Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

I'M GOING to have lunch with Pearl and Elsie. At exactly 12 p.m., I left the office because I didn't have anything else to do.

I'm tired of being bored at work.

Parang gusto ko nalang tuloy lumipat sa ibang company para magtrabaho. Feeling ko parang nakaka-abala lang ako sa mga ibang staff dahil kinukulit ko silang bigyan ako ng work!

Kinausap ko na nga rin si Papa tungkol dito pero mukhang wala pa ding nangyayari dahil ayaw talaga nila akong bigyan nang mabigat ng trabaho. Isang dahilan din kung bakit ako nag take ng Business course dahil para ako ang mag-take over sa company nila Mama at Papa dahil si Ate wala siyang interest sa paghandle nitong company.

Pero ngayon... nakakalungkot lang na parang naglalaro lang ako sa trabaho. Mas pinili ko talaga na magsimula sa mababang posisyon, pero kahit na gano'n 'yung ginawa ko e parang mataas pa rin ang trato nila sa'kin.

"Problema mo, girl?" Elsie asked, and I sighed for the nth time.

"Wala naman, ang boring kasi sa office, ayaw akong bigyan nang mabibigat na trabaho," reklamo ko. Napatango silang dalawa. Ilang beses ko na rin kasing nabanggit sakanila 'to.

"Nakausap mo na ba sila Tito tungkol diyan?" tanong ni Pearl.

I nodded, "Oo pero mukhang matigas din kasi 'yung ulo ng manager ko. 'Di ko alam kung takot ba siya sa'kin o sipsip lang kay Papa," sagot ko tapos natawa 'yung dalawa dahil sa sinabi ko.

Pero totoo naman kasi, 'diko maintindihan 'yung manager ko parang ayaw akong napapagod. Sabihan ko kaya si Papa na i-promote siya, baka kasi 'yun ang gusto niya.

"Speaking of! I heard from Milo na mukhang makaka-kuha na ng unit si Atlas sa Empire, pero mukhang may gustong kapalit 'yung tatay ni Cash sakaniya," Elsie announced.

"Ano naman kaya gustong kapalit ng tatay ni Cash? Nakakatakot pa naman 'yung tatay ni Cash!" sabi ni Pearl tapos parang kinilabutan pa siya sa takot.

"Totoo girl! Buti na lang talaga, once lang tayo nakapunta sa bahay ni Cash. Feeling ko aatakihin ako sa puso sa takot, e!" Elsie retorted.

"Baka naman hihingin niyang kapalit e magtrabaho si Cash sa company nila. Tingin niyo?" I replied, and they both nodded their heads in agreement.

"Baka nga! Bakit di ka lumipat sa VM Corp. at samahan mo si Cash, dahil doon mukhang mapapasabak ka talaga!" Pearl jokingly said, Agad naman akong napatigil dahil sa sinabi niya.

That's not a bad idea!

"Are you really considering it, girl?" Elsie asked, looking a bit worried. Si Pearl din nanlalaki 'yung mata habang nakatingin silang pareho sa'kin.

Ngumiti ako nang malawak at saka tumango, "Thanks for the great idea, Pearl!"

#

In the next few days, hindi mawala wala sa isip ko 'yung sinabi ni Pearl na lumipat ako sa VM Corp. Pero ang tanong ko is... kung papayag ba si Cash na magtrabaho sa kumpanya ng tatay niya dahil mukhang malabong mangyari na magtrabaho siya don.

Ang laki kasi ng galit niya sa tatay niya. Ewan ko ba doon.

Hindi na rin kami nagtatanong sakaniya dahil hindi rin naman niya sinasabi kung bakit. Pero mas naging malayo 'yung loob niya sa tatay niya simula nang maghiwalay sila ni Cynthia.

Today's Saturday. Nasa condo lang ako dahil I have my period and I don't feel like going outside. Nagyaya rin sila Els na pumunta sa Dukes pero nag-pass muna ako dahil gusto ko lang talagang humiga. Sobrang iritable ko simula pa kahapon, kaya medyo nasungitan ko tuloy 'yung ibang employee.

I was busy watching "50 First Dates" nang tumunog 'yung cellphone ko.

Sa mga panahon na ganitong moody ako, I need Adam Sandler in my life talaga!

From: Atlas

I'll be there in 5 minutes!

To: Atlas

Wala ako sa mood ngayon. Next time ka nalang pumunta.

After kong magreply itinabi ko na 'yung cellphone ko at nanood nalang ako. But then, after 5 minutes, narinig kong may kumakatok sa pintuan ko.

"Abigael?" Atlas said nang hindi ko pa rin binubuksan 'yung pintuan.

I groaned in annoyance.

Sobrang nanghihina 'yung katawan ko tapos hindi ako makagalaw nang maayos dahil sumusumpong 'yung pananakit ng likod ko t'wing may period ako.

"Sabi ko sa susunod mo nalang ako guluhin 'di ba!" inis na sabi ko. I'm really not in a good mood today!

He just shrugged. Tapos nginitian lang niya ako bago dire-diretsong pumasok sa loob. I rolled my eyes. Napaka-kulit talaga!

Naglakad nalang ako pabalik sa sala at nakita kong inihapag na niya 'yung mga bitbit niyang pagkain. My lips parted when I saw the food that he brought!

"Hindi ako sure kung ano bang kinakain mo pag may period ka, pero naalala ko si Teal noon pag sinusumpong e nagpapabili sa'kin ng ice cream at fries sa McDo," sabi niya nang umupo ako sa tabi niya.

I looked at him in disbelief. E hindi lang ice cream at fries ang binili niya! May kasama pang cake, iced coffee – na palagi kong binibili sa Little Birds, tapos may dala rin siyang spaghetti, shanghai, burger steak at chicken sa Jollibee! May dala rin siyang chocolates at mga gamot para sa sakit sa puson.

"Ang dami..."

Napakamot siya sa batok niya, "Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo e, kaya binili ko nalang lahat nang alam kong kinakain mo para sure." sagot niya.

My heart instantly melts.

Hindi ako makapagsalita dahil sa ginawa niya.

"Atlas, pagtawag ko sakaniya, habang kumukuha siya ng sliced ng cake.

Parang gusto kong umiyak dahil sobrang nata-touch ako sa ginawa niya. Tangina naman kasi. Bakit ba kasi sobrang bait at maalaga niya sa'kin! Para gusto ko nalang siyang hilahin at halikan dahil sa ginagawa niyang effort para sa'kin.

"Hmm?"

"Why are you doing this to me?" diretsong tanong ko sakaniya. Napatigil siya sa ginagawa niya at para bang nag-iisip.

He's so sweet.

He's so thoughtful.

He's just everything that I want in a guy!

He's so near yet so far away.

Sino bang hindi magkaka-gusto sa isang kagaya niya?

Sometimes, I just wish that we weren't best friends... because it makes it harder for me to tell him how much I love him because I don't want to jeopardize our friendship.

I can't risk it...

I don't want to lose him...

I heard him sigh before his eyes landed on me. "Why not?" he asked with a small smile. "I want to take care of you because you're my best friend." He replied.

Parang paulit ulit na sinaksak 'yung puso ko dahil sa sinabi niya.

I could feel my eyeballs shaking in so much pain. I tried to hold back my tears, but it was too late.

"Abigael, bakit umiiyak ka?" nagaalalang tanong niya. Agad kong pinunasan 'yung mga luha sa mata ko bago pa niya magawa 'yun.

I gave him a faint smile and chuckled, "Sobrang emotional ko talaga pag may period ako grabe! Ikaw kasi e! Nakaka-touch 'yang mga ginagawa mo sa'kin," pabirong sabi ko at buti nalang hindi na nagtaka pa si Atlas dahil sa pag-iyak ko.

Tumawa rin siya bago ako hatakin palapit sakaniya at inakbayan ako, "Puwede ka ng pang-Oscars sa galing mo sa pag-iyak!" pang-aasar niya.

I just faked a smile to hide the pain.

Bakit pa nga ba ako nagtanong e alam ko naman 'yung isasagot niya. Sinasaktan ko lang lalo 'yung sarili ko.

Kaya ayokong binibigyan nang malisya 'yung mga ginagawa ni Atlas sa'kin dahil alam kong best friend lang talaga ang tingin niya sa'kin at kaya lang naman niya ginagawa 'to dahil nga mag-best friend's kami.

Ang tanga lang kasi umasa ako... kasi umaasa pa rin ako.

Sinamahan ako ni Atlas buong maghapon. Pinilit din niyang ipakain sa'kin lahat nang binili niya, pero hindi naman ako gano'n katakaw para ubusin lahat 'yun no!

"Els told me na makakakuha ka na raw ng unit sa Empire?" Tanong ko habang nililigpit namin 'yung ibang kalat sa sala.

Tinignan niya ako na parang nagulat siya kung bakit alam ko agad, "Ako dapat unang magsasabi sa'yo e! Surprise ko sa'yo 'yun pero naunahan nila ako dahil ang daldal ni Milo!" inis na sabi niya habang nakasimangot at padabog na naglakad papuntang kusina.

Natawa ako dahil parang bata si Atlas.

"Para kang bata! Ano naman kung malaman ko agad?" tanong ko pag dating ko sa kusina.

Pinipigilan ko 'yung pagtawa ko dahil mukhang naiinis talaga siya na hindi siya 'yung nakapag-balita sa'kin. Sobrang kunot 'yung noo niya tapos konti nalang may lumabas na usok sa ilong niya sa sobrang inis niya!

"Alam mo namang sinasabi lahat ni Milo kay Elsie," dagdag ko.

"I'm going to kill that guy!" sabi niya sa inis, kaya hindi ko na napigilan at tumawa na ako nang malakas. Inirapan lang niya ako bago naglakad pabalik sa sala kaya sinundan ko siya habang tumatawa pa rin ako.

"Wag ka na magalit... bakit ba gusto mo pa akong i-surprise e malalaman at malalaman ko rin naman?" sabi ko nang hindi pa rin siya nagsasalita. Hindi na ako tumatawa kahit na natatawa pa rin ako sa itsura niya!

Medyo nawala na rin 'yung sakit ng puson ko dahil minasahe ni Atlas 'yung paa ko kanina habang kumakain ako ng ice cream tapos pinainom din niya kao ng gamot.

Ibang klase rin kasing mag-alaga 'tong si Atlas e!

"Wala... basta..."

"Kain ka nalang ng fries para 'di kana sad," sabi ko at saka siya sinubuan ng fries. Nakanguso pa siya habang naka-crossed arms at nakasimangot.

Napaka-cute lang!

Ang sarap halikan!

Nag-play nalang ako ng movie kasi mukhang walang balak magsalita 'tong si Atlas. Minsan pa naman farmer din 'to kapag nagalit. Grabe magtanim nang sama ng loob. Sobrang hirap din suyuin kailangan magaling kang manuhol para 'di na magalit sa'yo.

Sinusulyapan ko siya habang nanonood kami at medyo nawala na 'yung pagkainis niya. Si Adam Sandler lang palakatapat nito e.

"Hindi ka na galit?" Tanong ko, tumatawa na siya ulit.

Tinignan lang niya ako na parang may iniisip siya.

"Sa isang condition..." sabi niya. Ako naman 'yung napakunot ang noo.

"Ano 'yun?"

"You have to work with me at VM Corp." sagot niya. My eyes widened in shock!

"Really?!" I exclaimed in delight!

Nagtaka naman si Atlas dahil ang laki nang ngiti sa labi ko.

"Gusto mong lumipat sa VM Corp? Akala ko ba takot ka kay Tito?"

I pressed my lips together to contain my excitement and nodded my head.

"Hindi ba magagalit sila tito at tita sa'yo na lilipat ka sa ibang company para magtrabaho?"

"They'll understand..." I replied. "And besides, you'll be the one telling them naman since this is your condition, 'di ba?" I gave him an evil smile at siya naman ngayon ang nanlaki ang mata.

"What?! No way! Tito Aero's gonna kill me!"

"Wala nang bawian!"

"No Abigael!"

"Yes, Atlas!"

"No way..."

"Yes way... don't worry sasamahan naman kita,"

"You do?" tanong niya nang 'di makapaniwala.

Tumango ako, "Oo naman! Sayang naman kung hindi ko makikita kung anong gagawin sa'yo ni Papa!" sagot ko at saka tumawa nang malakas. Nakita kong namula 'yung tenga ni Atlas kaya agad akong tumakbo paalis bago pa niya ako mahabol.

Minsan lang kasi magalit si Papa pero sobrang nakakatakot talaga. Naalala ko noong high school kami ni Atlas, tapos may nam-bully sa'kin dahil may crush siya kay Atlas, tapos ako 'yung pinagti-tripan nila dahil kami ang palaging magkasama ni Atlas.

Tapos one day, hindi ko alam kung saan nila nalaman kung ano 'yung dating trabaho ni Mama, tapos pinagkalat nila sa buong class namin, kaya pinagtatawanan nila ako nun.

Sumugod talaga si Papa sa school namin tapos muntik na niya ipa-expell lahat ng classmates ko dahil sa pinagkalat na news! Kahit hindi naman sa'kin galit si Papa non pero grabe 'yung takot ko. Mabuti nalang nag-sorry at nagmakaawa 'yung magulang noong nagkalat ng balita na 'yun!

Hindi ko kinakahiya na gano'n ang naging trabaho ni Mama dati para mabuhay sila ni Tita Lady. Kung tutuusin, proud pa nga ako kasi at least kahit gano'n ang naging trabaho ni Mama e hindi siya gumawa nang masama para lang kumita ng pera.

It's really frustrating how people judge others so easily when they don't even know the full story behind it. Sobrang bilis nilang mag-judge ng iba just based sa nakikita nila.

"Gotcha!" he yelled when he caught me in his arms. Binuhat niya ako na parang isang sakong bigas sa balikat niya.

Naglakad siya pabalik sa sala at inihiga niya ako sa couch habang nasa ibabaw ko siya. Tinulak ko siya paalis, pero kinuha lang niya 'yung dalawang kamay ko at hinawakan para hindi ako makaalis.

"Atlas! Pakawalan mo nga ako!"

"Nope!" he said, popping his lips together.

Sinubukan ko siyang sipain, pero inipit lang niya 'yung mga binti ko sa binti niya. He grinned at me while he was on top of me!

"Hindi na kita sasamahan para kausapin si Papa!"

"Okay,"

"Susumbong kita kay Papa at dito ka natulog sa condo ko!"

"Okay lang... hindi lang naman ako ang mapapagalitan," pang-aasar pa niya.

"Epal ka talaga!" sigaw ko sakaniya at pilit na inaalis 'yung pagkakahawak niya sa kamay ko pero himala kung matanggal ko 'yung hawak niya sa'kin e di hamak na mas malakas siya sa'kin!

Napalunok nalang ako nang dahan-dahan niyang inilapit 'yung mukha niya sa'kin! Napapikit ako ng mata dahil akala ko kung anong gagawin niya!

"You have to come with me. I still have that picture of yours, remember?" bulong niya sa'kin at saka tumawa nang malakas bago umalis sa ibabaw ko!

W H A T Y A S E Y

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro