Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35

"SOBRANG GANDA mo talaga, Ate Gael! I want to be like you when I grow up! Tapos I will find a boyfriend like Kuya!" Teal said while staring at me with an adoring look. Nasa ilalim ng baba niya ang dalawang kamay niya habang nakatingin sa'kin.

"You are a very pretty young lady, Teal. And whoever you might end up dating in the future will be very lucky. " I said and smiled at her. Lumapit siya sa'kin at niyakap niya ako nang mahigpit. "Ingat nga lang siya sa Kuya Atlas mo at sobrang OA pa naman nun pagdating sainyo!" dagdag ko at sabay kaming tumawa.

"But I understand Kuya... sobrang mahal lang niya kami kaya sobrang protective niya samin. He's the best brother in the world!"

"He is... He really is the best." I mumbled, habang magkayakap pa rin kami ni Teal"—my soon to be sister-in-law.

I curled Teal's hair and did her makeup too. She wore a baby pink skater mini dress and pink flats.

And voila! She looks so gorgeous!

"Thanks, Ate! You're the best!" niyakap niya ako ulit bago siya lumabas ng kuwarto para pumunta na sa party sa ilalim.

Tapos na rin akong mag-ayos ng sarili ko at kailangan ko nalang magpalit ng dress na isusuot ko para sa party.

My parents and Atlas' parents threw us an engagement party today. Mostly, close relatives and friends are invited to the party. Ayaw ko na sanang magpa-party pa nang ganito, but Mama and Tita Julie both insist on throwing a party. Buong pamilya namin ni Atlas ay sobrang excited nang ibalita namin sakanila na engaged na kami.

They said na it's time to give them 'mga apo'! And take note, mga apo ang sinabi nila na parang gusto ata nila Mama at Tita Julie na madaming apo ang gagawin agad namin ni Atlas.

I am wearing a white knee-length spaghetti strap dress and 2 inches silver stiletto. I was busy checking myself in the mirror when I heard a soft knock on the door.

"Wow. You look beautiful, Abigael." Atlas said when he went inside the room.

Agad niya akong nilapitan at hinapit sa bewang. I wrapped my arms around her nape.

"Ikakasal na ako sa'yo, 'di mo na kailangang mang-bola,"

"Kailan ba kita binola? Every time I tell you you look beautiful, I really mean it, Abigael." sagot niya at marahan niya akong hinalikan sa ilong.

Ikakasal na nga ako sakaniya at lahat pero grabe pa rin ako kung kiligin!

We were both grinning at each other, enjoying our own sweet moments in our own separate worlds.

I still can't believe I'm engaged to my best friend of more than a decade. The guy whom I secretly loved because I was too scared to lose the friendship that we built.

Ini-imagine ko lang dati na pano kung may gusto rin siya sa'kin...

Pinapangarap ko lang dati na pano kung maging boyfriend ko siya...

Pero ngayon... ikakasal na ako sakaniya at bubuo na kami ng sarili naming pamilya.

Love really works in mysterious ways.

Parang kailan lang sinusubukan kong mag-move on sakaniya dahil alam kong ako lang 'yung umaasa at masasaktan sa huli. Pero ngayon – araw araw – parati niyang sinasabi at pinapaalala sa'kin kung gaano niya ako kamahal.

Bumaba na rin kami ni Atlas bago pa kami mauwi sa kung saan. He really is... irresistible!

Sa bahay nila Mama at Papa sa Laguna ginanap 'yung Engagement Party namin. Mabuti nalang at free ang weekends ng lahat ng kaibigan namin kaya naka-attend silang lahat. Miski si Cara na sobrang laki na niyang tiyan at parang manganganak na anytime ay nakarating din kasama si Arlo.

Everyone looks so happy for both of us. They were all really excited when we broke the news to them after a couple of months of being engaged. Sinulit muna kasi namin ni Atlas na kaming dalawa lang ang may alam bago namin sabihin sa lahat.

I don't know... Maybe it's our thing that every time there's something new going on between us, parehas naming gustong i-enjoy na kaming dalawa lang muna ang may alam. Na para bang, we want to really enjoy the moment and happiness by ourselves first before we tell other people.

We're not being selfish, but rather, we call it our own kind of moment, and that's what makes it really special.

A month after our engagement party, Mama kept on bugging me kung may date na raw ba 'yung kasal namin ni Atlas pero wala akong maibigay na sagot pa dahil sa totoo lang, hindi pa namin napag-uusapan ni Atlas.

"Anong iniisip mo?" tanong ni Atlas habang nakatulala ako at nakahiga siya sa binti ko.

Katatapos lang namin mapanood ang huling season at episode ng Friends. Medyo emotional pa ako dahil naiiyak pa rin ako dahil sa ending ng Friends kahit na ilang beses ko nang napanood 'yun!

It's Saturday, and that means rest day namin pareho. Sobrang busy na naman kasi sa work at hindi ko alam pero parang may naging problema sa company kaya halos lahat ng staff e sobrang apektado sa nangyari. Iniisip ko pa lang si Cash, nai-stress na ako. Idagdag mo pa 'yung tatay niya.

Nandito kami ngayon sa Empire sa unit ni Atlas. And speaking of his unit, lumipat ng ibang unit si Atlas dahil ilang buwan tumira si Chloe sa dating unit niya at halos ayaw niyang pumasok doon after makaalis ni Chloe, dahil naiisip lang niya si Chloe at lahat nang kasamaan na ginawa nito samin. Mabuti nalang at nagkaroon ng vacant kaya nakalipat siya sa ibang unit!

Ready na nga rin siyang magmakaawa kay Cash para tulungan siyang makalipat, kung walang vacant na unit, e!

Yumuko ako at tinignan si Atlas. Sinuklay ko 'yung buhok niya gamit ang mga daliri ko.

"Si Mama kasi kinukulit ako kung may date na raw ba 'yung kasal natin. Feeling ko mas excited pa sila satin sa kasal,"

"Bakit hindi ka ba excited na ikasal sa'kin?" parang nagtatampong tanong niya.

Kinurot ko 'yung ilong niya, "Siyempre excited!" mabilis na sagot ko.

"Then let's get married next month!"

"Ha?" gulat na tanong ko.

Umalis siya sa pagkakahiga sa binti ko at saka siya humarap sa'kin.

"Bakit ayaw mo ba?"

"Gusto! Pero ang bilis naman! Kakayanin kaya ng isang buwan 'yung paghahanda?" naga-alalang tanong ko.

Gusto ko naman din na ikasal na kami agad. Pero... gusto ko kasi 'yung hindi ira-rush 'yung wedding namin. Minsan lang akong ikakasal, kaya gusto ko 'yung talagang maayos lahat. Alam din naman 'yun ni Atlas at sinabi ko sakaniya na gusto ko naka-organize lahat sa kasal namin.

Kasal... parang dati lang iniisip ko kung pano ko kakalimutan si Atlas tapos ngayon kasal na 'yung usapan namin.

Atlas chuckled and put his arms around my shoulder. I rested my head on his chest while my arms were encircled around his waist. "Nagbibiro lang ako. Kung anong desisyon mo, doon din ako. You're my boss, Abigael." sagot niya at saka niya ako hinalikan sa ulo.

Kinilig naman ako agad dahil sa sinabi ni Atlas! Sino ba naman hindi kikiligin 'di ba?!

Hindi ko alam kung anong nagawa ko at sobrang swerte ko lang talaga kay Atlas! He sure knows the right words to say to make me feel so giddy!

Sa sobrang kilig ko ay nag-angat ako ng ulo at saka siya mabilis na hinalikan sa leeg. His weakness!

I planted small kisses on the crook of his neck while inhaling his addictive scent. I heard him grumbling while he was gently squeezing my shoulder when I started licking and sucking the sensitive part of his skin on his neck.

"Abigael, stop... Kung ayaw mong mauna ang honeymoon natin bago ang kasal,"

I giggled after niyang sabihin 'yun na parang hirap na hirap siya sa pagpipigil. Niyakap ko nalang ulit siya.

"I love you, Mrs. Abigael Lauren Recio," he mumbled before he planted a kiss on top of my head.

Nag-angat ako ulit nang tingin sakaniya bago ko inabot at marahan siyang hinaplos sa pisngi. "I love you too, Mr. Julian Atlantis Recio." sagot ko at saka marahang hinila palapit sa'kin ang mukha niya para halikan siya sa labi.

I am the happiest woman right now... and I couldn't ask for more.

I am really, really content and happy with my life right now. And I couldn't wait to get married to this man!

We just stayed like that, cuddling one another in silence. We cherished our moments with just the two of us.

And the only sound we could hear was the beating of hearts for each other.

W H A T Y A S E Y

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro