Chapter 15
"BAKIT NANDITO ka?" kunot-noong tanong ko sakaniya, not even trying to hide the annoyance in my voice.
He just grinned at me before letting himself in.
Nalaglag 'yung panga ko dahil sa ginawa niya. The audacity!
"Hindi ka ba napagod sa byahe at bakit nandito ka sa condo ko?" I crossed my arms, standing in front of him while I stared at him in disbelief. Pero parang wala siyang naririnig sa sinasabi ko.
Naupo siya sa couch kung saan ako nakahilata kanina at kinuha niya 'yung bowl of popcorn ko at kumain.
Tinapik niya 'yung space sa tabi niya, "Upo ka." Utos niya sa'kin.
I scoffed, and my eyes widened.
Kinuha niya 'yung remote ng TV at saka pinlay 'yung pinapanood ko. Agad kong inagaw 'yung remote at pinause ulit!
"Bakit ka ba nang-gugulo dito? Apat na araw na tayong magkasama, 'di ka ba nagsasawa sa mukha ko?" nakapameywang na tanong ko sakaniya habang nakatayo sa harapan niya.
Sumandal siya sa couch habang patuloy sa pagkain ng popcorn ko.
He examined me from head to toe, his lips stretching into a wider, crooked smile, and it was then that I realized what I was wearing in front of him!
Nakapanty lang ako at wala akong suot na bra!
"Nope... And do you usually greet your visitors with just your panties on?" he said while checking me out.
Agad akong kumuha ng unan at saka binato sa mukha niya!
"Manyak ka talaga!" sigaw ko bago ako tumakbo papasok sa kuwarto ko. Tawa lang nang tawa si Atlas. Hanggang makapasok ako sa kuwarto ko, rinig na rinig ko 'yung lakas nang pagtawa niya.
Bwisit talaga!
Sa sobrang inis ko kanina, nakalimutan ko ng naka panty lang pala ako!
Ang tanga tanga mo talaga, self!
Agad akong nagsuot ng bra kahit labag sa kalooban ko dahil I just want to free my titties and let them rest, but I can't do that too dahil sa bwisita ko!
I also wore cotton shorts before checking my reflection in the mirror before going outside. Baka mamaya at may nakalimutan pa pala akong isuot!
"Kapal muks ka talaga no!" sabi ko nang makita ko siyang nakataas pa 'yung dalawang paa niya sa center table ko habang inuubos 'yung popcorn ko.
Hindi niya ako pinansin at seryoso lang siyang nanonood ng movie sa Netflix.
Ang kapal talaga! At tinanggal pa 'yung pinapanood ko.
Sandali niya akong nilingon bago binalik 'yung mata sa pinapanood niya, "Upo ka," utos niya sa'kin na parang akala mo ako pa 'yung bisita sa sarili kong condo.
"Bakit ka ba nagpunta dito Atlas? Umuwi ka na nga at gusto kong magpahinga," inis na sabi ko.
"Edi sabay tayong magpahinga,"
"Doon ka nga sa condo mo magpahinga!" bulyaw ko sakaniya.
"Ayaw, I'm too tired to drive." He replied without taking his eyes off of the TV.
"I'll call a cab!"
"You're just wasting your time,"
I pulled my hair in frustration while stomping my feet. He just chuckled at me before saying na umupo ako sa tabi niya.
I sighed in defeat before sitting next to him. Gusto ko lang naman magpahinga at mapag-isa, pero bakit pati 'yun 'di ko magawa!
Kung sa ibang araw siguro nang-gulo si Atlas dito baka okay lang sa'kin, pero gusto ko lang talaga ng quiet alone time. 'Yung ako lang talaga mag-isa.
At dahil pagod na rin akong makipag talo sakaniya kaya nanahimik nalang din ako. 'Di naman kasi magpapatalo 'tong lalaking 'to! And besides, naisip ko na puwede ko siyang tanungin mamaya kung ano ba 'yung pinag-usapan nila ni Steven dahil hindi talaga ako mapakali hanggat hindi ko nalalaman 'yun.
Nakinood nalang din ako ng 'Blended' kasama ni Atlas. Isa pa 'to sa dahilan kung bakit naging mag bestfriend kami, kasi parehas kaming mahilig sa rom-com movies lalo na mga movies ni Adam Sandler. Sobrang galing kasi niya tapos tawang tawa lang kami ni Atlas habang nanonood.
Almost 10 PM na nang matapos 'yung movie na pinapanood namin. Pinatay ko na 'yung tv tapos humarap ako kay Atlas habang naka Indian seat ako sa couch.
"May itatanong ako," sabi ko.
"What's up?"
"Nakita ko kayo ni Steven na magkausap kanina bago tayo umuwi," pag-amin ko sakaniya. Nagulat siya sandali, pero nawala rin agad at tumaas 'yung isang gilid ng labi niya.
"And?"
"And I heard my name."
"So?"
"So, tell me kung anong pinag-usapan niyang dalawa,"
"Nope!" mabilis na sagot niya halos hindi pa ako tapos magsalita.
"Bakit?! Ako 'yung pinag-uusapan niyo e kaya may karapatan akong malaman kung ano 'yung pinag-usapan niyo!" I yelled at him. A little bit frustrated. "At saka akala ko ba no secrets between us?" I added.
Hindi niya ako sinagot at mabilis siyang tumayo at kinuha 'yung leather jacket na tinanggal niya kanina.
"Atlas!"
"Abigael," he's teasing me and it's super annoying!
"You're so unfair!" I exclaimed. Hindi pa rin niya ako pinansin hanggang makarating kami sa kusina bago siya kumuha ng bottled water sa loob ng ref ko. Agad kong inagawa 'yung tubig bago siya makainom.
"Sabihin mo muna kung ano 'yung pinag—"
"Nope." Mabilis na sagot niya. I sighed deeply at sandalling pinikit 'yung mata ko.
I pouted at him and gave my best puppy look para lang maawa siya sa'kin at sabihin na niya kasi baka 'di ako makatulog nang maayos kapag 'di niya sinabi kung ano 'yung pinag-usapan nilang dalawa!
At saka mas lalo lang akong na-curious kasi ayaw talagang sabihin ni Atlas. Meaning, may something talaga sa pinag-usapan nila at involved ako doon!
He sighed at saka tumingin sa'kin na parang naaawa na siya sa'kin at sasabihin na niya, kaya bumilis 'yung tibok ng puso ko sa excitement, pero agad ding nawala 'yun nang sumagot si Atlas.
"You look cute, Abigael but it's still a no." he firmly said before walking out of the kitchen.
Agad ko siyang hinabol at nakita kong pabukas na siya ng pintuan palabas ng unit ko. Hinarang ko 'yung katawan ko sa pintuan habang nakataas 'yung dalawang kamay ko sa gilid para hindi siya makaalis.
"Di ka puwedeng umalis hanggat hindi mo sinasabi sa'kin 'yung pinag-usapan niyo!" I demanded. He slightly chuckled at me. He lowered his face at me kaya magkatapat 'yung mukha namin. Nakangisi siya habang ako naman nakakunot ang noo.
Mahina niya akong pinitik sa ulo, "Hindi nga puwede," sagot niya.
"Bakit naman? Kahit hindi na 'yung buo, kahit snippet lang..." pagpilit ko.
"Malalaman mo rin pagdating nang panahon,"
"At kailan naman 'yun?! After 2 years? 5 years? 10 years?"
"Ang OA mo, Abigael," natatawang sabi niya. "Basta, not now... I'll tell you when the time comes. Kaya palabasin mo na ako at baka tuluyan na akong hindi umuwi nito." He added with a sly smile on his lips. Napatingin ako sa labi niya dahil kanina pa siya nakangisi sa'kin at parang nate-tempt ako, kaya bago pa ako may gawing mali ibinalik ko 'yung tingin ko sa mata niya.
Kinagat ko 'yung ibabang labi ko at nag kunwaring umubo at saka ako umayos nang tayo dahil 'di ako sigurado kung nahuli ba niya 'yung pagtitig ko sa labi niya.
"Sige na, uwi ka na." I said in a low voice. Umaasa pa rin ako na baka sakaling sabihin ni Atlas sa'kin. Umalis ako sa pagkakaharang sa pinto. "Ingat ka sa pagdrive mo pauwi," dagdag ko at tipid na ngumiti sakaniya.
He smiled at me before tousling my hair, "Thanks for tonight, Abigael. Goodnight." he said before leaving.
Hays. Goodluck nalang talaga sa'kin kung makatulog ako nang maayos mamaya kakaisip!
#
The whole week after our trip to Tagaytay just flew by. Hindi ko in-expect na magiging busy sa work at natuwa naman ako kasi hinayaan nila akong tumulong and they actually gave me work this time. Hindi 'yung nakatulala lang ako sa office ko.
Steven was pretty busy too. Sunod sunod 'yung mga byahe niya. Kaya kapag wala siyang byahe ay nagkikita kami as much as possible.
Abala ako sa ginagawa ko biglang nang tumunog 'yung phone ko at nakita kong tumatawag si Teal sa'kin – bunsong kapatid ni Atlas.
Hindi ko pa agad nasagot 'yung tawag niya kasi nabigla ako at napatawag siya bigla. Normally naman pag may kailangan or itatanong siya sa'kin e tine-text lang niya ako.
"Hello Teal? Napatawag ka,"
'Hello, Ate Gael? Busy ka ba? I need your help kasi,' medyo nagpa-panic 'yung boses niya.
"Of course, I can help! Hindi naman ako busy," I enthusiastically replied.
She then explained to me na may party siyang pupuntahan this weekend and she needed my help para i-help siya sa pagmake-up at paga-ayos. Medyo natawa ako kasi mukhang may gusto siyang i-impress kasi nagpa-panic talaga siya e Monday pa lang ngayon. May 4 days pa bago 'yung party na pupuntahan niya.
'One more favor pala Ate Gael,'
"Sure. What is it?"
'Puwede mo ba akong ipag-paalam kay Kuya? Alam mo naman 'yun sobrang higpit samin ni Tavia pag-umaalis kami. Daig pa niya si Dad sa sobrang strict!'
Natawa ako sa sinabi ni Teal pero pumayag naman ako na tulungan siyang ipagpaalam sa kuya niya. Sobrang OA kasi minsan ni Atlas sa dalawang kapatid niya na babae. Lalo na kay Teal! Mabuti nalang at bata pa si Tavia, kaya 'di pa siya masyadong nagre-reklamo sa kuya niya.
Na-excite tuloy ako mag weekend na para i-dolled up si Teal! Chi-chikahin ko rin siya na i-spill sa'kin kung sino 'yung crush niya.
Ahh... I miss high school life!
Nagpasalamat si Teal sa'kin bago ibinaba 'yung tawag.
I was already feeling giddy for the weekend!
Ahh... I can't wait to see those two lovely girls!
#
It's Friday, and I immediately called Atlas to meet me after work. Hindi ko pa ulit siya nakikita since last weekend nang magkita kita kaming lahat sa Little Birds dahil mukhang naging busy kaming lahat sa work this week.
Pumayag naman siya na magkita kami after work. Sabi ko pumunta nalang siya sa Little Birds at doon nalang kami mag-usap. Balak ko kasing suhulan muna siya ng pagkain tapos tsaka ko sasabihin 'yung sa party ni Teal.
By 5 PM, nagda-drive na ako pauwi sa condo ko tapos nagpalit lang ako sandali ng damit at saka ako naglakad papunta sa Little Birds dahil walking distance lang naman. At saka exercise na rin dahil maghaponn lang akong nakaupo sa office.
Wala pa si Atlas pagdating ko don kaya um-order na ako ng Iced Coffee tapos binilhan ko na rin siya ng paborito niyang cake at drink.
Wala pang 5 minutes, nakita ko nang nag-park siya sa tapat ng Little Birds dahil wala rin naman gaanong customer.
"Hey!" bati niya sa'kin nang nakangiti.
"Hi." Sabi ko nang medyo natulala kasi ang gwapo lang niya!
He's wearing a light blue long sleeve na naka-rolled up hanggang siko niya tapos naka-tucked in with dark blue chino pants and a leather brown belt.
He looks smoking hot!
Alam mo 'yung ang sobrang sexy na niya pag naka-leather jacket, white shirt and jeans siya, pero may mas ise-sexy pa pala siya!
Napakagat ako sa labi ko, habang nakatitig sakaniya. Ang sexy lang talaga!
Pakshet!
Hindi ko kasi siya masyadong nakikita nang nakasuot ng office attire dahil madalas may extra na damit siya sa sasakyan tapos nagpapalit siya t'wing magkiki-kita kita kami after work kaya nagulat talaga ako na nakipag kita siya sa'kin nang ganyan ang suot!
Sana pala 'di muna ako nagpalit ng damit! Asar!
"Are you done checking me out?" he said, and the side of his lips rose playfully. Naupo siya sa katapat na upuan ko.
I faked a cough, kahiya!
"Sinong may sabi na I'm checking you out?!" masungit na sabi ko bago ko inabot 'yung Iced Coffee ko at saka uminom.
Narinig ko naman siyang tumawa nang mahina bago inabot 'yung drinks niya. "Alam ko namang gwapo ako Abigael... 'di mo na kailangan sabihin pa. Sa pagtitig mo palang alam ko nang 'yun ang iniisip mo," pang-asar niya.
"Kapal mo talaga,"
"Gwapo naman,"
"Yabang!"
"You didn't say no, though."
I gave him a skeptical look, ignoring what he said to me. Kainis kasi totoo namang gwapo siya kaya 'di tuloy ako makahindi sa sinabi niya!
Sandali kaming natahimik habang kinakain 'yung binili kong cake.
"Spill." Sabi niya after a few minutes after eating our cake. Kilalang kilala niya talaga ako at alam niya kapag may kailangan ako sakaniya.
"Uhh... Let's go home to Laguna tonight," I hesitantly said. Sandali siyang nagulat sa sinabi ko, pero agad din siyang ngumiti at tumango.
"Okay," he replied, while smiling at me.
W H A T Y A S E Y
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro