Chapter 23
TODAY'S ATLAS' birthday party is kaya busy na ako sa pag-aayos dahil maya-maya lang padating na rin siya para sunduin ako. Dapat kasabay ko sila Cara at Arlo pagpunta sa bar pero nagpupumilit kasi si Atlas na sakaniya ako sumabay.
I wore the high-slit party dress that I bought when I went shopping with Cara and paired it with my silver high stilettos. I did an effortless curl on my short hair and put some make-up on and voila!
I'm all ready for the party!
I don't like the feeling na nasisira 'yung confidence ko sa sarili, dahil sa mga lalaking hindi ako sinipot sa date namin!
I really hate that feeling!
Sobrang dinamdam ko talaga 'yun! As in!
By 8 PM, nag text si Atlas sa'kin at sinabi niyang nasa ibaba na siya at naghihintay.
"Wow," he said, upon seeing me. Napangiti ako agad sa naging reaction niya.
He looked at me from head to toe. Umikot pa ako nang dahan dahan sa harapan niya para lang ipakita 'yung back view. I was grinning at him while he kept on checking me out.
It pays off the 4 hours that I spent on doing my make-up.
I really made sure that everyone who saw me would stop and stare!
"Are you done checking me out?" I raised one eyebrow while smirking at him.
He faked a cough, "Are you trying to steal my thunder?" pabirong tanong niya.
Tumawa ako nang mahina, "Grabe hindi naman! Gusto ko lang ma-feel na maganda ako,"
"Sinong may sabing hindi ka maganda?"
"Yung mga ka-date ko na hindi ako sinipot..." halos pabulong na sabi ko. Hindi ko alam kung narinig ba niya 'yung sinabi ko dahil agad akong naglakad papasok sa sasakyan niya.
Ayaw ko na nga na isipin 'yung mga lalaking 'yun! At baka masira lang 'yung mood ko!
Sumakay na rin si Atlas sa driver side at nagsimulang mag-drive paalis.
"By the way, you don't look so bad yourself." Pag-compliment ko sakaniya. Nakita kong tumaas 'yung gilid ng labi niya dahil sa sinabi ko at sandalling tumingin sa gawi ko.
"Thanks," he replied.
Atlas looks so dashing! Dahil sa suot niya! He's wearing semi-formal attire, yet he looks really hot!
Hindi ko lang masyadong pinahalata kanina, pero napa-stop and stare rin ako sakaniya the moment I laid my eyes on him! Dagdag mo pa 'yung manly jaw, thick brow, long lashes and those sinful lips of him!
Napapalunok nalang ako sa t'wing mapapalingon ako sa side niya at seryoso siyang nagmamaneho! Dagdag sexiness pa 'yung veins sa kamay niya at cut sa kaliwang kilay niya.
'My gosh, Abigael huminahon ka nga!' I reminded myself.
The last time we had a party like this ay birthday ni Cash! And then we both ended up so drunk that we slept together!
I don't want to make the same mistake again... kaya I need to control myself tonight.
Dumiretso kami agad sa pinakamalaking VIP room sa Dukes. Maya-maya lang at isa isa na silang dumating.
Ipinakilala ko sila Arlo, at Cara kila Pearl, Elsie, and Milo. Tapos nakilala ko naman si Baker na kaibigan ni Arlo. Si Cash naman kaibigan din pala niya si Arlo.
Totoo nga na kami lang ang inimbitahan ni Atlas sa party niya. Bukod tanging si Kenzo lang na pinsan niya ang hindi nakarating dahil may ibang lakad daw.
By 11 PM halos lahat e halatang lasing na dahil unlimited yata ang alak na binili ni Atlas para samin! Ako lang yata ang hindi lasing dahil pinipigilan ko talaga 'yung sarili ko na uminom ng madami.
Nagsimula na ding magbangayan si Baker at Cash dahil napaka-kulit ni Cash kapag nalalasing. Napansin ko rin na si Baker lang ang hindi umiinom samin dahil siya ang DD namin.
"Kaya nga! Lahat kami single dito oh! Di ko lang sure 'tong si Baker mukhang malapit na ding magka-love life," Sigaw ni Atlas kila Arlo at Cara na kanina pa naglalandian sa harapan namin kaya binubulyawan sila ni Cash at Atlas.
"Hoy Atlas, wag mo nga kong idamay sa pagiging single mo! Excuse me pero may ka-date ako," sagot ko sabay irap sakaniya kahit na hindi naman totoong may ka-date ako.
"Ahh, 'yun ba 'yung ka-blind date mong hindi dumating sa date niyo? Considered bang date 'yun if the guy didn't come?"
"Alam mo ang epal mo talaga! Inggit ka lang!"
"Ang gwapo ko namang epal. At saka bakit ako maiinggit? Di hamak na mas gwapo ako doon sa ka-date mong walang bayag!"
Hindi ko alam pero sobrang nasaktan ako dahil sa sinabi ni Atlas. Hindi ko alam kung dahil din ba ilang araw akong nalungkot at dinamdam ko talaga 'yung hindi pagsipot ng mga ka-date ko sa'kin kaya ganito ako ka-sensitive ngayon.
Ramdam ko 'yung pamumula ng mga mata ko kaya agad akong tumayo at mabilis na lumabas sa VIP room.
"One glass of Cuervo, please," sabi ko sa bartender. Nginitian niya ako at agad naman niya akong binigyan ng isang shot glass na may lamang Cuervo.
Agad kong ininom 'yung shot at ramdam ko 'yung pag guhit ng alak sa lalamunan ko dahil sa tapang.
Am I just being too sensitive? Too emotional over this?
Alam kong para sa iba e napaka-babaw naman kung maiiyak ako nang dahil doon pero para sa'kin kasi ang big deal nun...
Sobrang nakakasira ng self-esteem...
Alam mo 'yung nag-effort ka to meet that person para magustuhan ka nila. You invested your time and effort, tapos, mapupunta lang sa wala.
Alam ko namang you can't please everyone, but sobra lang talaga akong nalulungkot.
I hate feeling this way!
"Hey, are you okay?"
"Bumalik ka na sa party mo. Okay lang ako dito," sagot ko sakaniya.
Atlas sat on the next stool beside me. Hindi ko siya tinignan. Hindi naman ako galit talaga sakaniya, pero nainis lang ako na ipinamukha pa niya sa'kin 'yung kanina.
Hindi ko nga rin alam kung paano niya nalaman na hindi ako sinipot ng mga 'supposedly" ka-date ko... bukod tanging si Steven lang naman ang alam niya noon na hindi sumipot sa unang pagkikita namin pero dahil din naman 'yun sa kagagawan niya – na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam na alam ko kung anong ginawa niya dati kay Steven.
"I'm sorry, Abigael. I'm sorry for being insensitive. Hindi ko dapat sinabi sa'yo yun,"
"Apology accepted," I replied para hindi na niya ako kulitin pa. Hindi ko pa rin siya tinitignan.
Nag-sign ako sa bartender ng isa pang shot glass ng Cuervo at agad ko 'yun ininom pagka-abot niya sa'kin.
I heard Atlas sigh. "Bumalik ka na doon. Today's your birthday and you're supposed to be having fun," sabi ko.
"How can I have fun when you're not with me?" I can hear the frustration in his voice.
Nagbuntong hininga ako saka humarap sakaniya. Bigla akong naguilty kasi nasisira ko 'yung party niya na dapat nagsasaya lang siya.
"I'm sorry... nasisira ko pa 'yung party mo. Birthday na birthday mo tapos nagda-drama pa ako dito. Anu bayan!" tumawa ako nang mahina at saka ko pinunasan 'yung luha na pumatak sa mata ko.
Mabuti nalang hindi masyadong maraming tao dito sa Dukes.
I held his hand, gently squeezing it, "Happy Birthday Atlas." I genuinely smiled at him.
"Thank you, Abigael," he replied, giving me a small smile before hugging me.
Ininom ko muna 'yung pangatlong shot ng Cuervo bago kami tumayo para bumalik sa VIP room.
"Washroom lang ako saglit," paalam ko nang mapadaan kami sa girl's washroom on our way sa VIP room.
"Okay. Hantayin kita dito," sagot niya.
Ngumiti ako bago pumasok sa washroom. Nag-retouch lang ako sandali at kinalma 'yung sarili ko. This is not the right time to be emotional. I can't ruin Atlas' birthday.
Lumabas na ako ng washroom nang medyo okay na 'yung pakiramdam ko at nakita kong magkausap si Pearl at Atlas. Kumunot 'yung noo ko nang makita ko na parang seryoso silang nag-bubulungan sa gilid—which rarely happens, lalo na silang dalawa na sobrang maloko.
Dahan dahan akong naglakad palapit sakanila at hindi nila ako napansin dahil medyo madilim dito.
"Mag-sorry ka nalang kasi kay Gael. Mas lalong magagalit 'yun pag sa iba pa niya nalaman 'yang ginawa mo..." Pearl said, that made me freeze in my spot.
My forehead creased. I know I shouldn't be listening to other people's conversations, but can you blame me? Every time na may maririnig akong nagbubulungan ay palaging ako ang pinag-uusapan!
Just like now!
"Hindi ko alam... Ayaw kong magalit si Gael," Atlas replied.
"Gago ka pala e! Alam mong magagalit si Gael, pero bakit mo ginawa 'yun sa mga ka-date niya?"
"I... I got scared,"
"Lakas mong magsabi na walang bayag 'yung mga nakaka-date niya e ikaw 'tong walang bayag! Mas malala ka pa palakay Steven! Ayusin mo nga mga desisyon mo sa buhay Atlas! Pati ako nadadamay sa mga ginagawa mo!" galit na 'yung boses ni Pearl.
My hands were shaking!
I could feel my ears turning red from anger!
How could he do that?!
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa galit. Paano niyang nagawa sa'kin 'yun?! Hindi ba niya alam kung gaano ako nalulungkot every time na hindi ako sinisipot ng ka-date ko dahil pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit hindi sila dumating?!
Nanlaki 'yung mata nilang dalawa nang mapalingon sila sa gawi ko. I clenched my fist.
"Abigael—"
"Don't you dare, Atlas!" I snapped. I could see the fear in his eyes. Napatigil siya sa paglapit sa'kin.
Tinignan ko si Pearl. I gritted my teeth, "Sinabi ko sa'yo kung gaano ako ka-apektado every time na hindi dumadating 'yung ka-date ko. Umiyak pa ako sa'yo Pearl, dahil sinisisi ko 'yung sarili tapos malalaman ko na magkasabwat pala kayong dalawa?" I scoffed.
"And you..." dumapo 'yung tingin ko kay Atlas, "I didn't tell you that I know what you did to Steven because I don't want it to become an issue between us and now, you're doing it again! Masaya ka ba na pinagmu-mukha mo kong tanga ha Atlas?!"
I tried so hard not to cry. I'm a strong woman!
I dug my fingernails into my palm to stop myself from crying.
"S-sorry Abigael, I—"
"I don't need your sorry Atlas... Congratulations for breaking me," I sarcastically said as tears fell from my eyes before I walked away from them.
Agad akong tumakbo palabas at mabuti nalang at agad akong nakakuha ng taxi.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nagagalit ako kasi I felt so betrayed!
Sarili ko pang best friend!
Hindi ko maintindihan kung bakit niya kailangang gawin 'yun! Alam ko namang minsan malakas lang talaga 'yung trip niya pero eto? It hurts so much!
Sobrang sakit lang kasi hindi ba nila alam kung gaano ako nasaktan sa mga ginawa nila!?
At mas lalo akong nagagalit kasi kasabwat pa niya si Pearl! Palagi ko silang kinakausap ni Elsie para ikwento sakanila lahat nang nararamdaman ko pero 'yun pala alam ni Pearl na si Atlas lahat ang may kagagawan nito!
Pagdating ko sa condo at saka ako umiyak nang umiyak.
Masakit na hindi ako sinisipot ng mga ka-date ko pero mas masakit malaman na mismong si Atlas pa ang may kagagawan ng lahat!
Pinag-mukha nila akong tanga!
"Abigael! Open the door. Please let's talk!" Sigaw ni Atlas, habang kumakatok nang malakas sa pintuan ko.
Hindi ko siya pinansin at saka ko binuksan 'yung tv para i-play 'yung Friends sa Netflix at saka ko nilakasan nang todo 'yung volume ng TV.
'So no one told you life was gonna to be this way.
Your job's a joke, you're broke
Your love life's DOA'
Rinig ko pa rin 'yung pagkatok ni Atlas sa pintuan ko kaya sumabay ako sa pag kanta ng OST ng Friends habang umiiyak.
Para na akong baliw... No, para na talaga akong baliw!
"Abigael, please... hayaan mo naman akong mag-explain!" sigaw niya ulit kaya agad akong naglakad papunta sa pintuan.
"You don't know how much I am hurting right now, Atlas."
W H A T Y A S E Y
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro