Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

BY 8 PM, we're on the road again, at inabutan na kami nang rush hour, kaya siguradong gagabihin na kami nang todo papuntang Laguna.

Ginamit nalang namin 'yung sasakyan ni Atlas. Umuwi lang ako para kunin 'yung bag ko na inayos ko na kahapon pa and si Atlas naman hindi na umuwi kasi mas lalo lang kaming matatagalan. Mayroon pa rin naman daw siyang damit doon sa bahay nila Tita, kaya 'di na siya nag-abala pang kumuha ng damit. And besides, uuwi na rin naman kami ng Sunday.

Nag-drive thru rin kami sandali sa Jollibee para bumili ng food habang nasa byahe dahil siguradong maiipit kami sa traffic.

"Fries please," Atlas said, umikot muna 'yung mata ko bago ko siya sinubuan ng fries. "Thanks," sabi niya, at saka ngumit sa'kin.

Pasalamat talaga siya at sobrang hot niya tignan habang nagda-drive! 'Di pa rin kasi siya nagpapalit nang damit kaya nakapang-office attire pa rin siya.

"Burger," sabi niya at saka siya ngumanga at naghahantay na subuan ko siya. I rolled my eyes one more time bago ko sinubo 'yung burger sa bibig niya.

"Puwede mo naman gamitin 'yang kanang kamay mo at traffic naman!" reklamo ko.

"It's dangerous to eat while driving baby," he said before winking at me and opening his mouth again, waiting for me to feed him.

"Dangerous my ass! 'Di nga tayo umuusad dito sa pila sa tollgate e,"

"Subuan mo nalang ako. Dami mo pa sinabi," umirap nalang ako at saka sinubuan siya ng fries. Nakangiting aso naman siya.

Nasa Cavitex na kami at nakapila sa tollgate. Inabutan kasi talaga kami ng rush hour kaya sobrang traffic na.

Sakto namang natapos na rin kami sa pagkain ni Atlas nang matapos kaming magbayad sa tollgate.

Tumawag na ako kila Mama kanina na uuwi ako sa Laguna at excited naman sila ni Papa dahil last na bisita ko sakanila e noong kasama ko pa si Ate Gi.

"Tulog ka muna. Gisingin nalang kita pagnandun na tayo," Atlas said at tumango naman ako agad dahil medyo inaantok ako.

"Gisingin mo lang ako pag may kailangan ka," paalala ko sakaniya bago ko inihiga 'yung upuan ko.

"Yes Ma'am!" sagot naman niya at saka siya nag-salute sa'kin.

#

Nagising nalang ako nang tapikin ako ni Atlas sa balikat. Dahan-dahan kong minulat 'yung mata ko at saka tumingin sa labas. Nakita kong naka tigil na kami sa tabi, nakita ko na rin 'yung bahay nila sa tapat.

"Dito na tayo," sabi niya.

Ibinalik ko sa pagkaka-ayos 'yung seat ko. Tinignan ko 'yung oras at almost 11 PM, mahigit tatlong oras ang byahe namin.

Atlas placed a few strands of hair away from my face, tucking them behind my ears.

Medyo kinilig ako sa ginawa niya kaya nginitian ko siya, pero agad rin nawala dahil sa sinabi niya.

"May laway ka pa oh," sabi niya sabay turo sa gilid ng labi ko.

I frowned at him, "Epal ka talaga!" Tinawanan lang niya ako. Agad kong tinanggal 'yung seatbelt ko at saka lumabas ng sasakyan niya.

Minsan talaga panira ng moment 'tong si Atlas e!

"Sige na, umuwi kana baka hinahantay kana rin nila Tito at Tita," sabi ko sakaniya habang nakatayo kami sa tapat ng bahay namin. Nakita kong bukas 'yung ilaw sa loob. Napuyat pa yata sila Papa sa paghahantay sa'kin.

"Goodnight, Abigael. See you tomorrow," paalam niya.

I smiled at him, "Goodnight Atlas," I said, waving my hand.

Pumasok na siya sa sasakyan niya at saka nag-drive papasok sa garage nila na katapat lang ng bahay namin. Eksakto namang bumukas 'yung front door at lumabas si Papa. Narinig siguro niya 'yung sasakyan ni Atlas.

Si Papa nalang pala ang gising dahil nakatulog na si Mama sa paghahantay sa'kin. Sandali lang kami nag-usap ni Papabago kami natulog dahil anong oras na rin.

I just took a quick shower before going to bed. It's already 12 AM, pero hindi pa ako inaantok dahil siguro nakatulog din ako sa byahe kanina. Sumilip ako sa bintana at tanaw ko mula sa kuwarto ko 'yung kuwarto ni Atlas. Nakapatay na 'yung ilaw ng kuwarto niya. Baka nakatulog na siya dahil sa pagod.

Hindi ko pa nasasabi sakaniya 'yung tungkol sa party na pupuntahan ni Teal bukas. Ako na ang bahalang dumiskarte doon!

Humiga nalang muna ako sa kama at kinuha 'yung phone ko pampaantok. Nag-i-scroll lang ako sa IG feed ko nang biglang tumawag si Steven.

Sinagot ko 'yung tawag niya kahit na nagtataka ako, dahil ang alam ko nasa NY siya ngayon at next week pa ang balik nila sa Manila.

"Hello?" bati ko.

'Hey, babe! Did I wake you up?'

"Hindi naman. Hindi pa ako natutulog. Are you back in Manila na ba?"

'Yes, babe. There were some changes to the flight schedule, which is why I got back a little early. Can I see you tomorrow? I miss you already,'

Buti nalang hindi niya ako nakikita dahil para akong butete dito sa kama habang kinikilig mag-isa. Pero sayang kasi nandito ako sa Laguna at baka hindi kami makapag kita ng weekends. At hindi ko pa rin siya napapakilala kila Papa. At dahil magta-tatlong buwan na rin naman kami. Naisip ko na sa susunod na may day off siya e dalhin ko siya dito para makilala na siya nila Papa.

"I'm actually here in Laguna, babe. I'm visiting my parents at kakarating lang namin kani-kanina," malungkot na sabi ko sakaniya.

'Namin?'

Tanong niya, medyo nagulat ako kasi ngayon ko lang siya narinig magsalita ng Tagalog at ang cute lang ng accent niya.

"Kasama ko si Atlas na nagpunta dito," paliwanag ko. Tumahimik sandali sa kabilang linya. Chineck ko pa 'yung phone ko kung naputol ba 'yung tawag namin, pero hindi naman.

'When are you coming back?'

"Probably Sunday afternoon we're back in Manila na," ramdam ko 'yung tension sa boses niya kahit na hindi ko siya nakikita.

Gusto ko lang naman maging okay si Steven at Atlas sa isa't isa, pero parang ang labo mangyari nang gusto ko. Parehas silang may problema sa isa't isa!

'Okay... I don't have a flight schedule until Monday, babe. Should I expect to see my girl before Monday?'

"Of course!" I beamed. Buti nalang at Monday pa ang susunod na byahe niya!

Nag-usap pa kami nang sandali ni Steven, bago kami nagpaalam sa isa't isa.

#

The next day, Mama and Papa were both ecstatic dahil sa pagbilaang pagbisita ko. Sabay-sabay kaming kumain ng breakfast tapos tinulungan ko si Mama sa pag-aayos sa garden niya sa backyard ng bahay and before I knew it, it's already 12 PM. Masyado akong nag enjoy sa pagtulong kay Mama at sa pagu-usap namin.

Nag tanong din si Mama tungkol kay Steven, nag kwento lang ako nang konti at baka mag selos si Papa pagnalaman niyang nag kwento ako kay Mama tapos siya wala pang ka-alam alam kay Steven.

I checked my phone at may mga text galing kay Steven, Atlas at Teal.

From: Steven

Good morning, Babe. I can't wait to see you tomorrow!

Are you busy?

What are you doing?

Are you with Atlas?

I sighed. Nireplyan ko muna agad 'yung mga text ni Steven.

To: Steven

Hey, I'm sorry. I was busy helping Mama sa garden niya kanina, kaya 'di ako nakapag-reply.

I'm going to have lunch na. Kain kana rin, okay?

I'll talk to you later <3

Nakakapanibago lang na ganito si Steven. Hindi ko alam kung bakit parang nakikita niya si Atlas na isang threat. Pero baka kasalanan ko rin...

Maybe I'm being insensitive na hindi ko napapansin na mas madami akong time with Atlas than with him.

Hindi ko napapansin na nabibigyan ko siya nang reason para mag-isip nang gano'n.

From: Atlas

Gising ka na?

Ina-aya ka ng mga kapatid ko na kung puwede ka raw mag lunch dito.

To: Atlas

Okay! Tell them punta na rin ako diyan.

Kausapin ko lang sila Mama at Papa.

Agad din naman nagreply si Atlas.

From: Atlas

Okay! See you! :)

Binuksan ko rin 'yung text galing kay Teal.

From: Teal

Hi Ate! Good news!! Pinayagan na ako nila Mama at Papa sa party mamaya!

Please, please, ikaw na bahala kay Kuya ha??

Love you, Ate! You're the best! <3

Natuwa naman ako dahil pumayag din sila Tito at Tita. Si Atlas lang talaga ang OA masyado, e! Nireplyan ko lang si Teal at sinabing doon din ako magla-lunch sa bahay nila.

Naligo muna ako nang mabilis tapos agad din akong bumaba at nagsabi kila Mama at Papa na doon ako kila Atlas magla-lunch. Hindi ko pa rin kasi nasasabi kay Atlas 'yung tungkol sa party ni Teal.

May dala akong isang malaking tote bag dahil binitbit ko na 'yung mga make up na gagamitin ko para kay Teal, may dala rin akong curling iron tapos dinala ko rin 'yung tatlong dress na ipapahiram ko sakaniya.

Nag doorbell ako pagdating ko sa bahay nila. Ilang sandali lang at narinig kong sumigaw si Teal sa loob ng bahay nila ng 'It's Ate Gael!' kaya natawa ako habang hinahantay si Teal na pagbuksan ako ng pinto.

"Hi," bati ko.

"Ate!" sigaw niya. Agad naman niya akong niyakap tapos napatingin siya sa bitbit kong tote bag. I gave her a meaningful look, kaya mas lumawak 'yung ngiti niya. Agad namang kinuha ni Teal 'yung tote bag at mabilis na umakyat pataas sa hagdan para itago 'yung mga gamit sa kuwarto niya.

"Hello po Tita Julie, Tito Alistair." Bati ko sa mga magulang nila Atlas.

Nilapitan ako ni Tita Julie at saka nakipag-beso, "Thank you Gael at dinala mo si Atlas dito. Kung hindi pa dahil sa'yo at hindi uuwi 'tong batang 'to," sabi niya at tumawa lang ako.

"That's true. Thanks for bringing Atlas with you," Tito Alistair said. Sakto at pababa ng hagdan si Atlas.

Narinig yata niya 'yung sinabi ng magulang niya, "Si Gael din naman hindi pinupuntahan sila Tita Lara at Tito Aero,"

"Pinupuntahan ko kaya sila Mama!" sigaw ko.

"Kailan? Ka-text ko kaya si Tito at sabi niya sa'kin hindi mo raw sila dinadalaw," sagot ni Atlas pabalik. Narinig kong tumatawa sila Tito at Tita. Sanay na rin kasi sila samin na palaging ganito ni Atlas simula pagka-bata.

"Ihahanda ko lang 'yung lamesa at para makakain na tayo," Tita Julie said. Tumango ako at ngumiti sakanila bago sila umalis ni Tito Alistair at naiwan kami ni Atlas sa sala.

Pagka-alis nila Tito at Tita agad kong sinuntok si Atlas sa braso. Napa-aray naman siya dahil nagulat din siya sa ginawa ko.

"Bakit ka ba nanununtok diyan bigla. Ang lakas mong manuntok, para kang lalaki." sabi niya habang hawak 'yung braso niya.

Mukha lang akong mahina, pero malakas akong manuntok. Nasanay na ako simula pagkabata namin ni Atlas. Natuto akong sumuntok nang malakas dahil palaging may nakaka-away si Atlas noon at dahil best friend ko siya kaya nakikisali rin ako kahit puro lalaki ang kaaway niya. Kaya rin may siya may cut sa kaliwang kilay niya dahil sa'kin. May sumuntok kasi sa'kin na lalaki noon dahil nakisali ako sa away nila tapos sa sobrang galit ni Atlas pinagsu-suntok niya 'yung lalaki. E tapos nakita noong kapatid noong kaaway ni Atlas kaya binato siya ng bato sa noo tapos tinamaan siya sa kilay. Mabuti na nga lang at hindi sa mata e.

Hindi ko makakalimutan 'yung araw na 'yun! First time kong manginig sa takot dahil kila Mama at Papa. Pati na rin sila Tito Alistair at Tita Julie, sobrang galit dahil nakipag away kami, pero siyempre inaway rin nila 'yung magulang noong bumato kay Atlas.

"Nagtanong ka pa, e malamang nasanay akong makipag suntukan simula bata dahil sa'yo," sagot ko. Tumawa naman siya agad, naalala rin siguro niya lahat nang pakikipag-away namin noon.

BOGO ang tawag samin noon ng classmates namin, dahil hindi raw puwedeng isa lang samin ang kasama dahil para kaming package deal na automatic e dalawa kaming magkasama palagi.

"Good old times," sabi niya nang nakangiti. Naupo kami sa couch habang hinahantay na tawagin kami para kumain. Medyo nagugutom na rin ako dahil napagod ako sa ginawa namin ni Mama kanina.

Maya'maya lang at tinawag na kami para mag-lunch. Nagk-kwentuhan lang kami habang kumakain. Ang ingay namin dahil ang daming kwento nila Teal at Tavia tungkol sa school nila. After naming mag-lunch, nag punta kami ni Atlas sa backyard nila para doon kumain ng dessert.

Sinabihan ko rin si Teal kanina na i-check 'yung mga dala kong dress kung may gusto ba siyang hiramin doon. Matangkad din kasi si Teal sa edad niya at halos same body size kami kaya siguradong kasya niya 'yung mga damit ko.

Nagtatawanan lang kami ni Atlas habang pinag-uusapan 'yung mga kalokohang ginawa namin noong elementary at high school kami. Sobrang dami na talaga naming memories together.

Good and bad memories... kaming dalawa ang palaging magkasama.

"Kamusta na pala si Cara? Nakaka-usap mo na ba siya?" Atlas asked.

Malungkot na umiling ako, "Hindi pa rin e. Tine-text ko naman siya from time-to-time para kamustahin, pero mukhang mas gusto niyang mapag-isa. Babalik naman siya kapag handa na siya at kapag kaya na niya. Hintayin nalang natin kung kailan siya babalik," sagot ko. Tumango-tango lang si Atlas.

Isa rin si Cara sa mga best friends ko. Nakilala ko siya noong high school kami at nagkasundo agad 'yung ugali namin. Kaso nga lang hindi siya nagpaparamdam samin ngayon simula nang mamatay 'yung boyfriend niya sa isang car accident.

Miss ko na siya. Pero alam kong babalik din siya. She's a strong person, and I know that she'll overcome this.

"May sasabihin pala ako sa'yo," sabi ko kay Atlas before sipping from my cup of tea.

"What's that?"

"Promise mo muna sa'kin na hahayaan mo muna akong matapos sa sasabihin ko bago ka gumawa nang kahit anong violent reaction, okay?"

Sandali siyang nag-isip bago tumango, "Okay." Sagot niya.

Nag-inhale exhale muna ako at saka umayos nang upo at humarap sakaniya. Kita ko 'yung curiosity sa mga mata niya.

"May pupuntahang party si Teal mamaya and you can't say no dahil pinayagan na siya nila Tita at Tita kaya please... just let her enjoy the time of her life. Naging teenager ka rin once and you know na this is just a once in a lifetime experience. I'm not asking for your permission; I'm just telling you this on behalf of your sister."

"Tapos ka na?" tanong niya after kong magsalita at tumango ako habang naka-finger crossed.

I heard him sighed deeply na para bang nag-iisip mabuti sa isasagot niya sa'kin, nakatingin lang ako nang diretso sakaniya, naghahantay nang sagot niya. Nakita ko rin si Teal na nakasilip sa gilid at nakatingin samin. I slightly nodded at her while she looked very nervous while waiting for her Kuya's answer.

"May magagawa pa ba ako pag hindi ako pumayag?"

Mabilis akong umiling.

Napabuntong hininga siya bago dahan-dahan na tumango, "Okay." Sabi niya at agad namang sumigaw sa saya si Teal at agad na tumakbo at niyakap ang Kuya niya.

"Thank you, Kuya! You're the best brother talaga!" Teal said in excitement while hugging Atlas.

"Malamang ako lang Kuya mo!"

"But still! You're the best pa rin!"

Nakatingin lang ako sakanila habang nakangiti. Nakakatuwa silang tignan. Alam ko namang pinag-iingatan at concern lang si Atlas para sa mga kapatid niyang babae, kaya siya strict siya mga 'to. Pero masaya pa rin ako na pumayag siya.

"Thank you so much, Ate Gael! I knew that hindi ka matitiis ni Kuya!" masayang sabi ni Teal at saka ako niyakap nang mahigpit. Nakangiti rin ako habang nakayakap kay Teal dahil masaya ako para sakaniya.

Iniwan na rin kami ni Teal at excited na umakyat sa kuwarto niya para daw makapag handa.

"Thank you at pumayag ka na pumunta si Teal sa party ng classmate niya," I told Atlas, smiling.

Nginitian din niya ako pabalik, "Sabi nga ng kapatid ko, hindi kita matitiis." he replies, and I swear that my heart did a somersault in delight!

W H A T Y A S E Y

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro