Chapter 10
AFTER NAMING mag-zipline at sumakay sa Cable Car, we went to Picnic Grove and bought a bunch of souvenirs and other trinkets. Mabuti nalang at hindi naman masyado madaming tao.
After ng zipline ko with Atlas, mas naging normal na ulit kami. Bumalik na 'yung pang-aasar niya sa'kin hanggat hindi ako napi-pikon. Tapos si Steven naman, titignan ako na parang nag-aalala kung iiyak na ba ako anytime dahil sa pag-aasaran namin ni Atlas. Ngayon lang kasi niya kami nakita ni Atlas na ganito.
I remember when I told him about the guy who threatened him back on our 'supposedly' first date. He was shocked when I told him that that guy was actually my best friend. Noong una, ayaw pa niyang maniwala sa'kin kasi bakit naman daw gagawin nong best friend ko 'yun sa ka-date ko. In-explain ko nalang na normal na samin 'yung ganong pangti-trip—although, si Atlas lang naman ang gano'n ang trip sa buhay!
"Are you all done buying souvenirs?" Milo asked us to arrive at the meeting place by 7 PM. Everyone nodded in agreement.
"Kain na tayo. Gutom na ko," Pearl suggested, and everyone agreed rin. Napagod ako sa pagi-ikot namin dito tapos nakatatlong beses kaming nag zipline ni Atlas, dahil nag-enjoy kami pareho!
"Gael bought some BBQs and Samgyupsal. Why don't we eat that? Right, babe?" Steven said to everyone, kaya lahat sila lumingon samin. Nakahawak sa beywang ko si Steven, tapos nakatingin sa'kin na parang humihingi ng permission if we could eat what I bought.
Nginitian ko siya pabalik, "Oo naman! Kaya ko nga dinala 'yun para kainin natin e," sagot ko kaya na-excite silang umuwi para kumain na.
Nabigla naman ako nang bigla akong halikan sa pisngi ni Steven habang nakatingin silang lahat samin. "You're so amazing." Bulong niya sa tenga ko. 'Di ko maiwasang hindi mapangiti sa sinabi at ginawa niya. He's not usually this showy, but I guess, he's really being extra sweet today dahil kita kong nage-enjoy rin siya. Kaya bakit naman ako tatanggi.
"Ang tamis niyo naman masyado!" hiyaw ni Pearl samin. I heard Steven chuckle. Gosh, pati pagtawa niya ang gwapo pakinggan!
"I'm just really glad to have my girl with me on this trip," Steven replied, kaya naghiyawan nadin pati sila Cash, Milo, Elsie and Pearl. Nakita ko ding pumapalakpak si Chloe sa tabi at nakikisama sa paghiyaw.
Ang laki naman nang ngiti ni Steven, habang ako naman namumula na dahil sa pang-aasar nila! Pinagtitinginan na nga rin kami ng ibang tao dahil sa lakas nang hiyaw nila, pero parang wala silang pakealam. Masaya ako na medyo close na si Steven sa mga kaibigan ko. Mukhang nakakasundo rin niya si Cash at Milo. Bukod tanging si Atlas lang talaga ang mailap sakaniya. At hindi ko pa rin alam kung bakit ang laki nang galit niya kay Steven. E, ang bait bait nga ng tao.
Pa-simple akong napatingin kay Atlas at napansin ko na 'di siya nakikisama sa pag-cheer samin ni Steven. 'Di ko talaga gets kung bakit ang bigat nang loob niya kay Steven. Napatingin din siya sa'kin sabay inirapan ako!
Grabe! 'Di ko talaga ma-gets minsan si Atlas!
Napaka-moody niya! Dinaig pa niya ang babae sa pagto-topak!
"Tara na. Gutom na ko." Natahimik silang lahat nang biglang magsalita si Atlas at naunang maglakad paalis..
"Wait for me baby!" Chloe yelled while running after him. Tapos agad namang kumapit sa braso ni Atlas na parang linta nang abutan niya.
"Problema nun?" tanong ko kila Elsie at Pearl habang naglalakad kami pabalik sa SUV. Nasa likuran naman namin 'yung tatlong matatangkad na lalaki.
Nagkibit balikat lang si Elsie, "Baka gutom na talaga girl kaya may topak?" sagot niya na medyo natatawa.
"Baka naman nag-seselos?" Pearl replied, kaya napatingin kami ni Elsie sakaniya. I gave her a skeptical look.
"Nah, I don't think so. May topak lang talaga 'yun kaya gano'n," I sneered.
"And why naman siya magseselos e may Chloe naman siya? Baka sabihin mo may topak na siya dahil naiinis na siya sa kaka-kapit ni Chloe sakaniya na parang linta!" Elsie retorted, and we all laughed at what she said!
"Ang mean mo ngayon Elsi! Anong nakain mo?" tanong ni Pearl habang tawa pa rin kami nang tawa dahil sa sinabi ni Elsie. Which is – by the way – is true naman!
"Masyado na akong nahahawa sa mga ugali niyo! Tignan niyo, ang mean ko na rin!" Els replied. We're all still laughing hanggang makasakay kami sa SUV.
Nagtatanong naman 'yung tatlong boys na kasama namin kung anong pinagtatawanan namin, but siyempre, we won't tell them! It's girl talk. Sila nga minsan may pinag-uusapan tapos sasabihin bro-code daw kaya 'di na rin kami nagtatanong.
#
When we got back sa rest house, we've decided to do a night swimming while we eat BBQ and Samgyupsal outside. The guys bought some alcohol on our way back din kanina kaya we're having a pool and BBQ party tonight!
The guys started grilling the meats beside the pool area, dahil mas mabilis rin silang nakapag-palit nang pang swimming nila, habang kaming mga girls nagre-ready pa ng isusuot na bikinis.
I was rummaging through my clothes to find a sexy bikini to wear. Tahimik lang ako naghahanap ng isusuot, tapos si Chloe rin hindi naman ako kinakausap masyado – which is totally fine by me – dahil ayaw ko rin marinig 'yung boses niya.
I was grinning when I found the black bikini that I'm going to wear tonight. Kinuha ko na rin 'yung towel na gagamitin ko para mamaya. Tumayo na ako para sana makapag palit na nang biglang magsalita si Chloe. Automatic naman umirap 'yung mata ko. Grabe, parang hindi ko na mapigilan 'yung mga mata ko na hindi mapa-irap every time na magsasalita si Chloe.
I sound like a real bitch!
"You and Steven look so cute together," she said, bago tumili na parang kilig na kilig talaga siya samin ni Steven.
Okay na sana kaso tumili pa siya nang sobrang tinis.
I gave her my fakest smile, "Thanks," was my only reply. I was going to leave for the second time, pero nagsalita ulit siya.
Kalma ka lang, self!
"Can I ask you a question?"
"What?"
"What do you think between these two? Will Atlas love the most?" Tanong niya and then she showed me two different types of bikinis that she was holding on to. Halos malaglag 'yung panga ko sa pinakita niyang mga bikini sa'kin!
Oh, my gosh!
I think I have to change mine!
Sa kanan niyang kamay may hawak siyang Leopard print with plunging neckline one piece, na feeling ko pagsinuot niya 'yun e halos wala na rin siyang suot tapos sa kaliwa naman may hawak siyang white front halter one piece bikini na may cut sa side.
"Hindi kasi ako maka-choose between these two, and Atlas is your best friend, so you probably know which one of these two he will like better!" Parang gusto ko nalang kunin 'yung mga bikini na hawak niya tapos itapon sa labas ng bintana para hindi na niy masuot!
I knew it! Mapapalaban talaga ako dito!
I faked a smile, pero sa totoo lang kumukulo 'yung dugo ko, "Atlas will like the white one," sagot ko sabay turo sa hawak niya sa kaliwang kamay niya. "He'll think you're pure and innocent." Dagdag ko pa, halos masuka-suka ako dahil sa sinabi ko!
Para akong kinilabutan dahil sa sinabi ko!
Mas cover kasi 'yung white one-piece kumpara don sa leopard na pinakita niya kaya sinabi kong 'yung puti nalang ang isuot niya! Sa gilid lang naman 'yung may cut kaya tapos sa harap mas takip 'yun.
"OH.EM.GEE! Thank you, Gael!" He squealed before running towards the washroom to change. Halos hindi maipinta 'yung mukha ko.
I need a plan!
Hindi puwedeng maagaw ni Chloe ang spotlight ko!
Once again, hinalungkat ko 'yung mga dala kong bikini, then I spotted the bright orange one-piece na binili ko sa pa sa US! Parang nagliwanag 'yung mata ko dahil ito na yata ang pinaka-daring at sexy sa lahat ng bikini ko dahil sa sobrang dami ng cut niya sa gilid at sa tiyan, tapos pa-thong pa 'yung style niya. As in sobrang kapos siya sa tela!
One time, sinuot ko 'to noong nag punta kami sa Santa Monica Beach, tapos lahat ng tao nakatingin sa'kin. Mapa-babae o lalaki pa! Kaya alam kong, kakabugin ko si Chloe kapag sinuot ko 'to! Pero, pinapalitan din agad ni Papa sa'kin dahil nagalit siya sa suot ko.
Hinayaan ko munang matapos si Chloe hanggang makababa siya sa pool bago ako nag ayos at nagpalit ng swimsuit, para pag bumaba ako, sa'kin lang sila titingin.
Saktong natapos ako nang katukin ako ni Pearl sa washroom.
"Di ka pa bakit apos diyan? Anong petsa na!"
"Tapos na ko! Palabas na!" sigaw ko pabalik bago ko binuksan 'yung pintuan ng washroom at lumabas. Kita kong nanlaki 'yung mata ni Pearl dahil sa suot ko.
"My gosh, Abigael Lauren Gomez!" Pearl shrieked upon seeing me.
Tinaasan ko siya ng kilay bago ako umikot nang 360 para makita niya pati likod, "What ya think?" I asked while grinning at her.
Hindi siya agad nakasagot tapos dumating naman si Elsie at kagaya ni Pearl, nanlalaki 'yung mata niya habang nakatitig sa suot ko.
"Huy! Magsalita naman kayo diyan!" bulyaw ko sakanila kasi parang ilang minuto na silang nakatulala sa harapan ko.
"Uwian na! May nanalo na!" Pearl said, matapos ang ilang minuto.
"Girl grabe! Wow!" sabi naman ni Elsie tapos nag tawanan kami.
"Sabagay, kung ganyan ba naman ang katawan ko e, malamang sa malamang isu-suot ko rin yan!" Pearl added. Naka suot ng bikini top si Pearl, pero naka cycling shorts siya sa pang-ibaba habang si Elsie naman naka dark green 2-piece bikini string.
Pinauna ko na muna silang bumalik sa pool. I counted 30 seconds before walking my way outside the pool area. Nakatalikod sila sa'kin except kay Elsie and Pearl na parehas nakangiti habang nakatingin sa'kin at hinahantay na makita ako ng iba. Cash and Milo were busy grilling meat, while Steven was swimming. Tapos si Atlas nakaupo sa gilid ng pool, habang naka-dip 'yung paa at katabi si Chloe.
"Sorry guys! Natagalan ako sa pagpapalit," I said to everyone at halos sabay sabay silang napalingon sa direction ko.
I pursed my lips to hide the smile on my lips. Napatigil sandali sila Cash at Milo sa paglu-luto bago ako nginitian nang nakaka-loko. Sila Elsie at Pearl naman parang tuwang tuwa habang nakatingin sa expression sa mukha ni Chloe. And I swear, nakita ko 'yung mag kunot ng noo niya bago agad kumapit sa braso ni Atlas!
Then my eyes landed on Atlas. His lips were slightly parted while staring at me with his eyes wide open. He couldn't believe what I was wearing right now. The side of my lips rose while staring back at him. Tapos nakita kong umahon sa pool si Steven, at agad akong naglakad palapit sakaniya, showing my back to Atlas and Chloe.
"Wow," was all Steven said, nang makalapit ako sakaniya.
"Wow, I look amazing, or wow that I look sexy?" I gave him my most seductive smile.
"Both. You look amazingly sexy!" He said while staring at me. Nagtititigan lang kami ni Steven sa gilid ng pool habang nakangiti, pero ramdam ko 'yung pagtitig ni Atlas sa likuran ko.
"Kain na tayo!" sigaw ni Pearl, agad naman akong hinawakan sa beywang ni Steven, at sabay kaming naglakad palapit sakanila.
Nakaupo na kaming lahat sa harap ng table. Nagsimula nang kumain 'yung iba pati na rin si Steven, pero ako, parang hindi ako makagalaw dahil hindi pa rin tinatanggal ni Atlas 'yung pagtitig niya sa'kin. Nasa harapan ko kasi siya habang katabi niya si Chloe na pilit siyang sinusubuan ng BBQ.
"Later," he said to Chloe nang ayaw siyang tigilan na pakainin ng BBQ. Nag-pout naman si Chloe bago nagpatuloy sa pagkain.
Atlas is staring at me extremely! Feeling ko matutunaw ako sa pagtitig niya sa'kin. Hindi ko alam if galit ba siya sa suot ko o hindi lang talaga siya makapaniwala sa suot ko.
Pero bakit naman siya magagalit kung anong isuot ko.
Ayaw tuloy tumigil ng puso ko sa pagtibok nang mabilis! Grabe naman kasi makatitig sa'kin!
"May kukunin lang ako sa kitchen," paalam ko at saka ako tumayo pabalik sa kusina para kumuha ng drinks. Nagtataka rin ako, pero hindi ako nakaka-ramdam nang gutom.
I was busy getting my drink sa loob ng fridge nang magsalita si Atlas sa likuran ko. "Hindi ka ba kakain?"
"Hindi pa ako nagugutom e, ikaw ba? Hindi ka kakain?" Casual na sagot ko sakaniya habang nagsasalin ako ng whiskey and coke sa baso. Ramdam ko pa rin 'yung titig niya sa'kin! Bakit ba siya ganito makatingin. Tapos wala naman siyang sinasabi.
"I'm full,"
"Akala ko ba gutom kana, sabi mo kanina?"
"Nawala na 'yung gutom ko,"
"Okay, sabi mo e."
"Why are you wearing that?" napatigil ako sa pag-inom ng mix drink na hawak ko dahil sa biglang tanong niya.
"Why? I like what I'm wearing. Hindi ba bagay sa'kin?" I raised my eyebrows at him. He didn't answer me. Nakatitig lang siya sa'kin. After a few seconds na hindi pa rin siya nagsasalita, maglalakad na sana ako paalis nang hawakan niya ako sa pulso at hatakin palapit sakaniya.
Nagulat ako dahil sa ginawa niya. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Napalunok ako dahil sa way nang pagtitig niya sa'kin. Tapos parang nag-flashback sa'kin 'yung gabi na may mangyari saming dalawa. He's staring at me the way he was staring at me that night.
It's like I'm the only one that matters to him.
It's like I'm the center of his world.
It's like he feels the same way that I feel about him.
"Anong ginagawa mo, Atlas." Sabi ko sakaniya. Natatakot ako dahil nasa labas lang sila Steven at Chloe and any minute, puwede silang pumasok dito at makita kaming dalawa!
"I don't like how I'm feeling right now." He said before pulling me in for a hug.
W H A T Y A S E Y
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro