Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

SA apat na sulok ng silid ay mapapansin dito ang kabuan na kulay pinaghalong brown at itim sa buong paligid. May green board sa unahan at lamesa sa gitnang bahagi.

Mapapansin ang kalumaan ng paligid pero kahit gano'n ay maganda pa rin itong tingnan.

May tag apat naman na mahabang lamesa ang mayroon sa loob. In total of eight long desk na kulay brown. Mataas ang mga ito kaya high chair ang mayroon.

Habang may ilang libro sa likuran at ilan na figurines ng bahagi ng buto at insekto ang naka display sa mga kabinet.

Sa lamesa ay may isang kulay itim na bowl na nasa gitnang bahagi habang napapalibutan ito ng iba't ibang uri ng halaman.

Nasa klase sila ngayon nang pagtuturo sa pag gawa ng mga gamot. Ang task na nakatuka sa kanila ay ang pag gawa ng gamot sa ubo.

Kumuha siya ng dahon ng oregano at inilagay ito sa bowl na kanilang pinapakuluan.

Sa kada lamesa ay may apat na estudyante ang nakaupo. By partner ang pag gawa ng isang potion.

Kinuha ng katabi niyang babae ang panandok at hinalo ang kumukulong tubig sa bowl nasa harapan nila. Kulay dark green na ito.

Nag pakilala ang partner niya na si Gemma. Isa itong half breed katulad niya. Sa labing pito niyang taon namumuhay, ngayon lang siya nakasalamuha na katulad niya.

Katulad nga nang sabi ng kaniyang ina ay mahirap ang buhay ng isang half breed kung wala itong maayos na mga magulang dahil hangga't ngayon may ilan pa rin ang hindi tanggap ang katulad nila.

Natuwa siya nang gusto nito makipagkaibigan sa kaniya. Ang sabi pa nito ay may kilala pa itong ibang half breed na nag aaral sa Greenville.

"Gusto mo sumama mamaya? Kikitain 'ko after school 'yong ibang kauri natin," ani Gemma sa kaniya habang hinahalo nito ang potion.

"I'm not sure, baka hanapin kasi ako."

"Don't worry, hindi tayo mag tatagal. Panigurado matutuwa sila kapag nalaman nilang may iba pang katulad natin na nag aaral dito."

"Matutuwa sila?" Nag aalangan niyang tanong dito. Minsan lang siya makarinig na may matutuwa na makilala siya lalo na isa siyang half breed.

"Oo naman! Sino ba naman ang hindi?"

Umiwas siya nang tingin dito at pinatitigan ang ilan nilang full blooded classmates. Malungkot naman siyang ngumiti kay Gemma at sinulat ang process ng ginagawa nila sa notebook.

"I understand. We understand what you feel." Hinawakan pa ni Gemma ang balikat niya habang nakatitig ito sa kaniyang mata.


PUMAYAG siya na makipagkita sa mga kaibigan ni Gemma. Excited siya na makilala ang mga ito. Pakiramdam niya ay magkakaintindihan sila lalo na at pare-parehas silang half-breed.

Malapit sa kanilang Unibersidad ang coffee house na pupuntahan nila kung saan kikitain nila ang mga kaibigan nito.

Sumalubong sa kanila ang aroma ng kape nang pumasok sila sa loob ng coffee house. Katulad ng kanilang Unibersidad ay gawa sa lumang bato ang kabuoan ng cafe.

"Gemma!"

Sabay silang napalingon ni Gemma sa kaliwang bahagi ng cafe nang may tumawag dito na babae.

"Tara Nyebe! Doon tayo."

Kinuha nito ang kamay niya at hinila siya nito papunta sa mga kaibigan nito. May dalawang half-breed ang nakaupo roon.

Isang babae na half witch, half vampire at isang lalaki na kaparehas nito. Habang si Gemma naman ay half witch, half fae.

Tumayo ang babae ng makatapat sila sa pabilog na lamesa.

"Hi! I'm Helen." Pakilala nito sa kaniya. Inabot pa nito ang kamay sa harapan niya.

Nginitian niya ito. "Nyebe." Saad niya rito pagkatapos ay inabot ang kamay nito.

"This is my twin Hell."

Bumaling siya sa lalaki na nakaupo at nakatingin na sa kaniya ang malamig nitong mata.

"Hi!" Ani niya rito kahit kinakabahan. Tanging tango lang ang naging sagot nito sa kaniya.

"Nyebe, anong gusto mo? Treat namin." Tanong ni Helen sa kaniya. Sabay na rin silang umupo ni Gemma sa bakanteng upuan.

"A-Ano, nakakahiya. 'Wag na po." Nag gestured pa ang dalawa niyang kamay na kumakamaway na ibig sabihin ay huwag na.

"No worries." May ngiti sa labi na saad pa ni Helen. "Ganto na lang, next time ikaw naman ang mag te-treat sa'min." Saad ni Gemma. Tumango pa si Helen.

Tumingin siya sa mga ito. Dumako pa ang tingin niya sa lalaki nag pakilala na si Hell. Hindi nawawala ang malamig nitong tingin sa kaniya.

Sumangayon na lang din siya kahit medyo natatakot siya sa kakambal ni Helen.


KINABUKASAN ay niyaya siya ulit nina Gemma na makipagkita sa mga ito.

Naikwento niya sa ina na may nakilala siyang mga half-breed na nag-aaral din sa Greenville. Natuwa ang kaniyang ina nang malaman ito, kahit siya ay masaya rin.

Mababait ang mga ito. Madaling pakisamahan at kahit medyo nakakatakot tingnan si Hell ay maayos naman ang pakikitungo nito sa kaniya.

"You came!" Masayang ani ni Helen sa kaniya nang makarating sila ni Gemma sa parking lot.

"Opo naman, ate." Nalaman niya na may apat na taon ang agwat nila ng kambal.

Nasabi rin ng mga ito na ang mga magulang nito ang nagpatayo ng bahay na pupuntahan nila kung saan may ilan din mga half-breed ang nanunuluyan.

Pumasok sila ng sasakyan at umupo sila ni Gemma sa backseat.

"Hi kuya Hell!" Bati nila ni Gemma sa binatang nasa driver seat. Nasa passenger seat naman nakaupo ang kakambal nito na si Helen.

"Paki-suot 'yong sealtbelt niyo." Paalala ni Hell sa kanila. Kahit si Helen ay sinunod na rin ang sinabi ng kapatid.

Umabot ng isang oras ang biyahe nila. Hindi siya familiar sa mga dinadaan nila pero hindi na siya nag tanong pa sa mga ito. Basta ang alam niya ay wala na sila sa Greenville.

Matapos malagpasan ang maraming puno na dinaanan nila ay nakarating na rin sila sa dapat paruonan.

Nang makababa sila ng sasakyan ay hindi niya mapigilan na ma-amazed sa nakikita. Nasa gitna sila ng kagubatan at sa pinaka gitna no'n ay may isang malawak na hardin sa unahan habang sa likuran naman nito ay isang malaking tahanan.

Hindi mansyon pero may tatlong palapag ito. Ang tanim din sa hardin ng mga ito ay mga gulay o halaman gamot na pu-pwedeng gamitin. May mga half-breed na busy nag tatanim sa hardin.

Sabay-sabay napalingon ang mga ito sa gawi nila nang maamoy ng mga ito siya. Sa kaba ay napaatras siya. Nabaling siya kala Gemma at Helen na may ngiti sa labi. Hinila siya ng mga sa kamay.

"Don't worry, they won't hurt you," ani ni Gemma sa kaniya.

"Kakampi mo kami, Nyebe," saad pa ni Helen.


INIKOT niya ang buong paligid nang makapasok sila sa loob. Hindi rin matigil sa pag tingin sa kaniya ang mga ito habang papasok sila.

May ilan na tumigil sa pag gawa ng gawain bahay para lang maki asusyo sa nangyayari.

Lahat sila ay napatingin sa hagdan nang may mag asawa na bumaba galing sa itaas.

Nakahawak sa braso ng lalaki ang asawa nito na panigurado siya na magulang ng kambal dahil kamukha ng mga ito ang dalawa pa-baba na.

"Good day! Welcome to our house, Nyebe." Malalim na boses na bati sa kaniya ng ama ng kambal.

"T-thank you, po."

Ngumiti ang mga ito sa kaniya. Lalo na ang asawa nitong babae.

"You can call me tita Emely. Feel at home ka lang, everyone in here ay madaling pakisamahan," saad naman ng ina ng kambal.

Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi at tinanungan ito. "I can feel it po."

"How about we give Nyebe a tour?" Pag singit ni Helen sa usapan. Sinang-ayunan naman ito ng lahat.

Hindi na sumama ang magulang ng kambal sa kanila. Ang tanging sumama na lang sa kanila ay ang kambal, si Gemma at ang ilang kabataan na tuwang-tuwa na makita siya. Hindi kasi madalas may makita ang mga ito na bagong kauri.

Madalas kasi kapag half-breed ay nag tatago ang mga ito. Katulad na rin nang sinabi ng kaniyang ina sa kaniya. Kaya nang malaman nila na may mga half-breed pala na samang-sama naninirahan ay nagulat and at the same time natuwa sila.

"Ang daming kwarto po," puna niya sa maraming pinto naka halera.

"Yeah. Dad said maraming half-breed ang nangangailangan ng tirahan," ani ni Helen.

"Lalo na maraming full blooded ang walang puso," dugtong pa ni Hell.

Natigilan naman siya sa narinig dito. Tama naman ang mga ito pero naalala niya ang pack nila, kahit na may ilan talaga na hindi siya tanggap ay mayroon din naman may puso katulad ng mga kaibigan niya.

"Ikaw, Nyebe? Do you want to stay here?" Tanong ni Gemma sa kaniya na kinagulat niya. Napatingin pa sa kaniya ang mga ito.

"Uhm.. I'd love to but I have my own pack," nag aalalang sagot niya.

"Oh!"

Maririnig sa mga ito ang disappointment sa kaniyang sinabi.

"Uhm, tara na sa baba guys! Dinner na, and Nyebe rito ka na mag gabihan," yaya ni Helen sa kaniya.

Napatingin siya sa kaniyang wrist watch pagkatapos ay tumango sa mga ito. "I'll take you home." Umangat ang paningin niya kay Hell nang mag salita.

"Salamat, kuya," pasasalamat niya rito.


KASAMA niya ang kambal nang tinahak nila madilim na kalsada. Hindi niya namalayan ang oras habang nakikipagusap siya at kumakain ng gabihan kasama ang mga ito. Kanina pa rin siya pabalik-balik ang tingin sa orasan niya dahil panigurado lagot na siya sa magulang niya. Hindi pa naman siya nakapagpaalam sa mga ito.

Tumingin siya sa labas ng bintana. Makikita rito ang nag tataasan na mga puno habang bumubuhos na ang ulan sa kalangitan. Nasa backseat siya habang nasa passenger seat naman si Helen at sa driver seat ay si Hell.

Tanging tunog lang ng radyo ang maririnig sa loob ng sasakyan at pagtila ng patak na ulan na bumabagsak sa hood ng sasakyan. Napatingin siya sa unahan nang tumigil ang pagtakbo ng sinasakyan nila. Sumilip siya sa unahan kung saan may isang van na itim ang nakahinto at nakatutok sa kanila ang maliwanag nitong liwanag.

Nagtataka na tinitigan niya ito dahil mali ang direksyon nito. Napalingon siya kay Helen na nagtataka rin naka dungaw sa unahan habang si Hell naman ay binaba ang bintana sa gilid nito.

Pumasok ang malamig na simoy ng hangin. May ilan din na patak ng ulan ang pumapasok sa loob dahil sa bintana naka bukas sa driver seat sa gilid ni Hell.

"What is happening, Hell?" Tanong ni Helen sa kakambal. Lumingon lang si Hell kay Helen at binuksan ang pinto na hindi sinasagot ang katanungan ng kapatid.

"You two, stay here. Don't you dare go outside," may riin na bilin ni Hell sa kanila. Ang lamig nararamdaman niya dahil sa ulan ay mas lalong lumamig dahil sa narinig nitong boses.

Pinanuod nila ni Helen ang paglabas ni Hell at pag bagsak nito ng pinto. Nag tungo ito sa nakaharang na sasakyan sa kasagsagan nang ulan. Pinanliitan niya ang mga mata nang may lumabas na may kalakihan na pangangatawan na lalaki sa itim na van nakaharang sa kanila.

Napaayos siya nang upo at hinawakan niya ang kamay na nangingig sa takot habang tutok na tutok sa unahan.

"I can't smell him," puna ni Helen habang nakatingin sa unahan. Mabilis niya inamoy ang paligid at tanging scent lang nila ang naamoy niya at hindi ang lalaki.

"What does he want?" Hindi niya mapigilan na manginig sa takot at kaba na tanong.

"I don't know, Nyebe."

Natigil sila sa paguusap nang marinig nila naguusap na ang dalawa pero dahil sa malakas na ulan ay hindi nila malinaw itong naririnig. Nag hahalo ang ingay na nag pa-pasakit sa kanilang tenga.

Napansin niya na tumingin ang lalaki sa gawi nila.

"A-ate," tawag niya rito.

"He won't hurt us. Hell wouldn't allow that to happen."

Binalik niya ang tingin sa unahan nang tumalikod na si Hell sa kausap nito. Sa tingin niya ay ayos na pero sa tingin niya lang pala dahil sa pagtalikod ni Hell dito ay ang hugot ng baril ng lalaki sa suot nitong jacket at pinukpok ito sa ulonan ng binata.

Sabay silang napatili ni Helen sa nasaksihan. Nakita nila ang pagbagsak ni Hell sa lupa at ang pag baling ng lalaki sa kanila. Mas lalo pa nadagdagan ang takot nila nang may lumabas pa na apat na lalaki sa sasakyan. Maski ang mga ito ay hindi nila maamoy.

"Shit!"

"A-ate Helen!"

Nag mamadali na inalis ni Helen ang seatbelt sa katawan. Bubuksan na sana nito ang pinto para lumabas at tulungan ang kakambal nang makarinig sila nang putok ng baril. Naiiyak na napapasigaw siya sa kada putok nito ng baril sa direksyon nila. Maririnig naman ang walang tigil na sigaw at mura ni Helen.

"Shit.. shit.. shit.."

"Ate, anong amoy 'yon?"

"Shit! 'yong gulong. They shot the tires. Mother fuckers!" Nang gagaliiti na sigaw ni Helen.

Napatili siya nang mabilis nakalapit sa kanila ang tatlong lalaki at binuksan ang pinto sa kanilang gilid. Napasigaw siya at sinipa ito ngunit walang epekto ang sipa niya rito. Napahiga siya sa backseat. Hinila naman nito ang dalawa niyang binti pero pilit niya pinag sisipa ito para pigilan.

Umiilaw na rin ang mga marka sa kaniyang mukha dahil sa bago-bagong emosyon. Pinipilit niya rin na mag shift ngunit hindi niya magawa. Hindi niya rin marinig ang kaniyang she-wolf.

"Ahh—" sigaw niya rito ngunit natakpan ito ng isang malambot na tela at may hindi kaaya-aya itong amoy. Hindi niya namalayan na bumukas ang pinto sa kaniyang likuran at may isa pang lalaki rito.

Nahihilo siya.

Pilit pa rin siya sumisigaw at kumakawala sa hawak ng mga ito pero nang ginawa niya iyon ay nakatamo siya nang isang suntok sa tiyan at unti-unti na rin lumalabo ang kaniyang paningin hanggang pahina na ng pahina ang mga boses at bagsak ng ulan naririnig niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro