Chapter 24
SIMULA sinabi ni Echo ang katagang iyon ay pilit itong umiiwas sa kaniya. Sa tuwing dapat magkita silang lima ay palagi may dahilan si Echo na hindi pumunta.
Nag tatanong na rin ang mga ito pero hindi niya magawang sabihin kung ano ba ang nangyari lalo na sa tingin niya ay hindi rin naman sinasabi ni Echo ito sa mga kaibigan.
Isa sa rules nila, kapag nahanap na nila ang soulmates nila ay pwede itong mamili kung mananatili silang bilang isang kaibigan o mawalan ng connection sa isa't isa.
Gunner chose the second one. Mas mabuti na rin iyon, para sa mate nito lalo na bumalik si Claire sa pack nila para manirahan ulit.
"Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Primo sa kaniya.
Naramdaman niya ang palad nito na marahan na hinihimas siya sa kaniyang hubad na likuran.
Sa loob ng silid ni Primo ay parehas silang nakahubad sa ilalim ng manipis nitong kumot habang siya naman ay nakadapa at malalim ang iniisip habang nakatingin sa side table nito.
Dumampi ang labi ni Primo sa kaniyang balikat at tinanong siya ulit nito.
Tatlong araw na niya iniisip ang sinabi ni Echo sa kaniya. Hindi niya alam ang isasagot dito, natatakot siya lalo na they have rules. Don't say the three words.
"Hey, baby?" Tawag ulit ni Primo pero nag simula na ito mag bigay ng wet kisses sa kaniyang likuran.
"Anong gagawin 'ko? He said I love you, Primo."
Natigilan si Primo sa narinig. Ramdam niya rin ang seryosong titig nito sa kaniya.
"Sino?"
Naramdaman niya na humigpit ang kapit nito sa kaniya kaya hinarap niya ito at pinatitigan ang mata na nagtatanong.
"Kuya Echo." Sagot niya rito.
Bumuntong hininga si Primo pagkatapos ay hinalikan siya nito sa labi. "Anong sagot mo sa kaniya?" Nahihirapan nitong tanong sa kaniya na hindi niya maintindihan.
Humalik ulit ito sa labi niya pagkatapos ay gumapang ang halik nito sa pisngi at panga niya hanggang sinubsob nito ang mukha sa kaniyang leeg at nag pakawala ng malalim na buntong hininga.
"I didn't say anything.." panimula niya. Nag simula na humalik si Primo sa kaniyang leeg. "I don't know what to reply and I feel shit. Ayoko nang inaakto niya."
"Uh.." daing niya nang mas humigpit ang kapit ni Primo sa kaniya. "Primo? Are you okay?" Nag aalala niyang tanong dito dahil naninibago siya sa kinikilos nito.
Hinawakan niya ang buhok nito at marahan na sinuklay ito para pakalmahin ito.
"Sorry, N." Tanging saad nito bago siya nito bigyan ng damping halik sa leeg.
Pagkatapos ay umalis ito sa pagkakadagan sa kalahati niyang katawan at bumangon sa higaan.
Kitang-kita niya ang matipuno nitong pangangatawan. Wala itong suot na kahit ano na kinapula nang mukha niya.
Umayos siya nang upo at tinakpan ang sarili nang kumuha si Primo nang damit sa cabinet nito at sinuot. Pagkatapos ay hinagisan siya naman nito ng tee shirt.
"Wear it."
Sinunod niya ang sinabi nito habang na kay Primo pa rin ang titig ng mga mata niya.
"I'll be back. I just need to run." Saad nito bago ito tuluyan lumabas ng silid.
Habang siya ay naiwan sa silid nito na nagtataka.
SHE waited. Sinabi nito mag hintay siya pero lumipas na ang isang oras ay hindi pa rin ito bumabalik.
Tumingin siya sa labas ng bintana kung saan dumidilim na ang kalangitan. Kailangan na niya umuwi.
She gathered all her things. Kanina pa rin siya nakabihis. Lumabas siya sa bintana kung saan hindi siya makikita ng mga tao sa pack house na galing siya sa loob ng silid ni Primo.
Nang makalabas siya ay hindi niya inaasahan ang makakasalubong niya sa daan.
Hindi niya mahakbang ang paa palapit rito. Makikita rin ang gulat sa mukha ng nakasalubong niya pero agad rin ito nawala.
Napalunok siya sa paraan ng pag titig nito sa kaniya. Gusto niya sana bumalik sa pinang galingan niya pero hindi niya magawa lalo na nakatingin sa kaniya ngayon si Gunner.
"Uuwi na ako," saad niya rito at mabilis na umabante para malagpasan ito pero hindi niya nagawa.
Dumako ang paningin niya sa kamay ni Gunner nakahawak sa braso niya. Kinakabahan na tinitigan niya ito.
"B-bakit?"
Mas humigpit ang kapit nito sa kaniya.
"Gunner, nasasaktan ako."
Hinawakan niya ang kamay nito pero parang mali ata ang nagawa niya dahil namalayan na lang niya nakasubsob ang mukha nito sa leeg niya habang mahigpit ang kapit nito sa baywang niya.
"Kuya, anong ginagawa mo? Baka makita tayo ni ate Claire."
"I don't care." Dumampi ang labi nito sa kaniyang leeg at sinimulan siya nito halikan.
Napakapit siya nang mariin sa braso nito at mariin na pumikit.
Mali ang ginagawa nila. Nahanap na nito ang mate nito. Hindi tama itong ginagawa nila.
Sa abot nang makakaya niya ay tinulak niya ito na kinabigla ni Gunner.
"The fuck, Nyebe?!"
"This is wrong. You have ate Claire. I can't hurt her," naiiyak niyang ani rito.
"I'm sorry, kitten. I didn't mean to shout." Pilit na kinukuha ni Gunner ang kamay niya pero pilit niya rin inaalis ito.
"Uuwi na ako." Pinahiran niya ang luha sa niyang pisngi.
"No! You still want me!" Mahigpit na hinaltak siya ni Gunner sa braso at pilit na hinalikan siya na kinagulat niya.
Hindi na rin mag tigil ang pag iyak niya. Nasasaktan at natatakot siya kay Gunner. He chose the second one, so bakit kailangan niya umakto nang ganito?
And for the moon goddess' sake! They have rules! They have to accept it. It's the right thing to do.
"Get the fuck off her!"
Nanginig siya sa takot nang marinig ang nakakatakot na boses na iyon. Pag mulat niya ay wala na si Gunner sa harapan niya at naabutan ang likuran ni Primo na sinusuntok ito.
"S-stop! STOP!" Umiiyak na sigaw niya sa dalawa. Lalo pa siya natatakot nang nakikita na niya na unti-unti na nag papalit ang dalawa sa wolf form nito.
"P-primo.. Stop please.." Nanginginig niyang sigaw dito.
He growled nang lumingon ito sa kaniya. Kitang-kita niya ang canine nito na mas lalo niya kinatakot.
Sa isang iglap ay nangimbal siya nang marinig ang boses ng Alpha nila. Nilingon niya ito sa kanan niya na mas lalo niya kinatakot.
Binalik niya ang tingin sa dalawa na hindi sumusunod sa utos ng Alpha nila. Mas lalo siya umiyak dahil panigurado mapaparusahan ang mga ito.
"ITIGIL NIYO 'YAN!" Buong-buo at nakakatakot na sigaw ng Alpha nila.
Napaatras siya sa takot at nabunggo sa matigas na pangangatawan.
"I'm here.. I'm here.." Nilingon niya si Echo towering her. Pumulupot ang braso nito sa kaniyang katawan at pinapakalma siya.
Inikot niya ang buong paligid. May ilan na nakapalibot sa kanila. Kitang-kita niya rin sa gitna ang Alpha nila at sina Primo at Gunner.
"Both of you in my office NOW!" Singhal ng Alpha nila bago nito nilayasan ang dalawa.
Napakapit siya nang mahigpit kay Echo nang mag tama ang paningin nila ng Alpha ng pack na galit na galit.
"Nyebe, are you okay?" Nawala ang tingin niya rito nang makita si Indigo sa gilid niya. Hinawakan nito ang kamay niya para pawalain ang panginginig ng kamay niya.
"Echo, pinapatawag ka rin sa office." Saad ni Apollo na kakarating lang. Pagkatapos ay bumaling ito nang tingin sa kaniya.
"Are you sure that you're alright?" Tanong ni Echo sa kaniya.
Kahit hindi siya ayos ay tumango na lang siya rito para hindi na ito magalala sa kaniya at sumunod na ito sa loob kung saan ito pinapatawag.
"Balitaan 'ko kayo." Tanging saad nito kala Indigo at Apollo bago ito lumisan at sumunod sa loob.
KUNG sino man ang pinatawag sa loob ng office ng Alpha ay panigurado na makakaramdam ito ng takot at pangamba.
Pero iba sina Primo at Gunner. Mataas ang pride ng dalawa at ipaglalaban talaga ng mga ito ang opinyon na meron ang mga ito. Kahit tama o mali 'man ito.
"Sit." Utos ni Alpha Isaac na ama ni Primo.
Hindi pa rin nawawala ang galit sa mga mata ng dalawa nang umupo ito sa katapat na upuan sa study table ng Alpha nila.
"Explain what happened outside," may pagbabanta nitong saad sa dalawang binata ngunit ni-isa sa dalawa ay wala nag salita.
"Mag sasalita kayo o ipapatawag ko si Nyebe."
"No!" Sabay na sagot nina Primo at Gunner dito.
"Then, explain." Ngunit hindi pa rin nag sasalita ang dalawa. Nag hihintay ang mga ito kung sasabihin ba nila ang totoong nangyari.
Hindi magawa nina Primo at Gunner ibuka ang bibig dahil kahit saan banda ay mapapahawak si Nyebe at hindi nila iyon gusto mangyari.
"I'm accepting your punishment," saad ni Primo sa ama. Kahit anong mangyari ay hindi siya mag sasalita kahit gusto na niyang patayin si Gunner sa ginawa nito kay Nyebe.
"Ako rin," tanging nasabi na lang ni Gunner.
Pinatitigan ni Alpha Issac ang dalawa. Mahahalata sa mga ito na nag desisyon na ang mga ito na hindi sasabihin ang totoong nangyari kahit anong pag tatanong ang gawin niya.
Tumango ang Alpha sa dalawa. Pagkatapos ay bumaling sa anak na si Primo.
"You're not allowed to see Nyebe until you tell me what really happened," saad nito na kinagalit ni Primo.
Kitang-kita ang ugat sa leeg nito sa pag pipigil na sugurin ang ama.
"And Gunner, I'm telling Claire that you harassed Nyebe."
"What?! No! I didn't harass, Nyebe!" Nang gagalaiti na anas ni Gunner. Tumayo pa ito sa kinauupuan.
"Then, what happened?" Kalmado na tanong ni Alpha Isaac na mas lalong kinagalit nang dalawa.
"I'm not going to say anything." Pang hahawak pa rin ni Primo sa sariling desisyon.
"Whether you like it or not, you two gonna tell me what happened." Pinatitigan ni Alpha Isaac ang dalawa na sobra nang pula dahil sa galit.
"I'm not going to tolerate your actions when you're going to be the next Alpha, Primo." Baling nito sa anak na mas lalong mariin na kapat ni Primo sa inuupuan nitong kahoy na upuan na kinaputi ng kamao nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro