Chapter 25
"SAAN KA pupunta?" tanong niya nang tumayo ako sa pagkaka-upo.
"Kailangan ko mag washroom," sagot ko at hindi pa rin niya binibitawan 'yung kamay ko.
Simula kanina pa, halos ayaw niya akong nawawalay sakaniya. Kung saan ako pupunta, nakasunod siya sa'kin. Tapos maya't maya rin niya akong niyayakap at hinahalikan nalang basta.
Not that I'm complaining!
Siyempre, gusto ko rin at kilig na kilig ako.
Sino ba namang hindi kikiligin nang todo sa mga ginagawa ni Atlas?
"Do you really need to?" malungkot na sabi tapos nag pout pa siya.
Natawa ako dahil ang cute lang niya! Tinanggal ko 'yung pagkakahawak niya sa kamay ko.
"1-minute lang naman akong mawawala at saka ayan lang 'yung washroom ko, oh, hindi naman ako aalis," natatawang sagot ko sakaniya.
"Bilisan mong umihi!" sigaw niya nang makapasok ako sa washroom.
"Baliw ka talaga!" sigaw ko pabalik habang tawa ako nang tawa. Alam ko namang may pagka-clingy si Atlas pero iba na kasi ngayon... siyempre hindi nalang siya sweet dahil best friend kami.
"Oo, baliw na baliw sa'yo," sagot niya nang makabalik ako sa couch sa tabi niya.
Kinurot ko siya sa ilong, "Ang cute mo!" sabi ko.
"I love you," sabi niya at saka ako niya ako inakbayan at isinandal 'yung ulo ko sa dibdib niya at marahan niya akong hinalikan sa gilid ng ulo ko.
I still feel like I'm dreaming... and I don't want to be woken up from this dream.
#
"Uy Arlo, kamusta?" bati ko nang makasalubong ko siya sa lobby ng Empire.
Nginitian niya ako pero pansin ko na parang mukha siyang stress kumpara sa huling kita ko sakaniya noon. "Uhh, I'm okay guess," sagot niya.
Confirmed! May problema nga siya at malakas ang hinala ko na may problema sila ni Cara. MIA na naman kasi si Cara nitong nakakaraang araw. Minsan ko nalang ulit siyang makita after noong pag punta niya sa condo ko.
"May problema kayo ni Cara?"
Napakamot siya sa batok niya, "Yeah... Can I ask for a favour?" nahihiyang tanong niya. Sobrang magkaibang magkaiba sila ng ugali ng pinsan niyang si Atlas na hindi marunong mahiya!
"Sure! Ano 'yun?"
"Can you please check up on Cara? I'm really worried about her condition. The last time I saw her, she looked unwell,"
"Of course, don't worry I'll call her later." I paused before slightly patting his shoulder, "Cara's a very strong woman at alam kong malalagpasan niyo rin 'yan, just give her some time for now," I added and smiled at him.
Nagpaalam na rin siya pagkatapos. Napailing nalang ako dahil mukhang stress na stress si Arlo sa pag-aalala kay Cara.
Sinubukan ko munang tawagan si Cara bago ako tumaas sa unit ni Atlas pero hindi siya sumasagot kaya nag-text nalang ako. Nasabi rin kasi ni Arlo na hindi pumasok si Cara sa trabaho dahil masama ang pakiramdam niya.
There's a big chance that Nate's family is involved this time. Hindi man sabihin ni Cara pero napapansin ko 'yung pag iba nang kinikilos niya.
"Are you okay, Abigael?" Atlas asked with a worried look on his face.
"Yeah... nakasalubong ko lang 'yung pinsan mo sa lobby, mukhang may problema sila ni Cara." sagot ko. Agad naman akong niyakap ni Atlas at hinalikan sa pisngi.
"Malaki na sila at malalagpasan din nila kung ano man 'yung problema nila," sabi niya nang maghiwalay kami sa pagkakayakap pero nakahawak pa rin siya sa bewang ko. "I don't want to see you stressing out. I trust Arlo and Cara, so don't worry too much about them, okay?" dagdag niya at tumango ako habang nakangiti sakaniya.
"Okay," I replied, and he gave me a quick peck on the lips.
Ilang beses na niya ako nahalikan pero hindi pa rin ako nasasanay at kinikilig pa rin ako nang todo!
Now I know why a lot of women fell for him... Because once you've tasted Atlas, you can't get enough of him!
You'll get addicted to his touch, to his amazing kisses, and to his sweet gestures. Because that's what I'm feeling right now.
I am getting addicted to him!
We just did our usual 'Netflix and Chill' except this time, hindi ako masyadong makapag-focus sa pinapanood namin dahil kay Atlas!
Napaka-landi niya pero gustong-gusto ko naman!
Aarte pa ba ako?
Tagal ko kayang pinangarap 'to!
"I love you," he just randomly said.
Katatapos lang namin manood ng 'White Chicks' at nakahiga siya sa hita ko habang nakapikit 'yung mata niya at sinusuklay ko 'yung buhok niya gamit 'yung mga daliri ko. Gustong gusto niya kasi kapag ginagawa ko 'to sa buhok niya, nakaka-relax daw kasi.
"I love you too," I replied at agad naman siyang napangiti habang nakapikit pa rin 'yung mga mata niya.
Atlas is like the sweetest guy ever!
He will just randomly say 'I love you' to me. And sometimes, bigla nalang ako makaka-receive ng text galing sakaniya at 2 in the freaking morning with just 'I love you' on the message! Minsan naman bigla nalang siyang kakatakot sa pintuan ako para lang yakapin ako tapos bubulong siya sa'kin ng 'I love you' tapos aalis na rin siya.
Like, I am already crazy in love with him but when he does that random sweet stuff to me, it's like I'm falling for him even more.
Hindi ko alam na I'm capable of loving someone this much.
I just love him to pieces!
"Anong iniisip mo?" tanong niya. Hindi ko napansin na napahinto ako sa ginagawa ko sa buhok niya.
"Wala naman,"
"Then why do you keep smiling?"
Marahan ko siyang kinurot sa ilong, "Wala masaya lang ako."
"Is it because of... me?" He gave me a playful smile while wiggling his brows at me.
"Ang assumero mo!" I teased him and laughed at him. Agad namang kumunot 'yung noo niya at napa-upo agad siya.
Mabilis niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at hinarap sakaniya. Tumatawa pa rin ako dahil ang bilis lang asarin nitong lalaking 'to!
He was squishing my whole face with his palms while glaring at me, "Hindi ko alam na seloso ka pala," sabi ko kahit na hirap na hirap ako dahil literal na naka-squished 'yung pisngi ko.
Bigla naman akong tinadtad nang halik sa buong mukha ni Atlas habang tawa ako nang tawa kasi natatawa ako sakaniya dahil nagseselos siya sa wala! Hinalikan niya ako sa noo, sa pisnge, sa ilong, sa baba, sa labi, sa leeg, sa mata, as in sa buong mukha.
"Para kang sira!" sabi ko.
"Now tell me, sino 'yung iniisip mo bakit ka ngumingiti bigla?"
"Hmm..." sabi ko tapos nagkunwari akong nag-iisip habang seryoso siyang naghihintay sa isasagot ko.
I gave him a mischievous smile bago ko siya tinulak para mapaghiga sa couch at agad akong pumaibabaw sakaniya habang naka tukod 'yung kamay ko sa magkabilang side ng ulo niya.
I slowly lowered my head to kiss him. Dapat quick peck lang ang gagawin ko pero hinawakan ako sa batok ni Atlas kaya tumagal nang limang minuto 'yung halik ko sakaniya.
We're both grinning at each other after the kiss.
"It was you who made me happy. Silly." sagot ko.
We stared at each other for a moment. It's like we're both thinking the same thing—how we make each other really happy.
Nasa ibabaw pa rin niya ako at bago pa ako makatayo paalis ay agad niya akong hinila pabalik sakaniya at hinalikan ulit.
His kisses became rougher yet gentle at the same time. Para akong nalulunod sa bawat halik niya. And in one swift move, siya na ang nasa ibabaw ko. I grabbed his hair, pulling him closer to me as if I don't want any space between us.
He slides his tongue on my lower lip, seeking access, and I open my mouth to let him taste me.
"Atlas..." I moaned his name when he started kissing me on my neck, nibbling my earlobe and sucking my skin while giving me small kisses down to my chest.
My eyes were shut because of the sensation that he is giving to me, but then I felt him stop.
I opened my eyes and I saw him staring at me with a smile on his lips.
"I love you, Abigael." sabi niya. I've never really liked my name until Atlas said it.
He cupped my face, "Let's take this slowly. I don't want to make any mistakes. I want everything to be perfect because that's what you deserve the most,"
I gave him a sweet smile before nodding at him.
#
Everything is going well between Atlas and me.
He makes everything easier.
Hindi pa namin sinasabi sa mga kaibigan namin ang tungkol saaming dalawa dahil gusto muna naming i-enjoy na kami lang munang dalawa ang may alam. At gusto rin namin 'thrill sa t'wing magkikita kami nang patago ni Atlas sa trabaho. Kahit sila Mama at Papa wala ding alam.
From: Atlas
I miss you already, Abigael. :(
Puwede ba tayong magkita kahit 2 minutes lang?
Or 5 minutes? Please...
To: Atlas
Meet me at the fire exit in 2 minutes! <3
Hindi matanggal 'yung ngisi sa labi ko pagka-reply ko sakaniya. Nag simula na kaming magtrabaho nila Atlas at Cash sa VM Corp. at sobrang busy namin pareho ni Atlas kaya t'wing lunch at uwian lang kami nakakapag kita. Tapos minsan naman napapa-OT ako o si Atlas pag may mga kailangan talagang tapusin na trabaho.
Masaya ako kahit na busy dahil nagagamit ko talaga lahat nang pinag-aralan ko dito. Natutuwa rin ako kasi hindi na ako naghahantay ng oras para makauwi dahil minsan sa sobrang busy ko hindi ko namamalayan na 5 PM na pala.
Pero dahil sobrang clingy ni Atlas, kaya eto ako ngayon at minamadali 'yung mga ginagawa ko para makapag-kita kami kahit sandali sa usual meeting place namin sa fire exit. Wala naman kasing gumagamit ng hagdan sa mga nagtatrabaho dito dahil may elevators naman. Sa sobrang laki ng company na 'to, sa unang linggo ko ay palagi akong naliligaw at tumatawag pa ako minsan kay Cash o kay Atlas para lang malaman kung tama ba 'yung pinupuntahan ko.
Magkaiba kasi kami ng department ni Atlas pero buti nalang at isang floor lang naman ang pagitan namin. Sa 8th floor ako tapos siya sa 10th floor kaya sa 9th floor ng fire exit kami nagkikita nang patago.
Wala pa ding alam si Cash saming dalawa ni Atlas kahit magi-isang buwan na kami.
Sobrang busy rin kasi ni Cash kaya hindi niya napapansin 'yung samin ni Atlas. Masyado siyang pressure at stressed kasi mataas agad ang binigay ng position sakaniya ng tatay niya. Pero mukhang nage-enjoy naman na siya sa ginagawa niya hindi kagaya noong unang linggo na ilang beses siyang nagtext samin ni Atlas na mag-quit na daw kaming tatlo!
Agad akong hinila ni Atlas para yakapin nang magkita kami sa fire exit sa 9th floor.
"I missed you so much,"
"Na-miss din kita," sagot ko sakaniya bago niya ako halikan sa labi.
"May gagawin ka ba this weekend?" tanong niya pagkatapos niya akong halikan. Magkayakap kaming dalawa at ayaw naming mahiwalay pareho sa isa't isa.
May 2 minutes nalang kami dahil kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Hindi naman sobrang strict ng manager ko pero ayaw ko naman pumangit ang tingin nila sa'kin, nakakahiya rin kay Cash dahil alam nila na kaibigan namin siya.
"Wala naman, bakit?" sagot ko at nag-angat ako ng ulo para tignan siya habang nakayakap pa rin ako sakaniya.
Nginitian niya ako at marahan na hinalikan sa noo, "Let's go on a vacation," sagot niya.
"Let's go somewhere else with just the two of us," dagdag niya bago ako niyakap nang mas mahigpit bago kami bumalik sa trabaho.
W H A T Y A S E Y
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro