Chapter 08
THE NEXT few days, I just busied myself by working—kahit na never talaga akong naging busy sa work ko. Sa totoo lang, para lang akong naglalaro. May ipapa-check lang sila sa'kin if busy lahat ng staff, or minsan naman, konting suggestions sa marketing or whatever.
Imbis na ma-excite tuloy ako sa work, mas lalo lang akong naiinip kasi parang di seryoso 'yung pagta-trabaho ko. Pero pinilit ko talaga for the past few days na mas maraming iambag. Kasi konti nalang talaga, sasabihin ko kila Mama at Papa na lilipat nalang ako ng ibang company—'yung hindi samin—para talaga magamit ko lahat nang napag-aralan ko. Sayang naman kasi!
By 5 PM, pauwi na ako sa condo – which is himala kasi usually pinapauwi nila ako nang maaga. Dumaan muna ako sandali sa grocery to buy some stuff, kasi paubos na 'yung stocks ko sa bahay. At saka, may usapan kami ni Steven na mag-dinner mamaya, pero dahil late na siya makakauwi, I suggested na magluluto nalang ako tapos sa condo ko nalang kami mag dinner.
It's been more than a month now since I started dating Steven, and so far, we're doing well – which I didn't really expect. Kasi 'di ba, we just met through Tinder—kung saan sobrang hirap humanap ng guy na who wants to really date you and not just for sex or become your FuBu. Kasi let's face it, sa dating apps or sites, sobrang dami talagang mga gano'n ang hanap. Hindi man lahat but most of them.
I decided to cook a grilled breast with mashed potatoes and salad. Napansin ko kasi na health-conscious si Steven, at madalas puro healthy foods ang ino-order niya kapag kumakain kami sa labas. Nag-linis na rin ako ng condo ko kasi nakakahiya naman kay Steven. Actually, first time niyang makakapasok dito sa condo ko. Dati kasi, sa tapat lang ng condo ko niya ako hinahatid or minsan naman nagdadala ako ng sarili kong sasakyan tapos nagkikita nalang kami sa meeting place namin.
Nasanay na rin ako na palagi siyang busy, or minsan naman, may plano na kaming lakad tapos may biglaang flight siya. Gets ko naman na mas priority niya 'yung work niya and we just started dating for a month. Hindi naman din ako 'yung clingy type!
Sometimes I get sad. But I always try to understand.
Steven texted me and said na kaka-land lang nila and he'll be on his way after. I got excited kasi matagal-tagal din kaming hindi nagkita. And every country na pinupuntahan niya palagi niya akong binibilhan ng ref magnet as a souvenir! Sabi niya kasi, iniisip niya palagi na kasama niya ako sa mga bansang napupuntahan niya kaya bumibili siya ng souvenir na parang nag punta talaga kami doon.
He also asked me kung gusto kong mag out of the country trip kasama niya. Siyempre pumayag ako, pero sabi ko tsaka na muna. Kasi alam kong hindi ako papayagan nila Papa, lalo na't hindi ko pa rin pinapakilala si Steven sakanila. Baka bigla akong pabalikin ni Papa sa Laguna!
Sinabi ko nalang kay Steven kung anong room at saang floor 'yung unit ko. I was waiting patiently for him when I heard a knock on the door.
Halos tumakbo na ako papunta sa pinto, nagugutom na rin kasi ako! Ang bango pa naman noong chicken kaya mas kumakalam 'yung sikmura ko!
"Hey." He greeted me upon opening the door. He was smiling at me while I stood there with wide eyes open, and my mouth was slightly parted.
He looks so hot wearing his uniform!
"Wow." That's all I can say. I heard him chuckle before he tousled my hair.
"Cute," sabi niya sa'kin, habang nakangiti na parang natutuwa pa siya na nagd-drool ako sa kasexy-han niya! Which is totoo naman kasi! Ang hot niya sa suot niyang pilot uniform!
"I thought you didn't want me to see you wearing your uniform!"
"You really think I'll disappoint my girl and make her feel sad?" He grinned enticingly. Kinilig naman ako sa sinabi niya! Siyempre, aarte pa ba ako?
Akala ko kasi talaga hindi siya papayag. Kasi tinext ko siya kanina – last minute na – na gusto ko siyang pumunta dito na nakasuot ng pilot uniform, pero ang reply niya sa'kin, ayaw raw niya kasi gusto raw niyang fresh siya pa dating dito kaya magpapalit siya nang suot niya.
Medyo nalungkot ako kanina kasi first time kong humiling sakaniya tapos di siya pumayag, pero 'yun pala isu-surprise niya ako!
'Di mawala 'yung ngiti sa labi ko! Kilig na kilig ako siyempre!
Sobrang hot lang niya! Para siyang si Leonardo DiCaprio sa may movie na Catch Me If You Can! Gano'n 'yung level nang hotness ni Steven ngayon! I mean, hot na siya kahit hindi siya nakapang pilot uniform, pero ngayon, mas lalo pa siyang naging hot tignan!
Ang dumi dumi na nang mga naiisip ko, pero siyempre, hindi ko masyadong pinapahalata. Lalo na at nandito kami sa condo ko, mamaya kung ano pa mangyari after ng dinner namin!
Nakakahiya kasi simple lang 'yung suot kong dress tapos medyo kinulot ko lang 'yung buhok ko. In short, hindi ako masyadong nag-effort! Kasi naman, nambibigla si Captain Steven!
"This tastes so good!" he said when he took a bite of his food.
I smiled at him, "Really?" marunong naman ako mag luto, pero dahil mag isa lang naman ako kaya minsan tinatamad ako mag luto.
"Really." He replied, before taking another bite. Kilig nanaman ako kasi siyempre, halatang gustong gusto niya 'yung niluto kong pagkain. Akala ko kasi nangangalawang na 'yung cooking skills ko!
"We should probably start eating here at your place more often," he suggested, grinning at me. Napalunok ako, ang dumi na talaga ng utak ko! My gosh!
"S-sure!" I agreed. Parang natuyo 'yung lalamunan ko. Imagine this: I'm having late dinner with a sexy pilot who is staring at me sexily!
Kalma ka lang, self!
After namin kumain ng dinner, Steven volunteered to wash the dishes. Ayaw kong pumayag, but makulit talaga siya, kaya here I am, watching his broad and sexy back while washing the dishes—still wearing the uniform!
Grabe, how can someone be this smoking hot?
I never imagined that this day would come true. That one day, I will be able to date a guy who's wearing a pilot's uniform. Ang gusto ko lang naman makahanap ng decent guy – kahit hindi piloto, kasi naisip ko na puwede naman siyang mag rent nalang ng pilot uniform. Grabe, kung ano anon ang naiisip ko!
Sandaling lumingon si Steven sa'kin at ngumit. Nginitian ko rin siya pabalik habang pinagnanasahan — I mean, pinagmamasdan 'yung likod niya! Nakasuot siya ng apron over his uniform, dahil baka madumihan 'yung uniform niya, puting puti pa naman.
Bigla kong naalala si Atlas, bukod tanging si Atlas lang ang nakapag-suot kasi niyang apron sa lahat ng kaibigan kong lalaki – kasi si Atlas lang din naman ang may ganang mangalikot mag-isa sa kitchen ko! But now... Steven is taking the second place.
We were sitting on my couch while watching Friends on Netflix. Sobrang lapit namin sa isa't isa, amoy na amoy ko 'yung pabangon niya habang pinaglalaruan niya 'yung mga daliri ko. Tapos nakasandal 'yung ulo ko sa dibdib niya habang nakaakbay siya sa'kin.
Steven never made me feel uncomfortable sa lahat ng date namin. Kahit saan pa kami mag punta. He always makes sure na gusto ko 'yung gagawin, kakainin at pupuntahan namin. Hinahayaan niya ako palagi na masunod sa pupuntahan namin.
He really is a gentleman.
Even the way he touches me, it's very comforting.
He makes sure na ingat na ingat siya sa kilos na gagawin niya sa'kin. Akala ko nga dati, hindi siya na-aattract sa'kin, I mean, ang sexy ko kaya! Tapos parang hindi siya na-a-attract sa katawan ko! Pero 'yun pala, gusto lang niya ay may approval ko muna bago siya may gawin. The farthest thing that we did was just make out!
Although ang hot niya ngayon at parang gusto ko nalang siyang hatakin papasok sa kuwarto ko e siyempre, self-control pa rin!
"By the way..." I said, busy pa rin siya sa paglalaro sa mga daliri ko habang nanonood kami.
"Hmmm?"
"Are you free next weekend?"
"Why? What's up?"
"I want you to meet my friends. We were going on a trip. I just thought you might want to come with us?" I asked, smiling. Nakatingala ako habang nakatingin sa mukha niya. Nakatingin din siya saakin habang hinahantay ko 'yung sasabihin niya.
Then a smile appeared on his face before nodding his head. "Of course, I would love to." He answered before planting a kiss on my forehead.
I just wish na tama 'tong desisyon ko na isama si Steven. Usapan kasi namin, kaming anim lang ang magkakasama. And then there's Atlas, too. Obvious naman na ayaw kay Steven, kahit na hindi ko alam kung bakit ang init nang dugo niya sa tao e wala namang ginagawang masama sakaniya. Ako nga kahit iritang irita sa boses at pananalita ni Chloe, pinagtitiisan ko pa rin at pinapakisamahan!
Bahala na nga!
Kakausapin ko nalang sila Pearl, tutal gusto rin naman nilang makilala si Steven. So why not invite him along with us, 'di ba? Bahala na si Atlas. Hindi naman siya ang nagplano nitong road trip namin sa Tagaytay!
#
"Yes, girl! Of course, puwedeng puwede!" masayang sabi ni Elsie.
"Dapat nga, isa-suggest ko talaga na isama mo si Steven para ma-meet na namin siya e," sabi naman ni Pearl.
"Talaga? 'Di ba nakakahiya kila Milo kasi 'di ba usapan natin tayo-tayo lang,"
"Why ka naman mahihiya sa mga 'yun, girl?!" Elsie said while laughing because of what I said.
"Kaya nga! Akong bahala sa mga 'yun! Kapag ayaw nilang pumayag edi iwan nalang natin sila," Pearl suggested at nagtawanan naman kaming tatlo. Sabagay, bakit ba ako mahihiya sa mga 'yun. Ako nga ang nagplano nitong troad rip namin at ako rin ang sumagot sa rest house namin, kaya bakit ako mahihiya.
But then again, naisip ko bigla si Atlas.
"Oh, bakit biglang ganyan itsura mo, girl?" Elsie's forehead creased. Hindi ako sumagot.
"Ano pa ba. Edi iniisip na naman niya 'yung best friend niya." Pearl answered on my behalf before rolling her eyes at me.
I sighed, "Promise talaga after this trip, move on na ako sakaniya!" I exclaimed, pero tinignan lang nila akong dalawa na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Gawin mo. 'Wag puro salita."
"Alam mo, ang kontrabida mo talaga, Pearl!" sabay irap ko sakaniya. Inabot ko nalang 'yung iced coffee ko.
"May pool ba 'yung rest house natin?" tanong naman ni Elsie.
I nodded at her, "Yap! Dala kayo ng bikini!" I replied. Sumimangot naman si Pearl.
"Sana all sexy. Sana all my dibdib at malaking puwet!"
"Nahihiya ka lang kasi, pero sexy ka rin naman!" I retorted.
"Anong sexy sa flat chested tapos wala pa akong balakang. Kainis!" inis na sabi niya. Sexy naman kasi talaga si Pearl, hindi lang talaga siya confident sa katawan niya. Hindi siya kagaya namin ni Elsie na confident, kasi hindi naman namin iniisip 'yung sasabihin ng iba.
"Tayo-tayo lang naman nandun girl, kaya 'wag ka nang mahiya," pagkumbinsi ni Elsie kay Pearl at in the end pumayag din si Pearl.
Nag-usap usap lang kami sa mga puwede naming gawin sa Tagaytay. Yung SUV nila Elsie ang gagamitin namin dahil 7 lang naman kami at kasya na kami doon. Mas na-excite tuloy ako sa road trip namin!
Pag-uwi ko sa condo after namin mag-usap nila Pearl at Elsie, maya maya lang ay nakita kong tumatawag si Atlas sa'kin.
I grabbed my phone and answered his call.
"Hello?" sabi ko pagkasagot ko nang tawag niya.
"Hey, I've heard from Pearl that you're bringing that guy..." napapikit ako dahil sa sinabi ni Atlas, ang bilis namang mamalita ni Pearl! Kanina lang kami nagkausap, e!
"Oo, bakit?" kalmadong tanong ko.
"Okay," reply niya sa'kin. Akala ko magagalit siya na isasama ko si Steven, e! Pero nagulat ako sa susunod na sinabi niya."
"I'm bringing Chloe with me."
Great! Just great!
W H A T Y A S E Y
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro