Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

"DID YOU hear what I said, Gael?"

"Uhh... Y-yes, sorry po," tarantang sagot ko sa manager ko, bago ko inabot 'yung mga papel na pinapagawa niya sa'kin para sa weekly marketing plan namin.

"Make sure you'll finish that by the end of the day."

"Yes po Ma'am!" sabi ko bago ako lumabas ng opisina niya.

Napabuntong hininga nalang ako. Ilang linggo ko na akong wala sa wisyo at naiinis ako dahil pati performance ko sa trabaho ko e naa-apektuhan na—and that's the least I wanted to do!

Bakit ba kasi sobrang praning ko? Ayan tuloy ako lang din 'yung nahihirapan sa pag-iisip ko!

Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang kahit maliliit na bagay na ginagawa ni Atlas e pinapansin ko masyado.

'Yung hindi niya napapadalas na pangungulit sa'kin—hindi kagaya dati na minu-minuto siyang nagte-text – e, napapansin ko. Tapos pati 'yung biglaang pag dalaw niya sa condo ko e hindi na gaano. Pati 'yung madalas na pagiging seryoso at malalim na pag-iisip niya t'wing magkasama kami e napapansin ko rin.

Ayaw ko naman siyang tanungin hanggat' wala siyang sinasabi sa'kin mismo.

Ayaw kong ako 'yung mangunang magtanong tapos mag-away lang kami dahil ako lang naman 'yung praning saming dalawa.

Gusto ko kung may problema siya e siya 'yung mag-kusang magsabi sa'kin. Ayaw ko siyang pangunahan.

Nag-focus nalang ako sa mga kailangan kong tapusin na trabaho dahil baka mabaliw na talaga ako nito!

Saktong 5 PM hinihintay ko si Atlas dahil sabay kaming umuuwi palagi pero 6:30 PM e wala pa rin siya. Nakailang tawag at text na ako sakaniya pero wala siyang reply at hindi siya sumasagot sa tawag ko.

To: Cash

Kasama mo ba si Atlas?

Alam kong busy at madaming ginagawa si Cash, pero no choice na talaga ako kaya nag-text ako sakaniya, dahil kahit 'yung ibang ka-officemate ni Atlas na pinagtanungan ko e hindi nila alam kung nasaan siya.

Hanggang mag 7 PM naghantay ako pero walang Atlas na dumating. Kahit text man lang o tawag wala akong natanggap galing sakaniya. Miski si Cash e hindi nag-reply sa text ko dahil baka madami siyang ginagawa.

Kinakabahan ako... hindi ako mapakali dahil hindi naman siya ganito.

Umakyat ulit ako pabalik sa floor nila Atlas, nagbabaka sakaling nandun lang siya at talagang busy pero nabigo lang ako dahil patay na lahat ng ilaw ng offices at wala ng tao.

Nagtaxi nalang ako – dahil wala naman akong dalang sasakyan at palaging sasakyan ni Atlas ang gamit namin pagpasok.

Nagpahatid ako sa Empire para puntahan si Atlas. Sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Halos tumakbo na ako papunta sa unit ni Atlas.

Paulit-ulit akong nagda-dasal sa isip ko na sana... sana nandito lang siya sa condo niya. Kung ano mang dahilan niya sa pag-iwan sa'kin e maiintindihan ko basta ang mahalaga e maayos siya.

Agad akong kumatok sa pintuan niya at parang natanggalan ako nang tinik sa dibdib nang bumukas ang pintuan niya.

Mabilis ko siyang niyakap.

"A-abigael, anong ginagawa mo dito?" Tanong niya bago ko naramdaman 'yung pag-yakap niya pabalik sa'kin.

"Thank God you're alive," mahinang sabi ko habang nakayakap pa rin sakaniya.

Para akong maiiyak sa tuwa dahil maayos siya. Sobrang dami kong naiisip na masamang nangyari simula pa kanina!

First-time kong mag-panic na ganito, kaya naiiyak talaga ako.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sakaniya para tignan siya.

"Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo..." naluluhang sabi ko. Nanginginig 'yung gilid ng labi ko dahil pinipigilan ko 'yung pag-iyak ko pero hindi ko nagawa dahil pumatak na 'yung luha sa mata ko.

Halatang nagulat si Atlas dahil sa pag-iyak ko dahil mabilis niya akong niyakap ulit and this time, mas mahigpit niya akong niyakap.

Hinalikan niya ako sa gilid ng ulo ko, "Sorry..." halos pabulong na sabi niya.

Ilang minuto lang kaming nasa ganong posisyon hanggang sa kumalma ako.

Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ako iniwan, pero mas pinili kong h'wag nalang... Ayaw kong nagkaka-problema kami ni Atlas.

Ayaw kong magkatampuhan kami...

Okay na ako basta okay siya...

Siyempre nasaktan ako dahil sa ginawa niya, pero alam kong lilipas din 'tong tampo ko sakaniya. Mas magandang hindi nalang namin pag-usapan para wala ng problema.

#

The next few days, I tried so hard not to overthink again.

I hate that I'm poisoning my own head with toxic thoughts.

Ayaw ko 'yung pakiramdam na nag-do-doubt ako kay Atlas, dahil alam kong hindi niya kayang gawin sa'kin 'yun.

He promised that he would never hurt me, and I trusted him.

"Gael, can you bring this to Mr. Gilmore?"

"Of course, po Ma'am!"

"Thanks," masayang inabot ko 'yung mga papers na ibibigay ko kay Sir Gilmore.

Todo ngiti ako dahil sa 10th floor ang office ni Sir Gilmore at ibig-sabihin nun e makikita ko si Atlas!

Sa fire exit nalang ako dumaan dahil masyadong madaming gumagamit ng elevator sa company na 'to at matatagalan lang ako sa paghahantay dahil gusto kong makarating agad doon. Para akong high school student na kinikilig dahil makakasilay ako sa crush ko sa classroom nila!

Naglakad na ako sa hagdan pataas at kahit hinihingal na ako e okay lang sa'kin! Sulit naman dahil makikita ko si Atlas.

Hindi na kasi kami masyadong madalas nakakapag-kita dahil pareho kaming baon sa trabaho!

Minsan naiisip ko kung tama ba na lumipat ako dito sa V.M Corp., e! Masyadong subsob sa trabaho ang mga tao! Kaya siguro ang yaman yaman ng pamilya nila Cash!

Nasa 9th floor na ako nang mapatigil ako sa paglalakad pataas ng hagdan dahil nakita ko si Cash na may kahalikan! Nanlaki 'yung mga mata ko dahil sobrang wild nang ginagawa nila!

Mabilis akong tumalikod at naglakad pababa ng hagdan!

Ni hindi nga nila ako napansin dahil sobrang focus nila sa ginagawa nila sa isa't isa!

My gosh! Sobrang lakas nang tibok ng puso ko!

Daig ko pa 'yung tumakbo sa marathon!

Hindi ko kilala 'yung babaeng ka-anohan ni Cash sa fire exit—at inagawan pa kami ng secret meeting place ni Atlas! Ngayon ko lang nakita 'yung babae ni Cash. Pero grabe sobrang puti niya at ang kinis. Tisay na tisay! Kaya siguro sobrang busy ni Cash dahil iba pala ang pinagkaka-abalahan niya!

Pilit kong binubura sa utak ko 'yung nakita ko kanina habang nakasakay ako ng elevator! Mas pipiliin ko nalang na maghintay ng elevator kaysa makita si Cash at 'yung ka-anuhan niyang babae sa fire exit no!

"Are you okay?"

"Uhh... yes sir," pilit akong ngumiti kay Sir Gilmore at pasimpleng pinaypayan 'yung mukha ko. Feeling ko ang pula pula ko na at kasalanan 'to ni Cash!

Bahagyang natawa si Sir sa'kin, "Upo ka muna. And just call me Ty. Masyadong nakaka-tanda 'yung 'Sir'," sabi niya.

"Hindi na po Sir—I mean Ty," nahihiya akong ngumiti sakaniya. Ang awkward kasi dahil boss siya ng boss ko tapos sa pangalan ko lang siya tinatawag.

Parang wala akong galang sakaniya. Nakakahiya tuloy kahit na hindi naman nagkakalayo 'yung edad namin, perosyempre mataas na ang position niyo dito sa V.M Corp. kaya kelangan padding gumalang.

"Aalis na rin po ako. Pinapabigay lang po 'yan ni Ma'am, para raw po advertisements na gagawin for next week."

"Hindi nga 'Sir' ang tawag mo sa'kin, pero 'po' ka naman ng 'po' sa'kin," natatawang sagot niya. "Halos magka-edad lang tayo, wag ka ng mag 'po' sa'kin," dagdag pa niya habang nakangiti sa'kin.

"Okay Ty," sabi ko nalang bago ako nagpaalam at lumabas ng office niya.

Kaya siguro ang daming nagkakagusto kay Sir—Kay Ty dahil ang bait bait niya. Akala ko kasi masungit siya dahil madalas pag nakakasalubong ko siya e seryoso lang palagi 'yung itsura niya.

Nang papadaan na ako sa puwesto ni Atlas, sinadya kong bagalan 'yung paglalakad ko at pasimpleng sumusulyap sa loob kung andoon ba siya, pero hindi ko siya mahanap.

Nalungkot tuloy ako bigla dahil nagpagod pa ako para lang pumunta dito tapos 'di ko rin siya makikita.

Kakainis naman!

Bumalik nalang ako sa pagtatrabaho dahil mukhang minamalas ako today!

#

When Friday came, sobrang excited ako dahil makikita ko na ulit si Atlas at excited na akong mag-Netflix and chill kami.

Bumili ng pizza and beer si Atlas tapos nanood kami ng movies – plus make-out session every 10 minutes dahil na-miss ko talaga siya!

Parang ang tagal na nang huli ko siyang mahalikan!

And of course, 'yung make out session nauwi e nauwi sa iba.

Parang bumawi kami sa mga araw na hindi kami nakakapag-kita.

Nag-sleepover si Atlas sa condo ko dahil ayaw ko na siyang pauwiin pa! Sobrang na-miss ko talaga siya! Feeling ko tuloy ako na 'yung sobrang clingy saming dalawa!

Sunday lang kami hindi nakapag-kita ulit ni Atlas dahil may gagawin daw siya. Hindi na ako nagtanong dahil baka mainis na siya at hindi naman ako ganong girlfriend na palaging gusto e alam kung saan nagpupunta ang boyfriend at alam ang ginagawa niya.

May sarili rin naman siyang buhay at hindi ko siya paghihigpitan sa gusto niyang gawin.

That's why trust is the most important foundation in a relationship.

Kung walang trust, edi parehas lang kayong mahihirapan.

And I decided to trust Atlas the moment I've loved him.

Nagpaka-busy nalang ako sa paglilinis ng condo ko dahil parang ang tagal na rin simula nang huli akong nakapaglinis at ayos.

Nag takedown na rin ako ng list for groceries. After cleaning, I took a quick bath and wore a plain white t-shirt, denim shorts, and Converse. Nag-suot din ako ng baseball cap dahil sobrang tirik ng araw sa labas.

Nag-drive ako papunta sa malapit na supermarket para mamili.

"Hala sorry!" sabi ko agad nang mabunggo ko 'yung pushcart nang nakasalubong ko sa aisle.

"Nice seeing you here, Abigael," sabi niya at saka ako nginitian.

"Sir—Ty!" Gulat na sabi ko.

Mahina siyang natawa. Nagulat kasi ako dahil hindi ko ine-expect na makita siya dito.

Ang tagal ko na kasing dito namimili at ngayon ko lang siya nakita kaya nagulat talaga ako.

I awkwardly smiled at him. "Dito ka rin pala nag-go-grocery?" tanong ko nalang.

"Yep! I just moved at Empire." sagot niya at napansin yata niya na medyo nagulat ako sa sinabi niya. "Ang layo kasi nang binabyahe ko kaya lumipat nalang ako dito sa Manila," paliwanag niya at napa-tango nalang ako.

"Sige una na ako Ty," paalam ko sana pero agad niya akong tinawag.

"Teka Abigael!"

"Gael nalang itawag mo sa'kin," sabi ko at tipid na nginitian siya.

Mas gusto ko kasi na si Atlas lang ang tumatawag sa'kin ng Abigael. Parang ang special kasi nang pangalan ko pag si Atlas ang nagtumatawag sa'kin.

He smiled back, "I'm going to ask you if you're free to have a coffee with me, Gael?"

Hindi ako agad nakasagot sa sinabi ni Ty.

Unang-una ayaw kong mag-assume sa actions niya. At pangalawa, I'm sure na gusto lang niyang makipag-kaibigan sa'kin at alam ko sa sarili ko na walang malisya, pero peste kasi 'tong utak ko!

"My treat! Thank you coffee ko lang sa pag tulong sa'kin noong nakaraang araw," dagdag niya nang hindi pa rin ako sumasagot makalipas ang ilang minuto.

Wala naman din akong gagawin pagkatapos kong mag-grocery at siya na rin mismo ang nag-sabi na pa-thank you lang niya dahil tinulungan ko siya noong isang linggo.

I gave him a small smile and said, "Okay." sagot ko at mabilis siyang ngumiti.

W H A T Y A S E Y

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro