Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Dahlia

Maingat kong sinara ang pinto ng apartment ko gamit ang isang paa habang ang dalawang kamay ay nakayakap sa pagkaing dala.

Humarap ako sa kabilang pintuan at kumatok kahit nahihirapan. Umawang ang pinto atsaka ko nakita ang isang maliit na ale. Dumungaw ito habang nakataas ang dalawang mata.

"Ano po 'yon?"

"Kayo po ba ang bagong may-ari ng unit na 'to?" may ngiti kong tanong sa kaniya.

Mabilis niyang binuksan ang pinto at marahas na nag-iling. "Ay, hindi po! Maid po ako ng ina ng nakatira dito. Bakit po pala?"

"Ahh—ganun ba? Ibibigay ko sana 'to sa kaniya bilang welcome gift. Pwede bang sa'yo ko nalang iabot ito?" nilahad ko ito sa kaniya at tinanggap naman agad niya.

"Mas mabuti sana kung ikaw mismo ang nagbigay nito." sambit niya pa atsaka pumasok. "Gusto mo bang pumasok muna?" tanong niya pa.

Umiling ako, "Okay lang po, papaalis na rin naman ako ngayon." tumango-tango ito.

"Pasensya na talaga, hindi pa kayo nagkaabutan. Mukhang mamaya pa babalik ang batang 'yon." napatawa nalang ako atsaka sinabihan siyang okay lang bago ako bumaba.

Pumasok na ako sa trabaho. Dumaan ang ilang oras ay tanghalian na. Sumabay ako sa mga katrabaho ko at sa gitna ng pagkukuwentuhan nila ay napag-usapan namin ang bago kong kapitbahay.

"Diba ngayon dadating ang magiging kapitbahay mo?" tanong sa'kin ni Lyka.

"Ah—oo, dumating kanina pero hindi ko naabutan."

"Ay? Bakit hindi?" nagkibit-balikat naman ako doon.

"Babae ba o lalaki?" singit ni Kerby.

"Ewan ko rin, hindi ko natanong sa ale kanina." sumubo ako ng pagkain habang sinasagot sila.

"Naku, sis, kahit pangalan man lang ay hindi mo tinanong?" hindi makapaniwalang tanong sa'kin ng bakla.

"Hindi naman kasi interesado." sumubo pa ako ng kanin at kumuha ng isang dahong lettuce atsaka nilukot bago sinubo ng buo.

"Hindi interesado pero binigyan mo ng pagkain." siko naman ni Lyka. Napatawa nalang ako ng bahagya at hindi sila pinansin.

Gusto ko lang naman salubungin ang bago kong kapitbahay at 'yon lang. Wala na akong planong kaibiganin o kilalanin pa ito dahil hindi ko parin naman 'yon mapapakinabang lalo na't nandoon lang ako alas nwebe ng gabi hangga't alas sais ng umaga.

Matapos kumain ay bumalik na ulit kami sa trabaho. Mga alas otso ng gabi bago kami natapos at napag-isipang sa labas nalang kakain. Pagod na pagod akong umuwi at hindi na muna dumaan sa orphanage.

Tumunog ang elevator at bumukas. Marahan lang akong naglakad papunta sa unit ko dahil sumasakit ang binti ko sa kakalakad, lalo na't de takong pa ang suot kong sapatos.

Kinapa ko ang susi sa bag ko habang pilit na ginalaw ang paa. May kung anong tumutusok kasi galing sa sapatos ko kaya nang mabuksan ko ang pintuan ay dahan-dahan akong yumuko para hubarin ito.

Nang nasa gitna pa ako ay bigla na lamang bumukas ang pintuan sa likod ko at nang tingnan ko ito mula sa pagkakayuko ay mabilis akong napaayos ng tayo.

Halos matumba na ako nang tumama ang ulo ko sa makapal na pintuan ng apartment ko. Panay mura ko nalang habang sapong-sapo ito. Ni hindi ko na naramdaman ang pananakit ng binti dahil dun.

Napatigil nalang ako nang bigla akong inalalayan sa pagtayo. Nasa likod ko man ay ramdam na ramdam ko ang malalaking braso nito at mainit na hininga. Nang malanghap ko ang amoy niya ay wala sa sarili akong napatingala patalikod. At lubos nalang ang pagsisi nang gawin ko 'yon.

Napaharap ako at mabilis na napaatras habang kunot-noo itong tinitigan. Pabalik-balik sa kaniya at sa kabilang apartment ang tingin ko at hindi makapaniwala sa napagtanto.

"Ikaw yung bagong lipat diyan?" turo ko sa harap na unit.

Pilyong ngumiti ito, "Yeah, any problem?" taas kilay nitong tanong.

Napatikom naman ako sa bibig ko at hindi pa rin makapaniwala sa narinig. Huwag mong sabihin na siya ang titira diyan ng ilang taon? Na siya ang binigyan ko ng pagkain? Sa lahat ng pwedeng lumipat, ba't ang ex ko pa?


Panay reklamo ko sa mga katrabaho ko sa nangyare. Ilang araw na rin ang nakalipas pero ngayon ko pa nilabas. Sa tingin ko kasi kailangan ko talaga ng karamay sa pagkakataong ito.

"Huwag mo nalang kasing isipin 'yan. Ang importante ay nakakamove on ka na, diba?" pagpapagaan ni Lyca sa pakiramdam ko.

"Hindi mo rin naman siya makikita palagi dahil nasa work ka whole day at uuwi na ng nasa alas nwebe o alas deis." ani ng isa ko pang kaibigan na si Althea.

Tumungga ulit ako ng alak atsaka napaub-ob sa dalawang palad. Naramdaman ko ang kamay nila sa likod ko at pilit na inaayos ang pakiramdam ko.

Nasa isang bar kami ngayon, dito kami dumeretso pagkatapos ng trabaho. Ako yung nagyaya sa kanila dahil ako naman yung may problema kaya agad naman silang sumama.

"Sis, dapat kasi hinintay mo nalang na makapasok ka sa apartment mo. Hindi yung bigla nalang yuyuko sa harap ng pintuan niya. Naku! Aakalain nun na inaakit mo ulit siya!"

Mas lalo akong nanlumo sa sinabing 'yon ni Kerby. Dahil sa alak ay hindi ko na mapigilang mapaiyak. Hindi ko talaga alam kung bakit ako namomroblema sa simpleng pagbalik ng ex ko. May kung ano kasing umusbong na damdamin sa dibdib ko nang makita ko ito ulit. At natatakot ako dahil baka yung feelings ko 'yon sa kaniya na bumabalik.

Tumangga ako ng maraming alak kaya panay alala ng dalawa sa'kin habang ang bakla ay panay pang-aasar naman. Paniguradong ginagamit niya ang pagkakataong 'to habang lasing ako.

"Sigurado kang kaya mo? Ihahatid nalang kita hanggang pintuan mo para sigurado kaming nasa maayos na lagay ka." pag-aalala ni Lyka.

Lasing akong umiling atsaka tinuro siya. "Hindi! Hindi, ano ka ba! Kaya ko 'to! Nakaya ko ngang mabuhay nang walang kahit sinu, 'to pa kaya? Alak lang 'to!" paninigurado ko sa kanila atsaka pasuray-suray na naglakad papasok ng elevator.

Balak pa sanang pumasok ng dalawa sa loob pero hinarangan ko na, "Alis na kayo, kaya ko 'to! Ako si Dahlia na maganda, pero iniiwan. Kaya ko 'to!" pagtataboy ko sa dalawa.

Nang sumara ang elevator ay napaupo naman ako sa sahig at pilit na inaayos ang tingin. Nahilo ako lalo sa pagtaas-baba ng sinasakyan. Nakaraan ang ilang segundo ay bumakas naman ito.

Halos maub-ob na ako sa sahig dahil sa pagkahilo. Dumikit nalang ako sa dingding para ma supurtaan ang sarili. Dahan-dahan at pasuray akong naglakad papunta sa pinto ng apartment. Hindi pa man ako nakakahawak sa doorknob nito ay biglang bumukas ang kabilang pintuan at lumuwa ang hubad na pang-itaas ng lalaking pamilyar.

Niliit ko ang mga mata ko para malinaw itong matitigan. Dahil sa kalasingan ay medyo malabo na ang paningin ko at isama mo pa ang pamamaga ng mga mata ko sa kakaiyak kanina.

Nang hindi ko pa rin mapantanto kung sino ito ay napabuhakhak nalang ako ng malakas. Tinuro ko ito, "Mukha kang bungal." sabay tawa ko.

Kumapit ako sa pintuan nang mahilo ako. Sa tingin ko ay maduduwal ako. Wala sa sariling pinipihit ko ang door knob at inis na inis na pinaghahampas ito nang hindi mabukas.

"Puta ka, ah! Ba't ayaw mong mabuksan?" marahas ko itong pinihit at mura ng mura.

Hindi ko na lubos na maisip ang pinanggagawa ko pero wala naman akong pakealam dahil hindi ko rin naman 'to maalala bukas.

Nakarinig ako ng mahinang tawa sa likod ko kaya pinanliksikan ko ito ng tingin. "Gwapo ka? Ba't ka tumatawa?" inis kong tanong bago ulit humarap.

"Pakipot kang door knob ka!"

Pasuray-suray akong bumwelo at inihanda ang binti upang masipa ang pintuan. Pero bago ko magawa 'yon ay bigla nalang ako nakaramdam ng pagsakit ng ulo at nahilo. Sa isang iglap ay nakita ko nalang ang sarili kong papunta sa sahig at pagkatapos nun ay wala na akong matandaan pa.


Halos sumabog na ang dibdib ko sa takot nang may biglang gumalaw sa tabi ko. Natatakot akong tumingin dito dahil baka multo o may magnanakaw na nakapasok sa loob.

Panay hanap ko ng pwede kong panghampas, baka sakaling may gagawin itong masama. Pero nang bigla ako nitong hapitin sa bewang ay doon na ako napatayo ng wala sa oras.

Hapong-hapo ko ang dibdib ko at tinutok rito ang picture frame na nakuha ko sa mesa ng nasa gilid ng kama. Wala na akong ibang mapagpipilian dahil hindi naman gaano karami ang gamit sa loob ng apartment ko.

Napako ako sa kinatatayuan at mabilis na nag-ayos ng sarili nang makita ko ang hubad na katawan ng kapitbahay ko. Mabilis na dumapo ang tingin ko sa sarili at laking pasasalamat na may damit pa ako, damit pangtrabaho.

Nang tingnan ko ulit siya ay mahimbing pa rin itong natutulog habang nakadapa. Pilit kong inalala ang nagyare kagabi at napamura nalang nang wala akong nakuha.

Nailang ako ng kaunti dahil baka may ginawa ako sa kaniya kagabi o ano. Pero naalala ko ulit kung ano ang ginagawa niya rito kaya binato ko sakaniya ang picture frame.

Napasigaw ito nang tumama ang edge ng frame sa likod niya. Napaliyad ito at napangiwi. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman pero pinilit kong pigilan ang sarili na maawa at taas kilay siyang tinanong.

"Ginagawa mo dito, Shawn?" natigilan siya at kusot mata akong sinagot.

"Ask yourself about that, Doll." at dumapa ulit na parang kama niya ang hinigaan niya. Natigilan naman ako sa sinabi niya. Doll? Really?

"Seriously? Umuwi ka na nga." sabay sundot ko nito sa pwetan gamit ang binti.

Kinabahan ako bigla dahil baka may ginawa talaga ako kagabi sa kaniya. Knowing Shawn, he doesn't let anything slide, lalo na kapag may kasalanan ka. You must pay for your debt.

Panay sundot ko pa rin sa kaniya kaya umungol ito. "Don't you have a work or what?" may bahid na inis ang boses niya.

Nataranta naman ako dahil dun at napasapo sa noo nang makita kung anong oras na. Hindi ko na muna siya pinansin at dali-dali na hinanda ang sarili. Alas deis na ng umaga at obviously, late na ako sa trabaho.

Sa banyo na ako nagbihis dahil baka hindi pa rin umaalis si Shawn sa kwarto ko. Nag blower na ako at mabilis na nagmake-up bago dali-dali na sinabit sa balikat ang bag.

Kalahating oras nalang bago mag-alas onse. Tumakbo ako papunta sa pintuan at napahinto nalang nang nakita ko si Shawn na naghahain ng pagkain sa mesa.

"Going out already? Let's eat first."

Napakurap ako dahil dun at hindi alam ang sasabihin. Wala pa rin itong damit pang-itaas at tanging apron lang na maliit pa sa kaniya ang nagsilbing pantapal nito.

Napatingin ako sa pagkain sa harap. Biglang nanuyo ang lalamunan ko at nag-init ang gilid ng mga mata ko sa naalala.

This is what we used to do five years ago. Dahil sa umuusbong na damdamin ay hindi ko mapigilang mainis rito at hindi sinadyang masigawan siya.

"Just what the hell are you doing, Shawn?" may bahid na irita sa mukha ko, "Diba sabi ko umalis ka na? Ba't ka pa bumalik?!"

Dalawa ang ibig sabihin nun. At sana malaman niya kung ano ang ibig kong sabihin. After all, he's Shawn, the intelligent and wise kid, that I've known for a decade.

Hindi ko namalayang napatakbo na pala ako palabas matapos nun. Magkahalo ang nararamdaman ko at isa na doon ang pamilyar na damdamin na bumabalik.

Dumiretso ako sa orphanage at hindi na pumasok sa trabaho. Pilit kong tinago ang pagkalungkot ko at panay laro lang sa mga bata. Nagtaka pa sila kung bakit ako nandito ngayon pero sinabi ko lang sa kanila na wala ako sa mood na pumasok. Hindi naman sila nagtanong matapos nun at tinuloy lang ang kuwentuhan.

Pasado alas onse ng gabi ng makauwi ako. Sinadya ko talagang gabihin para hindi ko siya maabutan. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at tahimik na pumasok sa loob.

Alam ko namang wala na siya dito pero hindi ko mapigilang mainis dahil dun. Naalala ko ang mga pagkaing hinanda nito para sa'min dalawa. Bigla akong dinapuan ng masakit na pakiramdam at hindi ko namalayang humihikbi na pala ako.

Bumalik sa'kin ang mga masasayang alaala naming dalawa. Masakit 'yon dahil yun lamang ang pagkakataong sumaya ako sa buong buhay ko. Wala akong mga magulang at tanging mga madre lang ang nag-alaga sa'kin hanggang sa mag dose anyos ako.

Sa ikalawang pagkikita na namin kami naging magkaibigan. 

Galing si Shawn sa kalaban na school at isa sa contestant, tulad ko. Sa unang pagkakataon ay nag-tie ang school namin at magmula nun ay hindi ko na siya nakita pang umalis sa tabi ko. Madami pang masasaya at malungkot na nangyare at hanggang sa bigla nalang itong humingi ng tawad sa akin atsaka nagpaalam na umalis.

Mga ilang minuto ay ginaya ko na ang sarili ko papasok sa kwarto. Humiga na ako at kahit man ay nagugutom ay natulog pa rin ako.


Nagising ako sa amoy na nagpakulo ng tiyan ko. Nang tingnan ko ang orasan ay alas singko na pala ng umaga. Medyo inaantok pa ako dahil late na akong nakatulog kagabi.

Bumangon na ako at naghanda. Pagkatapos ay lumabas na ako para kumain pero laking gulat ko nalang nang makita si Shawn sa kusina. May suot itong business attire at kasalukuyang nilalagyan ng kape ang tasa.

"Paano ka nakapasok dito?" tanong ko.

Namangha naman ako dahil hindi ito nagulat at tinuro lang pintuan habang hawak-hawak ang tasa.

"Ang ibig ko sabihin ay bakit ka nandito?"

He sipped his coffee first before he answered, "Bringing you something to eat."

"And why would you do that?"

"Because you refused the food I made yesterday. Kaya bumili nalang ako baka sakaling magustuhan mo."

Napakurap ako doon at hindi mapangalanan ang nararamdaman. Shawn is really that persistent kid who doesn't know the word stop.

Napatingin ako sa pagkaing hinanda niya. It was not the same as what he made yesterday. Nagdadalawang-isip pa akong tanggapin ito pero naalala ko kahapon. Medyo nasaktan rin ako sa ginawa ko. He was just being generous but all I did was being rude.

Sa isang iglap, natagpuan ko nalang ang sarili kong kumakain habang nasa harap siya, pilyong ngumingiti. Nainis ako dahil sa pagkailang.

"Mukha kang bungal." sambit ko pero natawa lang ito.

"Bungal na gwapo." patuloy nito.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Says who?"

"Ikaw." nabilaukan naman ako doon.

"Excuse me?"

"Hindi mo naalala?"

Napalunok ako nang bigla ako nitong tinitigan. Naalala? Ang alin? Bumalik ang isipan ko sa gabing lasing ako. Huwag mong sabihing 'yon ang tinutukoy niya?

"Bakit? Anong ginawa ko noon?"

Pasimpleng tumawa lang siya atsaka sumandal. "Do you really want to talk about it?"

Umirap ako, "Just say it." nagkibit-balikat ito at prenteng umupo.

"The night you got drunk,.." tumango ako, "..was frustrating." nanuyo ang lalamunan ko nang sinapo nito ang noo.

"You kept on puking all over your place, and I kept on cleaning it. You called me names but it was not something to be mad about because you'd compliment me afterwards. You danced and tried to strip in front of me, you yelled at your door and kept on kicking your door knob. That was a hell of a night. Kasi, anong kasalanan ng door knob mo sayo?"

Hindi ako nakagalaw pagkatapos niyang sabihin 'yon. Nagkagat-labi ako at unti-unti umub-ob sa mesa. Sana pala hindi ko nalang tinanong sa kaniya ang nangyare. Sa eksena palang sa door knob ay hiyang-hiya na ako, ano nalang kaya kung may iba pa akong ginawa bukod sa mga iyon?

"I was drunk so it's normal. Yu-yun lang naman, diba?" napatitig ito sa'kin nang tanungin ko 'yon. There was something in his eyes that was stopping him from saying something but in the end, he could not lie.

"You begged me to sleep with you." sa pagkakataong ito ay nabagsak ko na ang mukha sa mesa at konting-konti nalang ay maiiyak na.

"...but it was fine. I mean, we used to sleep together kaya wala lang sa'kin 'yon."

Mabilis akong napatingala dito, "Do you really have to bring up the past?"

Sa halip na matakot ay pilyong nginitian lang ako nito at nagtatawa-tawa na mukhang nasisiyahan pa. Napasapo ako ng noo at napailing. How is he here again?


Matapos ang araw na 'yon ay lagi ng sa apartment ko nakatambay si Shawn. I don't even know why I let him, basta magugulat nalang ako sa tuwing madadatnan ko siya sa sala o di kaya sa kusina ko.

Sabado at wala akong trabaho. Kasulukuyan akong nagbabasa ng libro nang may biglang kumatok. Apat na katok at alam ko na agad kung sino. Mula sa kabila ay nagsalita ito.

"Can I come in?" mahina lang pero rinig na rinig ko.

"Pumasok ka na, nahiya ka pa." sambit ko naman habang nagbabasa pa rin.

Narinig ko itong pumasok at may dala-dalang plastic. Sinamangutan ko siya. "Kumatok ka pa talaga, ha?" tumawa ito at inilapag sa harapan ko ang pagkain.

"Kala mo naman dito nakatira." musot ko atsaka binuksan ang dinala niya.

Hindi ko alam kung para ba ito sa'kin pero bahala siya, nasa pamamahay ko siya kaya kung ano ang sa kaniya, sa'kin rin.

"Come on, Doll. Just eat." sabi niya nalang para huminto ako sa pagreklamo.

Kinunutan ko siya ng tingin at napangiwi. Doll na naman. Hindi ko nalang ito pinansin at binaling ang tingin sa libro habang kumakain pa rin. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at binuksan ang laptop niya. Mukhang magtatrabaho ata.

Hinila ko ang suot nito gamit ang binti ko na nakapatong sa sofa. Tumingin naman siya na may pagtataka, "Gawa mo?" tanong ko.

Bumaling muna ito saglit sa laptop niya bago ibinalik sa'kin, "Work." sabi niya habang nakatingin pa rin.

"Oh, ba't ka dito magtatrabaho? Opisina mo ba 'to?" pagmamaldita ko baka sakaling umalis ito.

Tinawanan niya lang ako, "I want you to be around when I'm working." napasamid ako sa kinakain.

"Ano ako, oxygen?, Para hindi ka mamatay kapag wala ako?" I heard him chuckled.

"We can say that." sabi niya pero nginiwian ko lang 'to.

"Edi sana patay ka na ngayon. Ba't nandito ka pa?" pabulong ko para hindi niya marinig pero akala ko lang pala.

"Kasi nandito ka." pagbibiro niya atsaka bumuhakhak. Nainis naman ako dun. Kahit kailan wala talagang matinong kausap sa kanilang magpinsan.


Panay tilian ng tatlo nang ikuwento ko sa kanila ang nangyare. Mukhang wala atang araw na hindi sila magtatanong tungkol kay Shawn.

"So, lumevel up na ba?" usyuso ni Lyca.

Napangiwi ako, "Lol, never." umirap pa ako para makita nila na hinding-hindi talaga 'yon mangyayare.

"Why naman hindi? Pagong ka ba, sis? Ang slowly mo naman." kutya naman ng bakla sa'kin.

"Why would I even go back to someone who hurt me? Hindi ako tanga para ulitin ang nagyare." rason ko.

Napabuntong-hininga nalang ang dalawa habang si Althea naman ay natatawa lang. "Huwag niyo nang pilitin si Dahlia. Baka kapag nasaktan ulit 'yan, uuwi na naman tayong lasing at mapapagalitan na naman tayo ni Sir." bahagyang natawa ito kaya napakamot ako ng noo.

"Ah—sorry pala sa nangyare noon. Napahamak pa kayo dahil sa'kin." tumawa ang tatlo bago inilapag ang mga pagkain.

Inilapag ko na rin yung sa'kin nang bigla nalang may naghanap. "Sino raw?" tanong ko sa guard na nasa pintuan.

"Shawn Guerrero raw po, Ma'am." sabay-sabay nabilaukan ang tatlo kong kasama habang hindi naman ako makapaniwala sa narinig.

"Teka—akala ko ba walang level up?" narinig kong sambit ni Lyca bago ako nakalabas.

Dali-dali akong bumaba para tingnan kung gaano katotoo ang sinabi ng guard. Nang makababa ay nakita ko itong nasa gilid lang ng kotse niya, nakasandal habang halukipkip na pinakatitigan ang dalawang pasyente sa kabila kung saan may ospital.

Mabilis ko itong kinalabit at pinaglalakihan ng mata, "Problema mo?" diretsahan ko.

"Saan tayo kakain? Gutom na ako."

Napamaang ako sa kaniya at hindi makapaniwalang tinitigan siya. Sino bang ginagago ng taong 'to?

"Ano pakealam ko kung gutom ka?" inis kong sambit at nagsimulang pumasok ulit.

Hinuli nito ang kamay ko at iniharap ako. "Sabay na tayo." sabi niya sabay angat ng isang nakabalot na lunchbox.

Biglang may mung anong namuo sa dibdib ko. Ito na naman, bumabalik na naman...

Bago paman ako makaangal ay nahila niya na ako papasok. Nataranta naman ako dun dahil bukod sa nasa trabaho ako ay hindi rin kami pwedeng magpapasok ng kung sino nalang.

"Good noon, Mr. Guerrero." bati ng sekretarya ng CEO.

Napamaang ako dun. "Nandiyan ba si Pocson?" impormal niyang tanong.

"Kakaalis lang rin po. Ipapasab—"

"Ah, wag na. Hindi naman siya ang sadya ko dito. Haha, sige!" sabay hila niya ulit sa akin.

Hanggang sa makarating kami lounge ay hindi niya pa rin ako binibitawan. Napatitig nalang ako dun at sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang bumungad sa isipan ko ang nakaraan namin.

Kailan nga ba ulit kami huling naging masaya?

Naalala ko pa noon kung gaano ka perpekto ang relasyon namin para sa'kin. Away-bati man pero natandaan ko kung gaano kasarap 'yon sa damdamin.

Siguro dahil sa kaniya ko lang noon naramdaman ang pakiramdam na may nagmamahal.

I was born unfortunate. Walang mga magulang at tahanan. Nagmulat ako sa mundong puro katulad ko ang kasama. Mga madre ng simbahan ang kinalala kong mga magulang habang ang kagaya kong ulila naman ay tinuturing kong mga kapatid.

Masaya naman ako sa orphanage. But it was not until I realized that the longer you stay, the lonely it will get.

Isa-isa kada buwan ang nagkakaroon ng bagong pamilya, mostly ay mga bunso sa amin. Nakakalungkot 'yon dahil bilang isa sa mga matatanda, pakiramdam namin walang may gustong kumupkop sa amin.

Noong tumuntong akong dose anyos, doon ko nakilala si Shawn.

Magkalapit lang ang pinapasukan kong school noon sa kaniya, at sa tuwing uwian ay lagi akong dumadaan sa isang fishballan. Tandang-tanda ko pa kung paano kami unang nagkakilala.

Kasama niya noon ang mga pinsan niya, naliligo sa pawis dahil nagpapaunahan makarating. Kumakain na ako nun noong makarating sila. Panay asaran pa nila kay Archer na mataba noon dahil siya yung natalo.

Dahil sa pagkaaliw ni Shawn ay hindi niya namalayan na ang pinagsawsaw niya sa fishball ay sa pinagbanlawan ng sandok.

Geo, his cousin, was already wheezing in his food. Nakita niya na ito pero hindi niya sinabi kay Shawn at pinabayaan lang sa pagkain.

Just as when Shawn finally realized what was going on, ay bigla nalang itong sumuka, at ang mas malala ay sa damit ko pa.

And on the second time we met, I didn't know that a bond was already born.

Napakurap nalang ako nang may mahinang pumitik sa noo ko. I came back to reality just to stare at Shawn's eyes in front. Mabilis akong napakurap at dahil sa taranta ay nasampal ko siya.

Sapong-sapo niya na ang pisnge niya at panay aray sa sakit. Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya nag sorry nalang ako.

"Ba't ka kasi nangugulat?"

"Kanina ka pa kasi nakatunganga diyan. Akala ko ano ng nangyare." paliwanag niya sabay ngiti.

Napakurap ako ulit nang matandaan ko ang ngiti niya matapos akong masukahan. Mabilis akong napailing at nameywang.

"Teka nga, ano bang sadya mo sa'kin, ha?"

"Makikisabay lang sa pagkain. Bakit?" sagot niya habang inaayos ang pagkain sa mesa.

Bigla naman akong nairita at naguluhan. Ba't parang ang dali nalang nito sa kaniya? Aware naman siguro siya sa nangyare sa'min, diba?

"Nagkaamnesia ka ba?" paninigurado ko.

Nagkunot ito ng noo. "Ha? Wala, bakit?"

"So, naalala mo pa ang nangyare sa'tin?"

Nanlaki ang mata nito, "May nangyare sa'tin?" sabay yakap nito sa dibdib.

I growled and rolled my eyes, "That's not what I mean!"

"Ah—eh ano?"

Napatitig nalang ako sa kaniya at hinahanap ang laro sa mga mata niya. Yung totoo, ginagago ba ako ng taong 'to?

"You left 5 years ago, remember?" pait kong sambit. Siya naman ngayon ang natigilan at napakurap.

"So, anong ginagawa mo ngayon?" tanong ko habang nakatitig lang sa kaniya.

Umuwang ang labi niya at sumara, nagdadalawang-isip na sumagot. I wanted to hear it from him, the explanation that I've been wanting.

"Ano..nakaupo.." malungkot na pagbara niya habang nakayuko.

Napatitig nalang ako sa kaniya. Hindi pa rin siya nagbago kahit konti. Ginagawang joke pa rin ang seryoso.

"Ginagago mo ba ako?"

"Hindi..." nakayuko pa rin siya.

Hinintay ko siyang magsalita ulit. Kung sana lang ay madali siyang makakaintindi sa oras, ito na sana ang pagkakataon niyang magpaliwanag.

"Ano, maglalaro ka nalang ba lagi? Kasi sana sinabi mo sa'kin 'yan bago ka umalis, diba? Wala ka sanang naiwang nasaktan."

Ilang segundo muna habang hinintay ko siyang sumagot. Ganoon ba ka personal ang dahilan niya kaya hindi niya masabi-sabi sa'kin ang totoo?

Napailing nalang ako dahil sa pagkadismaya.

"Huwag kang pumasok ulit kung hindi mo naman alam paano magsara." tugon ko bago tumayo.

Nang makalakad ay bigla ko nalang hiniling na sana tulad ng ugali niya ay hindi rin nagbago ang trato niya sa'kin. Pero hanggang sa makalabas ay pagkabasag lang ng puso ang nakuha ko.

Saan na yung yakap na lagi mong ginagawa sa tuwing galit ako?


Nakatitig lang ako sa dingding habang nakahiga. Mag-aala una na ng umaga at gising pa rin ang diwa ko. Hindi lang ako makatulog sa kakaisip kay Shawn.

Naguguluhan at nagagalit ako sa kaniya ngayon pero sa kabila nun ay gusto ko pa ring marinig ang paliwanag niya. I just thought that there'd be closures when I hear it.

But on the contrary, natatakot rin akong marinig ito mula sa kaniya.

Truth hurts. And I'm afraid that that truth is something I'd end up breaking.

Tumagilid na ako ng pagkakahiga para sana makatulog na. Pero bago paman ako makapikit ay may bigla nalang nagbukas ng apartment ko. Mabilis akong napatayo sa kama at lumabas sa kwarto.

Bahala na kung wala akong suot na bra, ang mahalaga ay ang ma protektahan ko ang sarili ko. Mabilis kong kinuha ang tinatago kong baseball bat sa gilid ng shoerack.

Nasulyapan ko ang isang pamilyar na anino kaya hinanda ko na ang sarili baka sakaling may mangyare mang masama.

Nang papalapit ito ay nagsimula akong kabahan. Sa tingin ko kasi ay kilala ko ang taong 'to at alam ng Diyos na itong taong 'to ang pinakahuling gusto kong makita sa gabing 'to.

"Ano na naman ang ginagawa mo—"

Naputol ang pagsasalita ko nang bigla ko nalang narinig ang maliliit na hikbi nito. Dumapo ang mata ko sa ngayo'y nakaub-ob na tao, sa gilid ng refrigerator.

Napaawang ang bibig ko sa nakita ang nalilito sa gagawin.

"Anong...hoy...ba't ka umiiyak?...Mukha kang multo na lasing..." utal ko.

Nagsimula na akong kabahan dahil baka kung anong nangyare sa kaniya, baka may masakit sa kaniya o baka ay may ginawa siyang masama.

Lumapit ako at umupo sa gilid niya. Naamoy ko ang bahid ng alak sa kabuuan niya kaya nag-abot ang kilay ko sa pagtataka. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nagpanggap muna ako bilang kaibigan niya.

"Ano..gusto mo shot?"

Nanatiling humikhikbi siya habang inangat ang mukha niya. Gusto kong matawa pero pinigilan ko muna. Naalala ko kasi ang mukha niya noong una ko siyang nakitang umiyak. Madumi pero cute.

"S-saan?" nagawa niya pang tanong kaya nabatukan ko.

"Ano bang iniiyak-iyak mo diyan?" tanong ko atsaka pinunasan ang mukha niya gamit ang damit ko. Buti maluwag na t-shirt sinuot ko at hindi daster.

Umiling lang siya at tumingin sa'kin na may mabagal na luhang pumapatak. "May nasaktan ako, eh.."

Napatitig nalang ako sa kaniya. May kung ano sa dibdib ko na masakit. Hindi ko napagtanto na sa limang taon na nagdaan, nasasaktan pa rin pala ako sa tuwing nakikita siyang ganito.

"Bakit, anong ginawa mo?" pilit kong inayos ang boses ko.

"Sinaktan siya." atsaka humikbi ulit.

Kahit nasasaktan ay natawa ako at napailing. Mukhang hindi niya ata ako nakilala dahil sa kalasingan niya. Akala niya ata bahay ng mama niya ang pinasukan niya.

"Bakit ka nandito?" malambing na tanong ko para sumagot ng maayos.

"I-I live here..." hikbi niya.

"No, you don't. You live next door, hindi dito, Shawn." mahinang sinampal ko ang pisnge niya para magising siya pero umiiling lang ito.

"Hindi. Dito ako nakatira. Dito kami. Noon. Bago ako umalis." his voice was almost dried out.

Natigilan ako doon at nanlambot. So, he does remember.

"Yan oh, binili namin ng asawa ko 'yan." turo niya sa counter lights, "ayaw ko sa desinyo niyan pero 'yan ang gusto niya kaya wala akong nagawa." pagpatuloy niya habang humihikbi.

"Doon oh!" turo niya bigla sa stove. "Doon ako nagluluto tuwing umaga habang yakap niya."

Napakagat labi naman ako doon. Sinunod niyang tinuro ang balkonahe, pagkatapos ay ang sala, lagi niyang kinukuwento ang mga alaala namin noon sa iba't-ibang parte ng apartment.

Hindi ko napigilang mapaiyak na rin sa kuwento niya.

I never thought that those memories were still there.

Akala ko, kasabay ng pag-alis niya ay ang pag-iwan rin sa mga alaala namin.

Napahikbi nalang ako sa tabi niya. Kung sana sinabi niya ang dahilan, hindi na sana ako naiiwang nasasaktan at naguguluhan.

Maingat ko siyang itinayo at ginaya papasok sa kwarto. Ipinahiga ko siya at pinunasan ang mga luha sa pisnge. Umiiyak pa rin siya sa tulog niya kaya alam kong hindi ako makakakuha ng maayos na sagot ngayon kung tatanungin ko.

Pinabayaan niya akong palitan siya ng damit bago ako humiga sa tabi niya.

Medyo nakakailang na pero wala naman akong ibang pwedeng mahigaan.

Bago ako pumikit ay pinakatitigan ko muna ang mukha niya.

"Shawn,...what really happened to you?" bulong ko habang pinaglalaruan ang kilay niya sa daliri.

"If only you've told me, things might be easier..." dahil kahit ano mang problema 'yon, ay handang-handa kitang samahan at damayan.

Dahan-dahan akong lumapit sa mukha niya at maingat na hinawakan ito.

I missed you. I missed you so much.

Gustong-gusto ko siyang yakapin noong una ko siyang nakita ulit. Gustong-gusto kong ipakita sa kaniya kung gaano ako nangulila noong umalis siya. Pero natatakot ako.

Natatakot ako na kapag ginawa ko 'yon, ay baka iiwan niya na naman ako.

Ang daming bumabagabag sa isipan ko na hindi ko man lang makuha ang sagot.

Ako ba? Ako ba ang dahilan kung bakit siya umalis? Pero anong ginawa ko? May nagawa ba akong mali noon? Ba't parang wala naman akong alam?

Did he leave because I was hurting him?

Naiyak na naman ako sa iniisip ko. Limang taon rin akong naghintay, limang taon rin na nasasaktan, dahil sa limang taon na 'yon ay hindi ko mapigilang matakot.

Tumingin ako sa mapayapa niyang mukha. I caressed his cheek and brushed my fingers through his hair. Ngayong bumalik siya, ang gusto ko lang ay ang malaman ang dahilan kung bakit niya ako iniwan.

And when that happens, whatever his reason may be, ako na mismo ang lalayo para sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro