Chapter 40
UMIIYAK na bumangon siya sa kaniyang pagkakahiga. Walang tigil ang pagpatak nito sa kaniyang mga mata.
"Nyebe, bakit ka umiiyak?" tanong ni Slate sa kanan niyang gilid.
Napalingon din siya sa kaliwa nang hawakan ni Primo ang kamay niya. May nakapaskil itong pag-aalala sa kaniya.
"Nasaan si E-echo? I need to see him."
"Mamaya na, you're not okay."
"No, Primo. I need to see him." Mas lalo siya napaiyak habang sinasabi ito sa dalawang binata. Niyakap naman siya ni Primo nang mahigpit.
"Okay, Ipapatawag ko siya."
"S-salamat."
Kumuha ng tubig si Slate sa gilid ng side table at pinainom ito sa kaniya habang marahan na hinahaplos ni Primo ang kaniyang likuran.
Hindi rin nagtagal ay may kumatok sa pinto ng silid.
"Come in!" sigaw ni Slate.
Bumukas ang pinto at niluwa nito si Echo. Nabitawan niya ang hawak na baso at bumagsak ito sa kama kung saan siya nakahiga.
Madaling kumalat ang tubig sa ibabaw ng kama ngunit biglang namuo ang tubig at unti-unti bumalik sa loob ng baso na hawak na ni Slate ngayon.
"What—" they both said in unison ni Slate ngunit sa magkaibang dahilan.
Dahil ang dahilan niya ay nasa harapan ng pinto kung saan parehas silang gulat na gulat sa nalaman.
"Echo is my mate," pabulong niyang anunsyo sa dalawang binata nasa tabi niya.
Mabilis na lumingon sina Primo at Slate kay Echo.
"He already found his mate," saad ni Primo. Hindi pa rin ito makapaniwala.
Unti-unti lumapit si Echo sa kanilang tatlo. Naguguluhan ito. "What is happening? My mate was g-gone."
Hinawakan niya ang kamay nina Slate at Primo bago siya bumangon sa pagkakahiga at nilapitan si Echo. Humawak siya sa nanlalamig nitong kamay.
"Eish talked to me in my dream. I mean, the Moon Goddess but kamukha niya si Eish." Kahit siya ay naguguluhan pero sinabi niya pa rin kung ano ang napanaginipan niya.
"Ever since na bata pa tayo ay nakalaan na tayo sa isa't isa. Simula nang pahirin mo ang luha ko hanggang sinabi mo na mahal mo ako. You are already mine and I am yours, Echo."
"But Eish—"
"I know kahit ako naguguluhan." Bumagsak ang balikat niya at tumingin sa kamay nila ni Echo na magkahawak.
"W-wait! What the fuck is happening?" Primo asked. Napansin niya nasa tabi na niya sina Primo at Slate.
Marahas na kinuha ni Slate ang kamay niya nakahawak kay Echo. Medyo nabigla siya sa ginawa nito dahil nang malaman nila na mate niya rin si Primo ay inintindi at tinanggap naman ito ni Slate.
"This must be wrong," saad pa ni Slate sa kanila. She heard Echo hissed sa naging komento ni Slate.
"She's also my mate!"
Umabante si Slate at inilagay siya sa likuran nito para itago kay Echo.
"No! Your mate is dead!" Dinuro pa ito ni Slate na kinabigla niya.
"Slate!" inis niyang sigaw dito. Bumitaw siya sa pagkakahawak dito at nilapitan ulit si Echo.
"Nyebe, come back here!"
"Ayoko! Echo is my mate, too!" Pinanlisikan niya ito ng mata pagkatapos ay bumaling siya kay Primo para ipahiwatig na she won't back down.
Primo sighed.
"We can talk about this later but for now, I need you both to calm down. Yes, I am talking to you Nyebe and Slate."
"Fine!" Ang kamay niya nakahawak pa rin kay Echo ay mas hinigpitan niya ang kapit pagkatapos ay hinila ito palabas ng silid.
INIS na bumaling si Slate kay Primo nang makalabas sina Nyebe at Echo ng silid.
"What the fuck is wrong with you?!"
Hindi sumagot si Primo bagkus ay tumalikod ito at kinuha ang hawak na baso ni Nyebe kanina at hinagis ito sa sahig.
Kalmado naman na tumayo lang si Slate sa gilid habang pinapanuod si Primo na magwala.
"Calm down my ass," Slate murmured to himself.
"I need to run," saad ni Primo nang tumigil ito sa pagbabasag lahat ng makita nito sa loob ng silid.
"I think we should call that witch again."
"Do whatever you want. I'll be back later," saad ni Primo bago ito lumabas ng silid at iniwan si Slate sa loob.
Ginulo ni Slate ang buhok nito at kinuha ang vase nakita nito sa gilid at hinagis sa nakasaradong pinto.
PUMASOK sa isang empty room silang dalawa ni Echo. Hindi bumibitaw ang kamay niya sa pagkakahawak dito.
"This feels nice," ani Echo habang nakatingin sa kanilang kamay na magkahawak sa isa't isa.
She smiled. "Yeah, it's nice."
"You do know I love you, right?" Tumango siya rito. Shempre alam niya.
"And alam mo rin na mahalaga si Eish sa'kin."
Tumango ulit siya. "Alam ko at alam ko rin nasasaktan ka sa pagkawala niya." Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay nito.
Parehas silang dalawa nakaupo sa ibabaw ng kama habang magkahawak ang kamay.
Pinatong niya ang ulo sa balikat ni Echo habang pinaglalaruan ang kanilang kamay na dalawa.
Hindi niya akalain na hindi lang dalawa ang magiging soulmate niya kundi tatlo and she wasn't guilty. She loved every thing about it.
At sana ay matanggap din ito ng dalawa.
THEY gathered sa isang empty room kung saan may malawak na espasyo at mini living room.
Tahimik lang silang apat nakaupo sa magkabilaan na couches.
Katabi niya sa kaliwang couch si Echo habang nasa kanan na couch naman sina Primo at Slate ngunit parehas ang dalawa nasa magkabilaan dulo ng upuan na para bang umiiwas ang dalawa sa nakakahawang sakit.
Nabaling ang paningin nila nang bumukas ang malaking pinto at niluwa nito sina Preston at Hell na may kasamang isang matandang babae.
Ito ang witch nakausap niya nang malaman niya na dalawa ang mates niya pala then, dahil ngayon sa tingin niya ay tatlo na ito.
Tumayo silang apat nang magbigay ito ng galang lalong lalo na kay Slate.
"Good evening," the witch greeted.
"This is Lilith of Greenville. I guess, aware naman kayo na siya 'yong nakausap niyo last time nag heat si Nyebe."
Namula siya sa sinabi ng kaniyang pinsan. Lahat nasa silid ay biglang napatingin sa kaniya.
"Could you please explain to us what is happening?" pag-iiba niya sa topic. Bumalik naman ang paningin ng mga ito sa witch sa kanilang harapan.
Lumapit si Lilith sa gitna kung saan silang apat nakatayo. Isa-isa sila nito pinatitigan habang hindi nawawala ang pag sa-spark ng kulay lila nitong mata.
"Totoo na dalawa ang soulmates mo. Ayon ang nakasulat sa libro," panimula ni Lilith pagtapos ay bumaling ang paningin nito kay Echo.
"You, you will be the center of these two." Nang tinuro ni Lilith si Echo ay tinuro rin nito sina Slate at Primo.
"Ikaw ang magiging peacemaker at magpapatibay ng relasyon sa inyong apat."
"Even your late mate saw this already. She knew you are bound to these three lalong-lalo na sa kaniya." Napaatras siya nang tumingin ang witch sa kaniya.
Tahimik ang buong paligid at walang may gustong sumingit na magsalita sa kanila habang patuloy nagsasalita si Lilith.
"Hindi ko alam na pwede rin pala maging totoo iyon but I guess it's possible, considering the three of you happened," dugtong pa ni Lilith.
"As you can see, hindi nakatadhana ang mga soothsayers na tumagal dito sa mundo dahil na rin sa abilidad nila. Unti-unti inuubos ang enerhiya ng mga ito."
Habang nagsasalita si Lilith ay napatingin siya kay Echo. Alam niyang nahihirapan ito sa mga naririnig nito.
She reached out her hand and hold him na para bang dito nakasalalay ang buhay niya. Malungkot na bumaling sa kaniya si Echo at mahigpit na kumapit din sa kaniya.
"I don't know what Moon Goddess reason is but I'm sure She knows kailangan ka ng tatlo at mas lalong matibay ito dahil you love her."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro