Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

NASA mahabang lamesa ang ilang pack members naninirahan sa loob ng pack house. Nakaupo ang mga ito roon habang kumakain ng kanilang almusal.

Simula dati pa ay palagi na mag kakasabay kumain ang mga ito o kung sino man ang mapapunta sa loob ng pack house.

Ang ama niya ay madalas sa pack house nag tatanghalian habang siya naman ay sinasamahan ang ina sa kanilang tahanan.

Ngunit iba ngayong araw, sasabay sila mag almusal sa mga pack members.

Nakapuwesto si Primo sa dulo ng lamesa habang nasa kanan nito si Echo nakaupo habang sa kabilang  dulo naman ay nakapwesto si Slate.

Nakita niya kanina na pu-pwesto si Slate sa tabi ni Leah kung hindi lang ito pinalipat ng ilang taga pack members na umupo sa dulo rin dahil nga isa itong  prinsipe.

Si Slate 'yong tipo na  walang pakielam kung sino ito. Kaya naninibago siya na makita itong  ina-acknowledge nito ang pagiging prinsipe.

Tuluyan na siya lumapit sa mga ito at tumabi sa ina kung saan nasa kabilang gilid nito ang ama.

May mga plato nang nakahain sa unahan nila at sila na lang ang mag aasikaso na mag lagay sa kanilang pinggan nang kakainin nila.

Kahit ang magulang ni Primo ay kasalo rin nila ngayong umagahan.

Aabutin na sana niya ang  kanin nang may mauna rito. Inangat niya ang paningin at sumalubong sa  kaniya ang seryosong mata ni Indigo nakatingin sa kaniya.

Agad siya bumitaw dito at umiwas ng tingin kaso mali ang nagawa niya nang makita niya ang katabi nito.

Katabi nito si Riley. Ang mate nito.

Naalala niya ang  nangyari kagabi. Kung paano siya pinaalis ni Primo. Nalungkot tuloy ulit siya nang maalala na may darating na babae para sa binata.

Nabalik lang siya nang manlaki ang mata niya nang maramdaman ang mainit na palad sa kaniyang binti.

Ngayon niya lang  napansin na katabi niya pala sa gilid si Apollo dahil sa palad nitong  dumapo sa kaniyang binti na kinagulat niya.

Inalis niya ito at  pinatitigan ang magulang at ilang pack members naroon. Nang mapansin na  si Indigo lang ang nakatingin ay nakahinga siya nang maluwag.

Pagkatapos ay masama niyang tinitigan si Apollo na may maloko nang ngiti naka paskil sa mukha nito.

"Primo, anak, hindi mo pa rin ba nahahanap ang magiging bagong Luna ng pack?"

Mabilis siyang tumingin  sa ama ni Primo nang mag salita ito. Pagkatapos ay binalingan niya si  Primo sa dulo na may mahigpit ang kapit sa babasaging baso sa kanan  nitong kamay.

"Our pack needs their Luna, Primo." Saad pa ng ama nito.

"I know." Mayriin na sagot ni Primo.

Umiwas siya nang  paningin dito nang dumako ito sa gawi niya. Hindi niya kaya titigan ito  at isipin na hindi siya ang nakalaan para dito.

SINIPA niya ang maliliit na bato nadadaanan nila habang nakapasok ang dalawang kamay sa loob ng kaniyang jacket pocket. Inilabas niya saglit sina Leah at Slate para i-gala sa territory nila. Maganda mag ikot-ikot sa lugar nila dahil malawak ang lupain nila.

Nauuna mag lakad si Slate sa kanila habang magkasabay naman silang dalawa ni Leah mag lakad. Sa lahat nangyayari sa kanila ngayon ay kailangan talaga nila ng magandang tanawin at makapag lakad-lakad.

"Gusto niyong pumunta sa ilog? Ang ganda ng talon, we always go there whenever we have a chance," kwento niya kay Leah.

Natigil naman sila sa paglalakad nang huminto si Slate sa kanilang harapan pero nakatingin lang ito sa unahan ng kakahuyan.

"Is there something wrong?" tanong ni Leah sa binata. Pinagmasdan naman niya ang matipuno nitong likuran. "Nothing," he flatly said bago nag lakad ulit.

Sumunod naman ulit sila sa paglalakad. Maririnig ang mga dahon naaapakan nila sa lupa at may mga himig din ng ibon silang naririnig.

"Are you.. uh.. are you guys..," hindi niya mahanap ang tamang salita para itanong ang kahapon niya pang gustong itanong kay Leah.

"Ano 'yon, Nyebe?" may kunot na tanong ni Leah sa kaniya. Lumingon pa ito sa kaniya saglit bago binalik ang tingin sa unahan kung nasaan si Slate nauuna mag lakad.

"Are you guys still have something?" mas hininaan niya ang boses para hindi marinig ni Slate. Natigil naman si Leah sa narinig na tanong galing sa kaniya. Umiwas pa siya nang tingin dito dahil bigla siya nahiya.

"Why? Do you like him?"

Nanlalaki naman ang kaniyang mata. "N-no, natanong 'ko lang."

"Oh? But I don't know. Maybe? Maybe not?" Natawa pa si Leah sa sinabi. Medyo hindi naman siya natuwa sa naging sagot nito. Parang pinag ti-tripan siya.

"Do you like him, ate?"

Natigil sa pagtawa si Leah nang marinig ang tanong niya. She looked at her. Hindi niya mabasa ito, alam niya rin na pilit nito binabasa ang kaniyang isipan pero hindi nito magawa dahil natutunan na niya i-control ang pag iisip.

"No. We are nothing," seryoso nitong sagot pagkatapos ay sumunod na sa pag lalakad kay Slate.

RINIG na rinig nila ang ragasa ng tubig galing sa talon. She decided na dalhin ang dalawa rito para din mahimasmas ang mga sa nangyayari.

"You guys want to swim?" Masigla niyang tanong sa mga ito. Medyo matagal na rin siya hindi nakakaligo sa ilog. Natuto na rin siya lumangoy dahil naturuan siya ng lima.

"Do you want to swim?" Hindi niya inaasahan na balik na tanong ni Slate sa kaniya.

Tinitigan niya ito pagkatapos ay kay Leah na kanina pa nakatingin sa kaniya.

"I want to swim!" Tinaas pa ni Leah ang kamay pero ang buong atensyon ni Slate ay nakatuon sa kaniya.

"Come on guys," yaya pa ni Leah. Lumapit ito sa harapan ni Slate at hinawakan ito sa kamay pagkatapos ay tumalikod rito.

"Unzip my dress."

Natigil siya sa narinig. Napaiwas tuloy siya nang tingin sa dalawa. Kita niya sa gilid ng kaniyang mata na sinunuod ni Slate ang sinabi ni Leah.

She bit her lower lip.

Nakakaramdam na naman siya ng inis. Tinuon niya ang atensyon sa maliit na bato sa kaniyang paanan nang lumapit si Leah sa kaniya at inabot ang dress nito.

She wanted to rolled her eyes sa inis dito pero hindi niya ginawa.

"Paki-bantayan for me kung hindi ka maliligo."

"Sure," aniya pagkatapos ay binalik niya ang tingin kay Slate.

"Slate, ayaw mo talaga maligo?"

"No. We'll wait you here na lang."

"Okay!" Lulusong na sana si Leah sa tubig nang may maalala ito. "I forgot," natatawa pa nitong saad.

Nanlalaki naman ang kaniyang mata nang mag simula si Leah hubarin ang suot nitong under garments. Mabilis siyang lumingon kay Slate na nakatingin kay Leah.

Sa inis niya ay tumayo siya.

"I'll come with you, ate!"

"O-okay?" May alanganin sa tono na saad ni Leah.

"What?!"

Inis niyang binalingan si Slate. Si Leah naman ay nasa tubig na at lumangoy papunta sa talon.

"What the fuck are you doing?" Kitang-kita niya ang frustration sa mukha ni Slate pero wala siyang pakealam.

"Swimming, and please paki-bantayan 'yong damit namin."

"Fuck, Nyebe!"

Ngumisi siya rito. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa basta ang alam niya lang ngayon ay naiinis siya sa dalawa at gusto niya makita ni Slate ang katawan niya para hindi na ito tumingin sa iba.

Hinubad niya ang tee shirt habang nakatitig kay Slate. Natutuwa siya sa naging reaksyon nito. Kitang-kita niya ang pag babago ng kulay ng mata nito dahil sa galit.

Sinunod niya pa hubarin ang short niyang above the knee na suot habang hindi inaalis ang tingin kay Slate. She never done this before. Getting undress sa harap ng isang lalaki na siya nag i-insist. Mostly ay ang lima ang nag huhubad sa kaniya, kaya hindi niya maintindihan ang nangyayari but it felt nice to have Slate all attention.

"Don't you dare undress your under garments, Nyebe. I'm not asking you. I'm ordering you."

She was wearing bralette na itim and cotton panty na puti.

"But you're not my Alpha, Slate. Only Primo can do that to me." Inayos niya pa ang suot na panty nang tumabingi ito nang kaunti.

"Fuck!" Mariin na pumikit si Slate. Nakita niya rin nag formed na ang kamay nito sa isang kamao.

Bumungisngis naman siya na kinamulat ng mata ni Slate. "I'm just kidding. I won't do that at isa pa, I don't want you to see my precious body, duh?!"

Tumalon siya sa ilog na suot pa rin ang under garments niya. Natatawa pa siya sa pag babago ng mukha ni Slate. Halata rito ang dismaya.

HINDI mawala ang ngiti sa kaniyang mukha habang pabalik sila sa pack house. Nauuna siya mag lakad sa dalawa. Ramdam na ramdam niya rin ang masasamang tingin ni Slate sa kaniyang likuran na mas lalo niya kinatuwa.

Matapos nila lumangoy ni Leah ay sinuot naman niya ang damit kahit basa pa ang under garments niya. Bakat na bakat tuloy ang mga ito sa kaniyang damit.

Nakita niya si Apollo. Natigil ito sa pag lalakad nang masalubong sila nito. Pinasadahan nito ang katawan niya nang makita ang kasuotan niya.

Lalapit na sana si Apollo sa kaniya nang may humarang sa kaniyang harapan. Tumambad sa kaniya ang broad shoulder nito.

"Don't you dare look at her!" May pag tatangis na saad ni Slate kay Apollo na kina-gulat niya. Humarap naman si Slate sa kaniya at binuhat siya sa balikat nito.

"Anong ginagawa mo?! Ibaba mo ako, Slate!!" Pinag hahampas niya ang likuran nito. Sinubukan niya na iangat ang ulo para tingnan si Apollo na gulat din.

"You're not going to wonder around hangga't hindi ka nakakapagpalit ng damit!"

"What?! No! Ibaba mo 'ko, Slate— Apollo, help me!!" Naiiyak na niyang ani rito.

"Nyebe!" Tanging saad na lang ni Apollo sa kaniya dahil wala itong magawa lalo na si Slate ang may buhat sa kaniya.

Pumasok sila nang pack house na pinag titinginan. May ilan pa na tumabi sa gilid nang dumaan sila. Hindi niya rin alam kung nasaan na si Leah dahil tanging pwetan na lang ni Slate ang nakikita niya.

Mas humigpit ang kapit ni Slate sa kaniyang binti at pang upo. Kahit ang sakit ng ulo niya dahil sa pagkakatuwad niya ay nakukuryente naman siya sa hawak ng binata lalo na never siya nito nahawakan na ganitong ka-intimate.

"Hoy! Wala naman akong damit sa kwarto mo!"

Hindi na rin niya inintindi kung may respeto ba siya kay Slate. Hahayaan na lang din niya ang sasabihin ng pack members niya sa kaniya.

"What's happening here?!"

Nawalan na siya nang lakas sa pag hahampas kay Slate. Tumigil ito sa pag lalakad.

"Take her down!" Maotoridad na utos ni Primo sa binata na may karga sa kaniya. Hindi niya nakikita ito pero alam niyang galit ito.

"Not until she changes her clothes."

Hinampas niya ang pwetan nito na kina-gulat nang lahat. "Baliw ka, Slate! 'Yong dugo 'ko nasa ulo na at 'yong damit 'ko naka-hubad na sa'kin, kainis ka talaga!"

Pinadyak niya pa ang dalawang paa na tumama sa tiyan ni Slate.

"Slate! Ako na sasama kay Nyebe mag palit ng damit niya. Ibaba mo na siya— dali na, sweetie," bulong pa ni Leah sa huling sinabi. Kumulo naman ang dugo niya sa inis.

Tinulungan pa siya ni Leah na ibaba ni Slate. Inayos niya ang suot. Bumungad sa kaniya ang ilang pack members at sina Primo sa unahan nila.

Hinawakan ni Leah ang braso niya. Naiinis siya rito. Anong sweetie?!

"Tara, Nyebe."

Inalis niya ang hawak ni Leah sa kaniya at kumapit nang mahigpit sa braso ni Slate. "Hindi na 'te kailangan," binigyan niya pa ito ng isang matamis na ngiti.

Sumama naman ang tingin ni Leah sa kaniya. "Go to her, Nyebe!" May diin na utos ni Primo sa kaniya. Binalingan niya ito. Hindi niya alam kung bakit hindi nito magawa lapitan siya.

"Hindi na, uuwi na lang ako sa'min," inis niyang saad sa mga ito. Inalis niya ang kapit sa braso ni Slate at lumapit sa ina na papasok sa loob ng pack house.

Naguguluhan man ang ina niya ay hinila niya pa rin ito pauwi sa kanila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro