Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

KINAGABIHAN ay pinatawag ni Primo ang may edad na seventeen pataas para sa isang pack meeting at dahil hindi pa umuuwi si Slate ay kasama ito sa meeting.

Hindi nag paalam sa kaniya si Leah na uuwi pala ito. Nakita niya ito kanina na may kausap sa cellphone sa gilid ng pack house. Hindi na niya ito inabala o tinanong pa.

Nang tanungin niya si Slate ay sinabi nito na nag aalala ang ina nito at pinapauwi na ang dalaga. Sinundo rin daw ito, ngunit hindi niya naabutan ang sumundo rito.

Nabalitaan niya rin na umalis ng pack nila si Gunner kasama ang mate nitong si Claire. Walang sinabi sa kaniya sina Apollo kung bakit. Nang tanungin niya ito ay nag kibit balikat lang ito. Kahit curious siya sa nangyari dito ay hindi na niya tinanong pa ang mga ito.

Gulat naman siya napatingin kay Slate nasa kanan niya nang maramdaman ang kamay nito na humawak sa kaniyang kamay. "What are you doing?"

"Holding you?"

"Why? what—no," inalis niya ang kamay nito sa kaniya at tumingin sa unahan kung nasaan sina Primo at Echo.

Nasa kalagitnaan na sila ng meeting. Gusto ng mga ito na mag assign sa mga pwedeng gawin habang inaasikaso nila ang pag hahanap kung sino ang may kagagawan ng pag patay nang kauri nila.

Nakikipag usap din ang mga ito sa ibang pack at sa ibang lahi, dahil hindi lang sa pack nila ang may namatay katulad na lang nangyari sa university nila. Pinatupad rin na mag karoon ng curfew ang edad seventeen pababa bago bumaba ang araw.

"You could find your assigned duties on the announcement board," itinuro nito ang malaking board na kulay itim sa likuran na dinidikit nina Apollo at Indigo sa dingding.

"Apollo and Indigo," bulong ni Slate. May pagtataka na tinitigan niya ito. "Who?"

Lumapit si Slate at bumulong sa kaniya. "Them," pag nguso nito sa dalawa na pabalik na sa pwesto ng mga ito.

Kinabahan naman siya pero hindi niya maiwasan na mapatingin sa mapulang labi nito na malapit sa kaniya. "W-what about them?"

"I don't know. You tell me," He coldly said pagkatapos ay bumalik na sa pagkakaayos nang upo nito. Napa-tanga naman siya sa narinig nito.

Does he know something?

Sobrang bilis nang tibok ng puso niya sa thought na may alam ito sa ginagawa nila. Bigla siya nakaramdam ng guilty.

No.

She's not guilty. He's not her mate.

Impossible.

Binalik niya ang tingin sa unahan. Bumungad sa kaniya ang mata nina Primo at Echo nakatingin sa direksyon niya. Pagkatapos ay sabay din ang dalawa umiwas nang tingin sa kaniya.

"Nyebe?"

"Hm?"

"What would you do if you find out that I'm your mate?"

Kung siguro may kinakain siya ay baka nabulunan na siya sa narinig. Wala man lang preno ang pag salita ni Slate. Hindi man lang siya binigyan ng oras para mag prepared sa sasabihin nito.

Lumingon ito sa kaniya and looked at her eyes straightly. "What would you do?" pag uulit nito sa tanong sa kaniya pero mahahalata ang sobrang pagkaseryoso nito.

Umiwas siya nang tingin dito and bit her lip. "I.. I don't know, Slate."

Tumango ito at binalik ang tingin sa unahan.

"Would you rather choose them or me?"

"W-what?!" sigaw niya rito na kina-gulat niya. Napalingon sa kaniya ang pack members nila. Kahit ang magulang niya nasa unahan ay nag aalala na lumingon sa kaniya.

"Is there something wrong? Nyebe? Prince Slate?" tanong ni Primo sa kanila. Mabilis naman siya umiling dito.

"N-no, alpha."

"Are you sure?"

"Ye—" sasagot na sana siya ulit nang sumingit si Slate sa kaniya. Medyo nag iba rin ang tono ng boses nito na mas lalong nag pakaba sa kaniya.

"There's nothing wrong, Alpha Primo. Everything is okay. You guys can proceed."

Makikita sa itsura nina Primo at Echo na hindi ito convince sa sinabi ni Slate ngunit wala na nagawa ang dalawa dahil prinsipe na ang nag salita.

HINDI siya nakatulog nang maayos kagabi dahil sa sinabi ni Slate. Nag iisip rin siya ng mga paliwanag na pwede sabihin dito kapag nagkita ulit sila dahil sigurado siya na may alam ang binata.

Pumasok siya sa supply room para kumuha ng kagamitan na gagamitin para sa pag tatanim nila ng halaman. Nakatuka sa kanila ang twenty na bata para tumulong sa pag tatanim.

Apat sila na mag babantay sa twenty na bata. Limang bata sa isang taga bantay. Hindi niya gano'n nakakausap ang tatlo pero ayos lang naman sa kaniya iyon dahil hindi naman sila ang kailangan niyang bantayan.

Medyo may kalakihan ang supply room kaya may ilan pang kabataan ang kasama niya sa loob para kumuha ng mga kagamitan. Ang iba naman ay nakatuka sa ibang gawain.

Nabasa niya rin kanina sa announcement board na suspended ang pasok para na rin sa pag iingat ng lahat. Lumapit siya sa isang cabinet kung saan nakalagay ang mga gloves.

"Nyebe, dito mo na lang ilagay mga gamit mo para isang hakutan na lang."

Nilingon niya sa likuran ang isang lalaki na tumawag sa kaniya. May bitbit itong isang trolley kung saan nakalagay ang ilang kinuha nito para sa gagamitin ng mga bata. Hindi niya ito kilala, kaya kumunot ang noo niya.

"I'm Marco," pakilala nito. Inilahad pa nito ang kamay sa kaniya. Kukunin na sana niya ang kamay nito para mag pakilala rito kahit mukhang kilala naman siya nito ngunit naunahan na siya ng isang malaking kamay sa pag hawak dito.

"Slate," pakilala nito kay Marco.

Gusto niya sana ito tarayan kung hindi lang siya kinakabahan at nakakaramdam ng guilty dito nang makita niya ulit ito.

"P-prince Slate," medyo nauutal na saad ni Marco. Halata rin na medyo namutla ito nang makita ang prinsipe.

"Ako na bahala kay Nyebe."

"Y-yes po," namumutla pa rin nitong sagot bago iwan silang dalawa ni Slate.

Tinalikuran niya ito at bumalik sa pagkuha ng equipments. Hindi rin siya nag sasalita habang inilalagay niya ang mga kinuha sa bitbit na gardening trolley nito. Hindi rin naman siya kinulit ni Slate at pinagmasdan lang siya nito sa gilid habang inaantay siya matapos.

Hindi rin siya nag salita nang mauna siya mag lakad palabas ng supply room. Narinig naman niya ito na bumuntong hininga bago sumunod sa kaniyang likuran.

Nasa labas na sila at papunta sa garden nang mag desisyun siya na mag tanong dito.

"Bakit ka nandito? Hindi ba dapat kasama mo sina Primo?" hindi na siya nag abala pa na tawagin si Primo na Alpha lalo na alam naman nito na pangalan lang ang tawag niya sa binata.

"Assignment 'ko nandito."

Nilingon niya ito at sinamaan nang tingin. "I can handle myself, Slate."

"I know but I want to be with you," saad nito. Bumilis naman bigla ang takbo ng puso niya. Muntik pa siya matapilok sa paglalakad dahil sa maliit na sanga nakaharang sa daanan pero agad niya rin naman na i-angat ang sarili.

"Hey! Careful."

"I know, I know." Mas binilisan niya ang paglalakad. Sinalubong naman siya agad ng limang bata. Dalawang babae at tatlong lalaki. Humawak sa magkabilaan niyang kamay ang dalawang babae.

"Ate," hinihila nito ang kamay niya nang tawagin siya nito.

"Bakit?"

"Bakit gano'n tenga ni kuya?" pabulong nitong tanong sa kaniya. Natawa naman siya sa sinabi nito. Nakatingin si Slate sa kanila na nag tataka kung bakit sila nakatingin sa binata.

"He's a faery. Do you know that?"

"Ako! Alam 'ko ate," sagot ng isang batang babae sa gilid niya.

"Sa nabasa 'ko po may pakpak sila pero bakit siya wala, ate?"

"May ininom siyang potion para matago pakpak niya."

"Ate, ang ganda nito. Bakit ka may ganto katulad ni kuya?" tanong pa nito habang hinahawakan ang marka niya sa mukha. Lumuhod kasi siya para makapagpantay sila ng mga ito.

"I'm like him but I'm also like you."

"You're a faery, ate?" May malokong ngiti na tumango-tango siya rito.

"Gusto 'ko rin po maging faery."

"Hm, gusto niyo ba na guhitan ko na lang kayo? Katulad ng marka sa mukha 'ko?"

"Yes, ate!!" Sabay na sagot ng dalawa sa kaniya kahit ang tatlong lalaki na bata ay sumang-ayon din sa kaniya.

"After natin dito tapos I'll ask your moms— Slate, tara!" baling niya sa binata na kanina pang nakatingin sa kanila.

"Kids, this is Prince Slate."

"Prince? You're prince, kuya? Where's your princess po?"

Natawa naman si Slate pagkatapos ay lumingon sa kaniya. Pinanlakihan niya ito nang mata at baka ano sabihin nito sa mga bata.

"Si ate niyo ang princess 'ko," may malokong ngiti nito sa kaniya. Pilit naman na ngumiti siya sa mga bata.

"Mag tanim na lang tayo at baka mapagalitan tayo ni Alpha Primo," pag iiba niya sa usapan. Kinuha niya ang mga gloves at isa-isa na inabutan ang limang bata.

Pagkatapos ay tinulungan nila ni Slate ang lima mag lagay ng gloves sa kamay ng bawat isa.

NABIGLA siya nang biglang pahiran siya ni Slate ng lupa sa pisngi. Muntik na niya mahagis ang hawak na hand trovel dito dahil sa gulat.

Mabuti na lang ay napigilan niya ang sarili lalo na may mga bata silang kasama. Hindi magandang impluwensiya iyon sa mga bata at baka gayahin ng mga ito.

Tumawa naman si Slate nang makita ang itsura niya at mabilis na lumayo sa kaniya na hindi pa rin mapiglan tumawa nito.

"Slate!" sigaw niyang tawag dito. Binitawan niya ang hawak na hand trovel at sinundan ang binata. Patalikod naman itong tumatawa at lumalayo sa kaniya.

Dahil mahilig siya tumakbo ay naabutan niya ito. Hinila niya ang damit nito at mabilis na pinahiran ng lupa ang pisngi nito. Tuwang-tuwa naman siya na magantihan ang binata. Tumatawa siya nang ma-realized niya ang pwesto nilang dalawa.

Naka-pulupot na ang kanan braso ni Slate sa baywang niya habang ang kaliwa nitong kamay ay nakahawak sa kanan niyang kamay na naging salarin sa pag pahid ng lupa sa pisngi nito.

Ang kanilang mga mukha ay malapit na sa isa't isa na nagpakaba sa kaniya. Bumilis ang tibok ng puso niya at alam niya rin na namumula na ang pisngi niya.

Ngunit hindi niya magawa na lumayo at itulak ito bagkus ay napatitig pa siya sa mga mata nito. Napansin niya na nag iba ang kulay nito. Ang brown nitong mata ay kumikinang nang kulay ginto.

Para siyang na hihipnotismo sa magaganda nitong mata. Humigpit ang kapit niya sa damit nito habang napapaso naman ang kanan niyang kamay na hawak nito. Binasa niya ang ibabang labi habang pinagmamasdan ang mapula nitong labi.

Dumako naman ang paningin ni Slate sa kaniyang labi na mas lalong nag pabilis nang tibok ng puso niya. Wala sa sarili naisip niya kung ano ang pakiramdam na mahalikan ito. Hindi na rin niya napapansin ang paligid at tanging sa binata na lang naka-tingin.

"S-slate," nautal siya nang tawagin ang pangalan nito. Nahiya naman siya sa naging pag akto.

Umiwas siya nang tingin dito at balak na sanang umalis sa bisig nito nang mas hinigpitan ni Slate ang kapit sa kaniya. Binitawan nito ang kamay niya at lumapit ang mainit nitong palad sa kaniyang pisngi.

Nahigit niya ang hininga nang maramdaman ang malambot na labi ni Slate sa kaniyang labi. Biglang hindi nag function ang kaniyang utak lalo na ang kaniyang sarili.

Rinig na rinig niya ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Sa sobrang bilis nito ay natatakot siya na lumabas ang puso niya sa kaniyang dibdib but despite everything, it felt good.

She was comfortable.

She felt safe.

It warms her heart.

Hinayaan niya ang sarili na sagutin ang halik nito at sa isang iglap ay nag wala ang mga paru-paro sa kaniyang tiyan na tahimik natutulog. Para siyang isang batang uhaw na uhaw dahil hindi nakainom ng tubig nang isang araw.

Pinalambitin niya pa ang braso sa batok nito at mas lalo pinalapit sa kaniya. Sa tangkad ni Slate ay nakayuko na ito sa kaniya.

Nakakaramdam din siya nang kiliti sa tuwing pinapasok ni Slate ang dila sa loob ng kaniyang bibig at gustong-gusto niya rin sa tuwing mas hinahapit siya nito dahil mas lalo siya nakakaramdam ng kuryente.

"Ahhhhh! They are kissing!"

Natulak niya si Slate nang marinig ang sigaw ng isang batang babae. Nawalan naman nang balanse si Slate at patalikod napaupo sa lupa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro