Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

[Edited]

SUMASAYAW ang mga dahon sa puno ng kakahuyan nang humangin ng malakas.

Sa ilalim ng puno ay may limang kabataan na may edad na sampung taon ang pinapalibutan ang isang batang babae na may edad na siyam.

Nakaupo na ito sa maduming lupa sa kakahuyan habang walang tigil ang pag-iyak nito. Namumula ang mga pisngi, ilong, at mata nito dahil sa patuloy na pag-iyak habang pinagtatawanan ng limang kabataan ang batang babae.

May itim na itim itong buhok hanggang baywang. Matataba rin ang pisngi nito at may kulay labanos itong balat.

"Sabi ni ina'y hindi pwede ang kauri ninyo rito."

"Hindi ka naman namin kauri, 'bat andito ka pa rin?"

"Panigurado walang magkakagusto sa'yo sa itsura mo niyan?! Matatakot lang sila sa'yo."

"Kaya siguro hindi lumalabas she-wolf mo kasi natatakot siya sa itsura mo."

"Sino naman ang hindi matatakot sa kaniya? Panigurado kapag naging lobo 'yan, ang pangit ng balahibo niya."

Mas lalo umiyak ang babae. Kakatapos lang kasi ng kaarawan niya at sumapit na siya sa edad na siyam ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakapagpalit ng anyo.

Umiyak siya nang isipin na hindi siya tanggap ng kaniyang lobo.

Palagi sinasabi ng kaniyang ina na kakaiba siya sa lahat ng bata sa lugar nila dahil hindi lang siya isang lobo. May dugo rin siya ng isang fae.

Dahil ang kaniyang ama ay lobo habang ang ina naman niya ay isang faery.

"What do you guys think you were doing?"

Natigilan ang mga ito nang marinig ang isang lalaki na magsalita. Mababakas sa himig nito ang pagkamaotoridad. Taliwas sa edad nitong labing isang taong gulang.

Napalingon sila sa lalaki. May matalim itong tingin sa limang bata. Kahit hindi na kay Nyebe ang tingin nito ay parang mapapaihi na rin ito sa takot.

May kasamang apat na lalaki ang nagsalita kanina lamang. Parehas na matatangkad ang mga ito at mayroon na magagandang mga mata. Matatangos din ang mga ilong at may mapupulang mga labi ang lima.

May luha na tinitigan niya ang lima na nasa kaniya rin ang mga titig.

"Get the hell out of here!" sigaw ng lalaki na nagsalita kanina. Mas lalo siya natakot sa tono ng boses nito.

Nanginginig na umatras siya sa mga ito dahil sa takot. Pinipigilan niya rin ang pag-iyak sa harapan ng lima.

"Ano pa tinitingin niyo?!" sigaw pa nito na nagpatakbo sa mga batang bumu-bully sa kaniya. Susunod na rin sana siya sa mga ito nang hawakan ng isa ang kaniyang braso.

"W-wala po akong kasalanan," umiiyak na saad niya sa mga ito.

"Gunner! Bakit mo pinaiyak?"

"I didn't do anything, Apollo!"

"Hey, don't cry." Lumapit ang isang lalaki sa kaniya. Humawak ito sa kaniyang braso. Binaba nito ang ulo para magkatapat ang kanilang pagmumukha dahil matangkad ito.

"W-wala po akong k-kasalanan."

"We won't hurt you. We just want to take you home." Nanliwanag ang mga mata niya sa narinig.

"Talaga po?" Tumango ang lalaki sa kaniya at pinunasan ang luha niya sa pisngi.

"Echo, tara na!"

Parehas silang lumingon sa lalaki na sumigaw kanina. Nagsisimula na ito maglakad palayo sa kanila.

"Let's go?" baling ulit sa kaniya ni Echo. Tumango naman siya rito. Susunod na rin sana siya sa mga ito nang napahinto siya dahil sa nag tanong sa kaniya sa gilid niya.

"You're Nyebe, right? I'm Indigo."

Nakaabang ang palad nito sa kaniya habang may malaking ngiting pinapakita.

"O-opo," naiilang na sagot niya rito.

"Tara?" pag-anyaya nito sa kaniya. Tinuro pa nito ang palad nakaabang sa kaniyang harapan.

Nang titigan niya lang ang palad nito ay ito na ang nagkusa kumuha sa kaniyang kamay. Pagkatapos ay parehas silang sumabay sa paglakad sa apat na mga lalaki pauwi sa kanila.

NAHIHIYA siyang tumingin sa lima nang mahatid siya sa kanilang tahanan.

Ang bawat tahanan sa kanilang campsite ay hindi gaano nagkakalayo. Gawa rin sa kahoy ang buong bahay sa village. Nakatayo ang village nila sa kalagitnaan ng kakahuyan. Maraming mga puno at halaman. May ilog din sa hindi kalayuan na madalas puntahan ng mga kabataan na lobo.

"S-salamat po."

Hindi siya makatingin sa mga ito lalo na puro mga kalakihan ang naghatid sa kaniya. Hindi siya sanay makihalubilo sa mga bata sa kanila dahil madalas siyang binu-bully ng mga ito dahil may dugo siyang isang fae.

"You're welcome." Si Echo ang sumagot sa kaniya. "Pasok ka na sa loob, mahamog na," dagdag pa nito sa kaniya.

Namumula ang kaniyang mga pisngi sa paraan na pagsabi nito sa kaniya. Inilagay niya ang ilang hibla ng buhok sa likuran ng tainga at ngumiti sa lima.

"Ingat din po kayo," pagpapaalam niya sa mga ito ngunit mabilis din nawala ang ngiti niya nang makita niya ang matalim na titig ng anak ng kanilang Alpha.

"S-sorry," paumanhin niya agad.

Sabay-sabay na lumingon ang apat na lalaki sa kanilang likuran at tinitigan ang kaibigan.

"Primo, tinatakot mo si Nyebe," ani Echo.

"Mauna na ako," masungit na saad nito sa kanila. Tumingin muna ito sa kaniya saglit bago tumalikod pauwi.

"Don't worry. Nahihiya lang siya sa'yo." Tumingin siya kay Indigo nang magsalita ito. Tumango siya rito at pilit na ngumiti.

"Bye! Salamat uli—"

"Anak! Sino 'yang kasa..ma mo?" Mabilis siyang lumingon sa ina nang matigilan ito nang makita ang apat na lalaki nasa harapan ng tahanan nila.

Kinakabahan na bumaling siya sa ina. "M-ma., wala po."

"Anong wala? May apat na lalaki ang nasa tapat ng bahay natin," suway ng ina sa kaniya.

"Hi, I'm your tita Aria. I'm sorry sa inasal ng anak ko. Hindi man lang kayo pinapasok sa loob. Kung ayos lang naman sa mga magulang niyo. Dito na kayo sa'min mag gabihan," baling ng ina niya sa apat.

"Mama," pagpipigil niya sa ina. Hinawakan niya pa ang kamay nito para patigilin na sana nang, "we would love to po," sabay-sabay na sagot ng apat na lalaki sa ina niya.

PAREHAS nakatingin ang apat na lalaki sa kaniyang ina habang inaasikaso nito ang kanilang hapagkainan. Makikita sa mga mata nito ang pagka-amazed.

"You have beautiful ears po," puri ni Echo. Tahimik na pinagmamasdan niya ang mga ito.

Natawa naman ang kaniyang ina. "Salamat, hijo pero sa totoo lang madalas kapag nakikita ng iba ang tenga at pakpak ko ay makikita sa mga mata nila ang pagkadisgusto."

"But it's beautiful."           

"Thank you. I appreciate it. Naghihinayang lang ako at hindi nakuha ni Nyebe ang tenga at pakpak ko. Masyadong malakas ang dugo ng kaniyang ama."

"Ma." Kanina pa talaga siya nahihiya. Hindi siya sanay na sa kaniya ang buong atensyon ng mga ito.

"Kahit wala siyang tenga't pakpak ng fae ay maganda si Nyebe lalo na ang kaniyang mga mata," saad ni Indigo.

Tinakpan niya ang pisngi sa sobrang hiya dahil panigurado na pulang-pula na ang kaniyang mga pisngi lalo na sobrang puti ng balat niya.

"She loves it," asar ng kaniyang ina. Tumawa naman ang apat pagkatapos ay binigyan siya ng ngiti sa labi ng mga ito.

"Mauna na kayo kumain. Hindi ako makakasabay sa inyo at hihintayin ko pa ang ama nito."

"It's okay po, tita. We'll make sure Nyebe will eat her dinner."

"Salamat sa inyo mga hijo."

Nang umalis ang kaniyang ina ay tumahimik din ang buong paligid. Hindi rin magawa ng mga ito magsimula kumain.

Kahit nahihiya ay sinubukan niya magsalita. "Let's eat?"

"Nyebe, tabi ka rito sa'min. Masyado kang malayo," saad ni Apollo sa kaniya. Tumawa pa ito.

Tumayo siya sa kaniyang pwesto at lumipat sa tabi ng mga ito. Tahimik lang sila na kumain. Minsan nag ku-kwentuhan ang mga ito o kaya tinatanong siya.

Sa maliit na oras ay nagkagaanan niya ang apat na lalaki. Nalaman niya rin na mas matanda sa kaniya ng dalawang taon ang mga ito sa kaniya.

"Nyebe, see you tomorrow," paalam ng apat sa kaniya. Akala niya ay aalis na ang mga ito nang magulat siya dahil isa-isa siyang hinalikan ng mga ito sa kaniyang pisngi.

"Bye! Tell tita, thank you sa dinner."

She bit her lower lip, nodded at them, and bid her goodbye.

BITBIT ang kaniyang libro at notebook. Nagtungo siya sa dining area ng kanilang pack house. Balak niya hintayin ang ama matapos sa trabaho nito habang tinatapos niya ang paggawa sa binigay sa kanilang takdang aralin.

Umupo siya sa isang mahabang upuan at nilapag ang kaniyang mga kagamitan sa mahaba rin na lamesa.

Tahimik lang ang kapaligiran. Hapon na kasi at busy ang ilang pack members sa kani-kanilang gawain. Dahil panigurado kapag sumapit ang gabi ay mapupuno na naman ang dining area ng kanilang pack house.

"What are you doing?"

Muntik na siya mahulog sa kaniyang kinauupuan nang may mag salita sa kaniyang kaliwang gilid. Nilingon niya si Echo na may nakapaskil na ngiti sa kaniyang mga labi habang tinitigan nito ang hawak niyang libro.

"A-ah, eh..."

"I o u?" asar nito sa kaniya. Kumunot ang noo niya. "Kuya naman!"

"I'm kidding," natatawa pa rin nitong ani bago ito tumabi sa kaniyang tabi. Napaatras tuloy siya nang upo. Bigla siya nahiya at kinabahan.

"I'm studying po while waiting papa," she said. Tumango si Echo sa kaniyang sinabi. Hindi pa rin nawawala ang magandang ngiti nito.

Mas namula siya at umiwas ng tingin. Simula nang makita siya ng mga ito sa kakahuyan ay madalas na siyang kausapin ng mga ito.

Bigla siya nagkaroon na instant mga kuya sa lagay niya.

"I see. Gusto mo bang tulungan kita?"

"Ahm, really po?" nahihiya niyang tanong dito.

"Yeah," he chuckled. Hindi niya mapigilan na madala sa ngiti rin nito kung saan bumungisngis siya habang tinitigan ang maganda nitong mga mata.

KASAGSAGAN ng paglalaro ng mga kabataan sa malawak na field. Hapon at sikat na sikat ang araw sa timog. Hindi katulad sa normal na mga kabataan na tao. Ang mga kabataan na lobo ay mabilis ang bawat pagkilos.

Hindi ito gano'n lamang makikita ng isang normal na bata kung wala itong espesyal na abilidad katulad ng mga lobo o ibang lahi. Gano'n kabilis tumakbo ang mga ito.

Isang malakas na hiyawan ang namayani nang sipain ni Apollo ang bola ng soccer. Bumubulusok na pumasok ito sa loob ng tent ng kanilang kalaban.

Tinaas ni Apollo ang dalawa kamay at may waging ngumiti ito sa mga kabataan na babae todo ang tili sa gilid.

"Thank you. Thank you," may kayabangan na saad ni Apollo habang paulit-ulit ito nag bow na para bang isang prinsipe.

Ngunit agad rin ito huminto. Nawala ang focus nito sa mga kababaihan at lumipat ang kaniyang paningin sa isang cute na babae na may edad na sampung taon.

Tinatangay ang kulay itim nitong buhok habang patalon-talon naglalakad patungo sa loob ng kakahuyan. Walang alintana na sinundan ito ni Apollo at kinalimutan ang ilang kabataan na kalaro.

Maingat naglakad si Apollo habang sinusundan si Nyebe. Hindi mawala sa labi ng lalaki ang ngiti habang pinapakinggan ang mahina na pagkanta ng batang babae.

Nang bigla may pumasok sa makulit na kokote ni Apollo. Mas lalo siya nag ingat maglakad at nagtago sa isang malaking puno. Bigla ito malalim na umungol na sobrang nakakatakot.

Sa takot ni Nyebe ay bumagsak ito sa lupa at nabitawan ang hawak na mga bulaklak. Umiyak si Nyebe nang hindi tumigil ang nakakatakot na ungol na para bang isang malaking halimaw.

Do'n natauhan si Apollo nang marinig nito ang iyak ng babae. Tumakbo si Apollo palapit kay Nyebe. Lumuhod ito at hinawakan ang pisngi nito upang itapat sa kaniyang mga mata.

Hindi naman nabigo si Apollo nang makita nito ang lumuluhang si Nyebe. Bigla ito nakaramdam ng takot.

"S-sorry, Nyebe," nahihiya na saad ni Apollo ngunit nagulat ito nang hablutin ni Nyebe ang leeg nito at yumakap dito nang mahigpit.

"Kuya, I'm s-scared po," umiiyak na ani Nyebe. Mas lalong natigilan si Apollo. Inis na inis ito sa kaniyang sarili.

Pinagsisihan niya kung bakit niya ito nagawang takutin. "Kuya is here. You're safe na."

Tumango-tango si Nyebe at mas lalong niyakap si Apollo. Do'n unti-unti binalik ni Apollo ang yakap ni Nyebe bago ito inalo.

TINUSOK ni Indigo ang gulay nakahain sa kaniyang harapan bago ito may ngiti sa labi na sinubo. Nakaupo ito sa high-chair sa loob ng kusina sa kanilang pack house.

Kung wala sa labas ang lalaki ay madalas namamalagi si Indigo sa loob ng kusina para makipagkwentuhan sa mga pack members naroroon.

"Sarap niyo talaga magluto nay Ising."

Pinunasan ni Ising ang lamesa at tumingin kay Indigo. Umiling-iling ito. "Ikaw na bata ka, masyado kang bolero!"

"Totoo naman po kasi sinasabi ko, nay Ising!" ngiting-ngiti na saad ni Indigo bago binalingan ang isang babae na may edad na sampung taon.

Busy ito sa paghihiwalay ng gulay sa isang lalagyan. "Riley, tama naman ako 'di ba? Your mom is really a great cook."

Namumula na tumango si Riley. Pagkatapos ay pinatitigan nito ang ina. Sumasangayon sa sinabi ni Indigo.

"Hayaan mo na nay si sir Indigo puriin ka. Totoo naman po na masarap ka magluto," mahinhin na saad ni Riley.

Hindi naman nawala ang ngisi ni Indigo. Tinaas pa nito ang kamay para bigyan ng thumbs up ang babae. Mas namula naman si Riley.

"I told you, nay Ising—" Napadako ang tingin ni Indigo sa bagong pasok sa loob ng kusina. Natigil ito sa pagkain at natulala.

"N-nyebe," tawag ni Indigo. Umayos pa ito nang upo.

Lumingon si Nyebe kay Indigo pagkatapos ay nginitian ito. "Kuya. Hi!"

Tinuro ni Indigo ang katabing upuan. May alinlangan na lumapit si Nyebe pero hindi ito umupo sa tabi ni Indigo bagkus ay pinatitigan niya lang ito sa mata. Umikot din ang tingin nito sa ilang tao nasa loob ng kusina.

Bigla nakaramdam ng hiya si Nyebe. Labing isa na siya at mas lalo siya naging aware siya sa pagiging kakaiba niya sa kanila. Hindi siya purong lobo dahil may kalahati siyang dugo ng faery.

Tumayo si Indigo sa pagkakaupo at nilapitan si Nyebe. "Kumain ka na ba? Sabayan mo ako kumain," saad nito bago hinawakan ang kamay ni Nyebe at marahan na hinila ito sa katabing upuan.

Wala pang sinasabi si Nyebe nang hawakan siya ni Indigo sa baywang at binuhat siya paupo sa katabing upuan nito.

"K-kuya," nahihiya niyang sita. May ilan kasi nakakita sa ginawa ni Indigo sa kaniya.

Inusog ni Indigo ang plato sa tapat ni Nyebe at niyaya ito kumain. Hindi nito napansin ang pagkakahiya ni Nyebe nang buhatin niya ito.

"Si nanay Ising, magaling magluto. Paniguradong magugustuhan mo 'yan."

Binalingan ni Nyebe ang tingin sa plato. Puro gulay ito. Medyo hindi pa gano'n kumakain si Nyebe ng gulay. Madalas siya mapagalitan sa bahay nila dahil iniiwan niya ang gulay sa kaniyang plato.

"Ah... hindi ako kumakain ng gulay," bulong ni Nyebe kay Indigo. Hindi naman napigilan ng lalaki matawa. Nagawa pa nito pisilin ang pisngi ni Nyebe.

"Ang cute mo talaga!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro