Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

ALIGAGA na pabalik-balik ang ina ni Nyebe na si Aria sa loob ng sala. Nanginginig ang kamay na nakahawak sa isa't isa.

Simula kagabi ay hindi pa umuuwi si Nyebe. Kagabi pa ang mag asawa nag-aalala kung nasaan na ang anak nilang babae.

No'ng una ay akala ni Aria na kasama lang nito si Leah pero nang tawagan nila ito kagabi at sinabi na hindi man lang nito nakita si Nyebe ay doon na kinabahan ang mag asawa.

Lumabas na rin kagabi ang ama ni Nyebe na si Kalen para hanapin ang anak ngunit nang umuwi ito ay bagsak ang balikat na bumalik ang matandang lalaki.

"Mrs. Guiller, what happened to Nyebe?" tanong ni Primo na kakapasok lang sa loob ng tahanan ng mga Guiller. "Hindi pa siya umuuwi simula kagabi."

"She's been missing since last night and you didn't tell this to your Alpha?!" pasigaw na anas ni Primo rito.

"Woah! woah! what is happening here?" nagtataka na tanong ni Apollo na kakapasok lang. Nakasunod na rito ang tatlo.

"Nyebe is missing," may pang gigil na ani Primo sa apat.

"A-ano?"

"Are you sure?" paninigurado pa na tanong ni Indigo kay Primo nang makikita na gulat pa rin si Apollo sa narinig.

"Sino 'yong huling sinabi niya na kasama niya?" tanong ni Echo sa ina ni Nyebe. Mas lumapit na rin ito.

Kumunot ang noo ni Aria para alalahanin kung sino ang nabanggit ng anak sa kaniya na kasama nito. Nang maalala nito ang kwento sa kaniya ng anak ay lumiwanag ang mukha nito.

"Kinuwento niya na may nakilala siyang half-breeds sa Greenville at isa ito sa kaklase niya. Sinabi niya pa na pinakilala nito ang mga kaibigan nito na isa rin mga half-breeds."

"Half-breeds? Who are they?"

Binalingan ni Aria nang tingin si Primo na sobrang nag-alala kay Nyebe.

"May ibang half-breed pa nag-aaral sa Greenville?" nagtataka na tanong ni Apollo sa mga ito. Nakakuha naman ito ng batok kay Gunner.

"Aray! Bakit mo 'ko binatukan?"

"Hindi mo kasi sine-seryoso at ina-alam mga uri ng mga nakakasalamuha mo. Natural na may iba pang half-breed nag-aaral sa Greenville."

"Ikaw na may pake sa paligid mo."

"Enough," sita ni Primo sa kanila. May masama rin itong tingin na kina-tahimik nila.

"I remember she said Gemma. Her new friend is Gemma na isang half witch at half fae."

"Sino naman 'yong iba pa? May sinabi pa siya?"

Inalala naman ng ina ni Nyebe ang sinabi ng anak sa kaniya. "Kambal. May kambal, isang babae at isang lalaki. Their names are Hell and Helen, she said. They are half vampires and half witches."

"Vampires," pag-uulit ni Indigo sa narinig. Alam sa lahat ng uri na hindi nagkakasundo ang mga bampira at lobo. Nang marinig nila ang salitang bampira, hindi nila mapigilan na isipin na masama ang dala ng mga ito sa kung sino man makasalamuha nito na lobo.

UNTI-UNTI minulat niya ang mata at pilit na ina-adjust ang paningin sa madilim na paligid. Hindi niya rin maiwasan na dumaing sa sakit natamo sa pag suntok sa kaniyang sikmura.

Pilit na kumawala siya sa pagkatali ng kamay at paa ngunit hindi niya ito magawa.

Nanghihina siya.

Hindi niya magawa na gamitin ang lakas dahil sa sobrang kahiluhan nararamdaman.

Panigurado siya na dahil ito sa pina-amoy sa kaniya nang kuhanin siya ng mga ito. Agad niya naalala ang mga kasama na sina Hell at Helen. Nilibot niya ang buong paligid ngunit siya lang ang tanging naroon.

Nasa isa siyang hawla. May bakal sa unahan niya na nakaharang habang nakahiga naman siya sa malamig na semento at nakatali ang kamay't paa niya.

In-adjust niya ang mata nang may narinig siyang mga yabag na papalapit. Inamoy niya ito at nag tataka siya kung bakit isang half-breed ang naamoy niya.

Isang half wolf at isang half vampire.

PINAALAM ng magulang ni Nyebe sa kanilang Alpha na hindi pa ito nauwi simula kagabi na hindi nito ginagawa na walang paalam man lang.

Binigyan ni Alpha Isaac nang ilang warrior guards si Kalen para tulungan ito sa pag hahanap sa anak nito. Hindi nito pwede ibigay ang lahat ng warrior guards lalo na may mga mas importante ang dapat gawin ang mga ito.

Hindi natuwa si Primo sa naging desisyon nang ama. Kung hindi lang napigilan ito ni Echo ay panigurado na mag mamatigas nang ulo pa si Primo sa ama.

"Let's just focus more on finding, Nyebe," bulong ni Echo para awatin ang binata. Masamang tinitigan ni Primo si Echo at winakli ang kamay nito nakahawak sa braso niya.

Napag desisyunan na mag hiwa-hiwalay sila para mas mapadali ang pag hahanap sa batang babae. Kasama ni Primo si Indigo. Si Echo naman ay mag isa habang sina Apollo at Gunner ay ang magkapareha.

MADILIM man ang paligid ay hindi naman ito naging sagabal para hindi siya makakita nang maayos. Kumikinang din sa kadiliman ang mga marka nasa mukha niya maski ang kaniyang mata ay lumiliwanag din dahil sa nararamdaman na panganib.

"S-sino ka? Nasaan ako? Nasaan mga kasama ko?" naluluha niyang tanong dito.

Mahinhin itong tumawa. Pagkatapos ay mas lumapit ito at ang maganda at mahahaba nitong daliri ay humawak sa malamig na bakal sa kaniyang harapan. Kulay pula ang mga mata nito at may nakakakilabot na ngiti ang pinapakita nito sa kaniya.

Sobra siyang natatakot.

"You don't know?" may malokong balik na tanong nito sa kaniya na para bang natutuwa ito na wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari.

"Ang alin?"

"Poor little kitten, they didn't tell you. Mga anak talaga ni Seth pasaway."

"A-ano po?"

"Don't worry, we won't hurt you naman. Isa lang naman ang gusto niya."

Galing sa pagkakahiga niya sa sahig ay umayos siya nang upo. Umusog pa siya palapit sa bakal nakaharang sa kanilang dalawa. "Please, g-gusto ko na po umuwi, hinahanap na ako ng magulang ko."

"No! Hindi ka uuwi!" nagulat siya nang sumigaw ito. "I mean, hindi ka pa pwede umuwi." Ang kaninang galit na boses nito ay napalitan nang pagkalumanay na mas lalo niya kinatakot. Unti-unti na umatras siya siya rito dahil sa takot nararamdaman.

"P-please po, hindi ko sasabihin sa iba nangyari dito. Pakawalan niyo na ako," pagmamakaawa niya rito na kinatawa nito.

"Ang tanging gusto lang naman niya ay sumama ka sa'min. You belong to us."

"P-po?" naguguluhan niyang tanong dito. Hindi niya maintindihan ang nangyayari at gusto nitong iparating sa kaniya.

"V1 at V2, ilabas niyo siya at dalhin sa red room," utos ng babae bago ito tumalikod sa kaniya at iniwan siya. Nag-iiyak siya nang buksan ang bakal na pinto sa unahan niya na inutusan nito.

Half breeds din ang mga ito.

Half-breeds.

Mga anak ni Seth.

Ayaw niya maniwala sa gustong sabihin ng kaniyang utak. Dahil hindi niya gusto pagbintangan ang mga ito. Mababait ang kambal sa kaniya.

Pero nasaan na nga ba sila at siya na lang ang mag-isa ang nasa loob ng madilim na hawla?

Kasama niya lang ang dalawa kanina.

Pilit niya inalis sa isipan ang mga naiisip at tinuon ang atensyon sa dalawang lalaki na pumasok sa loob ng hawla. Lumapit ito sa kaniya.

Pinatayo siya ng dalawa nang maayos at inalayan na lumabas ng hawla. Pilit naman siya kumakawala sa mga hawak nito pero sadyang mas malakas ang mga ito sa kaniya.

PINASOK siya ng dalawa sa kulay pulang pinto. Agad nanibago ang kaniyang paningin nang maliwanag na ilaw ang sumalubong sa kaniya. Ini-adjust niya muna ang paningin bago inikot sa kabuan ng silid.

Nagtataka siya kung bakit may mahabang lamesa sa gitna at maraming upuan nakapalibot dito. Walang bintana ang silid at tanging lamesa at upuan na itim lang ang naroroon at mga pagkain nakahain sa lamesa. Purong puti rin ang dingding, sahig at ceiling ng silid na pinagpasukan niya.

Red room ang tinatawag nila rito pero tanging pintuan lang ang kulay pula at walang makikitang pula sa buong silid, maliban sa ilang prutas nasa lamesa.

Napatalon siya sa gulat nang malakas na bumagsak ang pinto sa kaniyang likuran. Wala na ang dalawang lalaki na naghatid sa kaniya. Hindi man lang niya nakita nang malinaw ang mga mukha nito.

Pinatitigan niya ang nasa unahan. Hindi niya mahakbang ang paa sa takot. Tanging siya lang ang nasa loob sa mga oras na iyon.

"Sit down."

Napalingon siya agad sa gilid niya nang may matandang lalaki ang nagsalita. Sobrang lamig at nakakatakot ang boses nito. Napaatras siya nang makita ito sa gilid niya. Nakatitig sa kaniya ang mapula nitong mga mata.

"A-ano ang kailangan niyo s-sa'kin?" paglalakas niya nang loob na tanong dito kahit sobrang nanginginig na ang kaniyang mga kamay at binti sa takot.

"Why don't we sit first, Nyebe?"

"Ayaw ko po," mabilis niyang sagot dito. Kahit anong sabihin nito ay hindi siya uupo at hindi siya tatabi rito.

"I'm not planning to hurt you," tumuloy ito sa lamesa habang sinasabi ang katagang iyon sa kaniya. Umupo ito sa center table. Sobrang layo nito sa kaniya na kinaginhawa niya.

"Gusto ko na po umuwi."

"Patawad pero hindi kita mapapayagan na umuwi hangga't—" pinutol muna nito ang sasabihin at tumingin sa kaniya nang mariin. Mas lalo siya napaatras.

She was scared.

She wanted to go home.

Please.

"Sweet Nyebe, ang tanging gusto lang naman namin ay sumama ka sa amin. Tayong mga half-breeds, malayo sa mga full blooded na walang mga puso at ang tanging alam lang ay kundi manakit ng mga kauri natin. Hindi mo ba gusto iyon?"

"Ayoko po," nanginginig niyang sagot dito.

"Ops, wrong answer," natatawa pa nitong ani sa kaniya. Nakakakilabot ang tawa nito na pinagtaasan niya ng balahibo.

"Please, ayoko po. They're nice to me. Wala akong hinanakit sa kanila. Hindi ko po gusto sumali sa inyo."

Napatili siya nang biglang may humawak sa magkabilaan niyang braso. Nilingon niya ang mga ito. Bumalik ang dalawang lalaki na sina V1 at V2.

"No, no, no! Wrong answer. That's wrong answer— you should said, yes i am willing to join you," ani ng half vampire at half wolf sa harapan nila. Para pa itong nababaliw sa inaakto nito.

"No! No! No! I will not join you!" Pagsisigaw niya sa mga ito. Mas hinigpitan naman ang kapit sa kaniya nang pilit siya kumakawala sa hawak ng mga ito.

"Ahhhh! Stop! You will join me and the rest of my pac— what the fuck is that?!" Napaatras siya kahit hawak pa siya ng dalawa dahil sa takot nang sumigaw ito.

Nakarinig sila ng ingay sa labas. Sumisigaw ang mga ito at may putok din ng baril silang narinig.

Nagsusumigaw at nag-iiyak siya sa sobrang takot. Hindi niya pa gusto mamatay.

Sa isang iglap ay may dumating na ilang mga tauhan. Nilapitan ng mga ito ang matandang lalaki na kumakausap sa kaniya kanina, hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam ang pangalan nito.

Lumapit naman ang babaeng kausap niya kanina sa lalaki at pilit itong hinihila at dinadala sa isang silid. Nagtatalo na rin ang mga ito, galit na galit ang lalaki sa babae dahil nakukuha nitong sagot-sagutin ang lalaki.

Nasampal pa ang babae ng lalaki pero kahit gano'n ay hindi nadala ang babae at inutusan ang tauhan nito na hawakan ang lalaki sa braso para dalhin sa kulay puting silid sa gilid nito.

Bago lumayo ang mga ito sa kaniya ay masama munang tumingin ang babae sa kaniya.

Sa sobrang kaba at takot niya ay hindi niya namalayan na bumagsak na ang dalawang lalaki na may hawak sa kaniyang braso.

Napansin niya rin ang buong silid ay naging kulay pula na. Sumakto na ito sa tawag sa silid at ang dahilan ng pagiging pula ng mga ito ay sa dugo nang nakahandusay na mga half-breeds sa sahig.

Nagsisigaw siya sa takot.

"Baby, take a deep breath. Andito ako, andito na kami." Nanginginig na nilingon niya si Primo nakayakap sa kaniya. Mapapansin ang dugo sa katawan nito. Tanging short na lang din ang suot nito.

"Primo!" Nag-iiyak na niyakap niya ito nang mahigpit. Lumapit naman si Echo sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit kahit yakap niya pa si Primo.

Napansin niya rin ang tatlo na nakikipaglaban sa tauhan ng kumuha sa kaniya. Si Apollo at Indigo ay nakalobong anyo habang si Gunner naman ay nakikipaglaban gamit ang dalawang paa nito, naka short na lang din ito at walang pang itaas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro