Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

"YOU'RE BLEEDING."


Hindi siya makatingin sa akin. Iwas na iwas siya na magtama ang mga mata namin.


"Meron na po ako..."


Nangangapal ang mukha ko sa hiya. Minsan lang kaming magkita sa loob ng isa o dalawang taon, 'tapos nagkataon pa na ganito ang sitwasyon.


Nakita niya na ang hindi niya naman dapat makita. Pakiramdam ko, pati talampakan ko ngayon ay namumula.


"You didn't tell me." Napasentido siya. Para siyang biglang namroblema.


Napayuko ako.


"How old are you now, Fran?" Hindi pa rin siya makatingin sa akin.


"F-fifteen..."


Napayuko ako. Hindi na ako katulad noon. I'm fifteen now. Marami nang nagbago sa akin at sa katawan ko, lumalaki na ako, bakit hindi niya naisip iyon habang nasa Maynila siya?


Ano bang akala niya sa akin? Manika?


Manika na hindi lumalaki at tatanda? Iyon ba ang nasa isip niya kaya tuwing uuwi siya rito sa Davao ay napapatulala siya kapag nakikita ako? Parang hindi siya makapaniwala at hindi matanggap ang mga pagbabago na sa aki'y nagaganap.


Muli siyang napasentido. Parang problemado. Napabugasiya ng hangin at pagkuwa'y nagsalita, "Pack your things."


Napatingala ako sa kanya. "Po?"


Namulsa siya pagkatapos, habang sa sahig nakatingin. "You'll come with me to Manila."


Napamulagat ako sa sinabi niya. Isasama niya ako pabalik ng Maynila?


"I'm giving you fifteen minutes, Fran." Tumalikod siya at tinungo ang pinto.


Nang lumabas na siya ng pinto ay madali akong tumayo. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, kung mag-iimpake na ba ako o tutulala muna. Hindi kasi ako makapaniwala.


Ano ba ang nangyari kanina?


Matapos ng sunod-sunod na pagpapakawala niya ng mahinang mura ay hinila niya ang kumot at itinakip sa bandang mga hita ko.


Sa buong iyon ay hindi siya tumitingin sa mukha ko, pero nakikita ko ang pamumula niya hanggang sa kanyang leeg. Anong nararamdaman niya?


Nahihiya pa rin ako sa nangyari, pero may parte ko ang natutuwa dahil isasama niya ako sa Maynila. Wala akong kamaganak doon kaya ni sa hinagap ay hindi ko naisip na puwede akong pumunta roon.


Napangiti ako at na-excite na makarating ng Maynila. Ano ba ang meron sa Maynila? Ah, bagong buhay. Bagong mundo.


Inimpake ko ang mga importante kong gamit saka ako pumasok sa banyo para magpalit ng damit. Fitted jeans at poloshirt na kulay baby pink ang isinuot ko. Itinali ko paitaas ang hanggang balikat kong buhok saka ko sinuklay ang ilang piraso kong baby bangs. Naglagay rin ako ng pulbo at kaunting liptint.


"Saan ka pupunta?"


Pagbaba ko ng hagdan ay nakasalubong ko si Manang Nora. Sa sobrang excitement ko ay nakalimutan ko siya.


"Manang..." Nakonsensiya ako nang makita ang namamasang mga mata ni Manang Nora.


Nasa sala na si Uncle Jackson kasama ang bodyguard niyang si Tarek. Hinihintay na nila ako. Pero hindi ko magawang iwan si Manang nang ganoon na lang.


"She'll be staying with me in Manila," sabi ni Uncle Jackson at sinalubong ako. Kinuha niya ang bitbit kong LV traveling bag. "We're in hurry, Manang."


"Hija, aalis ka na..." baling niya sa akin na bagamat nakangiti ay malungkot ang mga mata.


"Biglaan po ang desisyon ni Uncle, Manang." Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil. Ramdam ko ang takot na malalayo na ako sa kanya.


Siya lang ang kasundo ko sa mansiyong ito. Siya lang ang nakakaintindi sa akin, kahit noong buhay pa si Mama.


Gumanti siya ng marahang pisil sa palad ko. "Hayaan mo, makikiusap ako sa kanya na pasunurin ako roon para makasama mo ako. Basta, magpapakabait ka muna habang wala ako, ha? At sikapin mong sundin lahat ng iuutos niya, at wag na wag kang magpapasaway sa kanya."


Maluha-luha akong tumango. "Opo!"


"Miss Fran," tawag sa akin ni Tarek.


"Ito na po." Niyakap ko muna nang mahigpit si Manang Nora saka ako patakbong sumunod palabas ng mansiyon.


Sumakay kami sa service car na maghahatid sa amin sa gitna ng hacienda ng mga Cole kung saan naroon ang helipad na kinaroroonan ng private chopper na sasakyan namin patungong Maynila.



"TAREK," tawag ko sa personal bodyguard ni Uncle Jackson.


May kausap sa cell phone si Uncle Jackson, kasama niya ang dalawang bodyguards sa mansiyon at ako naman ay nandito na sa bukas na chopper. Bahagya na akong nakakaramdam ng inip kaya naisipan kong kulitin si Tarek.


Hindi ako alam, siguro naniniwala pa rin ako na pwede namang maging friendly si Tarek kahit pa kamukha niya iyong mga napapanood na goons sa mga pelikula. Feeling ko, kapag naging komedyante siya ay talagang marami siyang mapapatawa.


"Anong itsura ng Maynila, ha?"


Kinukulit ko si Tarek. Sa TV ko lang kasi nakikita ang Maynila. Alam ko na marami pang ibang bagay roon na hindi ko pa nakikita.


Kinunutan niya lang ako ng noo. Nagtataka siguro siya kung bakit ko siya dinadaldal.


"Magkwento ka naman, o. Please? Wag ka namang gumaya sa amo mo, masyadong seryoso."


Yumuko si Tarek. "Hindi ka dapat nakikipag-usap sa akin, Miss Fran."


"At bakit naman?" Lumabi ako. Bawal ba?


Gusto ko nang baguhin ang buhay ko. Ilang taon na akong walang ibang kinakausap sa masiyon kundi si Manang Nora, ang home teachers ko, ang mga kasambahay at ang pader ng kuwarto ko. Nakakapagod na ang ganoon.


Lalong kumunot ang noo ni Tarek sa akin. Umiling-iling siya saka tumalikod.


"Nakakainis," bulong ko. Mukhang wala akong aasahang friendship kay Tarek.


Mayamaya ay may lumapit sa aking matangkad na lalaki, siguro nasa mid twenties siya. Mestizo at mukhang hindi masungit na katulad ni Tarek. "Okay lang po ba kayo, Miss Fran?"


Tipid ko siyang nginitian. "Okay lang."


Sino kaya siya? Ngayon ko lang siya nakita. Bago siguro siyang bodyguard ni Uncle Jackson. O baka naman bodyguard siya nito sa Maynila?


"Mukhang bored na bored na po kayo."


Napangiti ako sa kanya. "Medyo nga po. Anong name niyo? Bodyguard din po ba kayo ng uncle ko?"


"Isa sa mga bodyguards. I'm Calder Raegan Night, 25. Two-years in service, but first time here in Davao."


Tumango-tango ako. At least mukhang mas friendly siya kaysa sa iba. Kaedad niya si Uncle Jackson.


10 years din ang tanda niya sa akin.


"Ano bang oras tayo aalis, Kuya Calder?" tanong ko sa kanya.


Napangiti siya sa tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa suot na kulay itim na military wristwatch. "In twenty minutes, Miss Fran."


"Excited na akong makarating ng Maynila."


"First time mo?"


Tumango ako.


"Okay ron. Maraming guwapo."


Napanguso ako. Sa TV lang ako madalas makakita ng mga lalaking guwapo at hindi naman ako mahilig sa ganoon. Saka wala rin naman akong nakikitang guwapo rito sa mansiyon— maliban na lang pag nadadalaw si Uncle Jackson.


Napatitig ako sa mukha ni Kuya Calder. Siya, siya pa lang ang pangalawang guwapo na nakita ko in person sa buong buhay ko.


Ang mga ngiti niya ay lumambing. Talagang palangiti siya. Ang makakita ng taong ngumingiti sa harapan ko ay nakakapanibago at nakakamangha.


"Pero sa klase ng uncle mo, baka kahit lalaking lamok, hindi makadapo sa 'yo."


Napahagikhik ako sa biro niya. Magaan na agad ang loob ko sa kanya.


Natigil kami sa pagkukuwentuhan ng makitang palapit na sa amin si Uncle Jackson na kasunod si Tarek. Pang Byernes santo ang mga mukha nila, wala talagang kangiti-ngiti. At sa isang iglap, poker face na ulit si Kuya Calder.


Mukhang isa sa requirements ni Uncle Jackson sa mga bodyguards niya ay ang bawal ang masaya.


Sumakay na sa helicopter si Uncle Jackson, sa tabi ko siya sa kanan naupo. Si Tarek naman ay sa tabi ng driver sa harapan naupo. Si Kuya Calder naman ay sa kaliwa ko. Hindi na ito umiimik, seryoso mode na rin. Ang ku-cute nila.


Hindi ko mapigil ang pagngiti ko. At mukhang hindi iyon nagustuhan ni Uncle Jackson, nilingon niya ako habang nakataas ang isa niyang kilay.


"What are you smiling at?"


"Ha?"


"You're smiling." Halos hindi naghiwalay ang mga labi niya.


"Ah, may naalala lang ako..."


"What is it?"


Kailangan ko bang sabihin kung ano man iyon?


"Naalala ko lang po iyong napanood kong movie, nakakatawa po kasi."


Nagdahilan na lang ako. Hindi na siya nag-usisa dahil madali naman siyang kausap.


Ito ang bagay na hindi aware si Manang Nora. Ang akala ng matandang babae ay palaging walang pakialam sa akin si Uncle Jackson, pero ako ay nakikita ko na napaka-big deal sa lalaki ang mga bagay na bago niyang napapansin sa akin.


Deep inside ay natatakot siguro si Uncle Jackson na baka may mali sa paglaki ko. I couldn't blame him though. Biglaan ang pagkakaroon niya ng responsibilidad. Naging instant guardian siya nang walang kalaban-laban.


Ilang sandali pa ay umaandar na ang chopper.


First time kong sumakay sa chopper kaya hindi ko mapigil ang sarili ko na wag malula. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa takot nang umangat na kami. Kabadong-kabado ako na baka bumagsak kami.


Nang lingunin ko ang mga katabi ko ay pareho silang kalmado. Mabuti pa sila, cool lang. Si Kuya Calder, nakapikit. Si Uncle Jackson naman ay seryoso lang habang tuwid ang tingin. Samantalang ako, pati lamang loob ko ay nanginginig na sa takot.


Naramdaman ko ang mainit na palad na humawak sa kamay ko. Gulat akong napatingin kay Uncle Jackson. Hindi siya nakatingin sa akin pero tila ako pinapakalma nang marahan niyang pagpisil niya sa kamay ko.


Siguro dahil sa takot ko ay nakatulog na ako sa biyahe. Naging kumportable ako sa sinasandalan ko.


"We're here, Fran."


Mabango at mainit na hininga ang gumising sa diwa ko. Para akong kinikiliti ng baritonong boses na bumubulong sa akin, at ng mainit na palad na humihimas sa kaliwang braso ko.


Agad akong napadilat. Ang bumungad sa akin ay ang perpektong mukha ni Uncle Jackson, wala siyang kangiti-ngiti pero hindi siya nakasimangot. Kaswal lang.


"We're here."


"Po?" Napahiwalay ako sa kanya nang marealize ko na halos magkayakap na kami. Ginawa ko yata siyang unan at tandayan sa buong biyahe namin sa ere. Mabuti at hindi niya ako ihinulog.


Nauna ng bumaba sina Kuya Calder at Tarek. Nasa isang helipad kami sa tuktok ng isang building. At nasa Maynila na nga kami.


Inalalayan ako ni Uncle Jackson na makababa ng chopper. Agad akong sinalubong ng malamig na hanging panggabi. Binasa ko ng laway ang aking nanunuyong mga labi. Mas nilamig ako. Pero wala na akong nararamdamang takot dahil nakababa na kami. Pero ang kaba ko, hindi pa rin nawawala.


Pero ang kaba na ito, hindi ko na mawari kung para saan.


"You're cold."


Napatingala ako sa kanya. Nasa tabi ko siya, at magkahawak pa pala ang mga kamay naming dalawa.


Siguro kaya niya nalamang nilalamig ako dahil sa hawak niya ang kamay ko. Aagawin ko sana ang kamay ko pero hindi niya iyon binitawan. Sa halip ay lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.


"Let's go, Fran." Para akong manika na hila-hila niya.


Sumunod kami sa mga lalaking nakakulay itim na tux. Lahat sila ay may dala-dalang baril.


Kung maraming bodyguards si Uncle Jackson sa Davao, ay mas marami pala rito sa Maynila. Siguro dahil Vice President ng bansa ang daddy niya. At dahil sa napakarami nilang negosyo.


Hanggang sa elevator ay hindi niya binibitawan ang kamay ko. Naiilang na ako dahil ngayon lang naman nangyari ito, pero nahihiya naman ako na sitahin siya.


Nagpapawis na ang kamay ko. Kailan niya ba kasi ako bibitawan?


"You have to change."


"Ha?" Napatingala ako sa kanya. Hindi talaga pwedeng hindi ko siya tingalain kasi ni hindi man lang ako umabot sa balikat niya.


"'Said you have to change." Pinindot niya ang button ng elevator to 27th floor. Nang bumukas iyon doon ay hinila niya na ako palabas.


"S-sandali." Kandatalisod ako dahil higit na mas malalaki ang nagagawang hakbang ng mahahaba niyang binti kumpara sa akin.


Huminto lang kami sa tapat ng isang pinto na may sign ng ladies' room. Napanganga ako ng maunawaan ko ang sinasabi niya.


"You've got stains on your jeans," malamig na sabi niya.


Sinilip ko ang puwitan ko, at dahil light ang kulay ng suot kong jeans ay kitang-kita ang kulay maroon na mansta na hugis mapa ron. Napangiwi ako sa hiya.


Agad ang ahon ng init sa mukha ko. "H-hindi ko alam."


"I'll wait for you here."


Pumasok na ako agad ng banyo. Ilang minuto lang kami sa ere, bakit tinagusan agad ako?


May sanitary napkins sa loob ng banyo ang kaso ay wala naman akong pera para ihulog sa machine. Paano 'to?


Gusto ko na lang kalbuhin sa sabunot ang sarili ko dahil sa inis. Bakit ba hindi ko naisip ang mga ganitong posibilidad? Sabagay, paano naman ako magkakapera gayong hindi naman ako nalabas ng mansiyon? Home school ako from the start, kaya saan ko gagamitin ang pera?


Dalawang katok mula sa labas ang nagpapitlag sa akin.


Napabuntong-hininga ako matapos kong pag-isipan nang mabilis ang aking susunod na hakbang. Wala naman kasi talaga akong choice kundi gawin ang nag-iisang paraan para makapagpalit ako ng napkin.


Salubong ang makakapal niyang kilay nang buksan ko ang pinto.


"Pwede bang humingi ng pera?"


Lalong nagsalubong ang mga kilay niya.


"Iyong vendo kasi, kailangan ng pera..." Nakagat ko ang ibaba kong labi sa hiya.


Saglit siyang napatitig sa mukha ko bago hindi makapaniwalang napailing. "I don't have cash here."


"Hindi ako makakakuha ng pamalit kung ganon..."


"Geez." Napasabunot siya sa kanyang buhok.


"Sorry..." Ngayon ko lang siya nakitang nafrustrate nang ganito. Kasalanan ko.


"How much do you need?" mayamaya ay tanong niya.


"Five pesos..."


"Wait here." Tinalikuran niya ako.


Sinilip ko siya at nakita kong pinuntahan niya sina Tarek. Kinuha niya ang traveling bag ko at saka siya humingi ng pera. Kitang-kita ko ang awkwardness sa pag-abot nito sa kanya ng limang piso. Agad siyang nanakbo pabalik sa akin pagkatapos.


"Here." Abot niya sa akin ng barya.


"Thank you." Kinuha ko rin ang traveling bag ko dahil nandito ang mga damit ko.


Hindi ko maiwasang di mapangiti nang mapansin ang pawis sa gilid ng noo niya. Sa kauna-unahang pagkakataon, mukhang natensyon ko ang yelong si Jackson Cole.


"Why are you smiling again?" sita niya sa akin. Pati dulo ng matangos niyang ilong at may pawis na rin.


Umiling ako. "Masaya lang."


Nagpalit na agad ako sa loob ng banyo. Paglabas ko ay naroon pa rin siya at naghihintay. Wala sa loob na kumapit ako sa braso niya, narealize ko lang iyon ng maramdaman kong bahagya siyang napapiksi. Pero hindi naman siya nag-react kaya pinangatawanan ko na lang kahit akward.


Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit bigla na lang akong palagay sa pagdikit sa kanya. Siguro dahil ang tagal ng holding-hands namin kanina.


Sa parking lot ng building ay may isang kulay itim na kotseng naghihintay sa amin. Nagulat ako ng sa passenger's seat niya ako paupuin at siya naman sa driver's seat. Ang mga bodguards niya ay may ibang kotseng sinakyan, pero nakasunod lahat sa amin.


"I know what you're thinking," sabi niya habang ini-start ang kotse.


Nilingon ko siya.


"You're scared?" Nakita kong tumaas ang gilid ng bibig niya.


Hindi naman ako natatakot, nagtataka lang ako.


"This car is bulletproof."


"Ah..."


Nang ma-start ang kotse ay pinasibad niya na iyon. Sa buong biyahe ay nakatingin lang ako sa kung paano niya swabeng imaneho ang manibela, tapakan ang dapat tapakan, at kung paano niya masdan sa ang kalsada at ang mga motorista sa harap at sa tabi namin.


Imbes na tanawin ang pagkaabalahan ko ng panahon ay sa kanya nakatutok ang buo kong atensyon. Ngayon ko lang siya nakita sa driver's seat. And I must admit, he was good.


Napaka-easy niya lang gumalaw. Kumbaga, cool lang siya. Ultimo pagtingin sa rearview mirror, pagtapik-tapik ng daliri niya sa manibela, at pagtapak niya sa break kapag naka-red light ang sign ay parang natural lang. Smooth. Hindi siya kaskasero, saktong-sakto.


"Staring is rude, young lady."


Napaurong ako. Ang tanga ko, imposible namang hindi niya mapansin na kanina ko pa siya minamatyagan. "S-sorry..."


Hindi na siya nagsalita pa. Lalo tuloy akong nanliit sa pwesto ko.


"Uhm, saan k-ka pala nakatira dito?" tanong ko para lang mabago ang atmosphere.


"I have a mansion in QC, doon tayo pupunta."


Ang yaman niya talaga. Ang dami-dami niyang mansiyon sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Sino-sino kaya ang nakatira sa mga mansiyon niya? Babae kaya? Natigilan ako. Bakit nga ba hindi ko iyon naisip?


Imposibleng wala siyang naging girlfriend matapos mamatay si Mama. Kahit naman masungit siya ay guwapo at napakayaman niya, imposibleng walang ibang babae sa buhay niya. Bata pa naman siya, he's only twenty-five.


Saka hindi naman talaga sila nagsama ni Mama. Sa papel lang ang kasal nila. At ngayong totally single na siya, mas malaya na siyang makipagrelasyon sa iba.


Kung mag-aasawa siya ulit, paano ako? Gugustuhin ba ng bago niyang mapapangasawa na nasa poder nila ako?


Nilingon ko siya ulit. "Uncle..."


"Yes?" Sa daan nakatutok ang paningin niya.


"M-meron bang..." Paano ko ba siya tatanungin? "Meron ka na po bang girlfriend?" Nilakasan ko na ang loob ko. Dito nakasalalay ang kababagsakan ko.


"What made you think that?"


Napalunok ako. "Hindi naman masama, at hindi imposible. Saka natural lang naman na magkaroon ng ibang babae sa buhay mo at-"


"'Have none."


"Ha?" Nang muli ko siyang lingunin ay nakatingin na rin pala siya sa akin. Posible ba talagang kasing wala?


"You don't belive, do you?" Kinabig niya ang manibela papasok sa isang private subdivision. Agad na sumaludo sa kanya ang mga guwardiya sa gate.


Napayuko na lang ako. Posible ba talagang wala?


Siguro nga posible na wala. Knowing him, sobrang busy niya sa negosyo. Baka nga talaga wala siyang panahon na-


"There's only you, Fran."


Gulat akong napalingon sa kanya. Sa kalsada na siya muling nakatingin. "A-ano po?"


Hindi na siya muling nagsalita hanggang sa makarating kami sa isang magarang mansiyon sa loob ng subdivision. Bumaha ang paghanga sa dibdib ko dahil higit na mas moderno at mas maaliwalas ang mansiyon na ito kaysa sa lumang mansiyon sa Davao.


Bumaba kami ng kotse at agad na sinalubong ng mga kasambahay. Pasunod na ako sa pinto ng bahay ng tawagin ako ni Uncle Jackson. Nagtatakang nilingon ko siya.


Nakapamulsa siya sa suot na denim habang seryosong nakatingin sa akin. "What I said earlier..."


Napalunok ako.


"It's true," napakakaswal na sabi niya saka lumapit sa akin para guluhin ang buhok ko.


Nakaawang lang ang aking mga labi habang nakatingala ako sa kanya.


Pinisil niya ang baba ko. "You are the only one, doll."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro