Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

"Alam mo na ba ang bagong balita?"


Nakayuko ako at nilalaro ang hawak kong ballpen. Balita? May bago ba? Ilang araw na akong balisa para intindihin ko pa ang mga nagaganap sa paligid. Wala na akong time para makibalita. Hindi lang si Calder ang gumugulo sa isip ko ngayon, kundi pati ang last conversation namin ni Uncle Jackson. It was the first time helet me see his vulnerable side.


Hindi ko makalimutan iyong sakit sa tono niya at iyong pait sa kanyang mga mata. Hindi ako mapalagay sa fact na nasaktan ko siya.


Malinaw na gusto niyang sa kanya lang iikot ang mundo ko, pero paano naman ako? Gusto ko lang naman maranasan ang nararanasan ng isang normal na teenager. Gusto ko ng freedom to enjoy my teenage life, to have a crush, and to fall in love...


Ano ba ang dapat kong gawin? Bakit pwede ko ba siyang maging crush?


Nag-init ang aking mukha ng makita ko sa isip ang nakasimangot na mukha ni Uncle Jackson. Agh! Erase! Erase! Bakit ba kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko?!


Hampas sa balikat ang natamo ko. "Hoy, nakikinig ka ba? 'Sabi ko, hindi na magsasara ang DEMU!"


Saka lang ako napabaling kay Olly. "Anong sabi mo?"


"What's happening with you ba? Bakit palagi ka na lang tulala? Saka bakit namumula iyang pisngi mo?"


"Ha? Namumula ako?" Napamulagat ako sabay hawak sa magkabila kong pisngi.


"Yup. You're blushing. Sino ba ang iniisip mo? Si King?"


"Hindi, 'no!"


"E bat ganyan ka? May sakit ka ba?"


"W-wala akong sakit..."


"Wala ka naman palang sakit e. Siguro ganyan talaga 'pag mga kutis porselana, pulahin ang pisngi. Hay, kainggit talaga 'yang skin mo."


"B-baka iyon nga ang dahilan..."


"Anyway, ito pala ang balita, hindi na magsasara ang university natin. Hindi ko alam ang nangyari pero ayun, hindi na nga magsasara. In fact, magtatayo pa nga ng isa pang building malapit sa Gate 2."


Paanong hindi na magsasara? Bakit? Anong nangyari kaya?


"Pero may bad news pa rin." Tumagilid siya paharap sa akin at dumi-quatro ng pagkakaupo saka nangalumbaba sa desk ko. "Bad news kasi na-expelled si King Latorre."


Napalunok ako. Parang alam ko na ang nangyari.


"Walang may alam ng reason, basta expelled siya. Sabagay, hindi pa rin naman siya makakapasok since nagpapagaling pa siya. Hindi niya pa rin kaya lumakad nang maayos e. Sad lang kasi naunsyami na ang lovelife mo na sana."


"Ayos lang iyon." Pagkatapos ay hindi na ako muling nagsalita pa. Hinayaan ko si Olly na titigan lang ako.


"Worried ka, 'no?" Siniko ako ni Olly pagkuwan. "Gusto mo ba siyang dalawin sa kanila? Gusto mo samahan kita?"


"No." Tumaas ang boses ko. "I mean, wala akong balak na dalawin siya. Wala akong interes kay King. Kaya please, Olly, 'wag mo na ring banggitin pa iyan dahil baka makarating pa kay Sacha."


"Gabi-gabi na dinadalaw ni Sacha si King. Baka nga nagkabalikan na iyong dalawang iyon. Harot din ni Sacha, 'no? Mag-ex na sila, may iba na nga siyang kaflirt pero babalik-balik pa kay King. 'Kainis iyong ganon, 'no?"


Nagkibit lang ako ng balikat. Wala akong pakialam sa dalawa kahit magkabalikan man sila.


"Naiintindihan na kita ngayon kung bakit pinipigilan mo ang sarili mo kay King. Ayaw mo lang ng lalaking merong sabit. Pero kung sakaling maisipan mo lang na dalawin pa rin siya para makausap, 'wag kang mag-alala, Fran, I will help you. Ako ang bahala kay Sacha."


Maigi nang isipin ni Olly na si Sacha ang dahilan kaya iiwas ako. Kahit wala naman talaga akong balak dalawin si King, ni kahit makita pa ang anino ng bastos na iyon.


"Hay, may mga babae talaga na makakati. Ang daming reserba. Kuha nang kuha ng lalaki, tapos bibitawan kapag bored na. Pero kapag alam na may pupulot nang iba sa binitawan nila, babalikan naman nila. Makati na, madamot pa."


Hindi na ako nagsalita pa. Sa totoo lang, mas naiirita ako kay Olly kaysa kay Sacha. Akala ko ba magkaibigan sila? Bakit ganito siya? I wonder kung ginaganito niya rin ako kina Sacha kapag hindi niya ako kasama.


Ang kaibigan dapat kaibigan pa rin kahit hindi mo kasama. Anuman ang inis at tampo mo rito, hindi mo pa rin ito dapat i-bad mouth sa ibang kaharap mo. Kaibigan ka ba talaga kung ganoong klase ka ng tao?


...


MAY NATIRA PA BA SA AKIN? 


Wala na si Calder. Ngayon, kahit hindi sabihin ay alam ko at ramdam na galit din sa akin si Uncle Jackson. Ang mga taong mahahalaga sa akin ay parang ayaw na akong makita. Hindi ba ako pwedeng magkamali? Hindi ba ako pwedeng makabawi?


Dinampot ko ang phone ko na nasa sahig. May gasgas na iyon dahil sa pagkakabato ko noong nakaraan.


Mamahaling cell phone pero wala namang gamit. Katulad ng mga mamahaling bagay na nakapaligid sa akin na hindi ako kayang bigyan ng tunay na kasiyahan. Para bang nasa hawla ako na gawa sa ginto. Nakakulong at walang kalayaan. 


"Ano pang silbi mo e wala na rin naman akong gamit sa 'yo?" kausap ko sa cell phone. "Kahit si Uncle Jackson ay hindi ako tinitext! Iyong isang iyon, kung makaiwas din ngayon sa akin, parang may sakit ako na nakakahawa!" Napahikbi ako.


Dati-rati naman ay nagtetext siya ng "where are you?", "checking on you", at "go home early". Ngayon wala! Galit kasi siya sa akin, e!


"So wala ka ng silbi!" Dinala ko ang phone sa may dresser ko. "Ikaw na cell phone ka, hindi naman talaga kita kailangan! Ayoko na sa 'yo! Walang silbi ang message inbox mo at call logs! Ayoko namang magFacebook at Instagram! Pinapaalala mo lang iyong mga taong kinalimutan na ako!"


Barya lang kay Uncle Jackson ang cell phone na ito. Parang suhol lang ito sa akin. Suhol na isa ring simpleng paraan para mamatyagan ang bawat kilos ko. It was like an invisible leash. Kinuha ko ang aking iron curler sa drawer sabay pukpok niyon sa screen ng phone. Lumikha ng tunog ang pagkabasag ng screen.

 

"Masira ka na sana! Hindi na kita kailangan!"


Para akong tinatakasan ng bait. Tinigilan ko ang cell phone at bumalik ako sa ibabaw ng kama habang nanggagalaiti pa rin. I was frustrated. Bakit hindi niya na lang kasi aminin sa akin na galit nga siya? Bakit hindi na lang niya ako pagalitan at parusahan kaysa ganito? Hindi niya ba alam na ang hirap makasama sa iisang bahay ang ganoong tao. Ang hirap-hirap na sa araw-araw ng buhay ko ay nangangapa ako!


"Agh!" Gigil na ibinato ko ang unan na aking nahawakan.


Dumampot pa ako ng unan at ibinato rin. Lahat pati kumot ibinato ko sa sahig. Lahat ng inis ko, ibinuhos ko sa pagbabato ng gamit. Pero hindi naman ako nagbasag, mga malalambot at safe lang iyong ibinabato ko, at pupulutin ko rin iyon at ililigpit mamaya.


"Why are you doing this to me? Why are you treating me like a lifeless doll?! Why are you torturing me with your silent and cold treatment?!" Pati bolster pillows at mga stuffed toy ay hindi ko pinaligtas. Pinagbabato ko rin ang mga iyon dahil sa frustration. "I hate you! I hate you so much!!!"


"What are you doing?"


Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at iluwa niyon ang nakasimangot na si Uncle Jackson. Huling-huli niya ako.


Napaalis agad ako sa kama pagkakita sa kanya. Nakaawang lang ang mga labi ko, at wala akong makapang salita. 


Napapalatak siya ng makita ang mga ikinalat ko sa sahig. Pulang-pula malamang ang mukha ko dahil naabutan niya akong parang tangang nagwawala.


Salubong ang mga kilay na pinagdadampot niya ang mga ibinato kong unan, kumot at stufftoys sa sahig. Ibinalik niya iyon isa-isa sa ibabaw ng kama. Nakamasid lang ako sa kanya at hindi makapaniwala na naririto siya ngayon sa harapan ko—dito sa loob ng kuwarto ko.


Nakapatong pa sa balikat niya ang hinubad niyang kulay gray na coat kaya alam ko na kakarating niya lang. V-neck shirt na kulay puti, semi fitted jeans at combat shoes ang kanyang suot. Tanging relo lang na ginto ang accessory niya sa katawan.


"B-bakit ka nandito?" Bakit ka rin nakasimangot at bakit ni hindi ka man lang kumatok, basta ka pasok? Gusto ko pa sanang idugtong kaso baka lalo siyang mabwisit.


Namulsa siya at hinarap ako. "Hindi ka raw nagdinner."


"Ha?"


"Alam mong uuwi ako ngayon, kaya hindi ka lumalabas ng kuwarto mo." Pormal na pormal ang pagkakasabi niya. Parang kabusiness meeting niya lang ako sa klase ng pagkausap niya.


Napalabi ako. Hindi ko alam na uuwi siya, anong sinasabi niya diyan? Malay ko ba sa uwi niya. At bakit naman hindi ako lalabas ng kuwarto kung uuwi siya ngayon? E sa tinatamad talaga akong lumabas. Saka naparami kasi ang kain ko ng meryenda kanina kaya busog ako para magdinner pa.


Iniisip niya ba na iniiwasan ko siya kaya hindi ako bumaba para kumain ng hapunan? Kung alam lang niya na palagi akong nakaabang kung kailan siya uuwi dahil halos hindi ko na siya makita. Siya nga diyan ang umiiwas dahil halos araw-araw, maaga siyang umaalis at tuwing gabi naman ay tila sadyang late siyang umuwi.


Matagal na magkahinang ang mga mata namin bago siya maunang magbawi ng tingin. Dumako ang mga mata niya sa ibabaw ng dresser table ko kung saan naroon ang sira kong phone.


Humakbang siya palapit doon. Hindi ko na siya naawat dahil ilang hakbang lang ng mahahaba niyang binti ay naroon na siya. Kumunot ang kanyang noo ng makitang nakaalis ang case at basag ang screen ng phone.


Dinampot niya iyon at sinuri. "Your phone is broken. So this is why you didn't know that I'm coming home early tonight."


Napanganga ako. So nagtext siya ngayon-ngayon lang? Ang tanga ko talaga! Bakit sinira ko kasi agad ang phone?


"You broke it," flat ang tono na sabi niya.


Narinig ko ang pag-tsk niya at pagpapawala ng buntong-hininga. Ibinalik niya sa ibabaw ng dresser ang phone at lumapit sa akin. "Why did you break it?"


Nakagat ko ang ibaba kong labi. Hindi ko alam ang isasagot sa tanong niya. Nahihiya ako dahil sinira ko ang cell phone na ibinili niya sa akin.


"'Cause he's not texting you anymore?" patuya ang tono ng boses niya.


Napaangat ang mukha ko sa kanya. 


"Are you disappointed that he's not coming back?"


"H-hindi naman—"


"What? You'll deny it?" Umismid ang mapula niyang mga labi. "I know what you're thinking, doll."


Nangilid ang mga luha sa mata ko dahil sa sakit na dulot ng matalim niyang tingin sa akin. Mas okay pa pala na wag na lang niya akong pansinin kaysa ganito...


"I am a monster in your eyes."


"H-hindi..."


"Kung pwede mong isisi sa akin pati pagkamatay ni Marsha, baka ginawa mo na."


Natulala ako sa pagkabanggit niya kay Mama. Ayaw niyang pinaguusapan iyon. Kailanman hindi siya nagbabanggit tungkol kay Mama, tanging ngayon lang. And he didn't even wince while mentioning her.


"I should have been nicer to you," mapaklang sabi niya. "If only I could turn back time."


Damang-damang ko ang sarcasm at bitterness sa kanyang boses. Ang sakit. Masakit pa itong pakiramdam na ito sa pang-iiwan ni Calder sa akin sa ere. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ito kasakit.


"I'm tired of being the villain in your story, Frantiska. So fucking tired."


Napahikbi ako. Bumalik sa akin ang lahat-lahat. Kahit hindi niya ako kargo, hindi niya ako kaano-ano, at isa lang ako sa nagpapaalala sa pagpilit sa kanya ng daddy niya na magpakasal sa babaeng mas matanda sa kanya, hindi niya pa rin ako tinalikuran. Sa kabila ng pagiging taong yelo niya, walang pakialam sa paligid, at sa kahit sino, hindi niya ako pinabayaan.


Anong karapatan kong magalit sa kanya?


Naglakad na siya patungo sa pinto, bago siya umalis para iwan ako ay bahagya niya pa muna akong nilingon. "Don't worry, I'll go easy on you this time."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro