka na namin ni Jackson. And you know what's pissing me more? Iyon iyong mas importante ka pa rin hanggang sa dulo ng sagutan naming dalawa."
Ako? Bakit naman nila ako pagtatalunang dalawa? Bakit nasasali ako sa kung ano man ang meron sa kanila?
"Fran, can you just go back to Davao?"
Mahinay akong umiling. "Kahit gustuhin ko, kung ayaw niya ay wala akong magagawa. Siya ang nasusunod."
Umismid si Val. "Don't mind him and stop acting weak, Fran. E di tumakas ka if you really wanto to go back to Davao! Napakadali kung talagang gusto mo! Hindi naman talaga kayo magkaano-ano. Hindi mo naman siya uncle, stepdad mo lang siya pero wala na ring nag-uugnay sa inyo dahil wala na si Marsha. Your mom is dead and you're not legally a Cole. Sampid ka lang sa buhay niya."
Nagbago ang mukha ni Val ng bumukas ang pinto ng study room at iluwa niyon si Uncle Jackson. Napakunot ang noo ng lalaki ng makita si Val. "Valentina?"
Ngumiti nang malawak si Val. "Oh, there you are! Hi, honey!"
Honey? Sila ba talaga? Malamang sila. Sa akto ni Val at sa nahuli kong ginagawa nila the last time ay malamang na sila talagang dalawa.
Lumapit sa amin si Uncle Jackson na walang kangiti-ngiti. Parang wala siyang paki kung naririto man si Val. Nilapitan siya ng babae at hahalikan sana sa pisngi, pero hindi siya yumuko man lang kaya sa leeg tumama ang mga labi nito.
Ilang na ilang naman ako dahil sa akin siya nakatingin. Nagtataka siguro siya kung bakit gising pa ako at bakit ako nandito.
"Honey, you're not answering my calls." Lumabi si Val. "And why I'm not seeing Calder here? Nong tumawag ako sa landline niyo, ang sabi ng maid niyo hindi raw nila alam bakit hindi na umuuwi si Cal—"
"What are you doing here?" malamig na tanong ni Uncle Jackson kay Val.
Ngumuso ang babae. "Visiting you? What else?" natigilan si Val nang mapansin na sa akin lang nakatutok ang tingin ni Uncle Jackson. "Hey? Are you mad at me, honey?"
Pasimple akong napaismid. Hindi ko alam bakit naiinis ako sa kaka-honey ng babaeng ito. Okay, now the feeling is mutual. Inis na rin ako sa kanya.
"So you're mad, huh?" Tumawa si Val. "I knew it! You're jealous!"
"Go home, Val. It's late."
"Yeah sure." Ngiting-ngiti si Val. "Uuwi na ako. Next time hindi ko na hahanapin si Calder, hindi na rin ako magdididikit sa kanya para naman hindi ganyang parang Biernes santo ang mukha mo."
Palagi namang nakasimangot o di kaya ay sobrang seryoso ni Uncle Jackson.
"Uhm, anyway I just dropped by to remind you na sa susunod na gabi na ang birthday ko." Nilingon ako ni Val. "And you too, pretty lady, sana makasama ka sa uncle mo." Muli ay may diin ang salitang uncle sa pagbigkas niya. "I want you to be there, Fran."
Tinanguan ko siya. "Thanks for the invitation."
"You're welcome. And please pagsabihan mo ang uncle mo na wag masyadong seloso." Pakendeng ang puwitan na tumalikod at tinungo na ni Val ang hagdan.
Nang dalawa na lang kami ni Uncle Jackson ay hinarap ko siya. "Isa ba si Val sa dahilan kaya pinaalis mo si Calder? Nagseselos ka sa kanila—" Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil tinalikuran niya na ako agad.
Fine. Nagtatampo pa rin siya.
...
Pagkatapos ng birthday ko, birthday naman ni Val. Iyong birthday ko, sa bahay lang. Maraming pagkain, pero walang bisita. Wala kasi akong inimbita kahit pa panay ang kulit sa akin ni Olly na gusto niyang pumunta. Si Uncle Jackson naman ay missing in action pa rin. Umiiwas pa rin. Wala siya sa birthday ko pero may mga bago akong signature bags, shoes and clothes as gifts na binili sa akin ng personal shopper ko.
At least nga naman hindi siya nakalimot. May expensive gifts pa rin ako from him—na sa totoo lang ay hindi ko magawang i-appreciate.
Kinagabihan nang saktong alas siete ay tumawag si Uncle Jackson sa landline. Si Ate Minda ang nakasagot. Pinag-aayos daw ako at pinagbibihis. Isasama niya ako sa birthday ni Val. Ayoko sanang sumama, pero chance na rin iyon para magkita kami. At sana makapag-usap na rin.
Chance na rin na mabati niya ako ng kahit belated happy birthday man lang sana. Sana.
Nang dumating siya na walang kangiti-ngiti ay nabahag tuloy ang buntot ko. Kahit mag-hello sa kanya ay natatakot ako.
"Let's go." Hindi niya na ako hinintay na sumunod, nauna na siyang lumabas ng mansiyon.
"S-sige..." Kandatalisod ako sa pagsunod sa kanya. Binilisan ko na pero nauna na talaga siya sa Ferrari. Nagtaka pa ako e ang hahaba ng binti niya, hindi ko talaga siya maaabutan kahit siguro manakbo ako.
"Get in." Pagkabukas niya ng pinto ng passenger seat at umikot na siya sa driver's seat.
Nang magkatabi na kami sa loob ay halos mapanis ang laway ko. Nawala ang lahat ng plano ko na kakausapin ko siya sa kotse. The whole drive to Hynarez's residence was awkward. Wala kaming kibuan kahit magkatabi kami. Seryoso siya habang nagda-drive habang ako ay halos mabalian ng leeg sa kaka-maintain ko sa pagtitig sa labas ng bintana ng kotse. Mabilis ang tibok ng puso ko at para akong lalagnatin. Nakahinga lang ako nang maayos nang makarating na kami sa bahay nila Val.
Si Uncle Jackson din ang nagbukas ng passenger door sa akin nang bababa na kami. This time ay napalapit ako sa kanya dahil naabutan ko ng pagbaba ang pag-alis niya sa harapan ng pinto. Nalanghap ko tuloy ang mabango niyang amoy na nakakahalina sa ilong. Ang sarap singhutin. Ang sarap siguro niyang yakapin. Pero syempre ay hindi ko iyon kayang gawin.
Sa gate pa lang ay sinalubong na kami ni Val na naniningkad sa suot na kulay pulang boho dress. "Honey!"
"Happy birthday, Valetina." May inabot na maliit na mahabang kahon si Uncle Jackson sa babae.
"Nag-abala pa ang shopper mo—I mean, ikaw." Umingos ito. "Honey, alam mo naman na hindi ko naaappreciate ang mga material things pag galing sa 'yo. Mabuti sana kung ikaw mismo ang pumili at bumili, but I know na hindi."
I feel you, Val.
"You can throw it if you want," walang emosyong sagot ni Uncle Jackson sa kanya.
"Of course I won't do that. Still, this is from you, 'no." Hinila na siya ni Val sa loob. "Enjoy yourself, Fran. Hihiramin ko muna ang uncle mo."
Mukhang hindi papayag si Uncle Jackson na iwan ako mag-isa kaya sinamantala ko ang paghila ni Val sa kanya. Tumalikod agad ako para pumunta sa lalagyanan ng mga pagkain. Nang lingunin ko sila ay nasa gilid na sila ng pool at nag-uusap, pero ang mga mata ni Uncle Jackson ay nasa gawi ko. Hindi maalis ang tingin niya sa akin kaya naman hindi maipinta ang mukha ng birthday celebrant.
It's her birthday, ibibigay ko ang gabing ito sa kanya. Mamaya naman ay may chance pa ako na makausap si Uncle Jackson.
Nang may dumaang waiter na may dalang tray ng champagne flute ay humingi ako ng isa. Champagne lang naman e at isa lang naman. Hindi naman siguro masamang uminom ako nito. Uhaw na rin kasi ako.
Pumuwesto ako sa malayo sa mga bisita, malayo sa mga tao at ingay ng party. Habang uminom ako ng champagne ay naramdaman kong may nakatingin sa akin. Hinanap ko ito hanggang sa dumako ang paningin ko sa papunta sa garden ng mansiyon nila Val. May matangkad na lalaking nakatayo ron ngunit hindi ko makilala kung sino dahil may kadiliman na sa parteng kinatatayuan nito. Basta ang tiyak ko lang ay may saklay ito.
"Frantiska, fancy meeting you here."
Nagulat ako nang makilala ang babaeng lumapit sa akin. Si Sacha. Nakakulay pulang boho dress siya na hanggang kalahati lang ng kanyang tuhod. Kulot ang buhok niya na nakalugay at may maliliit na bulaklak na mga pin sa laylayan. Simple lang ang make up niya ngayong gabi.
Nginitian ko siya. "Sacha, anong ginagawa mo rito?"
"It's my sis' birthday today, my dear."
"Ate mo si Val?"
"Yeah. At ngayon ko lang nalaman na uncle mo pala si Kuya JC."
JC?
"Ah, oo uncle ko nga si JC... si Uncle Jackson." Nakakatuwa na may sariling nickname siya para kay Uncle Jackson. Close siguro sila. "Ikaw pala iyong sinasabi ni Val na kapatid niya."
"Are you enjoying yourself here?" bigla niyang tanong. "Wala ka naman kasing kakilala rito. And I bet hindi ka rin sanay sa mga parties. Nabanggit ni Ate na home school ka pala dati at hindi nakakalabas ng bahay niyo sa Davao."
At sino ang nagkwento kay Val? Si Uncle Jackson? O si Calder?
"And hindi ka rin umiinom. Siguro nabobored ka na, 'no?"
Kanda-iling ako. "Ah, hindi naman."
"Come on. Don't lie to me. Tayo tayo lang naman dito, e. Hindi kita isusumbong kay Kuya JC." Ngumisi siya lumapit sa akin. "Kaya kung ako sa 'yo, umuwi ka na, Fran."
"Okay lang talaga, Sach—"
"Go home, my dear. Sa totoo lang, hindi ka naman invited dito. Nahiya lang siguro si Ate kay Kuya JC kaya kunwari invited ka rin. Do you think my sister likes you? Hindi, Fran. Hindi ka niya magugustuhan dahil ikaw ang tinik sa kanyang lalamunan."
I knew that. Val didn't like me.
"Umuwi ka na." Tumalim ang mga mata ni Sacha. "Nasa gate ang driver ko, ihahatid ka niya sa inyo. Ako nang bahala magsabi kay Kuya JC na nakaalis ka na."
"Sorry, Sacha, but I can't do that," magalang na sagot ko sa kanya. "Sorry, Sacha, but I can't do that," magalang na sagot ko sa kanya. Hindi ako basta puwedeng umalis nang hindi nagpapaalam kay Uncle Jackson.
"Tsk. Hindi naman niya mapapansin, you see, he's busy with my sister."
"Kahit na." Kabastusan na basta ako aalis. At hindi naman ako nanggugulo rito. As much as possible, lumalayo na nga ako.
"Basta umuwi ka na, Fran." Nagulat ako ng magtaas siya ng boses. "Naiinis ako sa 'yo kaya umuwi ka na!"
"Anong kasalanan ko sa 'yo, Sacha bakit ka nagagalit sa akin? Sinabi ko na I can't go home without Uncle Jackson. Magagalit siya sa akin kapag—"
"Napakalandi mo talaga!"
Napaurong ako nang duruhin niya ako bigla-bigla. Sa lakas pati ng boses niya ay may ilang guests sa kalayuan na napatingin sa amin.
"Hindi ka pa kontento kay King? Hindi ka pa nakontento sa mga atensyon ng mga lalaki sa DEMU? Pati sarili mong step-father, nilalandi mo! Fran, manang-mana ka talaga sa nanay mo!"
Tinabig ko ang kamay niya. "'Wag mong idamay ang mama ko sa kung ano mang ikinagagalit mo sa akin, Sacha! Wala na siya, wag mo siyang bastusin! Wag na wag!"
Kaya ko namang magtiis sa kahit anong masamang salita, basta wag lang madadamay si Mama.
"Bakit hindi ba siya kabastos-bastos? And so what if she's dead?" Namewang siya sa harap ko. "My sister told me kung anong klaseng ina ang nanay mo. Isa siyang disgrasyada. Hindi pa siya nakontento na may anak na siya sa pagkadalaga, pinakasalan niya pa rin si Kuya JC kahit ang laki ng ibinata nito sa kanya. And for what, huh? For money and power!"
"Wala kang alam sa pinagdaanan ng mama ko at ng pamilya ko para humusga ka agad nang ganyan, Sacha."
"Really? Bakit ano bang pinagdaanan ng pamilya niyo?" Tumango-tango siya. "Ah, oo nga pala nalugi ang negosyo ng grandpa mo kaya kaya kailangan niyo ng sasalo sa mga utang niyo at ng kompanya. And since magkaibigan ang grandpa mo at ang daddy ni Kuya JC kaya naman napilitan si Kuya JC na pakasalan ang mama mo kahit doble ang tanda nito sa kanya."
"Stop, Sacha. Wala akong balak pagusapan ang tungkol diyan." Patalikod ako sa kanya ng pigilan niya ako sa balikat.
"Wag kang duwag. Harapin mo ang katotohanan, Fran. Pakinggan mo ang kwento ng babaeng pinagmanahan mo ng kalandian."
"Wag mong bastusin ang mama ko!" Kahit pa kahit kailan ay hindi kami naging close ng mama ko, mama ko pa rin ito. Hindi ako papayag na may mangbabastos dito, lalo sa harapan ko mismo! Hindi ko na napigil ang aking sarili, pasugod na sana ako kay Sacha nang may humaltak sa magkabila kong braso.
Ang dalawang babae na pumigil sa akin ay sina Hyra pala at Jaeda. Nandito rin pala sila. Nakangisi ang dalawa kay Sacha.
"Hold her, girls. Kailangan niyang marinig ang sasabihin ko."
Pilit akong kumakawala kina Hyra at Jaeda pero matigas ang kapit nila sa akin na halos bumaon na ang mga kuko nila sa balat ko. "Ano ba bitawan niyo ako!" Halos mapaluhod na ako sa sahig sa pagpupumiglas.
Sa likod ni Sacha ay nakita kong nakatayo si Olly. Invited din pala ito rito. Nakakita ako ng kakampi sa katauhan ng babae.
Tinawag ko ito. "Olly, please help me!" makaawa ko.
Ngunit nagkibit balikat lang si Olly at tumalikod paalis.
"Olly!" Hindi na ako nito nilingon.
Pinisil ni Sacha ang aking pisngi. "Listen, you bitch. Walang utang na loob 'yang mama mo. Tinulungan na nga siya na maisalba ang kompanya niyo, nanlalaki pa siya. Oo nga't hindi naman normal na mag-asawa ang mama mo at si Kuya JC, pero kahit ganoon ay dala niya pa rin ang pangalan nito. Sa ginawa niyang pagloloko, tinapakan niya ang pride ng lalaking tinatawag mo ngayong uncle."
Natulala ako kay Sacha. Paano niya nalaman ang tungkol doon? Sinabi ba iyon ni Val sa kanya? Pero bakit pati iyon ay alam ni Val?! Parang malabo na si Uncle Jackson mismo ang magkwento sa babaeng iyon.
"Nagulat ka ba kung bakit alam ni Ate ang tungkol sa baho ng mama mo?"
"My god, akala ko pa naman perpekto. Napakabaho naman pala," komento ni Jaeda na nasa kaliwa ko.
"Who told you that Fran is perfect?" si Hyra sa kanan ko. "Unang kita ko palang sa babaeng ito, alam ko na agad na sa pusali ito galing. Tama nga ang hinala namin ni Olly, may itinatagong kabulukan 'to."
"Hush, girls," saway ni Sacha sa dalawa. "Don't be too hard on her. Matindi na nga ang pinagdaan niya, ginaganyan niyo pa." Sabay tawa. "Don't you girls know na nagkaroon ng malubhang sakit ang mama nitong si Fran? What do you call that sickness? Ah, karma!"
Napahagikhik naman ang dalawang nakakapit sa magkabilang braso ko. Wala naman akong magawa kundi umiyak habang pilit pa ring kumakawala.
"Paano ba naman hindi magkakasakit iyon? E sumama nga sa ibang lalaki. Ayun, bumalik lang nong wala ng pera at may sakit na. Iniwan na kasi nong lalaki niya nong wala na siyang pera e. Sa sobrang depressed, nagpatiwakal ang kawawang Masha Justimbaste."
"Tama na, Sacha..." nanghihinang pakiusap ko sa kanya. Ayoko nang marinig.
"Why? You can't stand it? Sorry, my dear, but that is the truth. Your mom is a user and a flirt!"
"Please... uuwi na ako... tama na..."
Sinenyasan niya sina Hyra at Jaeda na agad naman akong binitawan.
"Go home now, bitch." Itinulak ako ni Sacha sa balikat. "At wag ka ng mamagitan pa sa ate ko at kay Kuya JC. Tama na ang dinanas na paghihintay ni Ate sa kanya! She waited three years for him. Wala na nga ang mama mo, umeepal ka pa! Pabayaan mo na silang sumaya!"
Nanakbo ako palabas ng mansiyon ng mga Hynarez. Saktong may dumaang taxi kaya nakasakay agad ko. Sa biyahe ay walang hinto ang pagtulo ng mga luha ko. Nang makauwi ako ay saka lang ako tumigil sa pag-iyak.
Inayos ko ang sarili ko bago ako pumasok sa loob ng mansiyon. Alas diez na ako saktong nakauwi, marami pang gising na kasambahay. Sa sala ay nakasalubong ko si Mrs. Cruz.
Tumingin siya sa likuran ko at muling tumingin sa akin. "Mag-isa ka lang?"
"Nauna na po ako."
Lumapit sa akin si Mrs. Cruz. Hindi siya nakangiti, hindi rin naman nakasimangot na gaya ng parati niyang reaksyon. "Okay ka lang?"
"Okay lang po. Pagod lang po ako kaya gusto ko nang magpahinga."
"O siya sige, magpahinga ka na. Paaakyatan kita ng gatas kay Minda sa kwarto mo." Tinapik niya ako sa balikat bago iniwan.
What's her problem? Bakit bigla yata siyang bumait sa akin?
Umakyat na ako sa second floor at nagkulong sa aking kwarto. Wala akong cell phone para i-text si Uncle Jackson kaya walang paraan na masabi ko sa kanya na nakauwi na ako. Ayoko namang gumamit ng landline para tawagan siya. Hindi ko kayang makipagusap ngayon kahit kanino—lalo na sa kanya.
Kumuha ako ng pamalit na pantulog. Isang loose silk sleeveles and shorts ang napili ko dahil tinamad na akong maghalungkat kung may natitira pa akong malinis na pajama pagkatapos ay pumasok na ako sa banyo para magshower. Paglabas ko ay muntik na akong mapatalon sa gulat nang madatnang nakahiga si Uncle Jackson sa ibabaw ng kama ko.
Anong ginagawa niya rito?!
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro