Chapter 12
THE NEXT day, gumising ako nang mas maaga para i-cold compress 'yung mata ko dahil namaga sa pag-iyak ko kagabi. Hindi na ako bumalik kagabi sa pool after seeing that.
Alam na rin siguro nila Pearl kung bakit di na ako bumalik dahil hindi naman na nila ako pinuntahan pa sa kuwarto. Hindi ko rin namalayan nang pumasok sa kuwarto si Chloe kagabi at nakita ko nalang siyang natutulog sa kabilang bed pag gising ko sa umaga.
I'll just act today na parang wala lang sa'kin 'yung nakita ko kagabi. 'Don naman ako magaling e, sa pag-arte na parang hindi nasasaktan.
I got off from the bed and grabbed my stuff at agad na naligo at nag-ayos tapos bumaba ako sa kitchen para makapag-kape. Ang tahimik pa at ako palang yata ang gising – o akala ko lang 'yun – dahil pagbaba ko sa kitchen nakita ko si Atlas na nagtitimpla ng kape niya. Napatigil ako sa paglalakad para sana bumalik nalang sa kuwarto, pero agad siyang nag-angat ng ulo at humarap sa'kin.
"M-morning..." alangang bati ko at tipid na ngumiti sakaniya,
"Morning. Coffee?" alok niya sa'kin at um-oo ako. Pinanood ko lang siya habang tinitimplahan din niya ako ng kape.
"Kanina ka pa gising?" tanong ko, sobrang tahimik kasi tapos di ako sanay nang ganito kami katahimik. At saka, baka isipin niya na apektado ako sa nakita ko kagabi—which is totoo naman, but he doesn't have to know that.
"Oo, ang lakas kasi mag-hilik nang kasama ko sa kuwarto," he sneered, before handing me my cup of coffee.
"Thanks," I said, then took a sip from my coffee before chuckling a little at what he said, "Ikaw ang may gustong magkasama kayo sa kuwarto, di ba?" I reminded him.
"I did that for you," he then said, before rolling his eyes at me, na parang hindi pa ako pasalamat sa ginawa niya.
"What?"
"Hahayaan ba kitang makasama 'yung lalaking 'yun matulog sa isang kuwarto,"
"Dalawa naman 'yung bed per room ah. And besides, Steven is a nice guy and I trust him, so tama na sa pagdududa sakaniya, ikaw lang naman masyadong nag-iisip nang masama sa tao."
"You barely know that guy, how long have you been seeing him? A month! Baka mamaya kung anong gawin sa'yo nun habang natututlog ka," Inis na sabi niya. I pressed my lips together to stop myself from smiling. Pikon talaga nito.
I faked a cough para hindi niya mapansin na natuwa ako sa pagiging concern niya sa'kin, "Ayaw mo ba nun maso-solo mo si Chloe mo mag-isa sa kuwarto," I even wiggled my eyebrows to tease him.
"Hindi naman ikaw ang malalagot kay Tito pag may nangyaring masama sa'yo,"
"Takot ka pala kay Papa e," pang-aasar ko sakaniya. He's actually close to Papa, pero palagi rin kasi siyang binabantaan ni Papa na malalagot pag may nangyari sa'kin. But I know that Papa trusts him so much din.
Hindi siya sumagot sa'kin tapos kinuha lang niya 'yung phone niya sa bulsa niya. Hindi na rin ako nagsalita, baka mapikon pa e. Ininom ko nalang 'yung kape ko tapos nabigla ako nang itapat niya sa'kin 'yung screen ng phone niya at nanlaki 'yung mata ko nang makita ko 'yung picture ko kagabi habang naka-bikini.
Full body shot pa 'yung picture!
"Manyak ka talaga! Bakit mo ko kinuhaan ng picture!?" sigaw ko sakaniya, hahablutin ko sana 'yung phone niya, pero agad niyang nilayo at binulsa. Tawa naman siya nang tawa sa'kin.
"Hoy! Burahin mo nga 'yan!"
"Pang-blackmail ko 'to sa'yo," sabi habang tumatawa. I glared at him, pero nginitian lang niya ako nang mapang-asar. Bwisit talaga 'tong lalaking 'to!
"Julian Atlantis! Sinasabi ko sa'yo pag 'yan pinakita mo kay Papa, malalagot ka sa'kin!" sigaw ko sakaniya tapos binaba ko muna 'yung hawak kong kape at saka ko siya hinabol.
"Sabihin mo muna, 'aww aww'!"
"Napaka-walang hiya mo talaga!"
"At lease gwapo pa rin!"
Tumigil ako sandali sa paghabol sakaniya paikot sa kitchen island dahil napagod ako kakahabol sakaniya! Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to! Kaliligo ko lang, pero pinagpapawisan na agad ako dahil sakaniya!
"Ano suko ka na?" He has this smug look on his face while holding his phone. I gave him a death glare. "Mukhang makakasama mo na ulit sila Tito at Tita sa Laguna,"
"Bwisit ka talaga!" at saka ko siya hinabol ulit tapos tumakbo naman siya papunta sa sala. At dahil mas matangkad siya sa'kin kahit na nahabol ko siya e hindi ko pa rin makuha 'yung phone niya dahil nakataas 'yung kamay niya.
"Ililibre kita nang kahit anong gusto mong pagkain!"
"Nope!" he replies, while popping his lips together. I grabbed his shirt to pull him down, but he wouldn't budge. Kaya naman mabilis akong tumungtong sa isang malapit na upuan tapos sinakyan ko siya sa likod kaya na-abot ko 'yung phone niya.
"YES!" I exclaimed, habang nasakay pa rin ako sa likod niya. Pero akala ko nanalo na ako, pero nang buksan ko 'yung phone niya ay may security lock!
"You think I'm stupid?" he said, while laughing his ass off.
Kainis!
Sa sobrang inis ko sinakal ko siya gamit ang kaliwang braso ko habang nakasabunot naman ako sa buhok niya kaya napa-aray siya sa sakit. I wrapped my legs on his torso para hindi ako mahulog.
"What are you guys doing? It's only 7 AM!" Milo said, scratching the back of his neck. Magulo pa 'yung buhok niya at halatang kagigising lang niya. Tapos kasunod naman niya si Cash na kagaya rin niya na gulo-gulo ang buhok habang naghi-hikab at nagu-unat.
"You two are so loud!" reklamo ni Cash.
"Si Atlas kasi!" sumbong ko.
"Para kayong mga bata," Milo said, bago nila kami tinalikuran tapos pumunta silang dalawa sa kusina.
Ibinaba ako ni Atlas tapos binalik ko na 'yung phone niya sakaniya. Wala rin namang sense dahil hindi ko alam 'yung password ng phone niya. Nakangisi naman siya sa'kin habang bwisit pa rin 'yung mukha ko. Hindi ko man lang napansin na nakunan pala niya ako kagabi. Nakakainis talaga!
"Ano bang gusto mo para lang burahin mo 'yang picture ko?"
"Basta sundin mo lang lahat nang sasabihin ko and Tito will never see this picture," he grinned cheekily at me before leaving me dumbfounded at what he said.
#
Mga bandang hapon na kami nakaalis dahil 'yung iba ay may hangover pa at anong oras na silang nagising. I just wore a white cropped top t-shirt and a denim short tapos I put my hair in a messy bun. Sinimplehan ko lang at baka umiyak na si Chloe pag binonggahan ko pa.
Napagdesisyunan namin na pumunta sa People's Park tapos nag picture lang kami nang madami doon. Sobrang ganda ng view! It's breathtaking. Tapos tanaw na tanaw mo rin 'yung Taal Volcano and Taal Lake. You can see the whole city rin tapos eksaktong hindi sobrang init at presko lang 'yung panahon.
Mabuti nalang din wala pa namang pinapagawang weird sa'kin si Atlas dahil sa pangba-blackmail niya sa'kin! Hanggang ngayon naiinis pa rin ako tapos wala pa akong magawa kasi wala naman akong pang-laban sakaniya.
Si Chloe tuloy ang napagi-initan ko kanina pa. Sisihin niya si Atlas! Parehas silang nakakainis!
"Want some water, babe?" Steven asked, tapos inabutan niya ako ng bote ng tubig habang nakaupo kami sa isang Gazebo at nakatingin lang sa view. Kaya pala siya may dalang backpack kasi may baon siyang snacks at tubig. Napaka-boy scout naman pala nitong si Captain.
"Thanks," sabi ko nang ibalik ko sakaniya 'yung bote ng tubig.
Sila Pearl at Elsie busy pa rin sa pagkuha ng pictures kasama sila Cash at Milo. Sila Atlas and Chloe naman hindi ko alam kung nasaan. Malaki na sila, bahala sila sa buhay nila.
Agad naman napakunot 'yung noo ko nang makita kong naglalakad palapit samin si Atlas at Chloe.
Speaking of the devil,
"Nauuhaw ako Abigael," Atlas said, paglapit niya samin. Nakangisi pa siya. Kainis talaga! Malaman ko lang talaga password ng cellphone niya!
"Me too, baby! I'm super thirsty na," Chloe added and acted like she's gonna faint from thirst. Automatic na umirap 'yung mata ko.
"Ano pang hinahantay mo?" tanong ni Atlas sa'kin na para bang naiinip siya at hindi ko pa siya binibilhan ng tubig niya.
"I bought some bottled water," Steven said before grabbing one from his backpack. Inabutan niya si Chloe nang tubigat kinuha naman niya agad, pero si Atlas, hindi kinukuha 'yung tubig na inaabot ni Steven.
"Ayaw ko niyan. Hindi na malamig. Gusto ko 'yung malamig at bagong bili,"
"Ang arte mo! Parehas lang naman 'yang tubig!" sagot ko, pero wrong move ata kasi agad niyang kinuha 'yung phone niya at nagpipi-pindot don kaya agad akong tumayo.
"To na! Sabi ko nga bibili na ako!"
"Good girl," he replied, while grinning at me.
Padabog akong umalis para bilhan siya ng tubig. Nakakainis!
#
After namin sa People's Park, we went to the Twin Lakes Shopping Village and Ayala Malls Serin tapos nag-ikot ikot lang kami at namili nang kung ano anong souvenir. And of course, madaming pinabili sa'kin si Atlas dahil sa kaka-black mail niya sa'kin! Kung saan-saan niya ako hinihila tapos nagpapabili nang kung anong trip lang niya!
"Gusto niyo sumakay ng Ferris Wheel? Tara punta tayo sa Sky Ranch!" ay ani Pearl after namin mamili. Papadilim na rin kaya siguradong maganda 'yung view pag nasa itaas kana ng Ferris Wheel tapos tanaw mo pa 'yung city lights.
"Kain muna tayo bago tayo pumunta doon," Atlas suggested at pumayag naman kaming lahat dahil napagod din kami kalalakad.
Kumain kami sa Bulalo Point at eksakto na medyo papalamig na rin kaya tama lang kumain ng bulalo. After namin doon ay nagpunta na kami sa Sky Ranch. Mabuti nalang hindi gaanong matao kaya maikli lang 'yung pila.
"Kaming apat nalang nila Milo, Els at Cash ang magkakasama ha," biglang sabi ni Pearl habang nakapila.
"Ha? Akala ko ba tayong tatlo nila Elsie!" inis na sabi ko. Nag-usap na kami kanina na kaming tatlo ang magkakasama e! Minsan 'di ko alam kung sinasadya ba nilang inisin ako at palagi nalang akong sinasama kay Atlas at Chloe!
'Di naman nagreklamo sila Atlas kaya nginitian lang ako ni Pearl tapos bumulong sa'kin, "Kaya mo na 'yan. 'Wag kang papatalo ha," tapos she winked at me.
"Bye! See you guys later," paalam nila at saka sila sumakay kaya naiwan ako kasama si Steven, Atlas at Chloe. Nakasimangot lang ako habang hinahantay na makasakay kami.
"Maghiwalay nalang tayo nang sakay. Kami nalang ni Steven ang magkasama," sabi ko sakanila kasi 'di ko talaga kayang makasama si Chloe dahil siguradong maiinis lang ako at masisira nang todo 'yung mood ko!
Ngayon pa nga lang todo kapit na siya sa braso ni Atlas at paulit ulit na sinasabing "I'm so scared, baby! Don't let go of my arms, ha!" Baka mamaya magtitili lang 'yun doon at baka pagnainis ako e maitulak ko lang siya palabas.
"'Wag na. Tayong apat na magkakasama." Pagpilit ni Atlas.
"Wag na. Kaya naman namin ni Steven, kahit kaming dalawa lang,"
"Don't worry bro, I can take care of my girl." Steven agreed, kaya napangiti ako. He placed his hand on the small of my back before kissing the side of my head.
Nakita kong kinuha ni Atlas 'yung phone niya para siguro takutin ako, pero agad ko siyang tinalikuran. Bahala siya diyan! Pagod na ako kaka-black mail niya sa'kin. Gusto ko lang ng peace and quiet mind pagnakasakay na kami ng Ferris Wheel.
Katabi ko si Steven habang nasa pila tapos nasa likod naman namin si Chloe at Atlas. Tinatawag niya ako, pero 'di ko siya pinapansin hanggang sa turn na namin ni Steven para sumakay. I let go of Steven's hand para maunang maglakad papasok sa isang cabin nang biglang maramdaman kong may humawak ulit sa kamay ko at mabilis akong hinatak papasok sa loob.
Tapos narinig ko nalang si Steven at Chloe na sumisigaw, "Hey bro! What are you doing?"
"Baby, come back! Wait for me!"
Nakatingin lang ako kay Atlas at nagtataka sa ginagawa niya tapos sinignalan niya 'yung staff na isarado na 'yung cabin bago pa makapasok si Steven at Chloe.
I was just staring at Atlas, dumbfounded. My lips were slightly parted in shock.
Naramdaman kong gumalaw na 'yung cabin namin at umikot na 'yung Ferris Wheel.
"Anong ginagawa mo?" hindi makapaniwalang tanong ko sakaniya. He met my gaze with a serious look on his face.
"You're really testing my patience, Abigael."
W H A T Y A S E Y
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro