Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

"SINO NANAMAN ba 'yang ka-text mo?"

"Secret! May bago akong naka-match sa tinder eh," sagot ko sakaniya at saka ko inilayo 'yung cellphone ko kasi alam kong makiki-basa nanaman siya ng mga conversations ko.

"Ang pangit naman nang mga nakaka-match mo! At saka 'yung iba halata namang poser,"

"Tigil tigilan mo nga ako Atlas! At saka, bakit ba ang dami mong sinasabi sa mga ka-text ko, e buti nga text lang kami, kaysa naman sa'yo na lahat na yata nang nakalandian mo e sine-sex mo!" Sagot ko pabalik sakaniya kaya naghiyawan 'yung mga kaibigan namin. Nag-make face pa ako kay Atlas, kaya mas lalong sumama 'yung mukha niya at alam kong na-pipikon na siya sa'kin.

Hindi ko rin alam kung bakit kami naging mag-best friend nitong si Atlas kahit na puro away at asaran lang naman kami. Simula grade school, hanggang mag-high school magkaklase kami, tapos pati sa college, sa iisang school pa rin ang pinasukan namin at parehas pa kami ng course na kinuha!

Sa totoo lang, sawang sawa na ako sa pagmumukha ni Atlas! Mahigit sampung taon na kaming magkakilala at magkasama... Ganito yata talaga kapag pati magulang ninyo ay magkaibigan.

"Bakit kasi hindi nalang maging kayong dalawa, tutal ang tagal niyo na ring mag-best friend," Sabi ni Elsie.

"No way!" Halos sabay na sagot namin ni Atlas, kaya nag tawanan 'yong mga kaibigan namin.

"Wow, sabay pa talaga kayong sumagot, meant to be talaga kayo!" Sabi naman ni Pearl na nakipag-high five pa kay Cash habang nagtatawanan sila. Si Milo lang talaga ang bukod tanging matino sa mga kaibigan ko – and Cara, pero wala siyang paramdam simula nang mawala si Nate 6 months ago. Kasi 'tong si Elsie, Pearl, at Cash, wag mo nang asahan mag tino!

"My God, Pearl, kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo!" Saway ko sakaniya. Dahil parang nagtaasan mga balahibo ko sa likod dahil sa sinabi niya. Si Atlas? Jowa ko? Kadiri ha!

"Ang suwerte mo Gael kung ako ang boyfriend mo," Sabi naman ni Atlas at saka niya ako kinindatan, kaya nag act ako na parang nasusuka dahil sa sinasabi niya!

"Kapal mo, ha! Ang ganda-ganda ko kaya! Ang daming naghahabol sa'kin, excuse me, hindi ako papatol sa kagaya mong puro sex ang laman ng utak!" sabi ko sabay irap sakaniya.

"I won't deny that, but don't worry, because I'll never have sex with you, Gael." Natahimik kaming lahat dahil sa sinabi ni Atlas. Parang biglang natuyo 'yung lalamunan ko dahil sa sinabi niya, agad kong inabot 'yung tubig na nasa harap ko at inubos 'yon.

"Stop it, you two! Let's eat first then you two can continue your LQ later. We're starving!" Sabi ni Cash dahil nag iba bigla 'yung atmosphere sa table namin, mabilis namang sumang-ayon 'yung tatlo. Mabuti nalang at eksaktong dumating na 'yong mga order naming pagkain.

#

Hindi ko pa rin pinapansin si Atlas hanggang matapos kaming kumain. Ang kapal talaga ng mukha niya! Nakakainis talaga 'yung lalaking 'yun!

"Washroom lang ako sandali," Paalam ko sakanila bago kami umalis sa Arby's.

Hindi naman talaga ako naiihi, gusto ko lang ilabas 'yung luha na kanina ko pa pinipigilang lumabas. Mabuti nalang walang tao sa washroom dahil agad na bumagsak 'yung mga luha ko.

How dare he?!

Kung puwedeng ko lang siyang i-FO ay matagal ko nang ginawa!

Umiyak lang ako sa loob ng cubicle at nang medyo okay na ako at saka lang ako lumabas, at laking gulat ko nang makita ko si Elsie at Pearl sa loob.

"I'm fine guys," Agad na sabi ko, bakas sa mukha nila ang pag-alala.

"Sure ka, girl? Grabe naman kasi 'yang bibig ni Atlas walang preno!" Elsie said.

"Bakit kasi hindi mo nalang sabihin sakaniya 'yung totoo?" Sabi naman ni Pearl, agad akong umiling.

"No fucking way! He doesn't even remember it, so why the hell should I tell him what happened that night!" Sabi ko sakanila.  I washed my face para hindi mahalata ni Atlas na umiyak ako. Minsan pa naman parang may sensor 'yun sa'kin, alam na alam kapag may tinatago ako sakaniya. Ang ironic lang, dahil 'yung pinakatatago kong sikreto ay wala man lang siyang ka-ide-ideya.

"Basta girl, huwag mo nalang masyadong isipin, ha? I don't think na he meant what he said naman kanina," Sabi ni Elsie bago nila ako yakaping dalawa. Lumabas na rin kami nang tumawag na si Milo kay Elsie, kanina pa pala nila kami hinahantay.

"Grabe ang atat lang? Pano kung jume-jebs pa si Elsie!" Sabi ni Pearl paglabas namin, tumawa lang si Cash at Milo dahil sa sinabi ni Pearl, habang si Elsie naman ay sobrang namumula ang mukha dahil sa kahihiyan.

Naglakad na kami palabas ng Arby's tapos nagpaalam na rin kami sa isa't isa. Sumakay na si Cash, Elsie at Pearl sa sasakyan ni Milo dahil magkakasabay sila, ako naman ay sumakay sa kotse ni Atlas. Tahimik lang ako buong biyahe namin hanggang makarating kami sa parking lot ng condo ko.

I quickly removed my seat belt, and I was about to go outside when Atlas held my hand, stopping me from getting out of the car.

"I'm sorry for what I've said kanina," Sabi niya. He looks genuinely sorry. Usually naman after namin mag bangayan, humihingi siya agad ng tawad sa'kin dahil sa mga nasasabi niya.

I simply plastered a small smile before shaking my head. "Don't be. Sanay naman na ako Atlas." Sagot ko. Mabilis akong bumaba ng sasakyan niya. Hindi ko na siya binigyan pa nang pagkakataon na magsalita.

Mabilis akong naglakad at hindi ako tumigil kahit na tinatawag niya 'yong pangalan ko.

Tanginang luha naman 'to! Hindi pa ba napapagod 'tong mata ko kakaiyak?!

Bakit kasi sa isang Julian Atlantis Recio pa?! Sa dami ng lalaki sa mundo, bakit sa best friend ko pa ako nagka-gusto?!

W H A T Y A S E Y

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro