Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

AFTER KONG ayusan si Teal ay hinatid namin siya ni Atlas sa bahay ng classmate niya kung saan gaganapin 'yung party nila.

"Saktong 11 PM susunduin kita." Striktong sabi ni Atlas. Nagsalute si Teal sakaniya bago niyakap ang Kuya niya from the backseat at mabilis na lumabas ng sasakyan.

Napailing nalang si Atlas bago siya nag-drive pauwi. 6 PM palang naman, kaya may limang oras pa si Teal para mag-enjoy sa party nila.

Kinuha ko muna 'yung phone ko dahil kanina ko pa nararamdaman na nag-vi-vibrate, pero hindi ko magawang i-check kung sino 'yung tumatawag dahil sobrang busy ko kanina sa pag-aayos kay Teal.

6 Missed Calls and 8 Text Messages from Steven

Binuksan ko agad 'yung mga text ni Steven dahil ngayon lang siya tumawag at nag-text na ganito kadami. Kinabahan ako dahil baka may emergency siya, pero agad na kumunot 'yung noo ko nang mabasa ko 'yung mga text galing sakaniya.

Napansin yata ni Atlas 'yung pagbago nang mood at expression ko dahil agad siyang nagtanong.

"What's wrong, Abigael?" Atlas asked while driving.

Napabuntong hininga nalang ako pagkatapos kong mabasa lahat ng text ni Steven. Mamaya ko nalang siya tatawagan pagka-uwi ko.

Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Steven and why is he acting like this. This is not the Steven I dated a couple of months ago. He was never this uptight and demanding.

"Okay ka lang Abigael? Sino 'yung nag-text?" tanong ulit ni Atlas. Tinago ko muna 'yung cellphone ko sa bulsa.

"Ahh, wala naman. Sila Pearl lang nangangamusta," pagsisinungaling ko. I faked a smile and I know that Atlas doesn't believe what I said based on the expression on his face.

Mabuti nalang at hindi na siya nangulit pa. After half an hour nakabalik na kami sa bahay.

"Text mo nalang ako kapag susunduin mo na si Teal," sabi ko.

"Wag ka nang sumama at magpahinga ka nalang muna,"

"Sure ka?"

"Yap!" sagot niya at nag thumbs up siya sa'kin. "I'm sure gusto ka rin maka-bonding nila Tita at Tito, maghapon kang nasa bahay namin. Miss kana nila lalo na si Tito," dagdag pa niya. Ngumiti siya sa'kin kaya hindi na ako kumontra pa.

Bumaba na ako ng sasakyan niya at saka nagpaalam.

Bukas ko nalang din tatanungin kung bakit parang palagi silang magkausap ni Papa.

Ginawa ko 'yung sinabi ni Atlas at nakipag-bonding ako kila Mama at Papa. Sabay sabay kaming kumain ng dinner tapos tumawag ako sa facetime ni Ate Gi at inggit na inggit siya dahil siya lang ang wala dito sa bahay.

Mama and Papa looks so happy na bumisita ako kaya naman sinulit ko talaga na kasama ko ngayon dahil bukas uuwi na kami ni Atlas sa Manila.

By 9 PM, nasa sala kaming tatlo at nanonood ng movie habang kumakain ng cheese popcorn. I was busy watching when my phone vibrates. Kinuha ko 'yung phone ko sa bulsa at nakita kong tumatawag si Steven.

Hala shet!

Medyo nagpanic ako kasi nakalimutan ko na siyang replyan simula kanina pa!

I excused myself muna at buti nalang at hindi na nagtanong sila Papa. Mabilis akong umakyat sa kuwarto ko at saka ko sinagot 'yung tawag niya.

"Hello, Steven? I'm sorry—"

'Were you that busy that you couldn't reply to any of my text messages?! Not even one!'

Nagulat ako sa tono nang boses ni Steven kaya hindi ako agad nakasagot.

"I'm... I'm sorry," halos ayaw bumuka ng bibig ko dahil natakot ako sa tono nang boses niya.

Ngayon lang siya nagalit sa'kin. Alam kong kasalanan ko naman kung bakit siya nagagalit, pero parang ang babaw naman nang dahilan, hindi lang ako nakapag-reply tapos ganito na siya agad, at sinisigawan ako.

'I've been trying to understand you, Gael, but you just keep on giving me reasons to get mad at you.'

I took a deep breath to calm my nerves. Mas lalo lang lalaki 'tong away namin ni Steven kung sasabayan ko siya nang galit.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Steven. I am with my family and I'm really, really sorry for not replying to your text messages."

I heard him scowl, like he didn't believe what I just said.

'Stop using your family and just admit that you're with Atlas, and that is the main reason why you couldn't even think of me. You were having too much fun with him that you couldn't even think of calling me, even just for one second.'

Halos malaglag ang panga ko sa narinig ko mula kay Steven.

Ramdam ko 'yung pag-init ng tenga ko dahil sa inis, pero sinubukan ko pa ding kalmahin ang sarili ko.

Magsasalita pa sana ako, pero agad na nagsalita ulit si Steven

'Enjoy your weekend without me! Goodnight!' he mockingly said before hanging up on me.

I was caught off guard. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa nangyaring pag-uusap namin – more like pagsigaw sa'kin ni Steven.

The whole night, I wasn't able to sleep kakaisip pa rin kay Steven. Sinubukan ko siyang tawagan ulit, pero naka turned off na 'yung phone niya at automatic akong nada-direct sa voicemail niya.

12 AM na pero gising na gising pa rin ang diwa ko.

Baka nga kasalanan ko at tama si Steven dahil masyado akong nag-enjoy sa buong maghapon at ni minsan hindi ko siya naisip.

I feel so guilty.

Kasalanan ko kung bakit nagkaka-ganyan si Steven.

Naisip ko na hindi siya comfortable na kasama ko buong weekend si Atlas. Hindi rin naman ako tanga para hindi maisip na nagse-selos siya kay Atlas.

Pero hindi ko naman puwedeng iwasan si Atlas nang gano'n-gano'n lang. Mag best friend kami ni Atlas at alam kong magagalit siya kapag iniwasan ko siya bigla para kay Steven.

Paikot ikot lang ako sa kuwarto ko habang nag-iisip kung ano bang dapat kong gawin nang maka-receive ako ng text galing kay Atlas.

From: Atlas

Abigael!

Matulog ka na! Anong oras na!

Maaga pa tayong aalis bukas!

Agad na kumunot ang noo ko pagkabasa ko ng text niya.

To: Atlas

Bakit ikaw hindi ka pa natutulog?

And please lang stop using exclamation mark! Feeling ko sinisigawan mo ko.

At saka pano mo alam na gising pa ako?

From: Atlas

I can still see your lights open.

Duh!

Natawa ako bigla dahil sa pag-duh ni Atlas. Agad akong pumunta sa bintana at saka sumilip. Nakita kong nakatayo rin si Atlas at nakasilip sa bintana ng kuwarto niya.

Kumaway ako sakaniya habang tumatawa at kumaway rin naman siya. Baliw talaga 'tong lalaking 'to! Lakas mag tanong kung bakit hindi pa ako natutulog e siya rin naman 'di pa natutulog.

Labo rin, e!

To: Atlas

Tulog kana. Magd-drive ka pa bukas.

From: Atlas

Goodnight Abigael :)

To: Atlas

Goodnight <3

After naming mag-text ni Atlas ay nahiga na ako para matulog.

I think Steven is right — that every time I'm with Atlas, parang nakakalimutan ko lahat at napupunta lahat kay Atlas lang ang buong atensyon ko.

#

The next day, Papa and Mama were really sad na kailangan ko nang bumalik sa Manila. Niyaya ni Papa na sumabay si Atlas samin mag agahan bago kami bumyahe pabalik sa Manila.

At nalaman ko rin na halos araw-araw palang magka-text sila Papa at Atlas! Naloka ako dahil daig pa ako ni Papa kung makipag-text kay Atlas!

Sobrang close talaga ni Papa kay Atlas kaya mas nagdalawang isip ako kung ipapakilala ko ba si Steven kay Papa. Lalo na't alam kong galit at ayaw ni Steven kay Atlas.

Hindi ko na muna inisip si Steven. Nag text ako sakaniya kaninang umaga paggising ko at sinabihan ko siya uuwi na rin kami at kung puwede kaming mag-usap mamaya pagbalik ko sa Manila. Pero ako nakatanggap ng reply galing sakaniya simula kanina.

I really like Steven. Hindi ko naman siya ide-date kung hindi ko siya gusto.

Pero... parang nagbago 'yung tingin ko sakaniya simula nang sigawan niya ako kagabi.

Never pa akong nasigawan ni Atlas at lalong lalo na ni Papa. At ayaw ko nang isipin kung anong kayang gawin nila Papa kay Steven kapag nalaman nila 'yung ginawa niyang pagsigaw sa'kin.

Tahimik lang ako buong byahe namin at mabuti nalang at hindi naman nagtanong si Atlas sa'kin. Hindi ko rin kasi alam kung anong idadahilan ko at malalaman din niya agad kapag nagsisinungaling ako.

"Thank you sa pagsama sa'kin papuntang Laguna," sabi ko kay Atlas nang magpark siya sa tapat ng condo ko. "Ingat ka pauwi!" dagdag ko at tipid ko siyang nginitian.

"Thank you rin sa ginawa mong pag-ayos kay Teal. She said she really had fun at the party," Atlas said with a smile on his lips.

"Don't mention it! I'm glad I could help," I replied.

Umalis na rin si Atlas nang maglakad na ako papasok sa condo.

Pagkatapos kong magpahinga ay sinubukan ko ulit na tawagan si Steven dahil alam kong nandito pa rin siya sa Manila. Gusto ko sana siyang makausap bago siya umalis bukas.

Nako-konsensya pa rin ako sa nagawa ko. But at the same time, alam ko naman sa sarili ko na hindi ko sinadya na hindi siya replyan. Totoo. Naman na naging busy ako sa pag-aayos kay Teal tapos nagbonding kami nila Mama at Papa.

Nakailang tawag na ako, pero hindi pa rin siya sumasagot. Nakatulog na ako sa kahihintay sa reply niya, pero paggising ko wala pa rin siyang reply.

Nagre-ready ako ng dinner ko nang biglang may mag-text sa'kin kaya halos tumakbo ako para kuhain 'yung cellphone ko.

From: Elsie

Girl! Busy ka ba? Nag-aaya si Pearl sa Dukes tonight kung free ka daw.

Magkita-kita nalang daw tayo doon nang 9 PM.

To: Elsie

G ako! See you later.

Pumayag ako dahil wala rin naman akong gagawin at siguradong magmumukmok lang ako kahihintay sa tawag ni Steven. Hahayaan ko munang lumamig 'yung ulo niya para mas maayos kaming makapag-usap.

And besides, I'm Abigael Lauren Gomez, hindi ko hahayaan 'yung sarili ko na magmukmok lang dito buong gabi.

At dahil sa pag-aaway namin ni Steven kaya nag ayos ako nang todo!

I want to feel good about myself!

Kailangan kong rumampa!

I wore a lace bralette with a blazer and skinny jeans. Tapos sinuot ko 'yung killer stilettos ko and curled the ends of my hair and ta-dah! Perfect!

Nagpupunta kami sa Dukes usually kapag gusto lang namin nang chill ambiance at hindi masyadong crowded 'di gaya nang ibang bar na pinupuntahan namin na sobrang wild talaga sa loob. Dito kasi sa Dukes, chill lang rin usually 'yung mga umiinom. At madalas din pumupunta dito 'yung mga bachelors and young businessman. Kaya trip namin dito nila Pearl at Elsie kasi madalas nagsa-sightseeing kami ng mga hot and gwapong bachelors!

"Wow naman! Patapak naman po!" biro ni Pearl pagdating ko. Inirapan ko lang siya at saka tumawa sa sinabi niya.

Nasa isang booth kami kung saan nakapaligid 'yung mga nag-gwa-gwapuhang bachelors. For sure si Pearl ang pumili nitong puwesto namin!

"Bongga natin tonight girl! Anong meron?" Elsie asked after we ordered our drinks. Nag-order din kami ng dry ribs and calamari pang-pulutan.

"Wala naman, feel ko lang mag-ayos tonight." Sagot ko. Nagtinginan silang dalawa na parang alam nila na hindi lang 'yun 'yung dahilan.

"Hulaan ko... nag-away kayo no?" Pearl said habang nakataas 'yung isang kilay.

"Atlas or Steven?" tanong ni Elsie.

I sighed. Alam na alam talaga nila kapag umawra ako nang bongga. "Oo na! Nag-away kami ni Steven." I said in defeat.Nag high five naman 'yung dalawa bago humarap sa'kin at naghihintay na mag-kwento ako.

Saktong dumating na 'yung drinks and food namin na in-order kaya nagsimula na akong magkwento sakanila. Sinabi ko rin 'yung nakita ko noong nasa Tagaytay kami na seryosong magkausap si Atlas at Steven.

"... 'yun ang nangyari kung bakit magkaaway kami ngayon,"

"Masyado naman palang threatened 'yang si Steven mo kay Atlas, e! Wala pa ngang ginagawa si Atlas at naduduwag na agad siya. Sabi ko sa'yo walang balls 'yang lalaking 'yan!" Pearl said with matching pag-irap na halatang gigil na siya kay Steven.

"Just give him time to think muna girl. Kakausapin ka rin nyan pagready na siya," Elsie commented.

"Basta ako "X" na siya sa'kin! Lumalabas na 'yung tunay na ugali niya!" firmed na sabi ni Pearl bago uminom sa drinks niya.

"I say na mag-usap muna kayo and try to explain na hindi mo talaga sinasadya at best friend mo si Atlas bago pa kayo mag-date at kailangan niyang tanggapin 'yun. At kung talagang ipipilit niya na layuan mo si Atlas... e ikaw na bahalang mag-decide girl, pero mahirap 'yan..." Elsie advised.

Napainom nalang ako sa whiskey and coke na inumin ko.

I really like Steven, but... he's not enough for me to lose Atlas.

W H A T Y A S E Y

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro