Chapter 30
"EXCUSE ME. Mag-washroom lang ako sandali," paalam ni Cara bago mabilis na umalis. Tinawag ko siya para tanungin kung okay lang ba siya, pero dire-diretso lang siya sa paglalakad.
Nagkatinginan kaming lahat nila Atlas, Arlo, Sera at Cash nang mabilis na umalis si Cara.
"Sundan mo na kaya Arlo," sabi ko dahil mukhang lasing na si Cara at baka kung ano pang gawin niya.
Mabilis naman na tumakbo paalis si Arlo para sundan si Cara.
Nasa Montgomery Hall kami ngayon dahil may company party kami tonight at in-invite ko si Cara. Si Cash naman siyempre niyaya rin niya si Tisay na hanggang ngayon ayaw pa rin umamin samin kung anong relasyon nila ni Sera! Ilang beses ko na silang nahuhuli na naghahalikan, pero palaging 'Friends lang kami' ang sagot nilang dalawa. Mga pakipot pa!
Naiipit tuloy si Baker na pinsan pala nitong si Sera at si Arlo na nagbabantay kay Sera dahil kakadating lang niya dito sa Pilipinas at si Arlo ang nautusan ni Baker para mag gala sa Manila at sa Empire.
"So..." panimula ko nang umalis si Atlas at Cash sa table namin at kami lang ni Sera ang naiwan dito.
"Anong meron sainyo ni Cash?" Tanong ko habang tinaas baba ko pa 'yung kilay ko.
Ang ganda rin kasi nitong si Sera! Sobrang puti tapos mala-anghel 'yung mukha niya. Alam mo 'yung tipo ng tao na parang walang problemang iniisip dahil sobrang fresh niya palaging tignan tapos palagi lang siyang nakangiti. Kaya nga Tisay ang tawag ko sakaniya dahil sobrang kinis at puti pa! Bagay na bagay sakaniya 'yung pangalan niyang Serenity Rose. Oh, 'di ba! Pang-mala dyosa ang pangalan!
Nginitian lang niya ako bago uminom ng champagne na hawak niya. "Friends lang kami," sagot niya.
I gave her a skeptical look, kaya natawa siya. "Ang showbiz mo namang sumagot!"
"That is really true kaya Gael!"
"Bagay nga kayong dalawa ni Cash. Pareho kayong malihim na tao," I retorted, and she just sweetly smiled at me.
Nag-kuwentuhan lang kaming dalawa ni Sera. Sabi ko sakaniya pag day off ko e ako naman ang mag-gagala sakaniya sa Manila para rin makapag-bonding kami. I really like her dahil wala siyang arte sa pag kilos o pananalita!
Nami-miss ko na rin kasi may kasamang girlfriend dahil masyadong busy si Pearl at Elsie. Si Cara naman, kahit hindi niya sabihin e mukhang problemado pa rin siya kay Arlo kaya masyadong nagpapaka-busy rin sa pagtatrabaho at pagbe-bake.
Bumalik si Cash at Atlas tapos ang umalis naman e si Sera at Cash kaya kaming dalawa nalang ang natira sa table. Maya maya lang bumalik na rin sila Arlo at Cara na magka-holding hands pero mukhang mas gusto nilang magsolo kaya umalis na rin sila sa party kaya kami nalang ni Atlas ang naiwan dito sa table dahil hindi pa rin bumabalik si Cash at Sera.
Nakipag batian lang ako sa ibang kakilala ko na napapadaan sa table namin. Nagugutom na nga ako dahil puro alak lang naman ang meron dito at appetizers lang. 'E parang ang sarap ng fries and burger!
"Gutom na ako," reklamo ko kay Atlas pero parang hindi niya ako narinig dahil malalim 'yung iniisip niya.
Napakunot 'yung noo ko pero hinayaan ko nalang siya. Napapadalas nanaman kasi 'yung pag spaced out niya t'wing magkasama kami. Tempt na tempt na ako na tanungin siya pero may part sa loob ko na sakaniya mismo manggaling kung gusto niya talagang sabihin sa'kin.
Maya-maya lang at nakita kong papalapit sa table namin si Ty.
"Hi," bati niya.
"Hi," sagot ko.
Medyo nailing ako dahil hindi ko alam kung ipapakilala ko pa ba si Atlas dahil sure naman akong magkakilala sila dahil sa iisang floor lang sila nagtatrabaho.
"Are you enjoying the party, Gael?" Ty asked while smiling at me. Pansin ko na parang iwas siya sa pag tingin sa gilid ko kung nasaan nakatayo si Atlas.
Naramdaman ko nalang 'yung paghawak ni Atlas sa bewang ko at hinila niya ako palapit sakaniya.
"A-ahh... Oo naman! Ikaw ba?" awkward na tanong ko kasi kung ano anong ginagawa ni Atlas sa bewang ko! Para akong nakikilita sa bawat pag masahe niya sa bewang ko pataas sa gilid ng boobs ko!
"Of course, and I must say, you look splendid tonight." sabi pa ni Ty at saka ngumiti sa'kin.
Naramdaman ko 'yung pag higpit nang hawak ni Atlas sa bewang ko, "Of course, Sir Gilmore," Atlas cuts me off. Tumaas'yung isang gilid ng labi niya.
"I was the one who bought that dress for her. That's why it fits her perfectly. I know exactly her size," He said while smirking.
"Good for you," Ty replied.
Parehas silang nakangisi sa isa't isa habang nagsusukatan nang tingin.
I cleared my throat, dahil feeling ko hanggang mamaya silang nakaganyan kung hindi ako magsasalita. Walang gustong magpatalo sakanilang dalawa!
"Excuse me. I'll just go to the washroom," paalam ko sakanilang dalawa at saka lang naputol 'yung pagtititigan nila!
I sighed in relief.
"Samahan na kita." Atlas said, at saka ako tumango dahil baka kung ano pang sabihin niya kay Ty!
"See you around Gael," paalam naman ni Ty at tipid ko lang siyang nginitian bago hinawakan si Atlas sa braso para makaalis na kami.
Boss pa rin namin siya dahil mas mataas na ang posisyon niya saming dalawa. Mamaya magka problema pa si Atlas sa trabaho niya dahil sa init ng ulo niya! Mahirap na dahil nakakahiya rin kay Cash at sa tatay niya pag gumawa kami nang gulo sa company!
"What was that?" Atlas asked, nang makalayo na kami. Nakakunot ang noo niya.
"What?"
"That... that flirty talk!"
"Anong sinasabi mo Atlas? Hindi ako nakikipag landian kay Ty. Ikaw nga 'tong kung ano anong sinasabi diyan! Patisize ng katawan ko sinasabi mo!" Sigaw ko pabalik. Mabuti nalang at malayo na kami doon dahil nakakahiya at baka may makarinig samin.
"Wow! So, Ty nalang pala tawag mo kay Sir Gilmore ngayon," he mocked.
Napabuntong hininga ako at saglit na napapikit dahil sa sinasabi ni Atlas. Hindi ko alam kung bakit siya nagseselos e nakita naman niyang napaka-simple lang nang pagsagot ko kay Ty!
"Ewan ko sa'yo! Kung sanang hindi ka palaging lutang at malalim ang iniisip diyan edi sana walang magbabalak kumausap sa'kin!" sigaw ko sakaniya bago ko siya iniwan at saka ako pumasok sa loob ng women's washroom.
Nakakainis!
Siya nga 'to hindi ako pinapansin tapos pag may kumausap sa'kin, ako pa 'yung sasabihan niya na nakikipag landian!
Nagpa-kalma muna ako ng sarili bago ako lumabas ng washroom pero pag labas ko wala na doon si Atlas.
Bumalik na ako sa table namin kanina pero wala si Atlas doon. Hinanap ko siya sa loob ng party pero hindi ko siya makita kaya naglakad ako palabas para hanapin siya at tama nga ako dahil nasa labas siya at mukhang may kausap siya sa cellphone.
"Just please give me more time... You know, it's not that easy—fuck!" Hindi ko alam kung sinong kausap niya sa cellphone, pero sigurado akong galit si Atlas kung sino man 'yung kausap niya.
Napasabunot siya sa buhok niya dahil sa galit. Nakatayo lang ako habang pinapanood siya hanggang sa lumingon siya sa gawi ko at agad na nanlaki 'yung mga mata niya nang makita niya akong nakatayo sa harapan niya.
"A-abigael..."
"Sino 'yung kausap mo?" diretsong tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya.
I know I told myself na hindi ako magtatanong hanggat hindi siya mismo 'yung nagsasabi sa'kin pero hindi ko naman kayang hayaan nalang siyang mag isa sa problema niya lalo na't narinig ko 'yung pagmumura niya dahil sa galit.
Napabuntong hininga siya bago sandalling napapikit at agad niya akong nilapitan at niyakap.
"Not now, please Abigael..." mahinang bulong niya bago mas humigpit 'yung pagkakayakap niya sa'kin.
Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi para iharap sakaniya at titigan sa mata. "Please puwede bang h'wag ka munang magtanong ngayon... kahit ngayon lang," sobrang lungkot ng mga mata niya. Parang nadudurog 'yung puso ko habang nakatingin sakaniya.
His eyes were full of emotions I couldn't name. He tried to smile, but it ended up being weak.
Dahan dahan akong tumango sa request niya. "Okay," sagot ko at tipid na ngumiti sakaniya.
"Please always remember that I love you so much, Abigael. No matter what happens." he said while staring intently into my eyes before kissing me full on the lips.
I trust him...
I will trust his words...
I will trust him no matter what.
#
In-expect ko na magsasabi na sa'kin si Atlas after noong nangyari sa company party namin pero ilang linggo na ang nakalipas e hindi pa rin niya sinasabi sa'kin. Mas lalo lang ako nag-aalala kasi ngayon sigurado na akong may problema siya. Idagdag mo pa na hindi na kami halos nagkikita kahit weekends hindi ko na siya madalas makita.
"Kanina ka pa malalim ang iniisip anak," Papa said, saka siya naupo sa harapan ko.
Nagpunta ako ngayong weekends dito sa Laguna dahil nami-miss ko na sila Mama at Papa. At saka baka mas mabaliw lang ako kakaisip mag isa sa condo.
Napa-buntong hininga lang ako.
Inabot ni Papa 'yung kamay kong nakapatong sa lamesa, "May problema ba kayo ni Atlas?" tanong ni Papa at saka dahan dahan akong tumango.
Alam na rin ng mga magulang namin ang tungkol samin ni Atlas. Noong una medyo nagulat sila pero agad din naman nilang natanggap. Matagal ng magkaibigan ang mga magulang namin kaya wala rin silang angal dahil kilala namin ang isa't isa. Miski si Papa e mukhang panatag na si Atlas ang naging boyfriend ko dahil malaki ang tiwala niya sakaniya.
"Alam ko pong may problema si Atlas, pero ayaw niyang magsabi sa'kin. Pakiramdam ko tuloy wala siyang tiwala sa'kin dahil parang ayaw niyang humingi nang tulong sa'kin kung ano man 'yung problema niya." malungkot na sagot ko kay Papa.
Tumingin ako kay Papa na parang maiiyak. Mabuti nalang talaga nagpunta ako dito kila Papa dahil parang sasabog na 'yung utak ko sa sobrang dami kong iniisip.
"Bigyan mo muna siya ng time anak... Baka mahirap din para sakaniya na hindi sabihin sa'yo. Malaki ang tiwala ko kay Atlas at alam kong may dahilan siya kung bakit hindi pa niya sinasabi sa'yo."
"Wala ba siyang nababanggit sa'yo Pa? 'Di ba madalas kayong magka-text?"
Sandaling natigilan si Papa dahil sa tanong ko. At sigurado akong may ideya si Papa kung ano dahil sandali siyang nag-isip bago bumalik ang tingin sa'kin at umiling.
Kagaya nang sinabi ni Papa, binigyan ko muna ng time si Atlas hanggat ready na siya na sabihin sa'kin. Bumalik na rin ako sa Manila ng Sunday at maaga akong nakauwi dahil hindi masyadong traffic.
Niyaya ko si Sera kung gusto ba niyang igala ko siya sa Manila dahil wala rin naman akong gagawin. Ayaw ko namang magmukmok mag isa sa condo ko. Hindi ko rin feel na manood ng Friends ngayon, dahil gusto ko magkasama kami ni Atlas kapag natapos 'yung buong series.
Mabuti nalang at pumayag si Sera at hindi sila magkasama ni Cash. Sabi ko ako nalang ang pupunta sa Empire para sunduin siya. Ang tagal ko na rin kasing hindi nakakapunta doon.
Miss na miss ko na rin 'yung unit ni Atlas.
Miss na miss ko na siya.
Hays. Ang lungkot lang.
Nag suot lang ako ng maong na shorts, off-shoulder blouse and flats. Nagre-touch lang ako nang konting make up at saka na ako nag text kay Sera na on the way na ako.
Pagdating ko sa Empire ay nakita kong nakapark 'yung sasakyan ni Atlas sa harap lang din mismo ng Empire building. Bigla akong kinabahan dahil gusto ko siyang makita at yakapin.
Gusto kong sabihin na nandito lang ako sa tabi niya kahit na anong mangyari...
Sa iisang floor lang ang unit ni Sera at Atlas. Nagdadalawang isip ako kung pupuntahan ko ba si Atlas dahil gusto ko na talaga siyang makita.
Alam kong mas mabuting bigyan ko muna siya ng time pero mababaliw na ako sa pagka-miss sakaniya!
'Bahala na! Gusto ko lang siyang yakapin kahit isang minuto lang!' I told myself before walking towards his unit.
I took a deep breath before I started knocking.
Naka-ready na 'yung kamay ko para yakapin sana siya, pero para akong nalagutan nang hininga nang bumukas ang pinto at bumungad sa harapan ko si Chloe.
"W-what... what—"
"Well well well, it was nice seeing you again Gael," she widely grinned at me. Naka-crossed arms siya habang nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa'kin.
Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko habang nakatingin sakaniya.
Tama ba 'tong unit na pinuntahan ko?!
Bakit nandito siya sa unit ni Atlas?!
"Chloe sinabi kong h'wag kang magbubukas ng pintuan-" Atlas yelled pero agad din siyang natigilan sa sasabihin niya nang makita niya akong nakatayo sa harap ng pintuan niya.
I bit my lower lip so hard to stop myself from crying.
How dare he?!
Eto ba ang pinagkakaabalahan niya all along na binibigyan ko siya ng time?!
Kasama niya 'tong babaeng 'to sa unit niya kaya ba ayaw niya akong pumunta dito?!
Ramdam ko 'yung pagtutubig ng mga mata ko kaya.
I swallowed the lump in my throat and forced a smile on my lips and stared at him, "Hindi ko alam na ganyan na pala kababa ang standards mo. Mas pipiliin mong makasama ang isang basura." I sneered.
I saw Chloe glaring at me while gritting her teeth in anger.
"How dare you call me garbage?! At least hindi ako pinalaki ng isang bayarang babae!" sigaw niya sa'kin at mabilis na dumapo 'yung kamay ko sa pisngi niya.
"Chloe!" sigaw naman ni Atlas na hanggang ngayon ay parang napako ang katawan sa kinatatayuan niya.
"Isa pang salita ang lumabas diyan sa bibig mo, hindi lang 'yan ang makukuha mo sa'kin!" I warned him and gritted my teeth in anger, habang hawak-hawak niya ang kaliwang pisngi niya.
Tinignan ko si Atlas, "Pagsabihan mo 'yang babae mo kung ayaw niyang manghiram ng mukha sa aso!" sigaw ko sakaniya bago ako mabilis na tumalikod.
Narinig kong tinawag at hinabol ako ni Atlas pero agad akong sumakay sa elevator bago pa niya ako maabutan.
Pagkasarang-pagkasara ng pintuan ng elevator ay mabilis na nanghina ang tuhod ko at agad akong napaupo sa sahig at saka inilabas lahat ng luha na kanina ko pa pinipigilang lumabas.
Not only did I lose my boyfriend, but I also lost my best friend at the same time.
W H A T Y A S E Y
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro