Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

THE NEXT morning, I woke up extra early, kahit na medyo masakit ang ulo ko dahil sa hangover, gusto ko kasing makapag ayos ako nang maaga dahil uuwi na kami after namin mag lunch. Ayokong nagagahol ako sa oras.

Ako palang ang gising samin at inaayos ko 'yung ibang gamit sa kusina. Tapos nag prepare na rin ako nang kakainin namin para mamaya para diretso uwi na kami.

Busy ako sa pag-aayos ng mga gamit nang may biglang yumakap sa likuran ko.

"Good morning, babe," Steven said before kissing me on my cheeks, and he buried his face in the crook of my neck.

"Morning. What do you want to eat?" I asked him while he was still hugging me from the back while giving me small kisses.

"Can I just have you instead?" malanding bulong niya sa tenga ko at napangiti naman ako. Humarap ako sa kaniya.

"Ang landi mo!" natatawang sabi ko sakaniya at hinampas ko siya sa braso nang mahina, "Anong ginawa ng Tagaytay sa'yo at bakit sumobra 'yang kalandian mo," pagbibiro ko.

He chuckled, then planted a kiss on my forehead. "I just realized that I shouldn't move too slowly because there's a predator around us who's been waiting for a chance to attack," he said, and my forehead creased. He gave me a meaningful smile before kissing me full on the lips.

Nagulat ako sa ginawa niya, kaya hindi ako agad nakagalaw, but after a second, my arms were wrapped around his neck. I grabbed his hair to deepen our kiss. I bit his lower lip, causing him to grumble.

Mabuti nalang at kami palang ang gising at siguradong maghihiyawan nanaman sila lalo na sila Pearl at Cash na ang lalakas mang-asar!

He sat me on the kitchen counter at nagsimulang maglakbay 'yung mga kamay niya sa katawan ko. I'm wearing a loose white t-shirt and cotton shorts, kaya naramdaman kong pumasok 'yung kamay niya sa loob ng shirt ko at nakahawak siya sa bewang ko, his hand stopped just right under the side of my breast.

I gasped when he slowly inserted his thumbs under the side of my bra and started massaging the side of my boobs. Steven is very careful when he touches kaya nagugulat ako sa mga ganitong actions niya ngayon. He became more eager to show his affection for me.

"Steven," I muttered as I pulled away from him, gasping for air. "Baka bigla silang magising," sabi ko. Nakakahiya at baka makita nila kami dito na-nagme-make out. Hindi naman ako kagaya nila Atlas at Chloe na walang pakealam kung may makakita man sakanilang naghahalikan.

"What's wrong if they see us kissing? We're dating and it's normal for us to kiss, right?"

"I know, pero nakakahiya,"

"Are you that ashamed of kissing me in front of everyone?" he snapped.

My lips parted because of what he said. I was caught off guard, kaya hindi agad ako nakasagot.

"Of course not! Why would you think that?!" I defended myself. Nagbago 'yung expression sa mukha niya at saka napailing.

I cupped his face, making him face me. He stared at me warily. "I'm not ashamed of you, and you know that..." I explained, but he couldn't even look me in the eyes.

Tinanggal niya 'yung pagkakahawak ko sa mukha niya, "If you are really not ashamed of me, then prove it." matigas na sabi niya. Nagulat ako dahil parang may galit sa tono nang pananalita niya.

"Ha?" naguguluhang tanong ko.

"I want you to kiss me in front of everyone." He said this before walking away from me.

What the hell happened to Steven?!

#

Nang magising ang lahat ay natapos na akong makapag luto para makakain na sila. Ramdam ko pa rin 'yung pagtatampo ni Steven, dahil hindi niya ako pinapansin simula kanina pa.

Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hindi ko naman siya puwedeng basta nalang halikan habang nasa harap nila kaming lahat.

Kahit naman na ganito ako, gusto ko 'yung may privacy pa rin kami. At siyempre, kahit hindi nagsasalita 'yung mga kaibigan ko, alam ko namang nakakahiya pa rin sakanila at Siyempre respeto rin naman sakanila.

Sinubukan kong lapitan si Steven para sana kausapin siya, pero maglalakad palang ako palapit sakaniya ay umiiwas na siya agad.

Tinapos ko na muna 'yung pagliligpit ng mga gamit ko bago ako naglakad papunta sa kabilang kuwarto kung nasaan sila Steven at Atlas. Kumatok muna ako sa kuwarto nila bago ko binuksan 'yung pinto.

"Abigael," Atlas said nang buksan ko 'yung pintuan ng kuwarto nila at nakasilip lang 'yung ulo ko sa loob. Tumingin ako sa paligid at nakita kong siya lang ang nasa loob ng kuwarto nila at nag-aayos siya ng bag niya.

"May kailangan ka ba? Why are you here?" Kunot noong tanong niya.

Umiling ako, "Wala naman. Akala ko kasi nandito si Steven," paliwanag ko. Nagbago sandali 'yung expression ng mukha ni Atlas, pero agad din siya ngumiti nang tipid.

"Pasok ka," Atlas said, kaya pumasok na ako sa loob. Baka sakaling bumalik si Steven dito kaya dito ko nalang siya hihintayin.

"Tapos ka na bang mag-ayos?" tanong ko at saka ako naupo sa bandang paanan ng kama niya.

"Patapos na, ikaw?"

"Tapos na,"

"Bakit ganyan mukha mo?" biglang tanong niya kaya napataas ako ng ulo at tumingin sakaniya. Naka kunot 'yung noo niya.

"Ha? Anong mayroon sa mukha ko?"

"Wala," sagot niya tapos ginulo lang niya 'yung buhok ko.

Tahimik lang akong nakaupo habang pinapanood siya sa pagliligpit ng gamit niya. Iniisip ko rin kung paano ko kakausapin si Steven. Ilang oras nalang at babalik na kami sa Manila at ayaw ko naman na matatapos 'tong bakasyon namin nang magkaaway kami. Napabuntong hininga nalang ako.

Tapos isa pa 'yang si Chloe. Buong umaga niya akong tinitignan nang masama dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko lang siya mapatulan dahil mas pino-problema ko si Steven.

I sighed again.

"Ano ba 'yang problema mo at kanina ka pa bumu-buntong hininga diyan," parang asar na tanong ni Atlas. Natigilan ako sandali.

Ayaw ko na kasing sabihin 'yung nangyari samin ni Chloe kagabi, ayaw ko nang palakihin pa. At saka, hindi naman din niya ako matatalo. Kung bitch siya, e mas bitch ako!

Hindi ko rin puwede sabihin 'yung gustong ipagawa sa'kin ni Steven, dahil siguradong mas lalong magagalit si Atlas kay Steven, e gusto ko nga magkasundo silang dalawa dahil ako 'yung naiipit.

Biglang nag-squat si Atlas sa harapan ko at saka niya inangat 'yung mukha kong nakayuko. "Anong problema mo? Sabihin mo sa'kin," sabi niya na may pag-aalala sa boses niya.

"Wala, okay lang ako. Tapusin mo na 'yang pag-aayos mo, aalis na tayo maya-maya,"

Sinamaan niya ako nang tingin at hindi pa rin umalis sa harapan ko, "Kailan ka pa nagsimulang mag-lihim sa'kin?"

'Simula nang minahal kita,'

'Yan ang gusto kong isagot sakaniya, pero siyempre hindi ko naman kayang sabihin sakaniyan 'yan kaya instead, sinabi ko nalang, "Nalulungkot lang ako kasi aalis na tayo dito sa Tagaytay," tapos nag pa-cute ako ng mukha habang naka-pout.

Bigla naman siyang ngumit at tumawa tapos kinurot 'yung magkabilang pisngi ko, "Balik nalang tayo ulit dito." Sagot niya.

"Talaga?!" Excited na tanong ko at agad siyang tumango.

"Hoy promise 'yan ha! Walang bawian!" tapos inabot ko 'yung pinky finger ko para i-lock 'yung promise niya sa'kin.

"Promise," sabi niya tapos pinag-cross nain 'yung pinky fingers namin habang nakangiti kami sa isa't isa.

#

Hindi ko nagawa 'yung gustong ipagawa ni Steven sa'kin kaya ang tahimik lang niya buong byahe. Nakakahalata na rin sila Pearl at Elsie na 'di kami gaanong nang-uusap na dalawa, pero buti nalang at 'di na sila nagtanong pa.

Diretso lang ang byahe namin pauwi. Nag-stop over lang kami sa Starbucks sa Tagaytay tapos nagpa-gas na rin bago kami bumyahe.

Hindi rin matahimik 'yung utak ko kakaisip kung anong pinag-usapan nila Steven at Atlas kanina bago kami umuwi. Umakyat ako papunta sa kuwarto nila para sana tawagin sila para umalis na nang makita ko silang nag-uusap nang seryoso sa loob ng kuwarto nila, medyo nakaawang kasi 'yung pintuan ng kuwarto nila kaya nakita ko sila.

Hindi ko masyadong narinig kung anong pinag-usapan nila, pero sigurado akong narinig ko 'yung pangalan ko na binanggit ni Steven.

Mabuti nalang tahimik lang din kami sa loob ng SUV dahil halos lahat kami ay pagod na at ubos na ang energy. Natulog lang ako sa byahe dahil maaga akong nagising kanina para mag-ayos at para na din matahimik kahit sandali 'yung utak ko sa pag-iisip. Hindi ko naman magawang tanungin si Steven dahil alam kong may tampo pa siya sa'kin.

Bahala na.

Tatanungin ko nalang si Atlas sa susunod. 'Di pa naman ako mapapakali pagganito na alam kong may pinag-usapan sila tapos damay ako sa usapan nila.

Nakasandal 'yung ulo ko sa braso ni Steven nang maramdaman kong may mahinang umaalog sa balikat ko.

"We're here," Steven simply said. Umayos ako nang pagkaka-upo tapos nakita kong nasa tapat na kami ng condo niya dahil siya nag unang ihahatid samin. Bumaba muna ako ng SUV para makalabas si Steven. Kinuha ni Cash 'yung gamit ni Steven sa likod at inabot sakaniya.

"Thanks, bro," Steven said to Cash. Tapos tumango si Cash sakaniya bago sumakay pabalik sa passenger side.

"Bye Steven! Sa uulitin ha!" Pearl waved him goodbye. Pati sila Elsie at Milo, kumaway lang din kay Steven, bago isinara 'yung pinto ng SUV para siguro bigyan kami ng privacy para makapag-paalam ako sakaniya.

I was awkwardly standing in front of him, waiting for him to say something, pero mukhang wala siyang balak magsalita, kaya ako nalang 'yung unang nagsalita samin.

"I'm sorry kung 'di ko nagawa 'yung gusto mo," I sincerely apologized to him. Nakatingin lang siya nang diretso sa'kin. Hindi pa rin siya umiimik.

Wala naman masyadong dumadaan na tao dito sa kalsada. Nakasarado rin naman 'yung pinto ng SUV.

I sighed.

Bahala na nga.

I grabbed his face and pulled him towards me, kissing him on the lips. Halatang nagulat siya sa ginawa ko dahil hindi siya agad nakasagot sa halik ko, but after a few seconds, he starts kissing me back.

He grabbed my waist before deepening our kiss. I encircled my arms around his neck to kiss him with the same intensity.

I was out of breath when we both pulled away from our kiss.

"I'm sorry for acting like a jerk." He apologized. I gave him a small smile.

"I'll call you when I got home," sabi ko nalang bago siya umalis tapos bumalik na ako sa SUV.

Pagbukas ko ng pintuan nakangiti nang makahulugan sa'kin 'yung dalawa, inirapan ko nalang sila. "Please lang wag niyo nang ituloy kung ano man 'yang sasabihin niyo," inunahan ko na sila bago pa sila makapag-salitang dalawa.

"Daya!"

"Damot!"

Rinig kong bulong nilang dalawa bago nagsimulang mag-drive paalis si Milo. Hindi ko nalang sila pinansin dahil siguradong kukulitin lang nila ako. Hinatid muna namin si Pearl tapos sunod nila akong hinatid kaya si Milo, Cash at Elsie nalang ang natira sa SUV. Nagpasalamat ako sakanila bago ako bumaba.

Pagdating ko sa unit ko at saka ko naramdaman 'yung pagod – but it's all worth it. I had a lot of fun on our trip, despite having Chloe in the same room as me and hearing her annoying voice for 4 consecutive days. Parang nasanay na nga 'yung tenga ko e.

Inayos ko muna 'yung mga gamit ko tapos naligo ako para presko. I wore a loose shirt, and I didn't wear a bra—heaven, and just panties on. Gusto ko lang talaga humilata habang nanonood ng Friends with a bowl of cheese popcorn.

Medyo na-miss ko 'yung solo time ko.

'Yung ganito lang at wala munang iniintindi.

Don't get me wrong, sobrang saya ng trip namin sa Tagaytay, but this, this is also heaven for me.

I watched the episode when Ross was getting married to Emily, but he said Rachel's name instead, kaya sobrang nakatutok ako sa panonood habang nakatakip 'yung bibig ko ng kamay ko to stop myself from laughing so hard. I've probably watched this whole series more than 10 times now, and I still can't help but get excited while watching it!

'I Ross... Take thee, Rachel,'

My eyes were focused on the screen of my TV when I heard a loud knock on my door!

Arg! Sino ba 'yan?!

Hindi naman si Ate Gisel 'yun kasi may susi naman siya dito. At lalong hindi sila Pearl 'yun dahil wala pang dalawang oras simula nang maghiwa-hiwalay kami!

I groaned in frustration before hitting the pause button and stomping my feet to see who the hell knocked at my door!

"Sino ba 'yan?!" inis na sigaw ko bago ko i-check 'yung peephole.

"Si Julian Atlantis Recio, ang gwapong-gwapo mong best friend!" He shouted back before I opened the door and saw the grin on his face.

W H A T Y A S E Y

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro