Chapter 15
NAHIGA NA AKO sa aking kama paglabas ng bathroom. Hindi na talaga ako naghapunan. Ayos lang sa akin ang parusang ito. Hindi naman ako na-grounded. Kung tutuusin, magaan pa nga ito bilang pandidisiplina. Kulang pa ang hindi pagkain sa aking nagawa. Mas kawawa ako kung napahamak ako.
Hindi ako makatulog dahil sa pagtunog ng aking tiyan sa gutom. Napabangon ako ng may kumatok sa sliding door sa terrace ng kuwarto ko. Isang lalaking nakakulay itim na hood ang nasa labas.
"Sino 'yan?" Kabado akong tumayo dahil hindi nakalock ang sliding door.
Sumenyas ang lalaking nakaitim na hood. Binuksan nito ang sliding door. "Shhh... It's me."
Kinabahan ako pero hindi naman ako natakot. Siguro dahil alam kong mahigpit ang security dito sa mansiyon, o dahil siguro deep inside me ay alam kong siya lang ang pupunta sa akin dito sa ganitong paraan.
Isinara niya muli ang sliding door at tinakpan ng kurtina. "Mabuti gising ka pa."
"Ano bang pumasok sa isip mo at nagpunta ka rito? Baka may makakita sa 'yo—"
"Walang makakaalam, basta wag ka lang maingay." Ngumiti siya. "Mabuti di ka sumigaw."
"Ano iyan?" Nanlaki ang mga mata ko sa hawak niyang tupperware. Noon ko lang napansin ng magkaharap na kami.
"I brought you food."
Inilapag niya iyon sa ibabaw ng kama. Dalawang tupperware na magkapatong ang dala niya. Agad akong naglaway ng makita ang pagkain. Sa unang tupperware ay kanin ang laman, ang pangalawa naman ay pininyahang manok.
"Sinong nagluto?"
"Yours truly." May hinugot siya sa back pocket ng kanyang maong pants—bote ng mineral water. "Panulak."
"P-pero..." Alumpihit ako. Nakakatakam ang pagkain, kaya lang ay gusto ko ring parusahan ang aking sarili. May nagawa akong mali, gusto ko na makabawi.
"Kung ang iniisip mo ay ang uncle mong ipinaglihi sa sama ng loob, 'wag mo siya munang alalahanin. Bata ka pa, nag-aaral ka, kapag natulog ka nang gutom, mabobobo ka."
"G-ganoon ba iyon?"
"Oo, kaya kain na. Saka mo na parusahan ang sarili mo, saka sa ibang paraan na lang." Siya na ang nagbigay sa akin ng kutsara at tinidor. "Bumawi ka na lang. 'Wag mo nang uulitin iyong ginawa mo."
"Bakit mo ito ginagawa?" tanong ko pagkuwan.
Ngiti lang ang sagot niya sa akin.
Sa kapipilit ni Kuya Calder, at sa katutunog ng aking tiyan ay tinikman ko na ang pagkain. Ang sabi niya, wala raw ibang kakain niyon. Mas makonsensiya raw ako kung masasayang lang. Ayun, namalayan ko na lang na naubos ko na ang kalahati. Talagang ginutom ako dahil sa mga nangyari ngayong gabi.
"Magpahinga ka na." Tumayo siya at pumunta sa sliding doors. Ichineck niya muna ang labas bago niya iyon marahang binuksan. "And please lock your doors, milady."
"Nakalimutan ko lang kanina."
"Wag mo nang kakalimutan ulit."
"Opo."
"Good. Sa akin lang dapat palaging bukas ang pinto mo." Pagkasabi'y lumabas na siya.
...
Wala si Uncle Jackson kinabukasan. Maaga raw na pumunta sa munisipyo. Pagbaba ko sa dining room ay bumabaha ng pagkain. Breakfast lang pero maraming putahe ng ulam ang nakahain. Marami ring prutas, desserts at inumin.
Lumabas mula sa pinto ng kusina si Ate Minda. May bitbit siyang bandehado ng umuusok na kanin. "Kain na, Ganda."
"Bakit ang dami naman ng pagkain, Ate Minda?"
"Ewan ko nga, e. Daig pa ang fiesta." Inilapag niya sa mesa ang kanin. "Aba wala pang alas dos ng madaling araw ay kinalampag na kami ng nakasimangot na si Mrs. Cruz sa servant's quarter. Utos daw ng boss na magluto ng sangkatutak ngayon."
Utos ni Uncle Jackson?
Ngumisi siya. "Gutom ka raw kasi sabi ng pogi mong uncle!"
Napatingin ako muli sa hapag kainan. Pinahanda niya ang lahat ng ito para sa akin? Bakit?
Nakonsensiya ba siya dahil hindi niya ako pinakain kagabi?
"Hoy, kumain ka na. Pinag,rereport kami kung kakain ka ngayon." Ipinaghila niya ako ng upuan. "May baon ka pa, pabaunan ka raw ng food. Ayaw ng tiyuhin mo na mangayayat ka."
Kahit aandap-andap ang loob ay kumain na rin ako. Masarap lahat ng nakahain kaya nakarami ako. Busog na busog ako nang tumayo. Napakarami pang tira sa mesa nang umalis ako sa dining room. Dumeretso na ako sa garahe at agad na napangiti nang makitang nag-aabang na sa akin doon si Kuya Calder. As usual, naka all-white attire na naman siya. White pants, white polo and white shoes.
"Akala ko hindi na naman ikaw ang driver ko."
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. "Natakot ka ba na hindi mo ako makikita today?"
Lumabi ako. "Secret."
Sumakay na kami sa sasakyan. "Wear your seatbelt, milady," utos niya sa akin nang i-start na ang engine.
"Wag mo na nga akong tawaging ganyan."
"What? My lady? Ano bang gusto mo?"
"Ewan ko sa 'yo."
"Ah, okay. Ayaw mo ng lady? I understand. Bata ka pa naman kasi. Okay na ba kung my baby na lang?"
"Baby na suntok gusto mo?"
Tumawa lang siya. Alam ko naman na nagbibiro lang siya, kasi maligalig talaga siya at isip-bata. Ang kaso, may mga pagkakataon na hindi ko maiwasang hindi siya seryosohin. Hindi na para ikaila ko pa sa sarili ang totoo... na crush ko ang lalaking ito. Pero aware naman kami pareho sa agwat namin sa isa't isa. At hindi ko rin nakakalimutan na ang bata ko pa.
...
"HOY, GALIT KA BA?"
Sa university ay pilit kong iniiwasan si Olly. Ni hindi ako sumabay sa kanya pagpasok sa first subject namin. Hindi ko rin siya pinapansin kahit na anong papansin niya sa akin. Nakasunod siya pero hindi ko siya nililingon.
"Pwede ba kung galit ka, sabihin mo."
Pagkarating sa first subject namin ay naupo na agad ako sa upuan ko saka nagbuklat ng libro.
"Bumalik si King kagabi, ang sabi niya hinatid ka na raw niya. Okay ka naman daw. So bakit ka nga galit?"
Sinungaling na King!
"King is a perfect guy, hindi ko maintindihan bat nagkakaganyan ka samantalang ang swerte mo nga kagabi dahil nasa 'yo ang whole attention niya. Biruin mo, inihatid ka pa niya sa inyo. He must be really interested in you, Fran."
Hindi ako kumibo. Masyado na siyang bulag sa King na iyon. Wala akong balak ikwento pa sa kanya ang tunay na nangyari. Dalawa lang naman iyan, either hindi siya maniniwala or iisipin niya na maarte ako.
For Olly, King is perfect. O siguro kahit sa ibang babaeng estudyante rito sa Don Eusebio Mariano University ay humahanga o kung di man ay nahuhumaling din kay King. Nasisilaw sila itsura, antas sa buhay ay sa coolness ng lalaking iyon kaya hindi nila nakikita ang totoo— na walang respeto si King sa mga babae at masyado itong arogante.
Pumikit ako nang mariin. Ayoko lang ng gulo at eskandalo kaya ayokong magsalita tungkol sa nangyari sa amin ni King kagabi, pero hindi ibig sabihin non na kinalimutan ko na ang kabastusan na ginawa ng lalaking iyon sa akin. Hanggang ngayon ay nandidiri at kinakabahan pa rin ako pag naaalala ko ang mga halik at hawak niya sa aking katawan. Sana lang talaga ay hindi na magsanga ang landas naming dalawa. Kahit pa imposibleng mangyari iyon dahil nasa iisang unibersidad lang kami.
"Fran, ano? Nagkamabutihan ba kayong dalawa? Ano? Dinigahan ka ba? Anong ikinakagalit mo diyan? Binigyan na nga kita ng possible soon-to-be-boyfriend e 'tapos ganyan ka pa!"
"Olly, please wag muna tayong magusap. This is not just about King, okay? I want to focus on studies." Totoo naman iyon, hindi lang sa ayaw kong maging harsh at i-offend siya.
"Ang lalim mo agad, ah?"
"Please, Olly?"
"Fine!" Tumayo siya at lumipat ng ibang upuan. Buong araw na hindi na kami nagpansinan.
Kahit during vacant ay mag-isa lang ako. Hindi na ako lumabas ng room dahil may baon naman ako. Samantalang si Olly ay sumama kina Sacha Hynarez sa canteen.
"War kayo?" nakatawang tanong ni Sacha pagkabalik nila. Si Olly naman ay sa malayong upuan naupo kasama sila Hyra at Jaeda.
Napaangat ang paningin ko kay Sacha nang tabihan niya ako. Umaalingasaw ang mamahalin niyang pabango. "Can I sit here, Fran?"
"S-sure." Hindi ko naman siya mapaalis dahil karapatan naman niyang maupo sa kahit saan niya gustong maupo.
"I heard nililigawan ka ni King? How true?" mayamaya ay tanong niya. Naka-dequatro siya habang nakapatong ang dalawang makikinis na braso sa desk.
"Hindi ako nagpapaligaw," tipid kong sagot.
"Really, huh?" Ngumisi siya. "Anynway, birthday ng big sis ko next month. She's from the States at magkakaron ng party sa house. I'm inviting you, Fran. Baka gusto mong pumunta?"
"Hindi siguro. Hindi ako papayagan." Wala rin akong balak. Ang una at huling party na in-attend-an ko ay nagbigay sa akin ng trauma. Ayaw ko nang magtiwala.
"Boring." Sa sumunod na mga minuto ay busy na siya sa pagtitipa sa kanyang iPhone. Hanggang matapos ang klase na kaklase ko si Sacha ay hindi niya na ako muli pang kinausap. Pero ramdam ko, hindi niya ako gusto. At wala namang kaso iyon sa akin.
Sa uwian ay akala ko'y tatantanan na ako ni Olly. Nagulat ako nang sumunod siya sa akin kaysa sumama kina Sacha. "Fran, wait!"
"Olly, nandiyan na ang sundo ko."
"Fran, hindi ako sanay na ganyan ka sa akin. Please naman o? I thought we're best friends?"
"Magkaiba ang friends sa best friends."
Lumabi siya. "Galit ka talaga sa akin."
"Hindi ako galit. Nagtatampo, oo. Hayaan mo na lang ako. Mawawala rin naman ito e. Magkaibigan pa rin naman tayo."
"Tell me bakit ka nagtatampo."
Bumuntong hininga ako. "Call me selfish, pero ang pag-iwan mo sa akin sa ere kagabi after mong mangako na uuwi rin tayo agad ang dahilan kaya nagtatampo ako. Pero wag kang mag-alala, lilipas din ito, Olly. Pero I'm sorry kung magla-lielow na muna ako sa pagiging magkaibigan natin. I hope you understand na gusto ko mas magfocus sa studies ngayon."
"Parang iyon lang, Fran. Saka wag mo na ngang gamiting dahilan ang studies sa paglayo mo sa akin. Hindi naman sagabal ang pakikipagkaibigan sa pag-aaral." Umirap siya at tumalikod na. "Ikaw na ang inaamo, ikaw pa ang pabebe diyan."
Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Olly, at aaminin ko, nakakagulat.
Nakayuko na nagsimula na akong maglakad palabas ng gate ng university. Nahinto lang ako nang may humarang na pumpon ng mga bulaklak sa harapan ko. Gulat akong napatingala sa may hawak nito.
Nakangiting mukha ni Kuya Calder ang aking nakita. "Roses for my baby."
Ang pagkakasimangot ko kanina ay nauwi sa ngiti hanggang sa maging mahinang halakhak. "Anong arte ito?!"
"Tanggapin mo na lang, nangangalay na ako e."
Kinuha ko ang bouquet of roses mula kay Kuya Calder na may iba't ibang kulay. Magkahalo ang pink, red, at white. "Para saan ba ito?"
"For you. Just to lighten up your mood. Even if you don't say it, I know you're still thinking about last night."
Napangiti ako. Na-appreciate ko iyon. Marahang sinamyo ko ang mabangong bulaklak.
Sa sasakyan ay hindi niya muna ini-start ang makina. Pagkakabit niya sa akin ng seatbelt ay hinarap niya ako. "How's your day?"
Nagkibit ako ng balikat. "Same old."
"Wala bang nangyari?"
Nangyari?
"You know what I mean." Bigla siyang pumormal.
"W-wala." Dahil hindi nagkrus ang landas namin ni King. At wala na akong balak makita pa ang bastos na lalaking iyon.
Kahit hindi ko ikinuwento ang buong detalye kay Kuya Calder noong gabi na binastos ako ni King ay alam kong kuha niya na ang nangyari. Hindi lang siya nagsasalita at nangungulit pero alam kong alam niya na. At alam ko ring nag-aaala siya.
"Gusto mo ba mag-fishball?"
Napalingon ako sa kanya. "Ngayon?"
"Yup. My treat."
"Wow. Galante ka ngayon, ah," biro ko.
"Syempre, nagpapalakas ako sa 'yo."
"Nagpapalakas?" Natigilan ako dahil sa lagkit ng tingin niya sa akin. Pinilit kong tumawa at pabiro siyang inirapan. "Sorry ka na lang kasi busog ako."
"Okay." Bigla siyang tumamlay. "Ge, uwi na tayo."
Hindi na siya ulit nagsalita kaya naman nakonsensiya agad ako. Hay, naku. Ang bilis ko lang talagang talaban sa pag-iinarte ng lalaking 'to.
Kinalabit ko siya sa braso. "Uy!"
Ini-start niya na ang kotse.
"Galit ka ba?"
Wala siyang sagot. Nakatulis ang nguso niya habang nagmamaneho. Parang teen ager na nagmamaktol.
"Wag ka na magalit. Busog lang kasi talaga ako e..." Nakapagmerienda na kasi ako sa room ng last subject ko kanina. May pinabaon kasi sa aking desserts si Ate Minda, pwera pa sa lunch ko.
"Oo nga, marami kasing pinaluto step-dad mo para sa 'yo. Pinabaunan ka pa."
"Pero mas masarap pa rin iyong luto mo sa akin kagabi."
Inirapan niya ako sa rearview mirror ng kotse. "Wag mo na akong bolahin, ineng."
"Hindi bola iyon."
"Asus. Ang sabihin mo, pinakain ka lang, napatawad mo na agad sa panggugutom sa 'yo. At wag mong sabihing di ka nasarapan sa pinahanda niya sa 'yo dahil nakasilip ako sa bintana ng dining room kaninang umaga habang nakain ka. Ligayang-ligaya ka habang nakain ka."
Natawa ako sa pag-iinarte niya. "Uy, hindi ah!"
"Mga babae talaga, huli na, magsisinungaling pa."
Hindi ko na siya pinansin bagaman nangingiti ang aking mga labi. Inabala ko na lang ang sarili ko sa panonood sa mga sasakyang nakakasabay namin sa kalsada.
"Siya nga pala, Fran."
"Oh?" Hindi ko siya nilingon.
"You're lovelier than the roses I gave you." Tumikhim siya. "I don't mean anything. 'Just honest compliments."
Tiningnan ko siya. Pasipol-sipol na siya habang nagda-drive. At ewan ko kung bakit parang... kinikilig ako?
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro