Chapter 13
I WAS stunned.
He looks so serious while staring straight into my eyes.
Napalunok ako dahil sa way nang pagkakatitig niya sa'kin.
"A-ano bang sinasabi mo?" pakiramdam ko natuyuan ako nang lalamunan at hindi ako makapag salita nang maayos. Magkaharap kaming dalawa.
He clenched his jaw while his eyebrows were furrowed. Kahit na medyo natatakot ako dahil seryoso 'yung itsura niya e di ko maikakaila na ang sobrang gwapo talaga niya. Naka black long sleeve siya over a washed denim jacket, black pants and black converse. Pang-typical boy next door outfit lang naman ang suot niya, yet he looks so freaking hot! Isama mo pa 'yung pagka-bad boy look niya dahil sa faded haircut niya at 'yung left brow niya na may cut.
"Bakit mo ba 'ko hinila dito? Pa'no si Chloe?" I asked again after a few minutes.
He just shrugged at me, "She'll be fine," simpleng sagot niya. Hindi pa rin niya inaalis 'yung tingin niya sa'kin. "Ayaw mo ba 'kong kasama dito?" tanong niya. Napalunok ako.
Tumigil sandali 'yung pag-ikot ng Ferris Wheel. Napasandal ako sa likod ko dahil sa tanong niya.
"Siyempre gusto..." I paused for a second, "Bakit mo naman naisip na ayaw kitang kasama?" Tanong ko pabalik sakaniya na medyo natatawa para gumaan nang kaunti 'yung mood.
Ang intense kasi tumingin ni Atlas!
"'Coz you want to be alone with him instead na makasama ako," there's a hint of sadness in his voice.
"Pano kung tama ka?" I raised one brow, teasing him. Dahan dahan ulit umandar 'yung Ferris Wheel bago tumigil after a minute. Kitang kita ko 'yung city lights kung saan kami tumigil. Sobrang ganda nang view sa labas, pero hindi ko magawang ma-enjoy dahil mas pinipili nang mata ko na tignan si Atlas.
"I won't let that happen,"
"Bakit? Anong gagawin mo? Blackmail me again?" I said, taunting him more.
"No..." he said, then paused, leaning his face closer to mine. I could smell his scent because he's too close to men, "'Coz before he could take you somewhere alone, he'd have to go by me. Hindi ka niya basta makukuha sa'kin." he continues, before leaning closer.
Sobrag lapit na nang mukha namin sa isa't isa!
My heart is pounding so hard!
I was biting the inside of my cheeks to stop myself from smiling dahil sa kilig!
Bakit bag anito siya?! Kanina lang parang galit siya sa'kin tapos ngayon ganito mga sinasabi niya sa'kin!
"B-bakit sino namang may sabi na sa'yo ako?" nanginginig na tanong ko. Mas lalong lumawak 'yung ngiti niya sa labi.
"Kailangan ko pa bang sagutin 'yan?" sabi niya bago hinawakan 'yung baba ko para magkapantay 'yung mukha naming dalawa. Hindi na ako nagsalita pa dahil baka kung ano pang lumabas sa bibig ko dahil hindi ko na mapigilan 'yung kilig na nararamdaman ko.
At saka alam ko naman na 'yung sasabihin niya. And I decided not to hear it because I just wanted to be selfish—just for tonight—and just enjoy this moment.
Our moment...
Gumalaw ulit sandali 'yung Ferris Wheel tapos tumigil ulit at eksaktong nasa pinakamataas na kami.
Dahan dahan niyang inilapit 'yung mukha niya sa'kin at automatic naman na pumikit 'yung mata ko, expecting him to kiss me on the lips, but then I felt his lips on my forehead and that made it sweeter.
Him. Kissing me on the forehead...
After our moment, tahimik nalang kami habang nakatingin sa magandang view sa labas. Nag-picture rin kami together. Gusto kong isipin na everything is perfect – kahit ngayong gabi lang – dahil the moment na umikot 'tong Ferris Wheel at bumaba kami dito sa cabin ay alam kong balik reyalidad na ulit ako.
That Atlas only sees me as his best friend...
Nothing more, nothing less.
"Suotin mo muna 'to. It's cold outside," sabi niya at saka niya inabot 'yung denim jacket niya sa'kin. Nginitian ko siya at nagpasalamat bago ko sinuot 'yung jacket niya.
"Bait mo ngayon ah," pabirong sabi ko.
"Ikaw lang naman hindi mabait satin e,"
"Sino kaya 'tong namba-black mail satin?"
"Don't worry, hindi ko naman ise-send kay Tito 'yung picture. Takot ko nalang," natatawang sagot niya.
"Burahin mo nalang kasi,"
"Ayaw."
"Please?" I pouted. Kinurot lang niya 'yung ilong ko.
"Cute. But still, no," sumimangot ako sakaniya tapos tumawa lang siya.
Pinipilit ko pa rin siya tapos 'di ko namalayan na turn na pala namin para bumaba. Nagpasalamat kami sa may staff tapos naunang bumaba si Atlas bago ako niya ako inalalayang bumaba sa cabin.
He was still holding my hand when Steven and Chloe walked towards us. Nakita kong napatingin si Steven at Chloe sa kamay namin at bibitawan ko na sana 'yung kamay ni Atlas nang agawin bigla ni Steven 'yung kamay ko na nakahawak kay Atlas.
"Thanks for snatching my girl from me," Steven said sarcastically. At that, Atlas rolled his eyes, tapos nilapitan naman siya ni Chloe habang nakasimangot.
It looks like hindi sila nakasakay. Sabagay, sino ba naman ang may gustong makasama ang maingay at may nakakainis na boses na si Chloe.
Steven cupped my face while checking kung may ginawa ba si Atlas sa'kin na masama. "I'm fine Steven," sabi ko sakaniya ng hindi pa rin siya tumigil. Mahilig lang naman kaming mag-asaran ni Atlas, pero never niya akong sinaktan physically.
"Are you sure?" seryosong tanong niya.
I nodded, "Of course. Atlas' my best friend and he'll never hurt me," I replied. Alam kong tinakot siya ni Atlas noon, pero alam ko naman ding hindi basta-basta nananakit si Atlas sa taong wala namang ginagawang masama sakaniya.
"Best friend for you but I'm not sure about him," may binulong siya, pero hindi ko na narinig at niyakap lang niya ako.
#
The next day, our last day here in Tagaytay, sinulit na namin 'yung paggagala. We went to Sonya's Secret Garden and Museo Orlina, tapos nag-decide kami na sa gabi ay mag pool party ulit kami.
The boys bought some alcohol, habang nagpe-prepare naman kaming girls ng dinner—except Chloe, kasi baka raw matalsikan pa yung skin niya ng mantika at hindi siya marunong magluto, because apparently, they have maids who cook food for her and her family.
Ang arte. Siya na may katulong.
"Gael, umamin ka nga..." Pearl suddenly said, habang nag tutuhog kami ng hotdog sa BBQ sticks.
"Ha?" confused na tanong ko. Umikot naman 'yung mata niya.
"Sus! Anong ginawa niyo ni Atlas sa Ferris Wheel kahapon? Bakit iniwan niyo sila Steven at Chloe?" tanong niya. I tried to hide the smile from my lips, pero 'di ko rin napigilan at napangiti ako dahil naalala ko nanaman 'yung paghalik niya sa noo ko.
Sweet naman si Atlas sa'kin. Hinahawakan din niya 'yung kamay ko minsan. Pero ewan ko ba? Iba lang talaga 'yung moment namin kagabi at 'yung paghalik niya sa noo ko.
"Iba na 'yang ngiti mo girl!" Elsie commented.
"Bakit? Masama na bang ngumiti ngayon?" pagma-maang mangan na tanong ko sakanila.
"Wag mong ibahin 'yung usapan Abigael Lauren! Hindi mo pa sinasagot 'yung tanong ko," Pearl insisted.
"Ahh... Ehh..."
"Ahh? Ehh?" naka kunot na 'yung noo ni Pearl. Ang impatient rin minsan nitong babaeng 'to.
"Wala naman kasi kaming ginawa,"
"Lokohin mo na silang lahat wag lang kami ni Elsie... Iba 'yang ngiti mo simula kahapon tapos ilang beses namin kayong nahuli ni Atlas na nag ngingitian at nagtititigan," she paused for a second, "Kay umamin ka na, may nangyari ba sainyo ni Atlas?"
"Ang OA mo, alam mo? Wala nga kasi..." tapos tumigil ako sandali, nakatingin naman silang dalawa sa'kin habang hinihintay 'yung sunod kong sasabihin, "hinalikan lang naman niya ako sa noo," halos pabulong na sagot ko, pero 'yung dalawa e agad na tumili kaya napatingin tuloy samin 'yung boys!
"Wag nga kayong maingay! Baka mahalata ni Atlas na siya pinag-uusapan natin,"
"And you dare to hide that information from us?!" Elsie exclaimed, kinikilig habang nakatakip 'yung bibig niya para di mapalakas 'yung sigaw niya.
"Tapos? Tapos anong nangyari?! Kwento mo samin lahat dali!" Pearl excitedly said. Tumigil na rin kami sa pagtutuhog ng hotdog dahil mas inuna pa nila 'yung pakiki-chismis sa'kin.
I told them 'yung nangyari at ibang pinag-usapan namin ni Atlas, tapos napansin ko naman si Pearl na medyo kumunot 'yung noo after kong i-kwento sakanila.
"Hindi mo pa rin sinabi sakaniya?"
Umiling ako, "Hindi," I sighed deeply.
"Ayaw kong sirain 'yung moment namin. Minsan na nga lang kami maging ayos ulit e,"
"Pero ayun na 'yung chance mo e, saying naman..." Nanghihinayang na sabi ni Pearl.
"I know... but I chose to just cherish that moment kahit pansamatala lang," malungkot na sagot ko. Agad naman nila akong nilapitan at niyakap.
It wasn't easy...
Hindi ko naman kasi basta basta masasabi nang gano'n gano'n lang kay Atlas 'yun.
I can't just blurt out na may nangyari samin dati at hindi niya lang maalala kasi sobrang lasing siya.
Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung tama pa ba na sabihin ko sakaniya 'yung tungkol don.
Baka kasi masira lang lalo 'yung pagka-kaibigan namin. Ayaw ko naman nun.
I'd rather keep everything to myself than lose my best friend.
I can just move on by myself without jeopardizing our friendship. I know I can do it alone. Pinalaki ako nila Mama at Papa na malakas at hindi basta-basta sumusuko. Kahit ano pa 'yan!
#
At dahil tipsy na halos kaming lahat kaya nag-inom na lang kami kaysa mag swimming pa dahil delikado at baka magkaroon pa nang aksidente.
"Kuha lang ako ng ice," paalam ko at saka ako tumayo sa upuan ko para pumunta sa fridge sa kitchen. Nagtatawanan lang sila habang nagk-kwento si Pearl sa mga kalokohan niyang ginawa noon.
I was taking out some ice from the freezer nang mapansin kong sumunod pala si Chloe sa'kin. Umikot nanaman 'yung mata ko bago ako humarap sakaniya. I faked a smile at gano'n rin siya.
Pansin ko na mas sumasagot siya sa mga sinasabi ko sakaniya kapag wala si Atlas sa paligid. Hindi naman ako natatakot sakaniya.
"Himala mag-isa ka ata ngayon," sabi ko na medyo natatawa. Totoo naman kasi, pano palaging nakabuntot kay Atlas.
Tinaasan niya ako ng isang kilay, "I know what you're doing..." sabi niya. My forehead automatically creased because of what she said.
"What are you talking about?"
"You little schemer," sagot niya habang naka-crossed arms at mataray na nakataas ang kilay sa'kin.
"I don't know what the hell are you talking about, Chloe," mataray na sagot ko rin sakaniya, "and excuse me... but thesearen't little," I scoffed before rubbing at her face my breast.
Makatawag na little e walang wala nga siya sa'kin!
"Hindi pa ko tapos sa'yo," sabi niya nang tumalikod ako at maglalakad na sana paalis.
"Ako tapos na sa'yo,"
She scoffed, bago tumawa nang nakaka-insulto. "Didn't know that you were this duwag pala. Akala ko pa namann matapang ka..."
Humarap ako sakaniya bago ako naglakad papalapit habang nakangisi sakaniya, nakita kong napalunok siya. Akala niya siguro uurungan ko siya.
"Ayaw ko lang masayang 'yung oras ko sa isang kagaya mo. You're not worthy of my time, babe, so you better fuck off." Madiin na sabi ko sakaniya lalo na sa huling sinabi ko. Nanlaki 'yung mata niya dahil sa sinabi ko. Marahan ko siyang tinapik sa balikat bago ako naglakad paalis at iniwan siya doon mag-isa.
Ha! Ako pa talaga ang gaganunin niya?!
Pasalamat siya at ayaw kong masira 'tong gabi na 'to dahil last night na namin dito.
W H A T Y A S E Y
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro