Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

"CHLOE BLACKMAILED me,"

I gasped upon hearing that. Atlas gave me a faint smile.

Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang siyang magpaliwanag. Ang tagal kong hinintay 'tong paliwanag niya.

"Tumawag siya sa'kin para makipag-kita, pero hindi ako pumayag noong umpisa, hanggang sa may mareceive akong text galing sakaniya. It's a picture of your mom... It was a picture taken of Tita Lara pole dancing in front of a crowd of men."

Napatakip ako sa bibig ko habang nanlalaki ang mata.

How—what?!

Paano niya nakuha 'yun?

Paano niyang nalaman na gano'n ang trabaho ni Mama noong dalaga pa siya?! After the incident noong high school ako na may nambully sa'kin dahil nalaman nila 'yung trabaho ni Mama, sinigurado ni Papa na wala nang kahit na anong ebidensya sa dating trabaho ni Mama. And it's not because we're ashamed sa dating trabaho ni Mama but because Papa wanted to protect us from those people who easily judge other people without even knowing the reason behind why they're doing that job in the first place.

Nabuhay si Mama at Tita Lady dahil sa pagtatrabaho niya sa Btch Valley at hindi ko kinakahiya 'yon!

Nakakagalit lang na mismong kagaya ni Mama noon ang gagawa pa nito!

"P-paano niya..." halos hindi ko maituloy 'yung sasabihin ko dahil sa panginginig ng buong katawan ko. Inabot ni Atlas 'yung kamay ko at marahan na pinisil.

"I met Chloe through some girl that I hooked up with. Nalaman ko na nagta-trabaho siya sa Btch Valley. Nakapag-usap kami and she opens up to me about her situation, and she needed money. She said na wala siyang masyadong bookingskaya wala siyang kinikita. At first, gusto ko lang siyang bigyan ng pera para tulungan siya because somehow, I know she doesn't like what she was doing, but she needed to. Sinabi ko sakaniya na h'wag na niya akong bayaran pero pinipilit niya ako na babayaran niya ako kaya naisip ko na magpanggap nalang siya bilang girlfriend ko as a payment... Kaya ipinakilala ko siya sainyo to make you feel jealous. God, I was so stupid and blinded by the pain that I was feeling, kaya gusto kita pagselosin. And I regret doing that, and I'm really sorry, Abigael."

Nakatingin lang ako sakaniya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa mga sinasabi niya. I didn't know that he was capable of doing that to make me feel jealous.

'Yon ba 'yung tinutukoy ni Chloe noong nagkita kami sa mall dati? Na binayaran siya ni Atlas?

Wow.

Hindi pa rin ako nagsasalita at hinayaan ko lang siyang magpatuloy sa pagpapaliwanag. Hawak pa rin niya 'yung kaliwang kamay ko na para bang doon siya kumukuha nang lakas para sabihin lahat sa'kin.

"Mabait naman siya at naiintindihan ko kung bakit gano'n ang trabaho niya, but I did not expect na kaya niya akong i-blackmail. I didn't know that she fell in love with me and that she'd use Tita Lara's past job to break us apart... I swear Abigael, hindi kita gustong saktan pero wala akong choice. She threatened me with leaking the pictures and even videos of your mom when she was working there. Gusto ka niyang mapalayas sa V.M Corp., gusto ka niyang mawalan ng trabaho. Gusto ka niyang siraan sa lahat at ayaw kong mangyari sa'yo 'yun kaya pumayag ako na makikipag hiwalay nalang ako sa'yo kaysa saktan ka niya." sabi ni Atlas na parang nagmamakaawa na maniwala ako sa mga sinasabi niya.

Gusto ko siyang intindihin pero nasasaktan ako kasi bakit hindi niya nalang sinabi sa'kin...

Bakit hindi niya ako pinagkatiwalaan na kaya naming harapin 'yung pangba-black mail ni Chloe nang magkasama kami.

Tears started pooling in my eyes. Nasasaktan ako sa mga nalalaman ko. Hindi ko alam na gano'n na pala ang ginagawa sakaniya ni Chloe pero wala man lang akong kaalam-alam.

"She wanted to live with me, and I let her move in with me if that's the only way for her to stop threatening me that she would hurt you. I gave her money to pay off all her debts. I gave everything that she demands kung ang kapalit naman nun ay hahayaan ka na niya. Ayaw kong saktan ka niya kaya ko ginawa 'yun—"

"Pero sinaktan mo pa rin ako Atlas! Mas doble pa 'yung sakit na binigay mo sa'kin nang makita ko kayong magkasama sa unit mo!" I yelled at him. Patuloy pa rin 'yung pag tulo ng mga luha sa mata ko.

"Why didn't you tell me, Atlas? Bakit hindi mo nalang sinabi sa'kin!" binawi ko 'yung kamay ko na hawak niya.

"Kasi 'yun ang alam kong paraan para hindi ka masaktan,"

"But guess what! Mas lalo lang akong nasaktan dahil sa ginawa mo. Kung sanang nagtiwala ka sa'kin edi sana wala tayo sa ganitong sitwasyon. Sana hind ka naaksidente! Edi sana wala tayong nasayang na taon!"

Napayuko ako sa gilid ng kama niya habang patuloy pa rin sa pag iyak.

Gusto ko siyang intindihin... pero bakit ang sakit lang na para bang ang liit ng tiwala niya sa'kin na kaya kong harapin kung ano man ang kayang gawin ni Chloe sa'kin.

That bitch can't even touch me! That's why she chose to blackmail Atlas instead of me, because she knows that she can't make me crumble from fear!

Paulit-ulit lang sa paghingi ng tawad si Atlas habang parehas kaming umiiyak.

"I'm sorry kung mas pinili kong gawin 'yun dahil natakot ako na may gawin siyang masama sa'yo at hindi ko alam kung anong magagawa sakaniya kapag ikaw ang sinaktan niya. Baka mapatay ko siya kapag sinaktan ka niya!" galit na sabi niya.

Nag-angat ako ng ulo at saka siya tinignan. Gaya ko ay walang tigil 'yung pag tulo ng luha sa mata niya.

He cupped my face and wiped my tears away while staring intently at me.

"I'm really sorry Abigael... I swear you're the only one that I love and will always love, and no one else."

#

Atlas was discharged from the hospital after 3 weeks.

Maayos na rin 'yung kanang kamay niya at 'yung iba pang bali sa katawan niya. Wala na rin 'yung mga pasa at sugat sa mukha niya.

Nag-uusap na rin kami at nagte-text pa minsan minsan pero hindi pa rin mawala sa isip ko lahat nang ginawa ni Chloe. Medyo bumalik na rin 'yung dating Atlas na makulit at maingay. Paminsan minsan pag nagkakasama kami e nagkaka-bangayan kami ulit kagaya ng dati...

Nakausap ko rin si Papa pagkatapos magpaliwanag ni Atlas sa'kin. Nalaman ko kay Papa na halos maubos 'yung savings ni Atlas dahil binilhan niya ng maliit na bahay si Chloe at ang pamilya niya para lang layuan na siya. Binayaran lahat ni Atlas lahat ng utang ng pamilya niya para lang lumayo na sila.

Kaya pala halos subsob na siya sa pagtatrabaho para lang makaipon ng pera! Hindi rin pala alam nila Tita Julie at Tito Alistair ang nangyari. Kaya sariling naipon na pera ni Atlas lahat nang ginamit niya. Inamin lang lahat ni Atlas kay Papa noong araw bago siya na-aksidente dahil kakaalis lang ni Chloe at ng pamilya niya sa Manila.

"Baks tulala ka na naman diyan!" Cara exclaimed, "Ano bang iniisip mo?"

"Wala naman..."

"Si Atlas nanaman iniisip mo no?"

Umirap ako sakaniya at natawa naman siya. "Hindi, ah!" depensa ko.

"Sus! Denial ka pa diyan. Kitang kita ko 'yang mata mo kanina pa nakatitig kay Atlas, e!" sabi niya sabay nguso kay Atlas na naglalakad palapit sa puwesto namin kasama si Arlo.

Naka-topless siya at kitang kita ko 'yung pamang-akit niyang abs kaya agad akong nag-iwas nang tingin. Nasa beach kami ngayon na malapit sa hotel na pinagtutuluyan naming lahat.

Nandito kasi kami sa Batanes ngayon para sa kasal nina Arlo at Cara bukas.

"Ang PDA niyo! Diyan na nga kayong dalawa!" reklamo ko nang yakapin agad ni Arlo si Cara at hinalikan sa labi.

Napairap nalang ako at saka tumayo sa pagkaka-upo. Sandaling nagtama 'yung mga mata namin ni Atlas, bago ako naglakad paalis. Binalot ko 'yung katawan ko ng bikini shawl at saka ko niyakap 'yung sarili ko.

Naglakad lakad lang ako mag-isa sa gilid ng beach. Tahimik lang dito at walang masyadong tao. Konti lang naman kaming imbitado sa kasala nila Cara at Arlo. Talagang mga ka-close lang at relatives ang imbitado sa kasal.

Napatingin ako sa Beach at nakita kong papalubog na ang araw kaya tumigil muna ako sandali sa paglalakad at naupo sa isang tabi habang nakatingin sa papalubog na araw. Niyakap ko ang sarili ko dahil medyo mahangin na at naka one piece bikini lang ako at denim shorts.

Ang ganda at nakaka-relax dito sa Batanes. Kaya hindi ko rin masisisi kung bakit dito nila gustong magpakasal.

Sobrang relaxing ng lugar na 'to.

Nagulat ako nang may maramdaman akong nagpatong ng jacket sa balikat ko kaya agad akong napalingon tapos nakita ko si Atlas at tipid niya akong nginitian bago naupo sa tabi ko.

Tahimik lang kaming dalawa. Walang nagsasalita samin. Parehas lang kaming nakatingin sa magandang view na nasa harapan namin.

I missed this.

'Yung palagi ko siyang kasama at wala kaming problema.

Hindi ko alam kung possible pa bang maging maayos kaming dalawa... Kahit man lang mabalik 'yung dati naming pagkakaibigan e, sapat na sa'kin 'yon.

Kahit 'yun lang masaya na ako...

Sayang kasi, e. Mahigit sampong taon kaming naging magkaibigan tapos dahil lang sa isang baliw na babae e masisira at masasayang lahat nang pinagsamahan namin.

Nakakapang-hinayang. Sayang 'yung memories.

Wala pa ding nagsasalita samin hanggang sa tuluyan nang lumubog ang araw. Madilim na rin kaya tumayo na ako sa pagkakaupo pero napansin kong hindi pa rin gumagalaw si Atlas sa pagkakaupo niya.

"Atlas?" tawag ko.

"Abigael." sabi niya bago siya nag-angat ng ulo. Nakatayo ako sa gilid niya habang nakatingin siya sa'kin.

His eyes looked sad while staring at me. Napabuntong hininga ako dahil nakakalungkot naman kasi talaga. Maayos na kaming dalawa, pero alam mo 'yung parang may kulang? Hindi na kami kagaya ng dati kahit na nagkaayos na kami ulit at nakapagpaliwanag na siya sa'kin.

Tumayo na siya sa pagkakaupo at humarap sa'kin. Nakatingin siya sa mga mata ko na para bang kinakausap niya ako sa paraan nang pagtitig niya sa'kin.

He held both my hands and I let him. His hands made their way up to my arms, and then up to my shoulders before he cupped my face. He was staring at me like I was the only one that he could see.

"I know that I can't do anything for everything that I did... I hurt you. I made you cry, and God, sometimes I just want to beat myself up for hurting you! Alam ko ilang beses ko nang sinabi sa'yo 'to but I'm really sorry."

"Pinapatawad na kita. Sabi ko.

Bahagya siyang nagulat dahil sa sinabi ko bago nagkaroon ng ngiti sa labi niya.

Matagal ko na siyang napatawad. Naiintindihan ko kung bakit niya nagawa 'yun.

He loves me and cares for me. At mas inuna niya ang kapakanan ko kaya niya nagawa 'yun.

Pagod na rin akong maging malungkot... Tama na 'yung mahigit isang taon na na kalungkutan.

I love him and I don't want to waste any more time. I just want to be happy again.

"Please give me another chance," he asked.

I gave him a mischievous smile and said, "Kiss me." Utos ko sakaniya at walang pagdadalawang isip na mabilis niya akong hinalikan sa labi.

W H A T Y A S E Y

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro