Chapter 07
INAALALAYAN AKO nila Elsie at Pearl habang naglalakad kami palabas sa bar. Hindi ko alam kung alam ba nila Atlas na uuwi na kami. Hindi ko na rin kasi sila tinignan pa ulit.
Malaki na siya. Alam na niya 'yung ginagawa niya.
"Milo, paalalayan naman si Gael para makapag-book ako ng grab," Elsie said. Agad namang lumapit si Milo para alalayan ako para hindi ako matumba.
Ang sakit ng ulo ko. Para akong masusuka na ewan.
"Hindi na talaga ako iinom ulit!" I said to myself, but I know that I'm only lying to myself—again. Dahil ganito naman ang palagi kong sinasabi kapag nararamdaman ko na 'yung hangover. Sasabihin ko sa sarili ko, hindi na ako iinom pero kapag nag-aya sila ng inuman, G naman ako agad!
Ako lang ang bukod tanging lasing samin. Lahat sila ay matitino pa at diretso pa maglakad. Sabagay, halos magda-dalawang oras palang kami dito, pero ang bilis kong naubos mag-isa 'yung isang bote ng Cuervo.
Ang tanga lang talaga, self!
11 PM palang, pero paalis na kami sa bar. Ang aga pa! Usually kasi, mga bandang 3 AM na kami umuuwi kapag nagha-hang out.
Pero alam kong kasalanan ko kung bakit nasayang 'yung pagpunta namin dito. We were supposedly enjoying and hanging out, but I ruined it. Dahil sa ka-gagahan ko.
"Are we going home already?" I heard Chloe's voice, a bit annoyed. Hindi ko alam kung normal ba na ganyan katinis 'yung boses niya, kasi naiirita ako kapag naririnig ko siyang nag-sasalita!
Kahit na masakit ang ulo ko, nagawa ko pa ding umirap. Napalingon ako kay Pearl na nasa kaliwa ko at nakita kong nakatingin pala siya sa'kin.
Nakita yata niya 'yung pag-irap ko dahil nagpipigil siya nang tawa niya habang nakatingin sa'kin. Gaya ko, baka naiinis din siya sa pananalita ni Chloe.
Sinamaan ko nang tingin si Pearl, dahil baka mahalata siya ni Atlas, na ngayon ay nasa harapan ko na. Nakakapit si Chloe sa braso ni Atlas na parang linta. Parang akala mo e mawawala si Atlas pag bumitaw siya.
"Pagod na raw si Gael. Gusto nang umuwi, kayo ba?" Pearl said.
"Let's stay here pa, baby... I just got here. I don't want to go home yet," sabi naman ni Chloe kay Atlas while pouting at nagbe-baby talk. She was tugging at Atlas' arms na parang bata.
I tried so hard not to roll my eyes in annoyance.
Kairita. Parang bata.
Ipinikit ko nalang 'yung mata ko— kaysa makita ko silang dalawa sa harapan ko, tapos sinandal ko sa braso ni Milo'yung ulo ko na nakaalalay pa rin sa'kin. Ang tagal naman noong grab namin!
Um-oo naman si Atlas, kaya narinig ko nanaman 'yung boses ni Chloe na sobrang tinis! Arg!
"Yay! Thanks, babe. Come, let's go back inside!" She squealed.
Seriously? Wala na bang mas ititinis pa 'yang boses niya?
Kahit nakapikit 'yung mata ko e, napapairap pa rin ako. Mabuti nalang talaga nakapikit 'yung mata ko kasi feeling ko 'di ako makakapag-timpi hindi mapairap.
Hindi ko alam kung umalis naba si Atlas at Chloe dahil nakapikit pa rin 'yung mata ko. But then I smelled Atlas – alam ko 'yung pabango niya kahit nakapikit 'yung mga mata ko. Ramdam ko 'yung presence niya sa harapan ko. Alam kong nag-uusap sila ni Milo dahil naririnig ko 'yung bulungan nila, pero hindi masyadong marinig.
"Go kana! Baka hinahanap ka na ng Chloe mo!" rinig kong sigaw ni Pearl. There's a hint of something sa tono ng boses ni Pearl.
Hindi ko pa rin minu-mulat 'yung mata ko. Narinig ko nalang na nag-paalam si Atlas, kaya binuksan ko na 'yung mata ko. Sinubukan kong tumayo. Nakaalalay pa rin si Milo sa'kin.
Eksakto naman na dumating na 'yung grab namin kaya nakaalis na kami.
#
"Samahan ka nalang kaya namin dito, girl." Elsie said, with a concerned look on her face.
"Oo nga. Sleepover nalang kami tonight," Pearl added.
Ngumiti ako nang tipid bago ako umiling, "Hindi na. Kaya ko naman 'yung sarili ko. Hindi na bago sa'kin 'to," then I chuckled. Pero hindi pa rin nawawala 'yung pag-aalala sa mga mukha nila.
"Don't hesitate to call us if you need us, okay?" Milo said. I gave them a smile to assure na kaya ko naman 'to. Konting sakit lang sa ulo 'to, pero kakayanin.
Umalis na rin sila pagkatapos, dahil nag-hihintay pa 'yung grab nila.
Ang lakas nang loob kong sabihin na kaya ko, pero pagdating nang 12 AM, hindi ako matigil sa pag-tatawag nang uwak sa toilet bowl.
Nanghihina na ako tapos sobrang sakit pa ng ulo ko. Dati naman kaya ko 'yung hangover ko. Minsan dinadaan ko nalang sa tulog tapos sa umaga na ako kakain ng soup para gumaan 'yung pakiramdam ko, but tonight, naninibago ako kasi hindi naman ako ganito malasing.
Ang taas nang tolerance ko sa alcohol, nabigla yata yung sistema ko dahil ang tagal na simula nang huli akong uminom.
Halos hindi na ako makatayo sa tabi ng toilet bowl, ang baho na rin sa loob dahil sinuka ko na lahat nang puwede kong isuka. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Kung 'yung kirot ng ulo ko o 'yung sakit ng sikmura ko kakasuka.
Sinubukan kong tumayo para sana sa bathtub nalang ako hihiga para in case na masuka ulit ako, nasa tabi ko lang 'yung toilet bowl. Ayaw ko namang sumuka ako sa kuwarto ko! Mas kadiri 'yun.
Kumapit ako gilid ng bathtub para tumayo nang marinig kong may kumakatok. I squeezed my eyes shut. My head is throbbing with pain. Pakiramdam ko babagsak na ako nang tuluyan.
Hindi ko pinansin 'yung kumakatok dahil akala ko guni-guni ko lang 'yun, pero mas lumakas 'yung pagkatok sa pintuan tapos narinig ko 'yung boses ni Atlas na tinatawag 'yung pangalan ko.
With unbearable pain in my head, nagawa kong maglakad papunta sa pintuan. Sumilip muna ako sa peephole to make sure na hindi ako nagha-hallucinate sa naririnig ko. At nakita ko nga si Atlas sa labas ng pintuan ko, kaya agad kong binuksan 'yung pinto.
Akala ko ba magi-stay sila sa bar kasama ni Chloe?
"Anong ginagawa mo dito?" kunot noong tanong ko. I leaned on the doorknob to balance myself. I'm pretty sure that I look like a shit dahil na rin sa pagtitig ni Atlas sa'kin. His lips are slightly parted. Mapungay 'yung mata ko habang nakatingin din sakaniya. Ngayon ko lang siya natitigan simula kanina dahil pilit kong iniiwasan tumingin sa gawi niya.
"I was worried about you," diretsong sabi niya habang nakatitig sa'kin. Ramdam ko 'yung pagbilis nang tibok ng puso ko.
Kumalma ka nga, Abigael Lauren!
Malamang nag-aalala siya kasi best friend ka niya. 'Wag kang umasa, may Chloe na 'yan! I reminded myself.
"S-si Chloe?" I almost choked while asking that. Nakita ko na nagbago 'yung expression niya.
Bakit ba kasi ang gwapo niya! Medyo gulo-gulo 'yung buhok niya, pero mas naging gwapo lang siya lalo! Naka suot lang naman siya ng white shirt over a leather jacket tapos naka black jeans, pero ang lakas na nang dating niya! Ganito naman usually mga pormahan ni Atlas, pero ngayon parang mas lalo siyang naging hot sa paningin ko.
Lasing lang yata ako kaya kung ano-ano nanaman napapansin ko.
"Umuwi na." at saka siya nag-iwas nang tingin. Mas lalong kumunot 'yung noo ko dahil pakiramdam ko nagsisinungaling siya. Sa tagal ba naman naming magkakilala, alam na alam ko na 'yung mga ganyang kilos niya. Hinayaan ko nalang at hindi na ako nagtanong pa.
"Ahh, okay..."
Hindi ko na alam sasabihin ko at biglang naramdaman ko na kailangan kong sumuka ulit dahil naramdaman ko 'yung pagtaas ng acid sa lalamunan ko. Tumalikod ako at naglakad paalis, hinayaan kong bukas 'yung pinto para makapasok siya.
I almost ran to the bathroom dahil palabas na 'yung suka ko at mabuti nalang umabot ako. Nakasubsob 'yung mukha ko sa toilet bowl, habang nilalabas lahat nang puwede kong ilabas. Konti nalang pati lamang loob ko isuka ko na rin!
Sobrang drain na ng katawan ko. Hinang hina na ako.
Naramdaman ko nalang 'yung dahan dahan na paghagod ni Atlas sa likod ko. Bigla akong nahiya. Hindi ko alam, pero dati naman normal nalang na makita niya akong sumusuka, pero ngayon, ramdam na ramdam ko 'yung hiya dahil nakikita niya akong nagsusuka.
Oh, my gosh!
Agad kong pinindot 'yung flush para hindi na niya makita pa.
"Labas kana. Kaya ko na 'to," mahinang sabi ko pagkatapos kong punasan 'yung bibig ko ng towel.
Akala ko aalis na siya, pero hinawakan lang niya 'yung buhok ko para hindi mapunta sa mukha ko. Napatingin ako sakaniya at hindi ko mabasa 'yung expression sa mukha niya. Seryoso lang siya habang nakatingin sa'kin.
"Maghilamos ka na muna," utos niya. Hindi ako sanay na ganito siya kaseryoso makipag usap sa'kin, kaya sumunod nalang ako. Naghilamos ako ng mukha at nag toothbrush na rin—dahil alam kong bad breath na ako kakasuka—habang hawak hawak pa rin ni Atlas 'yung buhok ko sa likod para hindi mapunta sa mukha ko habang naghihilamos ako.
"Thanks," sabi ko at tipid na ngumiti sakaniya nang matapos ako. Hindi siya nagsalita hanggang makalabas kami sa washroom.
Naglakad ako papasok sa kuwarto ko. Akala ko susundan din niya ako, pero nakatayo lang siya sa labas ng pintuan ng kuwarto ko hanggang sa makahiga ako.
"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko. Medyo gumaan na kahit papano 'yung pakiramdam ko dahil nailabas ko na lahat, pero nanghihina pa rin 'yung katawan ko.
Nakabukas 'yung ilaw ng kuwarto ko kaya kitang kita ko kung paanong nag-iwas nang tingin si Atlas na parang nahihiya.
Naalala niya siguro 'yung nangyari noon.
Hindi siya sumagot at naglakad lang siya paalis. Medyo nalungkot ako, dahil nag-expect nanaman ako. Napabuntong hininga ako bago ko pinikit 'yung mata ko para matulog.
Sabagay, mag-a-ala una na at babyahe pa siya pauwi. At saka baka pagod na rin siya.
Nakapikit lang 'yung mata ko, pero hindi pa rin ako dinadalaw nang antok. Hanggang sa may maamoy ako na mabango. Bumangon ako sa pagkakahiga para tignan kung saan nang-gagaling 'yung amoy, pero laking gulat ko nang makita ko si Atlas na nasa kusina at busy sa pagluluto.
Naka white shirt nalang siya ngayon at may suot ng pink apron ko. I silently giggled while watching him busy cooking. Nakatalikod siya sa'kin. Ang cute lang niyang tignan!
Paano ako makaka-move on kung ganito siya sa'kin?
Is there any way to move on from your own best friend? Kasi parang ang labo.
Either I avoid him, for me to be able to move on, or I'll stay beside him, and just let myself suffer more from heartbreak.
I was startled nang humarap siya sa'kin. Nginitian ko nalang siya nang tipid.
I stammered, "A-akala ko umalis kana,"
"Hindi naman kita kayang iwan nalang basta," sagot niya. Sa isip isip ko, naiwan nga niya ako kanina dahil lang nandyan si Chloe.
"Inumin mo muna 'yang gamot. Patapos na rin 'tong soup," dagdag pa niya. Tumango ako at saka ko inabot 'yung tubig at gamot na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at saka 'yun ininom. Umupo muna ako sa upuan habang hinihintay matapos si Atlas sa pagluluto.
Nakatingin ako sa likod niya habang hinahalo niya 'yung soup na niluluto niya. Ang sexy niya kahit nakatalikod lang siya. Ang daya! Napansin kong mas naging buff 'yung katawan niya. Mas lumapad 'yung likod niya tapos mas naging firm pa 'yung biceps niya.
Sabagay, tambay siya sa gym ng condo nila. Akala ko kasi nagpupunta lang siya doon para makahanap ng chiks niya, pero mukhang nag-gi-gym naman pala talaga siya.
Maya maya pa at nag salin na siya sa isang mangkok at inilapag sa harapan ko. I heard my stomach rumble, I'm famished. Ang bango pa nang niluto niya kaya mas nagutom ako. Marunong mag luto si Atlas dahil simula college kami, naka hiwalay na kami sa magulang namin.
"Hindi ka ba kakain?" tanong ko sakaniya. Nakaupo siya sa harapan ko habang nakatingin lang sa'kin habang kumakain ng soup niya. Mas naging magaan 'yung pakiramdam ko nang malagyan nang laman 'yung sikmura ko.
"Para sa'yo talaga 'yang niluto ko," sagot niya. Kinilig naman ako nang very, very light.
"Parang tanga..." nagulat ako dahil napalakas 'yung pagkakasabi ko nun. The side of his lips rose. Tapos mahina siyang tumawa, kaya natawa na rin ako.
"Na-tanga pa ako," pabirong sabi niya, habang natatawa.
"Joke lang naman! Ayaw mo kasing kumain, 'di ko naman mauubos lahat 'yang niluto mo,"
"Kailangan mong ubusin lahat 'yan." Biglang nagseryoso ulit 'yung boses at mukha niya. Napatulala tuloy ako dahil sa sinabi niya.
"Biro lang!" sabi niya at tumawa ulit. He tousled my hair. "Pero kumain ka ulit niya mamayang pag gising mo," he added. Nag thumbs up ako sakaniya habang nakangiti.
Na-miss ko 'to.
'Yung nag-aasaran lang kami. Tapos magkaka-pikunan, pero magbabati rin sa huli.
Pagkatapos kong kumain, si Atlas ang nag ligpit nang pinagkainan ko habang sapilitan niya akong pinabalik sa kuwarto ko para makatulog na ako.
He was busy cleaning in my kitchen while I was lying on my bed. Maayos na rin 'yung pakiramdam ko. Sa tingin ko naman pag gising ko mamaya hindi na ako mahihilo – fingers crossed!
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at hindi ko na nahintay matapos si Atlas sa pag-aayos sa kusina. Nabusog din kasi ako sa niluto niyang soup.
Pag gising ko sa umaga, wala na si Atlas sa condo ko. Malinis na ulit sa kusina tapos pati 'yung washroom ko malinis at wala na 'yung amoy suka. Tipid akong napangiti dahil sa ginawa niya.
Nagpunta ako sa kusina para kumain noong soup na niluto niya kagabi nang makita kong may note na nakadikit sa ref.
Eat the soup and drink lots of water. 'Wag ka munang lumabas ngayon at magpahinga ka lang diyan. I'll visit you later! – Atlas
Hindi mawala 'yung ngiti sa labi ko dahil sa note niya. Dati naman nagsasawa na ako dahil araw-araw kong nakikita si Atlas, pero ngayon, nae-excite ako dahil alam kong pupuntahan niya ako dito mamaya!
Iinitin ko sana 'yung soup nang mapansin kong mainit pa rin 'yung soup hanggang ngayon. Nagtaka ako kasi kagabi pa niya 'to niluto 'to. Unless... kakaalis lang din niya kani-kanina! At ininit niya ulit 'to bago ako magising.
Tignan mo, sinong hindi magkakagusto kapag ganyan siya kaalaga sa'kin!
Sinunod ko 'yung sinabi ni Atlas at nagpahinga lang ako buong araw at hindi ako umalis sa condo habang hinahantay siyang dumating. Pero, gabi na at wala pa ding Atlas na dumadating...
W H A T Y A S E Y
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro