Chapter 34
"HAPPY BIRTHDAY!" bati ko tapos ay inabot ko kay Amara 'yung dala kong regalo para sakaniya.
Inabot niya 'yung regalo, "Thank you, Gael! Akala ko hindi kayo makakapunta, e!" sabi niya.
"Sus! Imposibleng 'di kami pupunta. Ikaw pa ba? Lakas mo kaya sa'kin!" sagot ko at nagtawanan kami.
Parehas kasi kaming nag-OT ni Atlas sa work kahapon e kaya akala ko hindi kami makakapunta pero mabuti nalang hapon pa pala ng Saturday ang party ni Amara kaya sakto lang kami.
"Amara, si Atlas nga pala. Boyfriend ko."
"Happy Birthday." bati naman ni Atlas na nakatayo sa tabi ko.
"Thank you," Amara replied, and then she gave me a meaningful smile. "Punta nalang kayo sa likod. Nandoon na rin sila Tita at Tito kasama sila Mom and Dad."
Hinawakan ko 'yung kamay ni Atlas bago kami naglakad papunta sa backyard nila Amara kung saan ang party.
"Mag-relax ka nga. Masyadong kang stiff diyan," sabi ko kay Atlas, pero parang hindi niya ako narinig dahil sa sobrang kabado niya.
Hindi ko mapigilan 'yung pagtawa ko kasi tense na tense si Atlas sa tabi ko. Kanina pa siya ganyan simula nang makarating kami dito sa bahay nila Amara. Hindi ko alam kung bakit siya kinakabahan.
Amara is Tita Lindsey's youngest daughter. Kaming dalawa ni Amara 'yung magka-edad kaya kami 'yung close, kasi 'yung mga kapatid ni Amara na sila Kuya Chale, Ate Cleo na mga nasa early 30's na at si Ate Cece naman na soon e 30's na rin. Sila 'yung mga ka-edad naman ni Ate Gi.
Tita Lindsey and Mama were best friends. Sobrang close kasi sila Mama and Tita Lindsey kaya parang pinsan ko na sila Amara kahit hindi naman talaga kami blood related. Mama told us some stories before about how she and Tita Lindsey met and how they were 'partners" in doing that dirty job. Si Tita Lady kasi hindi na nag-asawa dahil masyadong career oriented – na mukhang pinagmanahan ni Ate Gi na sa trabaho lang ang isip, kaya ayan wala tuloy akong pinsan.
Pagdating namin sa backyard, napa-wow ako dahil ang ganda nang pagkaka-ayos sa backyard nila. Medyo madami dami ding bisita. Semi formal 'yung party ni Amara kaya halos naka-dress ang bisitang babae at naka-tux and semi formal naman ang mga lalaki. Spoiled na spoiled talaga 'tong si Amara dahil bunso!
"Hello po Tita Lindsey and Tito Micko!" bati ko.
"And this is Atlas po. Boyfriend ko po," pagpapakilala ko kay Atlas at nakipag kamay naman siya kay Tito Micko tapos bineso naman siya ni Tita Lindsey.
"Nice meeting you po," Atlas said, with a nervous smile on his face. I bit my lower lip to stop myself from laughing because of the uneasy look on Atlas' face.
Nilingon ko nalang sila Tito and Tita dahil baka matawa na talaga ako nang tuluyan kay Atlas. Nakakapanibago siya! Pag sa'kin ang kapal ng mukha pero ngayon tiklop na tiklop siya.
Ang ganda pa rin ni Tita Lindsey at ang gwapo pa rin ni Tito Micko! Parang walang nagbago sa itsura nila noon. Nagkaroon lang sila nang konting wrinkles sa gilid ng mga mata nila, pero parang hindi tumatanda 'yung itsura nila. Tapos parang hindi apat ang anak ni Tita Lindsey dahil ang sexy pa rin niya. Mag-best friends nga sila ni Mama at Papa dahil parang mas nag mumukha pa silang bata habang tumatanda sila.
"Mabuti at nakarating kayong dalawa! And you look beautiful as ever, Gael!" Tita Lindsey said.
"Thank you, Tita. Mana po kay Mama, e." sagot ko naman kaya natawa sila.
"Nako pag 'yan narinig ni Aero magagalit na naman 'yun! Alam mo namang favorite ka nun," sabi ni Tita Lindsey habang natatawa.
Hinapit naman ni Tito Micko sa bewang si Tita Lindsey at marahan na hinalikan sa gilid ng ulo. "Pakainin mo muna silang dalawa."
"O'siya kumain na muna kayong dalawa. Malayo pa ang binyahe niyo," Tita Lindsey said, bago nila kami iniwan at saka lumapit sa iba pang bisita na dumadating.
Nakasalubong namin si Ate Cleo at Ate Cece kaya nakipag usap ako sakanila saglit at pinakilala ko rin si Atlas sakanila. Tinukso naman nila akong dalawa dahil inunahan ko pa raw si Kuya Chale na hanggang ngayon hindi pa rin nagkaka-girl friend! Masyado raw kasing focus sa trabaho kagaya ni Ate Gi! May 2 year old baby na si Ate Cleo tapos si Ate Cece naman kaka-engaged lang rin. Napag-iiwanan na sila Kuya Chale at Ate Gi!
Kumuha kami ng food ni Atlas bago kami lumapit sa round table kung saan nakapuwesto sila Mama at Papa. Kasama rin nila sa table si Ate Gi at Kuya Chale na busy sa pag-uusap about work and other stuff na nakaka-bobo. Parehas kasing matalino at 'career over love life' ang motto, kaya sila 'yung nagkakasundong dalawa.
Mabuti nalang at medyo nag-relax na rin si Atlas nang tumagal. Mas dumami pa 'yung bisita ni Amara, halos mapupuno na 'yung buong backyard nila sa dami ng tao. Malaki naman kasi 'tong bahay nila kaya okay lang din.
Ilang buwan na rin simula nang maging okay na ulit kami ni Atlas. After niya akong halikan sa Batanes, halos araw araw niya ako kung ligawan. Sobrang effort niya talaga sa pagbawi sa'kin.
Palagi niya akong dinadalaw sa office para lang dalhan ng coffee o kaya ng sandwich kapag alam niyang hindi na ako nakaka-kain dahil sa sobrang busy. Tapos after work naman, kahit na pagod siya e pupuntahan niya ako sa condo para lang samahan manood ng Friends – na nasa final season na kami ngayon. Tapos every weekend naman palagi kaming magkasama, minsan din nag-fo-foodtrip lang kami sa condo niya o 'di kaya Netflix and chill kagaya nang dati.
Halos hindi kami mapag-hiwalay ni Atlas, palagi kaming magkasama na para bang binabawi namin 'yung mahigit isang taon naming paghihiwalay. Masaya rin sila Cash, Pearl, Milo at Elsie para samin dahil sobrang apektado rin sila dahil sa paghihiwalay namin ni Atlas.
And right now, I can't ask for more.
I'm very happy and contented.
Heto lang naman ang hiling ko, e. 'Yung masaya kaming dalawa ni Atlas.
"Anong iniisip mo, Abigael?" Tanong ni Atlas. Hindi ko napansin na tapos na pala silang mag-usap ni Papa.
Umayos siya nang pagkaka-upo kaya magkaharap na kami ngayon. Inabot niya 'yung kamay ko na nakapatong sa lamesa at saka 'yon nilaro.
I smiled at him and said, "Masaya lang ako."
"Masaya rin ako dahil masaya ka."
"Cheesy mo!" sabi ko at saka mahinang kinurot siya sa ilong.
"Mahal mo naman." sabi niya at agad kong tinakpan 'yung bibig niya dahil katabi lang niya si Papa at Kuya Chale!
Nakakahiya baka marinig si Atlas na puro ka-cheesy-han ang lumalabas sa bibig!
Tinanggal niya 'yung pagkakatakip ko sa bibig niya. Medyo kumunot 'yung noo niya.
"Bakit mo tinakpan 'yung bibig ko? Please tell me that you love me." utos niya. Pinanlakihan ko siya ng mata.
I hushed him. Tapos itinuro ko sila Papa at Kuya Chale na nakaupo lang sa tabi niya gamit 'yung nguso ko para sabihin na h'wag siyang masyadong maingay pero nagulat ako nang hawakan niya ako sa pisngi at hinapit palapit sakaniya at hinalikan sa labi.
Nanlaki 'yung mata ko dahil sa ginawa niya!
Mabilis lang niya akong hinalikan. Parang 5 seconds of kiss lang, pero sapat na 'yun para mamula 'yung buong mukha ko dahil sa ginawa niya.
Hindi agad ako nakaimik dahil sa ginawa niya! Nakita kong tumingin samin si Kuya Chale at ngumisi siya saming dalawa ni Atlas dahil siya 'yung mas nakaharap sa puwesto namin tapos is Papa naman nakatalikod samin. Napansin ni Papa 'yung pag-ngisi ni Kuya Chale kaya napalingon din siya samin!
"Are you two okay there?" Papa asked.
Ang lakas nang tibok ng puso ko!
Hindi naman ako nahihiya kung may makakita saming iba pero ibang kaso kasi pag kay Papa tapos si Kuya Chale pa ang nakakita samin! Kaya mas nahihiya ako sa ginawa ni Atlas!
"Opo Tito. Okay na okay po kami ni Abigael." si Atlas na ang sumagot after ng ilang segundo na hindi pa rin ako nagsasalita.
"You okay there, Gael? Why do you look so flushed?" Kuya Chale asked and gave me a cynical smile.
Tumayo tuloy si Papa tapos lumapit sa'kin at hinawakan ako sa noo para i-check kung may sakit ako.
"O-okay lang po ako, Pa." I said, and then let out a nervous laugh.
Papa looks so worried while Kuya Chale's cheeks turn red from holding back his laughter and Atlas' grinning at me.
"Kainis kayong dalawa!" I yelled at them pag-alis ni Papa dahil tinawag siya ni Mama at may kakausapin silang ibang bisita.
Agad na tumawa si Kuya Chale at Atlas tapos nag-high five pa sila na parang close na close sila!
"Sorry Gael, I just missed you. It's been a while since the last time I saw you. Pikon ka pa rin pala." Kuya Chale said before walking towards me and tousling my hair.
I glared at him while he had a smug look on his face.
"Enjoy the party. See you two around." he faintly nodded at Atlas before he left us.
Pag-alis ni Kuya Chale ay agad na inabot ni Atlas 'yung kamay ko at hinawakan ako sa pisngi habang nakangisi pa rin.
"Sorry..." sabi niya, pero hindi pa rin nawawala 'yung amused look sa mukha niya. "Thank you for introducing me to your family."
Hindi pa rin ako umiimik at nginitian lang siya habang nakatitig din ako sakaniya pabalik.
Isa sa mga paborito kong ginagawa ni Atlas sa'kin ay 'yung pagtitig niya sa'kin na parang ako lang 'yung nakikita niya. Na nasakin lahat ng attention niya.
He was staring at me as if I was the only thing that mattered to him. Like he's scared that I might be gone the moment he blinks his eyes... As if, I'm his world and he doesn't want to lose me.
He was still caressing my cheek while holding my hand with his other hand. "I love you, my Abigael."
"I love you too, Atlas." I replied.
Para kaming tanga na nagtititigan dito sa table habang nakangiti sa isa't isa. Mabuti nalang at medyo sa dulo 'yung puwesto namin kaya hindi kami masyadong napapansin.
Nagulat ako nang biglang tumayo si Atlas at inilahad 'yung palad niya sa harapan ko. "Let's go?" sabi niya.
"Saan tayo pupunta? Hanggang mamaya pa 'yung party."
"Tagaytay."
Nanlaki 'yung mga mata ko. "Ngayon na?" tanong ko at tumango siya habang nakangiti sa'kin.
Madilim na dahil 8 PM na. Sandali akong tumingin sa paligid at busy ang lahat ng bisita na nag-uusap usap. Sila Mama at Papa rin ay busy na nakikipag usap sa ibang bisita. Ngayon ko lang din napansin 'yung mga magagandang ilaw na nakapalibot sa buong backyard ang nagsisilbing liwanag sa madilim na gabi.
I guess they won't even notice that Atlas and I left.
Inabot ko 'yung kamay niya na nakalahad at saka ako tumayo.
I smiled at him. "Let's go," I replied before we headed outside and drove to Tagaytay.
#
Nag-stop over kami sandali sa gas station para magpa-gas tapos dumaan kami sa malapit na coffee shop para bumili ng kape. Nakita ko si Atlas na may kausap sa cellphone pag labas niya ng coffee shop.
"Sino 'yun?" tanong ko pero ngiti lang ang isinagot niya sa'kin.
Nagsimula na ulit mag drive si Atlas.
I glanced at him and my God, he looks so dashing as ever! He's wearing light blue long sleeves, brown chinos, and dress shoes. His hair was freshly cut and he had newly grown stubble on his chin that made him look sexier!
Seryoso siyang nagmamaneho tapos paminsan minsan siyang sumusulyap sa gawi ko.
Hindi ko alam kung bakit biglang naisipang pumunta ni Atlas sa Tagaytay. Pero mas ramdam ko 'yung excitement ngayon, kasi unplanned 'tong pagpunta namin ngayon sa Tagaytay at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Atlas.
Ni wala nga kaming dalang damit o kahit na ano! Tanging sarili lang namin ang bitbit namin.
Bandang past 10 PM na nang makarating kami sa Tagaytay at sobrang dilim na sa labas. Tinanong ko si Atlas kung saan kami matutulog at pupunta pero ngiti lang palagi ang sinasagot niya sa'kin kaya hindi na ako nagtanong pa ulit hanggang sa tumigil kami.
Sky Ranch Ferris Wheel
Tumigil si Atlas sa tabi at nag park. Agad siyang bumaba tapos ay umikot siya papunta sa side ko at saka ako pinagbuksan ng pinto.
"Thanks," I thanked him nang alalayan niya akong bumaba ng sasakyan niya dahil naka- long dress ako.
Ang dilim na sa labas at ang tanging liwanag lang sa malaking Ferris Wheel ang nagsisilbing liwanag. Kaming dalawa lang ni Atlas ang nandito dahil kanina pang 7 PM sarado 'tong Sky Ranch.
"Bakit tayo nandito? Sarado na 'tong Ferris Wheel 'di ba? Tanong ko sakaniya pero hinawakan lang niya 'yung kamay ko bago kami naglakad papunta sa tapat ng Ferris Wheel.
May isang lalake doon na naghahantay samin. Agad siyang nilapitan ni Atlas at kinausap.
"Tara," Atlas said, with a smile on his face, before he held my hand.
Medyo alangan pa ako dahil nakakatakot na dahil sobrang dilim na sa labas!
"Hindi naman kita dadalhin dito kung alam kong mapapahamak ka. Just trust me, okay?" sabi niya dahil ayaw kong maglakad papasok ng Ferris Wheel.
"Okay." I replied before we got inside the cabin, tapos si Kuya sinimulan nang i-operate 'yung Ferris Wheel.
Kumaway pa samin si Kuya habang nakangiti bago dahan dahan gumalaw 'yung Ferris Wheel.
Agad akong napasilip sa labas dahil sobrang ganda ng view!
"Wow," I said in awe while looking outside, staring at the beautiful city lights.
Pangatlong beses na namin 'tong pagsakay ni Atlas, pero hanggang ngayon e manghang-mangha pa rin ako sa view sa labas!
Naramdaman kong tumigil 'yung Ferris Wheel nang nasa pinakamataas na part na kami.
"Atlas tignan mo—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko pag lingon ko kay Atlas at awtomatikong napatakip ako sa bibig ko nang makita ko siyang nakaluhod na sa harapan ko habang hawak-hawak ang isang pulang velvet box sa harapan ko.
My eyes began to water.
"Abigael..." he trailed off. "I... I didn't prepare any speech tonight dahil biglaan lang 'to. Actually, nakaplano na ang lahat, the venue, the ring, and everything. But I suddenly changed my mind just a while ago while I was staring at you. And I thought, "God, I just want to marry this woman in front of me, and I can't wait for another day without asking her to marry me.'"
Tears started falling down my cheeks while I was listening to him. He smiled at me while staring intently at me.
"I love you so much, Abigael... Ikaw lang ang minahal ko nang ganito. And every day since the day that I realised that I love you more than my best friend, I can't stop dreaming about the future and you're always in it. You are it. You're my best friend and my love. My everything... and now, I want to ask you to become my fiancé and soon to be my wife."
He slowly opened the velvet box that he was holding, and I saw the beautiful ring in it.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Atlas. Parang lalabas na 'yung puso ko sa dibdib ko dahil sa bilis nang pag tibok nito.
I know he's my it too. He's the one for me.
At wala na akong gusto pang makasama habang buhay kung hindi siya lang... si Atlas lang at wala ng iba pa.
"Abigael Lauren Gomez... will you please be my wife?"
I immediately nodded my head. "Yes, Atlas! Yes, I will marry you!" I answered.
Mabilis niyang inilagay 'yung singsing sa daliri ko at saka lumapit sa'kin.
"I love you so much, Abigael." he replied with a tear in his eye before leaning in and kissing me on the lips.
W H A T Y A S E Y
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro