Chapter 24
I CALLED Cara when I felt like I was really going insane!
Kanina pa ako umiiyak habang nanonood ng Friends. Pinanood ko na rin 'yung iba pang movie ni Adam Sandler na 'Click', 'Just Go with It' at ngayon katatapos ko lang panoodin 'yung 'Big Daddy' pero hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak.
I'm breaking down.
First time na hindi ako natawa habang nanonood ng rom-com movies!
And I really hate myself for being this weak!
Kanina pa rin ako tinatawagan ni Pearl, pero hindi ko sinasagot 'yung mga tawag niya. Ayaw ko muna silang kausapin. I don't want to talk to them when I'm this mad, because once hurtful words are out of your mouth, you can't take them back.
At kahit na galit ako sa ginawa nila, alam ko namang may dahilan sila pero hindi ko pa nga lang sila kayang kausapin ngayon...
I need time to cool off first.
Mabuti nalang at dumating si Cara para kausapin ako. I kinda feel guilty dahil hindi ako masyadong nakakapag-kwento kay Cara sa mga nangyayari sa'kin at kay Atlas dahil alam kong madami na siyang iniisip at ayaw ko nang dumagdag pa doon.
"Just tell me when you're ready, Gael. Nandito lang naman ako, hindi ako aalis..." Cara gave me a small smile.
I heaved a deep breath before I told her everything.
As in, lahat. Simula sa gabing may nangyari samin ni Atlas.
Cara was speechless sa lahat nang sinabi ko sakaniya hanggang sa makatulog ako dahil sa pag-iyak.
This is the first time I've shown my vulnerable state to anyone.
#
The next few days, nag-ready nalang ako para sa pagpasok ko sa VM Corp sa susunod na linggo. Hindi ko pa rin kinakausap si Atlas at Pearl kahit na araw araw nagpupunta si Atlas ssa condo ko para kausapin ako. Tapos si Pearl naman nagpadeliver ng food dito kahapon and may note na nanghihingi siya nang tawad sa'kin.
Hindi ko natis nang padalhan ako ulit ng pagkain ni Pearl sa condo ko at tinext ko siya at sinabihan na pumunta siya sa condo ko para makapag-usap kaming dalawa.
Alam kong hindi nila gagawin 'yun nang walang dahilan... kaya gusto kong makausap siya para itanong kung bakit niya nagawa 'yun.
"Sorry Gael, pero mas mabuting kay Atlas mo marinig lahat,"
"Hindi ba puwedeng ikaw nalang ang mag-sabi nang dahilan kung bakit niyo 'yun ginawa?" malungkot na tanong ko sakaniya.
Tipid niya akong nginitian, "Sorry talaga, pero wala akong karapatan na pangunahan si Atlas. Hayaan mo na lang siyang magpaliwanag sa'yo mismo. Alam mo namang sa aming lahat, si Atlas 'yung taong ayaw na ayaw kang nasasaktan,"
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi ni Pearl. Inamin din niya na siya nga ang nagsasabi lahat kay Atlas kapag may imi-meet akong naka-match ko sa Tinder dahil sinasabi ko agad kay Pearl at Elsie t'wing may kikitain ako.
Inamin din ni Pearl na wala naman daw sinaktan si Atlas kahit isa sakanila at tinatakot lang niya sila na h'wag na akong kakausapin ulit kagaya nang ginawa niya kay Steven noon.
Now everything makes sense to me... kaya pala lahat sila binura ako sa Tinder at hindi ko na sila ma-contact pa dahil tinakot sila ni Atlas.
Mas naging kalmado na ako hindi kagaya noong mga nakaraang araw after naming makapag-usap ni Pearl. Nagpasalamat din ako kay Cara dahil binilhan at pinagluto niya ako ng pagkain noong pinuntahan din niya ako.
Busy ako sa pag-aayos ng mga isusuot kong office attire when I suddenly heard a soft knock on my door, "Abigael?"
Nagda-dalawang isip ako kung bubuksan ko ba 'yung pinto para kausapin si Atlas.
I have already deleted my Tinder account and app. I don't think I'll ever use that again.
Hindi ko naman kayang takbuhan nalang si Atlas. Kaibigan ko pa rin siya kahit na gano'n 'yung ginawa niya at sabi nga ni Pearl. Hayaan ko munang mag-explain si Atlas sa'kin.
I sighed, and before I knew it, I was already walking my way to the front door.
"Hi," bati ko.
"Hi,"
Tumalikod na ako at hinayaan kong bukas 'yung pinto para makapasok siya. I could see the dark circles around his eyes. Hindi ako sanay na ganito kaming dalawa.
Nagpunta ako sa sala at saka naupo sa couch at sinundan naman niya ako.
Nakakabingi 'yung katahimikan naming dalawa. Walang gustong unang magsalita samin.
Aabutin ko na sana 'yung remote para buksan 'yung TV ng bigla siyang magsalita.
"I'm really, really sorry, Abigael..."
Ilang araw kong iniisip kung anong dahilan ni Atlas kung bakit niya ginagawa 'yun sa'kin, pero wala akong maisip na magandang rason ni Atlas. I know him very well, yet I can't figure out what's the reason behind it.
"I... I didn't mean to hurt you. I got scared and I thought I was doing the right thing,"
"You really think that threatening my dates is the right thing to do?" hindi makapaniwalang tanong ko sakaniya.
His lips slightly parted to say something, but he didn't continue. I shake my head in disappointment.
"Bakit mo ginawa 'yun Atlas?" tanong ko. Tinignan ko siya nang diretso sa mga mata at kitang kita ko 'yung takot sa mga mata niya.
I've seen Atlas beat someone in pulp simula pagkabata namin at ngayon ko lang siya nakitang manginig nang ganto nang dahil lang sa tanong ko.
Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin niya ako sinasagot kaya agad akong tumayo para sana umalis pero agad niya akong hinawakan sa kamay para pigilan.
"Kung hindi mo kayang sagutin 'yung tanong ko, umalis ka nalang Atlas." I firmly said. Sinubukan kong hilain pabalik 'yung kamay ko pero mas hinigpitan lang niya ang pagkakahawak sa'kin.
"N-natakot ako," his voice cracked. I immediately swallowed the lump in my throat to stop myself from tearing up.
Hinila niya ako palapit sakaniya at saka niya ako niyakap sa bewang dahil nakatayo pa rin ako. Nakasandal 'yung ulo niya sa bewang ko habang mahigpit na nakayakap sa kalahati ng katawan ko. Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakaupo siya sa couch at nakayakap sa'kin.
I could hear his sobs, "Natakot ako na baka maagaw ka nila sa'kin... Hindi ko alam na gano'n pala 'yung magiging epekto sa'yo nang ginawa ko kasi kilala kita e, alam kong matapang ka. And I'm really sorry for hurting you. I really hate myself for being the reason why you're hurting right now."
I wiped my tears away and gently brushed his hair with my fingers.
Ngayon ko lang narinig na umiyak si Atlas. Kahit na noong galit na galit sila Tito at Tita sakaniya, hindi ko siyang nakitang umiyak.
"Stop crying. Pinapatawad na kita," sabi ko sakaniya habang patuloy pa rin sa pag-haplos sa ulo niya.
Oo nga, baka marupok ako kasi marinig ko palang 'yung mahinang pag-iyak niya e tumitiklop ako agad...
"Tama nga si Pearl..." mahinang sabi niya. "Ako nga 'yung walang bayag at palagi nalang mali 'yung desisyon na ginagawa dahil mas inuunahan ako nang takot," dagdag niya.
Nag-angat siya ng ulo at saka ako tinignan sa mga mata. Sobrang pula ng mga mata niya dahil sa pag-iyak.
Hinila niya ako hanggang sa makaupo ako sa couch at diretso pa rin siyang nakatingin sa mga mata ko.
He gave me a small smile before caressing my cheek with his thumb.
"I'm done being scared, Abigael. I don't want to risk our friendship, but I can't wait for another Steven to come into your life before I make my move. I want to take this chance right now, and I'm not going to waste it anymore."
Sobrang lakas nang tibok ng puso ko.
Gusto kong magsalita pero parang ayaw bumukas ng bibig ko. Nakatingin lang ako sa mga mata niya habang hinihintay ang mga susunod na sasabihin niya.
He cupped my face, "I love you, Abigael."
Parang akong nalagutan nang hininga. Nanlaki 'yung mga mata ko dahil sa sinabi niya. Seryoso 'yung itsura niya habang sinabi niya 'yung mga salitang 'yun sa'kin.
"I love you more than just my best friend. I've never loved anyone like this as much as I've loved you. I know this will ruin our friendship, but I can't keep this to myself anymore. Para akong mababaliw every time na makikita kitang may kasamang iba, kapag malalaman kong makikipag-kita ka sa ibang lalaki, kapag may hinahalikan kang iba... kaya ayaw ko nang maging duwag pa... It's now or never."
"I love you... so much. Please, give me a chance to prove it to you,"
Dahil sa mga narinig ko, Parang namanhid 'yung buong katawan ko. Tanging tibok ng puso ko nalang ang nararamdaman ko.
He loves me...
Atlas loves me!
Gusto kong magtatalon sa tuwa at isigaw na mahal ko rin siya pero masyado akong nao-overwhelm sa mga sinabi niya kaya hindi ako makapagsalita habang nakatitig lang ako sakaniya.
Marahan niya akong hinalikan sa noo bago nagsimulang tumayo.
"Hahayaan muna kitang mag-isip. I already knew na this will jeopardize our friendship, but I am willing to take a risk now. I can't just wait and do nothing," sabi niya bago siya naglakad paalis pero agad akong tumayo at hinabol siya.
"Atlas!" agad siyang tumigil sa paglalakad at nilingon niya ako. My hands were shaking.
Gaya ni Atlas, ayaw ko nang maging duwag pa kaya kailangan ko ng itanong 'to sakaniya. I want to know everything...
"March 1st, you were so drunk that night at Cash's party. Actually, dalawa tayong lasing but I'm still aware of what I'm doing kaya nadala kita pabalik sa room mo. Do you remember that night?" diretsong tanong ko sakaniya. Nagulat siya sa sinabi ko.
It was Cash's birthday party, and he rented a whole resort for us to party. We have our own rooms and we we're all drinking and having fun.
"Naalala mo ba—"
"Naaalala ko lahat," he cuts me off. Tuluyan na akong naiyak.
Alam niya...
Naaalala niya...
"Bakit nagpanggap ka na parang walang nangyari sating dalawa?" Umiiyak na tanong ko. Agad niya akong nilapitan para punasan 'yung mga luha ko.
"Kasi nagalit ako sa sarili ko dahil nag-take advantage ako that night knowing that you were drunk too. Natakot ako na baka napilitan ka lang din dahil lasing ka at ayaw kong layuan mo ako. I got scared of the thought that I was going to lose you, so I chose not to tell you that I remember everything that night..."
"That night... is the best night of my life," he added, smiling as if reminiscing about everything that happened that night.
All along, alam pala niya 'yung nangyari samin ng gabing 'yun.
All along, akala ko, it's just a drunken mistake, but it turns out na pareho pala naming gusto mangyari 'yun.
Pareho lang kaming natakot na masira 'yung friendship na pinagkaka-ingatan naming dalawa.
Pareho naming mas vina-value 'yung pagkakaibigan namin kaya mas pinili nalang namin na itago 'yung nararamdaman naming dalawa para sa isa't isa.
I touched his face and gave him a small smile, saying, "That night was the best night of my life too, Atlas." I admit it.
I quickly stared at his soft lips and nodded my head, "I love you too." I replied before I pulled him towards me and gave him a kiss on the lips.
It was just a quick kiss that I rashly did because I've always wanted to kiss those soft lips of him.
"Mahal mo rin ako?" hindi makapaniwalang tanong niya pagkatapos ko siyang halikan nang mabilis sa labi.
Agad akong tumango, "Hahalikan ba kita kung hindi kita mahal?" Sagot ko pabalik sakaniya at agad na umangat 'yung kabilang side ng labi niya.
"Then I guess I can do this to you as well," he said with a playful smile before pulling me close and kissing me on the lips.
It's not the same as the quick kiss I gave him. He is passionately kissing me, as if he wants me to feel his love for me. And he succeeded in drowning me in these overwhelming feelings he was giving me.
While his hands were on my waist and his thumbs were making small patterns on the side of my waist, I wrapped my arms around his neck to deepen our kiss.
I grabbed his hair and tilted my head to make room for him.
He bit my lower lip, and I groaned.
"I'm sorry," he said sheepishly, rubbing his thumb against my lower lip.
'Kalma ka lang, self!'
Nakatingin siya sa labi ko habang ginagawa niya 'yun!
My gosh, he looks so effing sexy while doing that!
Akala ko ay hahalikan pa niya ako ulit—dahil 'di naman ako magre-reklamo. Pero marahan niya akong hinalikan sa dulo ng ilong ko habang nakahawak siya sa pisngi ko.
"I love you." sabi niya habang nakatitig nang diretso sa'kin.
Sobrang daming paru-paro sa loob ng tiyan ko dahil sa sobrang kilig!
Pakiramdam ko nananaginip lang ako!
I've been dreaming of this moment for a very long time, but now... it's finally happening.
W H A T Y A S E Y
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro