Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

"ATLAS," PAGTAWAG ko sakaniya makalipas ang ilang minutong magkayakap kami. Bumitaw ako sa pagkakayakap sakaniya, pero siya hindi. Nakasiksik pa rin sa leeg ko 'yung mukha niya. I could feel his warm breath on the sensitive spot of my neck. And I'd be lying if I say na hindi ko gusto 'yung nararamdaman ko.

Hindi sa ayaw ko siyang yakapin, pero iniisip ko lang si Steven at Chloe— kahit inis naman ako sakaniya, siyempre baka mamaya bigla silang pumasok dito at makita kami ni Atlas sa ganitong position— not that may ibang meaning 'tong yakap namin—sa'kin oo, pero kay Atlas? 'Di ko sure.

"Atlas," pag-ulit ko. Makalipas ang ilang segundo. Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil sa sinabi niya. 'Di ko rin naman alam kung anong ibig sabihin niya sa sinabi niyang hindi niya gusto 'yung nararamdaman niya.

There's a part of me that wishes for deeper meaning, but there's also a part of me that believes it's best not to assume anything unless it's specifically stated.

Mahirap nang mag-assume tapos iba naman pala 'yung ibig-sabihin niya.

Pero mas mahirap 'yung ganitong pagkilos ni Atlas. He's sending me mixed signals, which makes it difficult for me to simply move forward.

I'm aware that I'm partially cheating on Steven because I haven't completely moved on from Atlas. But is it considered cheating if I'm already in the process of moving on?

Mas lalo lang akong nalilito dahil sa mga kinikilos ni Atlas.

Mabuti nalang bumitaw na rin siya bago ko pa siya tuluyang itulak sa pagkakayakap niya sa'kin.

"Sorry," sabi lang niya habang nakatingin sa'kin. Normally, nababasa ko kung anong iniisip ni Atlas, pero ngayon, hindi ko alam kung anong iniisip niya habang seryosong nakatingin sa'kin. He has an embarrassed and dissatisfied expression on his face.

"Okay lang," sagot ko sakaniya. I gave him a small smile to lighten up the mood.

"May sasabihin ka pa ba?" tanong ko sakaniya nang hindi pa rin siya nagsasalita. Namumula na 'yung tainga niya pababa hanggang sa leeg niya. Kaya naisip ko na baka nakarami na nang nainom si Atlas kaya siguro ganito siya umakto ngayon.

Kinuha ko nalang 'yung ginawa kong whiskey and coke na drink na nakapatong sa countertop, "Una na ako, baka hinahanap na nila tayo," sabi ko sakaniya bago ako naglakad paalis.

Ang weid talaga ni Atlas ngayon. Hindi ko alam kung dahil ba naiinis na rin siya kay Chloe kaya siya tinotopak nang malakas.

Bumalik ako sa upuan ko na katabi ni Steven, napangiti ako nang makita kong ang dami na niyang nakakain na BBQ at Samgyupsal, mukhang nagustuhan niya 'yung pagkain na niluto namin. Baka nag-sawa na rin siya sa kakakain ng breast chicken at salad.

"Hi," bati ko sakanila, tapos nakikuha na rin ako ng isang stick ng BBQ. Elsie and Pearl were both giving me a meaningful look, pero 'di ko nalang sila pinansin. Alam ko namang napansin nila na parehas kaming umalis ni Atlas sa table kanina.

Steven's gaze shifted to mine, I smiled at him. Mukhang nag-e-enjoy siya at naparami na ang inom niya.

"You're the best cook ever, babe! You're making me fall for you even more. You know that?" sabi niya na halos pasigaw, kaya nakita ko 'yung mga kasama namin na nakatingin lahat samin. Inakbayan pa niya ako tapos hinalikan ako sa gilid ng ulo.

"Simple lang naman 'yung recipe ng BBQ tapos 'yang samgyupsal binili ko lang naman 'yung meat niyan," pagbibiro ko, kasi ramdam ko 'yung pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya, lalo na 'yung huling part nang sinabi niya.

"Ang harot niyong dalawa!" Pearl yelled at both of us. Tapos nagtawanan lang kami.

"You're just inggit, Pearl, because you don't have a love life." Pang-aasar ni Cash kay Pearl.

Tinitigan naman nang masama ni Pearl si Cash, habang nakataas ang isang kilay, "Okay lang walang love life no, at least wala akong sakit sa ulo," tapos hinawi niya 'yung buhok niya at umirap pa. Lakas talagang um-attitude nitong si Pearl.

Cash shook his head. "Fair enough."

Mabuti nalang at hindi nagsalita si Pearl tungkol kay Cynthia dahil masyadong sore topic 'yun kay Cash. Masaya rin ako na makitang bumabalik na 'yong sigla at pagkamadaldal ni Cash ulit. Nagtatawanan lang kami habang kumakain at umiinom.

Maya-maya lang napansin kong nakabalik na rin si Atlas at nakaupo na siya ulit katabi ni Chloe.

"Saan ka galing bro?" Milo asked him. Napansin ko na medyo namumula 'yung mga mata ni Atlas.

"Kumuha lang ako ng alak sa loob," he simply replied.

"Ang dami nating alak dito bro, bakit doon ka pa kumuha sa loob?" tumatawang sabi ni Milo bago ituro 'yung maraming alak na nasa tabi nila ni Cash.

"You are already drunk, bro." Steven interrupts while chuckling. Mukhang siya rin lasing na. Nakaka-isang baso palang ako, pero 'yung dalawang bote ng Jack Daniels na nasa lamesa ubos na.

"I'm not a weak shit like you," seryosong sagot naman ni Atlas. Mabilis akong napalingon sakaniya dahil sa sinagot niya kay Steven. Mabuti nalang at lasing na 'tong isa, kaya hindi na niya narinig 'yung sinagot ni Atlas.

Tinaasan ko siya ng kilay. He mouthed, "What?" at me. Na parang hindi niya tinawag na weak shit si Steven. Tapos inakbayan niya si Chloe, bago may ibinulong na naman dito kaya narinig ko ulit 'yung matinis na boses niya habang kilig na kilig dahil sa binulong ni Atlas sakaniya.

#

After eating our dinner, nagpahinga lang kami ng isang oras tapos nag swimming na rin kami habang nag-iinuman pa rin. Si Steven naman, pinahiga ko muna sa loob ng kuwarto niya para mahimasmasan dahil lasing na lasing siya. Ang bilis at ang dami na kasi niya agad nainom.

"Okay lang si Steven, girl?" tanong ni Elsie pagbalik ko sa pool. Naupo ako sa gilid ng pool at naka-dip 'yong paa ko sa pool.

Silang lahat naman busy kalalangoy. Nandito kami nila Elsie at Pearl sa isang side ng pool. Tapos si Atlas naman busy rin lumalangoy habang nakakapit sa likod niya si Chloe na parang bata na akala mo malulunod kapagbumitaw. E nasa side lang naman sila na 5ft ang lalim. Si Milo at Cash naman mukhang seryoso ang pinag-uusapan sa isang sulok.

I nodded, "Okay lang. Mukhang naparami agad ng inom e,"

"'Di mo naman sinabi na sobrang sweet talker niyang si Steven! Kami nga kilig na kilig na sa mga sinasabi niya sa'yo, paano pa ikaw 'di ba!" Pearl said na parang kinikilig pa rin hanggang ngayon.

"Nagugulat nga ako sa mga sinasabi niya ngayon. Hindi naman siya dating ganyan ka-sweet sa'kin,"

"Baka kasi ramdam niya na may ka-competition siya sa'yo,"

Tinignan ko naman si Pearl with a skeptical look, "Ha? Pinagsasa-sabi mong ka-competition?"

"Wala! 'Di ko alam kung nagtatanga tangahan kayo o parehas lang kayong sobrang manhid," she retorted before swimming away. I looked at Elsie, confused, but she just shrugged at me.

After a while, hindi pa rin ako nagswi-swimming at nakaupo pa rin ako sa gilid ng pool habang pinapanood ko silang nagwa-water fight. Hindi naman kasi ako makakasali sakanila at wala akong partner kasi si Steven mukhang bukas na magigising sa kalasingan.

Nakaupo si Chloe sa balikat ni Atlas tapos si Pearl naman kay Cash and siyempre si Elsie kay Milo. Nanonood lang ako sakanila habang nagtutulakan 'yung tatlong babae hanggang sa inatake ni Pearl sila Elsie at Milo, kaya natumba sila at nahulog si Elsie sa balikat ni Milo.

"Akala ko ba kampi tayo!" sigaw ni Elsie kay Pearl nang makaahon siya sa tubig habang nakahawak sakaniya si Milo.

"Sorry, pero walang kampihan dito!" tapos tumawa naman si Cash at Pearl habang inaasar sila, kaya hindi nila napansin na papalapit na sila Atlas at Chloe sa likod nila. Sisigaw sana ako para sabihin sila, pero huli na dahil naitulak na agad siya ni Chloe sa likod at agad na na-out of balance si Pearl kaya nahulog siya.

"Hoy! Ang daya niyo! Di pa kami ready, e!" inis na sigaw ni Pearl kila Atlas at Chloe nang makaahon siya sa tubig. Tawa ang nang tawa sila Elsie kay Pearl dahil halatang nainis siya sa biglang pag-atake sakanila.

"Wala naman tayong rules na gano'n. Tanggapin mo nalang na natalo namin kayo," pang-aasar pa ni Atlas.

"We are the champion! Ang lakas talaga ng baby ko!" Chloe exclaimed while clapping her hands in delight.

"Daya niyo!"

"Mas magaling lang talaga kami," pang-aasar pa lalo ni Atlas. Kita kong gigil na si Pearl tapos nagulat ako nang bigla niya akong tawagin.

"Gael! Lika nga dito at ikaw ang tumalo sa dalawa 'to!"

"Ha? Bakit ako? At saka wala—"

"Partner kayo ni Cash! Dali na! Ipaghiganti mo nga kami sa dalawang 'to!" pagputol niya sa'kin, tapos si Cash naman agad na lumangoy papalapit sa puwesto ko, habang ako hindi makapaniwala na nadamay pa ako sa water fight nila.

Napatingin ako kila Atlas tapos ngumisi lang siya sa'kin na parang hinahamon ako. At siyempre, hindi naman ako papatalo sakanila kaya pumayag na rin ako.

"Hop in." Cash said while tapping his shoulder. Nakatalikod siya sa'kin tapos ni-lower niya nang konti 'yung katawan niya para makaupo ako nang maayos sa balikat niya. He held may waist para makuha ko 'yung tamang pag-balance.

After few seconds, nakuha ko na 'yung tamang pagbalance kaya dahan-dahan na naglakad si Cash papunta sa gitna ng pool kung saan naghihintay si Atlas at Chloe samin. I smirked at Atlas not backing down on this fight.

"Go girl! Itumba mo 'yan!" rinig kong cheer ni Pearl habang nanonood sila samin. Si Els at Milo naman tumatawa lang sa pinagsisigaw ni Pearl. Mukhang may tama na rin si Chloe kasi tumatawa lang siya kahit na kung ano-ano na sinasabi ni Pearl sakaniya.

"Game?" Atlas said, tumango naman si Cash.

Ang lakas nang tibok ng puso ko. Feeling ko nasa tournament ako ng isang championship game, pero kailangan kong mag focus dahil kailangan kong itumba 'tong babaeng 'to! 'Di ako papayag na matalo basta basta!

Noong una nag iikutan lang kami at wala pang gustong umatake, "Cash hawakan mo nang mahigpit 'yung binti ko a," sabi ko kay Cash at sinunod naman niya ako at humawak sa binti ko, sandaling nagbago 'yung expression sa mukha ni Atlas, kaya naman kinalabit ko nang pasimple si Cash, to signal him na umatake kami papalapit.

At dahil mukhang distracted si Atlas kaya 'di siya agad naka galaw agad nang umatake kami sakaniya, mabilis kong tinulak si Chloe at napatili naman siya – siyempre full force talaga 'yung pagtulak ko, pero nahawakan rin niya 'yung kamay ko kaya nakapag-balance pa siya, pero agad kong tinanggal 'yung pagkaka-kapit niya sa dalawang kamay ko at tinulak ko siya sa magkabilang braso kaya na-out of balance siya at nahulog sa pool.

"Wooh! Manok namin 'yan!" rinig kong sigaw ni Pearl tapos lumapit sila samin at tinulungan akong makababa sa balikat ni Cash.

Nakipag-high five ako sakanilang apat. Ang laki nang ngiti ko siyempre! Nanalo ako, e!

"Ano kayo ngayon?! 'La pala kayo e!" Pearl teases Atlas and Chloe. Nakita kong namumula 'yung ilong ni Chloe, napasukan siguro siya ng tubig sa ilong dahil sa lakas nang pagbagsak niya sa tubig. I pressed my lips together to hide the mischievous smile on my lips.

"Sinwerte lang kayo," Atlas retorted before helping Chloe to climb on the side of the pool. Tapos hinawakan niya 'yung pisngi ni Chloe to check on her.

Lumangoy ako pabalik sa puwesto ko kanina para kunin 'yung inumin ko nang mapalingon ulit ako sa gilid ko kung nasaan si Atlas at Chloe.

Seriously self? Bakit kaba tingin nang tingin sakanila!

"Okay ka lang?" Atlas asked her a question, and she nodded.

Lalapitan ko sana sila para itanong kung okay lang ba si Chloe dahil medyo nakonsensya ako at napalakas ata masyado 'yung pagtulak ko kaya naunang bumagsak 'yung ulo ni Chloe at parang medyo nalunod siya kanina, pero hindi ko na nagawa dahil biglang hinatak ni Chloe 'yung mukha ni Atlas palapit sakaniya at hinalikan siya labi. Yung kamay naman ni Atlas agad na kumapit sa magkabilang bewang ni Chloe at binuhat siya ulit para ibaba sa pool para magkapantay na sila. Chloe's arms automatically wrapped to Atlas' neck and pulling him more to deepen their kiss.

Ramdam ko 'yung pagtutubig ng mata ko, pero ayaw umiwas nang tingin ng mga mata ko sakanilang dalawa. Para bang ayaw umiwas ng mata ko para makita ko na dapat na talaga akong mag move on at hayaan nalang silang dalawa.

This is the second time that I've seen them kiss this intense at ang sakit pa rin.

Ang sakit lang.

Umiwas ka na nang tingin, self!

Parang tanga akong nakatingin pa rin sakanila habang pinapanood silang mag-make out. I could clearly see Atlas' hand wandering around Chloe's body, and then I heard her moan and that's my cue to stop gawking at them while making out.

Mabilis kong ininom 'yung hawak kong alak at inubos bago ako tumayo para umalis sana, pero bago pa ako makapag lakad papasok sa loob, narinig kong tinawag ako ni Pearl.

She has this worried look on her face. For sure alam nilang nakita ko rin 'yung make out session noong dalawa, "Okay ka lang?" malungkot na tanong niya sa'kin tapos marahan niya akong hinawakan sa braso.

I fake a smile tapos tumawa pa ako nang konti, "Oo naman no! Okay lang ako," sagot ko sakaniya. May sasabihin pa sana si Pearl, pero agad ko siyang pinutol, "Check ko lang si Steven sa loob," agad na sabi ko bago ko siya iniwan at mabilis akong pumasok sa loob.

Gosh, kailan ba ako mapapagod sa kakaiyak dahil kay Atlas.

Napapagod na akong mag kunwaring okay.

Napapagod na akong magpanggap na hindi ako nasasaktan.

Gusto ko nalang mag move on para hindi na ako nasasaktan nang ganito sakaniya.

Kanina lang niyakap niya ako nang gano'n tapos ngayon, makikita ko siyang nakikipag halikan nang gano'n kay Chloe!

I ran towards the washroom and locked myself in before crying all the tears that I'd been holding back. "Tangina,"

Chloe – 1

Gael - 0

W H A T Y A S E Y

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro