Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

AGAD AKONG nilapitan ni Ty nang makita niya akong umiiyak sa tabi. Naninikip 'yung dibdib ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko!

"I don't know what to do, Ty! I don't know anymore!" Pagod na pagod na sabi ko, bago niya ako niyakap.

Pagod na pagod na ako...

Inalalayan ako ni Ty hanggang makabalik kami sa puwesto namin para umupo. Nakasandal 'yung ulo ko sa balikat niya habang pinapakalma niya ako.

Hindi ako makapag-decide kung tutuloy pa ba ako sa pag-alis ko... pano kung hindi ko na siya ulit makita? Pano kung sobrang sama nang nangyari sakaniya?

Ni hindi ko alam kung ano bang nangyari sakaniya kung bakit siya sinugod sa hospital!

Sinubukan kong tawagan sila Papa pero hindi na sila sumasagot! Nag simula na ding mag boarding sa gate namin at any minute ay aalis na kami.

"Gael, tutuloy ka pa ba?" Ty asked. Nakatayo na siya at ready na sa pag-alis. Ngumiti siya, pero hindi umabot sa mga mata niya 'yung pagngiti niya.

Nako-konsensya ako ngayon palang. Alam ko kung gaano ka-excited si Ty sa trip namin tapos heto ako ngayon, nagda-dalawang isip kung sasama pa ba ako. Actually, alam ko naman sa sarili ko na hindi ko na gustong tumuloy pa.

Hindi ako agad nakasagot.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Ty.

Ilang segundo akong nakatingin lang sa text ni Papa kung saang hospital dinala si Atlas.

Best friend ko si Atlas bago maging kami... Kaya kahit naman na nasaktan niya ako hindi pa rin mawawala 'yung pag-aalala ko sakaniya.

Pinunsan ko 'yung tumulong luha sa mga mata ko at saka tumayo. Agad kong nilapitan si Ty, saka siya niyakap.

"I'm really sorry, Ty, Pero hindi ko siya kayang tiisin... I'm so sorry. Umiiyak na sabi ko sakaniya.

Hinagod niya 'yung likod ko at saka niya ko nginitian nang maghiwalay kami ng yakap.

"I tried..." he trailed but paused for a second, pilit siyang ngumiti. "I tried to replace him, but I guess I'm not enough... I will never be enough."

"Ty naman..."

"It's okay, Gael. I will just use this trip to forget my feelings for you. Ang ironic lang na dapat ikaw ang kasama ko sa Euro Trip na 'to, pero ngayon aalis ako ng mag-isa para kalimutan ka," mahina siyang tumawa pero bakas sa mata niya 'yung lungkot.

"I'm so sorry, Ty... Sinubukan ko naman na magustuhan ka pero ang gaga kasi nitong puso ko! Siya pa rin ang gusto," umiiyak na sabi ko at agad niya akong nilapitan para yakapin ulit.

"Magi-ingat ka don ha!"

Tumango siya sa'kin, "Yes Miss Grumpy Pants!" sagot niya at saka siya tumawa. Hinampas ko siya sa balikat at inirapan.

"Pero seryoso, magi-ingat ka don ha? Don't hesitate to call me if you need anything." Habilin ko sakaniya. He just smiled and nodded his head.

'If I could just love Ty instead, I would. But this stubborn heart of mine won't move on from him.'

I wave him goodbye hanggang sa pumasok na siya sa boarding gate. I feel so bad for leaving him behind. Binigay ko sakaniya 'yung mga maps at 'yung pinlano naming puntahang mga lugar sa Europe.

Hinantay ko mun hanggang sa makita kong makalipad paalis 'yung eroplano ni Ty bago ko kinuha 'yung mga luggage bags ko at tumakbo palabas ng airport.

I hailed a taxi at agad na sinabi 'yung hospital kung saan dinala si Atlas. Mabuti nalang at malapit lang sa airport kaya mabilis din akong nakarating doon.

Pag dating ko sa hospital agad kong nakita sila Papa, Mama at Ate Gi kasama ang buong pamilya ni Atlas sa labas ng emergency room. Mabilis akong tumakbo palapit sakanila at agad akong sinalubong nang yakap ni Papa.

"A-anong nangyari kay Atlas, Pa?" Tanong ko at sunod sunod na tumulo 'yung mga luha sa mata ko.

"Ate Gael..." pagtawag ni Teal sa'kin at agad ko siyang nilapitan para yakapin. Katulad ko ay umiiyak din siya. Pati si Tavia at Tita Julia umiiyak din.

"Your Kuya is very strong, and you know that, right? He'll be fine." I soothed Teal, and she nodded her head.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal naghahantay sa labas ng ER. Walang nagsasalita samin at lahat kami ay hinihintay lang ang paglabas ng doctor.

After what feels like a year of waiting, lumabas na rin 'yung doctor. Agad na lumapit sila Tita Julie at Tito Alistair para kausapin 'yung doctor.

Sinabi nila Tita Julie samin 'yung sinabi ng doctor sakanilia. Nagka-mild head injury si Atlas and he broke his right arm and a couple of his ribs due to the impact, pero maayos na raw ang lagay niya at maya-maya lang ay ililipat na siya sa recovery room.

Nakahinga ako nang maluwag sa narinig ko. Kahit na hiwalay na kami, hindi pa rin naman mawawala sa'kin 'yung pag-aalala.

"Hindi mo ba siya pupuntahan sa loob anak?" tanong ni Papa at saka umupo sa tabi ko.

Nailipat na si Atlas sa recovery room pero hindi ko magawang pumasok sa loob ng kuwarto niya.

I... I'm afraid to see him – kahit na hindi naman niya ako makikita dahil natutulog pa rin siya.

"Hindi ko pa kaya Pa," I honestly admitted.

Papa held my hand and sighed.

"Atlas told me everything. I know everything that happened." Papa said, at agad akong napalingon sakaniya dahil sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin Pa?"

"He talked to me this morning. Humingi siya ng tawad samin ng Mama mo dahil nasaktan at pinaiyak ka niya. Alam mong malaki ang tiwala ko sakaniya kaya hindi ako agad nagalit kahit na gano'n ang nagawa niya sa'yo anak dahil alam kong may sapat na dahilan siya kung bakit niya nagawa 'yun. Sabay kayong lumaki ni Atlas at alam kong hindi ka niya kayang saktan."

Nakatingin lang ako kay Papa habang hindi makapaniwala sa mga naririnig ko mula sakaniya.

"Inamin niya samin ng Mama mo kung bakit niya ginawa 'yun. Gusto ka sana niyang kausapin ngayon pero sinabi ko na aalis ka at kasama mo 'yung kaibigan mong si Ty kaya mabilis siyang nagdrive pabalik sa Manila para habulin ka bago ka pa makaalis."

"Kaya siya naaksidente dahil nagmamadali siyang makabalik ng Manila?" tanong ko at dahan dahan na tumango si Papa.

"K-kasalanan ko kung bakit siya na-aksidente..." nanginginig 'yung mga kamay ko at tuloy tuloy lang 'yung pag tulo ng luha sa mata ko.

Kasalanan ko kung bakit siya naaksidente...

Kung sana nakinig lang ako kay Papa na h'wag nang tumuloy sa pag-alis edi sana walang nangyaring masama sakaniya.

Mabilis akong niyakap ni Papa. "It's not your fault anak... Walang may gustong mangyari 'yon kay Atlas."

#

"Hindi mo pa rin ba pupuntahan si Atlas?"

Agad akong umiling. "Pearl napag-usapan na natin 'to kahapon 'di ba?" Sagot ko.

Napabuntong hininga siya bago sumandal sa upuan na parang stress na stress na siya sa pag pilit sa'kin na puntahan si Atlas sa hospital.

"And besides, nagpupunta naman ako doon,"

"Oo nagpupunta ka kapag tulog na siya!" inis na sagot niya.

Umirap ako sakaniya bago ko inabot 'yung kape ko at saka uminom.

Masisisi ba nila ako kung ayaw kong harapin at kausapin si Atlas? Isang taon akong naghantay sa paliwanag niya pero ni minsan hindi niya ako kinausap. May 365 days siya para kausapin ako pero hindi niya ginawa.

Hinayaan lang niya akong mabaliw sa kakaisip kung bakit magkasama sila ni Chloe sa Empire!

"How can I move on from him kung lahat kayo pinipilit ako na bumalik sakaniya? Pano naman ako? Tingin niyo ba hindi ako nasasaktan hanggang ngayon dahil sa ginawa niya?"

"Gael naman... Hindi ka naman namin pinipilit na balikan siya agad. Gusto ka lang namin magkaroon ng peace of mind dahil paano ka makaka-move on kung hanggang ngayon e hindi mo alam kung anong dahilan ni Atlas. Pareho namin kayong kaibigan at nasasaktan din kami sa nangyari sainyong dalawa... Just please reconsider talking to him because you can't run away from him forever." Pearl paused for a second and reached for my hand.

"And you know how stubborn Atlas can be. He will chase you no matter where you go." dagdag pa niya bago tumayo at saka ako iniwang mag-isa.

Isang linggo na ang nakalipas simula nang maaksidente si Atlas. Mas naging maayos na rin 'yung itsura na. Medyo gumagaling na rin 'yung mga pasa sa mukha niya, pero 'yung kanang kamay niya e mukhang matatagalan pa sa pag galing.

Madalas ako ang nagbabantay kay Atlas sa hospital t'wing gabi kapag tulog na siya para hindi niya ako makita. Tapos dumadating sila Tita Julie sa umaga bago pa magising si Atlas para hindi niya ako maabutan doon.

Nagpaalam na rin silang lahat ng mag-gagabi na dahil tapos na ang visiting hours. Isang tao lang din kasi ang puwedeng mag bantay kay Atlas dahil isang single bed lang ang meron sa loob ng kuwarto niya.

Mga bandang 11 PM ay sumilip ako sa kuwarto ni Atlas at nakita kong mahimbing na siyang natutulog kaya pumasok na ako sa loob. Sobrang dami rin kasi niyang iniinom na gamot para sa mga sugat niya kaya madali siyang antukin.

Dahan dahan akong umupo sa tabi ng kama niya at saka hinaplos 'yung buhok niya. May konting sugat pa siya sa bandang noo niya pero pagaling na rin.

He looks so peaceful while sleeping.

Gusto ko siyang yakapin dahil miss na miss ko na siya...

Bakit ba kami nauwi sa ganito? Anong nangyari samin bakit naging ganito kami?

Parang kailan lang na palagi kaming masaya t'wing magkasama kami.

Parang kahapon lang noong nagpunta kaming dalawa sa Tagaytay at walang oras na hindi ako nakangiti kapag kasama ko siya. Maghapon kaming nag-uusap at nagkukulitan.

Alam mo 'yung feeling na nahanap mo 'yung soulmate mo? 'Yung sobrang komportable mo kasama 'yung taong 'yun.

'Yung tipong hindi ka mahihiya sabihin sakaniya lahat nang naiisip mo. 'Yung taong nilu-look forward mong makita pag gising mo palang sa umaga. 'Yung tao na marinig mo palang 'yung pangalan niya e sobra na 'yung kilig na nararamdaman mo.

'Yung taong minahal mo nang sobra at alam mong siya na talaga 'yung gusto mong makasama habang-buhay.

Kay Atlas ko lang naramdaman lahat 'yun... Siya 'yung soulmate ko.

Tinakpan ko 'yung bibig ko ng kamay ko para walang ingay na lumabas dahil sa pag-iyak ko.

Mabilis kong pinunasan 'yung luha sa mata ko at nagulat ako nang biglang gumalaw si Atlas, mabilis akong tumayo sa pagkaka-upo para sana umalis, pero parang nanigas 'yung katawan ko ng hawakan niya ako sa pulso.

"Abigael," he called my name, and that was enough to make my heartbeats go wild!

I froze in my spot. I couldn't even move a muscle.

"Abigael." pag tawag niya ulit sa pangalan ko. Hindi pa rin ako lumilingon sakaniya habang hawak pa rin niya 'yung pulso ko.

Gano'n pa rin 'yung epekto niya sa'kin...

Walang nagbago.

Simpleng pagtawag lang niya sa pangalan ko, pero 'yung puso ko parang lalabas na sa dibdib ko sa sobrang bilis ng pag tibok.

"I-I have to go..." sabi ko at pilit na tinatanggal 'yung pagkakahawak niya sa'kin, pero parang masyadong napalakas 'yung pagkakahila ko dahil napa-aray siya.

Nilingon ko siya at agad na nilapitan dahil namamalipit siya sa sakit dahil napwersa 'yung ribs niya sa pagkakahatak ko ng kamay ko.

"Atlas, okay ka lang? Teka—tawag lang ako ng nurse!" natatarantang sabi ko, pero mabilis niya akong hinatak palapit sakaniya at saka niya ako niyakap.

"Please just stay..." mahinang bulong niya, habang nakayakap siya sa'kin.

Agad akong napalunok dahil nakabaon 'yung mukha ko sa leeg niya. Alam kong masakit pa rin 'yung bali sa kanang kamay niya, pero parang baliwala lang sakaniya dahil sa higpit nang pagkakayakap niya sa'kin. Naramdaman ko 'yung paghalik niya sa gilid ng ulo ko.

"I missed you... so bad."

Automatic na tumulo 'yung luha sa mata ko. How can he say that when he was the one who cheated on me?

When he was the one who broke his promises?

Sinubukan kong umalis sa pagkakayakap niya pero hindi niya ako pinakawalan.

"I'm sorry, Abigael... I'm really, really sorry," paulit ulit niyang sabi habang nakayakap sa'kin.

Naramdaman ko nalang 'yung pag nginig ng balikat niya dahil sa pag-iyak niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sakaniya... Hinayaan ko lang siyang nakayakap sa'kin, habang paulit-ulit siyang humihingi ng tawad sa'kin.

"I'm so sorry, Abigael. Please give me a chance to explain everything to you."

W H A T Y A S E Y

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro