Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

ANG LAKAS mang-black mail ni Atlas!

Wala akong nagawa kaya sinamahan ko siya na kausapin si Papa sa Laguna tungkol sa paglipat ko para magtrabaho sa VM Corp.

Mabuti nalang talaga at hindi nagalit si Papa pero ramdam ko na nagtatampo siya. Kaya kinausap ko talaga siya nang todo at in-explain ko sakaniya kung bakit gusto kong lumipat sa ibang company. Mabuti nalang at naintindihan naman ni Papa.

Hindi na rin niya ako pinilit na mag-stay sa company namin para magtrabaho. Basta nag promise ako na kapag once na mag-retire si Papa e ako ang magte-take over ng company namin.

Kinausap na rin ni Atlas sila Tito Alistair at Tita Julie tungkol sa paglipat ni Atlas. Feeling ko nga nagtataka sila nang todo kung bakit mas pinili namin ni Atlas na magtrabaho sa company ng iba kaysa sa sariling company ng mga magulang namin.

I think isa rin sa pagkakapareha namin ni Atlas is 'yung gusto naming mag-build ng sarili naming pangalan sa labas ng comfort zone namin—which is our family's company.

Parehas kasi kaming binibigyan ng special treatment sa work dahil lang anak kami ng CEO ng company. E ayaw namin ni Atlas nang gano'n. Although, another reason kung bakit lilipat is Atlas sa VM Corp. e dahil para samahan si Cash dahil 'yun ang kapalit para sa unit niya sa Empire.

Kaya no choice siya sa paglipat tapos nadamay lang din ako—although a part of me really wanted to work there.

Feeling ko mas gaganahan ako doon magtrabaho dahil sobrang competitive ng mga staff nila doon! Hindi pa ako nagsisimula mag trabaho, pero 'yung excitement ko sa katawan e umaapaw na!

May ilang linggo pa bago kami magtrabaho ni Atlas sa VM Corp. Nakausap na rin namin si Cash, at saaming tatlo, si Cash ang pinaka least excited – or more like not excited at all.

Hindi ko pa nakakausap ulit si Cara dahil nasa bakasyon siya sa Batanes at kasama niya si Arlo!

Medyo na-windang ako noong nalaman ko 'yun, pero masaya ako dahil mukhang lalayag na ang ship ko! Pero binalaan ko si Cara na h'wag paasahin si Arlo kung talaga hindi pa siya handa magmahal ulit. Kawawa naman kasi 'yung tao kung aasa lang sa wala!

"San tayo punta Ate Gael? Nakaka-boring sa condo e," Dhalia asked me, magkasama kaming dalawa ngayon. She's Arlo's younger sister.

Sinamahan ko kasi siya para hanapin 'yung nawawalang kwintas ni Cara na binigay ni Nate sakaniya, dahil apparently taga Empire 'yung nakakuha ng kwintas ni Cara. Nag -tanong tanong kami sa mga ibang nakatira sa Empire kanina pero kahit isa sakanila e walang alam tungkol sa kwintas na hinahanap namin.

"Mall tayo? Tagal ko na ding hindi nakakapag-shopping e," sagot ko.

"Sure, Ate!" she beamed, kaya nag-drive ako papunta sa malapit na mall.

Nag-shopping lang kaming dalawa at kung ano-anong binili namin. Ang tagal na rin simula nang huli akong nakapag-shopping. Ewan ko ba, pero mas napapadalas na nasa condo lang ako para manood ng movie.

A week after that, everything's the same pa rin. Nagsabi na rin ako sa manager ko na magre-resign na ako. Medyo nagulat siya nang sabihin ko sakaniya 'yun pero hindi na rin naman siya nagtanong. Si Cara at Arlo naman mukhang may mutual feelings na sila sa isa't isa dahil nakita ko 'yung huling post ni Arlo sa IG niya noong nasa Batanes sila and they've been going out a lot.

And Atlas? Hindi niya ako masyadong ginugulo nitong mga nakaraang araw. Mukhang busy siya dahil malapit na siyang lumipat sa Empire.

Mas malapit na siya sa condo ko kaya siguradong mas mabilis na niya akong mapupuntahan.

Nag-decide kami na pumunta sa mall ni Cara after naming mag bonding sa condo ko kasama si Ate Gi. Kailangan din kasi namin bumili ng regalo para sa birthday ni Atlas.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala 'yung kaba ko sa dibdib dahil sa mga tinanong ni Ate Gi sa'kin kanina! At mas lalong ayaw mawala sa isip ko kung paano niya nalaman na natulog kami nang tabi sa kama ni Atlas?!

I made sure na walang makakaalam nun e! Kaya hindi ko talaga alam kung paano nakarating kay Ate Gi! Imposible naman na si Atlas mismo ang magsabi 'di ba? Alam naman niyang malalagot siya kay Papa!

Nai-stress na rin ako dahil hindi ko alam kung anong ibibigay ko kay Atlas! Lahat naman kasi meron na siya at lahat naman nang gusto niya e kayang kaya niyang bilhin.

Sa sobrang hindi ako makapag-decide sa ibibigay na regalo para kay Atlas e nakapag-shopping tuloy ako nang para sa'kin! Kaka-shopping ko lang noong kasama ko si Dhalia e, napa-shopping nanaman ako ngayon!

"Nagti-tinder ka na naman, baks?" Cara said nang makita niyang pa-swipe swipe ako sa cellphone ko. Naupo muna kami para magpahinga sandali dahil kanina pa kami paikot-ikot.

"Oo, bored ako e," sabi ko sabay tawa. Inirapan lang niya ako. "Grabe makairap! Porket may Arlo ka diyan!" sigaw ko.

"Akala ko ba hindi ka na magti-tinder ulit dahil dalawang ka-date mo 'yung hindi ka sinipot ulit. Tapos 'yung isa naman e kung titigan ka para kang hinuhubaran tapos 'yung ka-date mo noong nakaraan ubod nang presko!" Cara enunciated all the dates I've had.

I rolled my eyes at her while I kept on swiping left and right. I sighed, "Hindi ko alam pero mukhang malas ako sa mga nakaka-match ko netong mga nakaraang araw e," malungkot na sabi ko.

Hindi ko alam kung ako ba 'yung may kasalanan dahil palagi ko silang kinukumpara kay Atlas.

Para bang ako mismo 'yung naghahanap ng butas para ma-turn off ako sakanila at hindi ko na sila i-date ulit. Although, manyak talaga 'yung isang naka-date ko!

Tapos sunod-sunod din 'yung ibang naka-match ko na dapat makikipag-meet up ako, pero hindi nila ako sinipot tapos nawala na sila sa Tinder ko bigla, kaya hindi ko sila ma-contact. Si Steven lang talaga 'yung bukod tanging matino sa lahat ng naka-match ko sa Tinder, pero 'yun nga lang sayang kasi sumuko agad.

I've decided na bilhan nalang si Atlas ng Rolex, dahil wala talaga akong maisip na ibigay sakaniya. After namin mamili ni Cara, nagpunta muna kami sa foodcourt para magpahinga at mag-meryenda dahil napagod kami kakaikot.

I excused myself para mag-washroom.

"Sorry!" sabi ko nang may mabunggo ako papasok ng washroom.

"Gael?" sabi nong babaeng nabunggo at agad napataas 'yung kilay ko nang makita ko si Chloe.

"Chloe,"

She crossed her arms while grinning at me. Parang gusto kong dukutin 'yung mata niya sa paraan nang pagtitig niya sa'kin!

Sa dinami-dami nang puwedeng makita ko, 'tong babaeng 'to pa!

"Is Atlas with you?" she asked.

"Nope. Hindi naman ako kagaya mo na palaging nakabuntot sakaniya," I mocked. Mas lalong tumaas 'yung ngisi sa labi niya.

"Really?" she said. I hate the tone of her voice. It seems like there's a hidden meaning to every word that's coming out of her mouth.

"Don't worry babe, I got paid for doing that, but I guess that's not new to you,"

Hindi ako nakapagsalita agad. Napakunot 'yung noo ko dahil sa mga sinasabi niya, pero agad ko ding ibinalik 'yung poker face ko na parang hindi ako apektado sa mga sinasabi nitong babaeng 'to!

"The expression on your face tells me that you don't know anything at all," she scoffed before gently tapping my shoulder – like what I did to her when we were in Tagaytay. "I guess he doesn't tell you everything huh," she added before walking away, leaving me dumbfounded.

What the hell is she talking about?!

I've tried so hard para hindi mapansin ni Cara 'yung pagbabago nang mood ko. Mabuti nalang silang dalawa ni Arlo ang naging topic namin hanggang makauwi kami.

Gusto kong tawagan si Atlas para itanong kung ano 'yung sinabi ni Chloe but at the same time, there's a part of me naparang mas mabuti nalang na hindi ko malaman.

Arg! Bakit ba kasi ganito ako ka-curious sa lahat ng bagay!

Palagi pa naman akong napapahamak sa pagiging curious na tao ko!

I just don't get why would Atlas pay Chloe!

And why would he pay her? I thought they were actually dating... or that's what I thought?

#

Sinubukan kong tanggalin sa isip ko lahat nang sinabi ng baliw na babaeng 'yun! Hindi rin naman ako sigurado kung totoo ba 'yung mga sinasabi niya o baka gawa-gawa lang niya 'yun!

I didn't want to waste any more time overthinking something that Chloe had just spat at me. Mamaya niloloko lang niya ako to get back at me, tapos ako naman e naniwala agad kaya ako 'yung nai-stress kakaisip!

Bahala siya sa buhay niya!

I just busied myself with some other things, so I won't have time to overthink again.

Pinanood ko na lahat ng magagandang comedy, rom-com movies at kung ano-ano para lang talaga hindi na ako mag-isip nang kung ano-ano!

"Are you ready to order, Ma'am?" nakangiting tanong noong waiter sa'kin.

Pinilit akong ngumiti at saka tumango, "Y-yes please..." sabi ko at inabutan naman niya ako ng menu at saka ako umorder ng pagkain ko.

Hindi nanaman ako sinipot ng ka-date ko... pangatlong date na 'to.

Minsan napapaisip nalang ako kung nananadya ba sila o talagang trip lang nila akong hindi nalang siputin.

Maayos naman akong makipag usap sakanila. Hindi rin ako masyadong nagkw-kwento tungkol sa sarili dahil ayaw kong isipin nila na mayabang ako or anything. I always think twice before I say something to them pero bakit ganito... hindi nila ako sinisipot sa date.

Parang gusto ko nalang umiyak.

Parang feeling ko ang panget-panget ko...

Naisip ko bigla 'yung sinabi ni Atlas sa'kin noong unang date dapat namin ni Steven.

'So... do you think your date saw you and then left?'

That's what he said noon sa'kin, kaya parang feeling ko tuloy baka ganyan ang nangyayari sa'kin sa tatlong ka-date ko na hindi dumating.

I could feel my self-esteem crashing down.

Parang gusto kong mag-break down nalang. But then again, I keep reminding myself that I'm a strong woman.

That I can do this...

That I am better than this.

#

"Finally!" Atlas exclaimed.

"Wow, you've got a bigger kitchen and a kitchen island!" I said, in awe.

Nandito kami ngayon sa unit ni Atlas sa Empire. Kakalipat lang niya ngayon at tinulungan namin siya sa paglilipat.

"May bago na tayong tambayan!" sigaw naman ni Pearl.

"Congrats bro," Milo and Cash said to Atlas.

"Are we drinking tonight ba?" Elsie asked. Nagkatinginan kaming lahat at sabay sabay kaming nag-shrugged to agree.

Pearl ordered pizza and wings for us, tapos sila Cash at Milo naman umalis para bumili ng alak na iinumin namin.

Actually, ayaw kong uminom dahil naaalala ko nanaman 'yung mga pinag-gagagawa ko noong welcome party ni Arlo! Tapos

Nakakahiya talaga!

Thankful na lang ako na hindi naaalala ni Atlas 'yun dahil siguradong pang-aasar nanaman ang aabutin ko! Tapos mamaya i-black mail pa niya ako e 'yung picture ko nga na naka-bikini ako hanggang ngayon ginagamit niyang pang-black mail sa'kin!

Konti lang din 'yung mga gamit ni Atlas kaya hindi kami natagalan sa pag-lilipat at pag-aayos ng mga gamit niya.

"Lapit na birthday mo! Anong gusto mong gift?" Pearl asked, habang nasa sala kaming lahat at kumakain.

"Anything... basta maka-attend lang kayo, okay na ako doon!" sagot naman ni Atlas.

"Madami bang a-attend sa party mo kagaya dati?" natatawang tanong ni Elsie.

Siraulo kasi 'tong si Atlas at nirentahan ba naman 'yung buong club dati tapos kahit hindi niya kakilala e invited! Nagsasayang ng pera! Kaya party animal ang tawag sakaniya e.

"Nah... not this year. Kayo lang ang invited and some of my cousins and their friends," sagot ni Atlas.

"Ikaw Gael?" biglang tanong ni Pearl.

"H-ha?" Gulat na tanong ko.

She gave me a meaningful smile and said, "Wala ka bang ka-date na isasama?" Pang-aasar niya, tapos gumatong naman 'yung iba!

Minsan ang sarap nalang tapalan sa bibig nitong si Pearl e! Napaka-mapang-asar kahit kailan!

Dumapo 'yung tingin ko kay Atlas. Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin habang hinahantay 'yung isasagot ko.

Nag-shrugged nalang ako, "Anong flavour nitong pizza na binili mo Pearl? Ang sarap ah!" pag-iiba ko nang usapan.

Nagtawanan naman silang lahat tapos agad kong sinamaan nang tingin si Pearl at nag-peace sign naman siya sa'kin!

Alam naman niya 'yung mga nangyari sa mga ka-date ko tapos tatanungin pa niya ako! Epal talaga kahit kailan!

W H A T Y A S E Y

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro