Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 06

"ANONG BALITA sainyo ni Steven?" Pearl asked. Magkakasama kaming tatlo ngayong lunch. I invited them because I was missing them and was bored in the office. Mabuti nalang din at hindi naman malayo 'yung company nila kung saan sila nagtatrabaho kaya nakakapag kita kami ng lunch.

"It's going really well, actually." Sagot ko. Totoo naman. Mas nakilala pa si Steven, lalo na at halos kaming dalawa ang palaging magkasama kapag wala naman siyang byahe.

"So, ipapakilala mo na siya kay Tito Aero?" Elsie asked. Nakatingin silang dalawa sa'kin habang hinahantay 'yung sagot ko.

I shrugged at them, "Di ko pa alam," I honestly said. Totoo naman kasi, hindi ko alam kung ready na ba akong ipakilala si Steven. Kung saka-sakali kasi, siya ang unang lalaking makikilala nila Papa.

"Gusto ko naman si Steven, I mean, what's not to like? He's so nice and thoughtful. He's very sweet and a gentleman... pero hindi pa kasi talaga ako sure? Ayaw ko namang ipakilala siya tapos biglang magbago isip ko," paliwanag ko pa. They nodded their heads at the same time, as if they understood how I felt.

Inabot ko 'yung avocado shake ko at ininom 'yun. "Pero girl, bakit naman magbabago isip mo? Is it because of Atlas? Are you still not over him?" napabuntong hininga ako dahil sa tanong ni Elsie.

Am I over him?

I am trying, though.

Hindi naman kasi madali.

Hindi naman basta gano'n na mawawala nalang 'yung nararamdaman ko sakaniya.

Ilang taon ko nang tinatago 'yung nararamdaman ko sakaniya at ilang taon ko na ding pilit na tinatanggal 'yung nararamdaman ko para sakaniya pero... ang hirap. Sobrang hirap.

Palagi kaming magkasama.

Iisa ang mga kaibigan namin.

Hindi naman ako puwedeng umiwas nalang basta sakaniya.

"I'm really, really trying," I answered.

"Try harder," Pearl said. Nakatingin silang dalawa sa'kin na parang naaawa, but at the same time, alam din nila kung gaano akong nahihirapan sa sitwasyon ko.

Elsie pats me on the back, "You'll get there... You'll be able to move on din girl, "she stated. I gave her a soft smile. She then hugged me on my side.

"Basta nandito lang kami palagi, okay?" Pearl said before hugging me, too.

#

Maaga ulit akong pinauwi ng supervisor ko. Minsan nga naiisip ko na baka ayaw lang nila akong nandoon kaya palagi nalang nila akong pinapauwi nang maaga.

Pag-uwi ko sa condo, naghilamos agad ako at nagpalit ng comfy clothes tapos ay kumuha ng popcorn at nanood ng movie sa Netflix. Hindi ko alam, pero bigla nalang parang ang tamlay ko.

Nag-o-over think nanaman ako.

Hindi ko kasi maiwasang hindi isipin na ma-guilty dahil kay Steven. I'm dating him, yet I know that I still have feelings for Atlas.

Pero nag-mo-move on naman na ako.

I swear!

After noong pagtambay namin sa Little Birds, hindi na ulit kami nagkita. Hindi na rin siya nagpupunta dito sa condo ko. Hindi na rin niya ako tinatawagan para mangulit o mang-bwisit. Pakiramdam ko nga iniiwasan niya ako, e. Pero hindi ko alam kung anong nagawa ko sakaniya para iwasan niya ako.

Naging okay na kami ulit e tapos biglang iiwas nanaman siya.

Ang labo rin niya minsan, e.

Friday came, and I got a call from Elsie asking if I wanted to hang out. Pumayag naman ako agad. Ang tagal na rin simula nang makapag-bar kami. Nami-miss ko nang lumabas. Madalas kasi palagi nalang ako nasa condo ko after work.

"Hey, kanina pa kayo?" Tanong ko pagdating ko sa bar kung saan kami magkikita-kita. Hindi ko na dinala 'yung sasakyan ko dahil balak kong uminom ngayong gabi kaya nag-taxi nalang ako.

Na-miss kong uminom.

Baka kulang lang talaga ako sa alak kaya ganitong matamlay ako nitong nakaraang mga araw.

"Hindi naman. Kararating lang din namin." Sagot ni Pearl. Nasa isang table kaming apat. Si Milo lang ang kasama naming lalaki. Gusto ko sanang tanungin kung hindi ba sasama si Atlas samin but I opt not to ask.

Hindi ko naman kailangan malaman kung nasaan siya palagi at kung anong ginagawa niya.

Move on na tayo, self!

I need to set a boundary if I really want to move on from him.

"Tayong apat lang ba, Milo? Hindi ba sasama si Atlas at Cash?" Tanong ni Pearl, na akala mo nabasa niya 'yung nasa isip ko. Saglit siyang napatingin sa gawi ko.

"I don't know where the hell Cash is. He's been everywhere ever since Cynthia left. And as for Atlas—"

"What about me?" Atlas cut him off. Napalingon kaming lahat sa kadadating lang na si Atlas. Ang lawak nang ngiti niya habang nakatayo at nakatingin saamin – or rather, nakatingin sakanilang tatlo except sa'kin.

Hindi ko rin alam kung bakit ganito nalang siyang makaiwas sa'kin. Mag best friend pa rin naman kami kahit na nagmo-move on ako mag-isa.

"We thought you weren't coming," Elsie said to Atlas.

"Kailan pa ako hindi sumama sa pag-inom?" natatawang sagot niya. Nagtawanan silang lahat. I fake a laugh para makasabay ako sakanila at hindi nila mapansin na tahimik ako.

Nasa isang booth table kami na paikot. Kami ni Milo ang nasa magkabilang end nang upuan. Katabi ko naman si Pearl, tapos si Elsie, then Milo. Akala ko tatabi si Atlas sa tabi ko – kagaya nang dati pero sa tabi siya ni Milo naupo. Bali kaming dalawa na ang magkatapat ngayon.

Napabuntong hininga ako. Bakit ba napapansin ko 'tong maliliit na bagay na 'to! Dati naman parang normal at balewala lang sa'kin lahat nang kinikilos at ginagawa ni Atlas. Pero ngayon ultimo kung saan siya uupo, napapansin ko agad!

Nag-order na kami ng mga drinks namin. They ordered a bottle of Cuervo and Jack Daniels. Mukhang mapapasabak nanaman ang atay ko ngayong gabi!

Normal naman kaming nag-uusap usap at nag-aasaran kagaya nang dati. Pero ramdam na ramdam ko 'yung pag-iwas ni Atlas sa'kin. Kahit na madilim sa bar, kitang kita ko kung paanong hindi ako matignan sa mata ni Atlas.

Gusto ko siyang tanungin kung anong nagawa ko at bakit siya ganyan sa'kin.

Pinakaayaw ko pa naman 'yung feeling na merong may galit sa'kin tapos wala akong idea kung anong nagawa kong mali.

Parang hindi ako mapalagay dahil nago-over think ako.

"Gael, hinay hinay naman sa pag-inom. Baka ikaw na makaubos niyang Cuervo," sabi ni Milo kaya nakatingin silang lahat sa'kin ngayon. I glanced at Atlas at kagaya nila, nakatingin din siya sa'kin. Nag-iwas din ako agad nang tingin.

"Tagal kasi nating hindi nakainom e! Na-miss ko 'yung lasa ng alak," pagbibiro ko sabay tawa. Dinaanan ko nang tingin si Atlas. Hindi ko alam kung dahil ba madami na akong nainom pero nakita kong kumunot 'yung noo niya.

"Akala ko naman brokenhearted ka kaya kung makainom ka wagas," Pearl commented.

"Ako? Broken? Hindi ah..." I scoffed. "Sayang ganda ko kung magiging broken lang ako," I added, then flipped my hair. Nakipag-high five naman sa'kin sila Els at Pearl.

"Sabagay may Steven ka nga pala, girl! Kaya malabong maging broken ka," Elsie commented while laughing.

"Go girl!" they cheered for me. Nagtatawanan kaming mga babae habang 'yung dalawang lalaki na kasama namin napapailing nalang samin.

Naninibago ako kasi usually may rebut agad si Atlas kapag may comment akong ganito pero ngayon... Wala siyang imik.

Nag-uusap usap lang kami habang nag-iinom nang biglang may lumapit na babae sa table namin. Tatanungin ko sana kung anong kailangan niya nang biglang tumayo si Atlas. The girl immediately wrapped her arms around his neck and kissed him on the lips.

Nanlaki 'yung mata ko sa gulat. Walang umiimik ni isa samin. Lahat kami nakatingin lang sakanilang dalawa habang naghahalikan sa harapan namin! They're kissing each other torridly, as if they're the only people in the bar!

Nanikip 'yung dibdib ko.

Sinabing magmo-move on na ko, e!

Pero bakit nasasaktan pa rin ako?!

Akala ko sanay na akong makita si Atlas nang may kahalikang iba. Ilang taon ko na rin naman na-witness halos lahat ng naging babae niya pero bakit hindi pa rin nasasanay 'yung puso ko masaktan.

Bakit ganito 'yung nararamdaman ko?!

"Oh, sorry!" sabi ni Atlas nang matapos silang dalawa—na parang wala silang ginawa sa harapan namin mismo! "By the way, this is Chloe. And Chloe, these are my friends. Milo, Pearl, Elsie, and... Gael," Pagpapakilala ni Atlas samin sa babae na kahalikan lang niya kanina! And she has a name!

Hindi ko alam kung bakit, pero nasaktan ako sa sinabi niya.

'Gael'

He never called me that. Siya lang ang tumatawag sa'kin na Abigael sa lahat ng kaibigan ko. Even my family doesn't even call me Abigael. But now... pinakilala niya ako as 'Gael'.

Nakipag kamay naman sila Els, Milo at Pearl, kay Chloe. She's really pretty and looks... decent?

I don't know.

She has a nice smile and she's wearing decent clothes kumpara sa mga ibang babae na nakita kong kasama noon ni Atlas na halos nakahubad na sila sa suot nilang damit.

"Hi Gael," Chloe said, smiling. Then she extended her hand to me.

Pilit akong ngumiti at inabot 'yung kamay niya. "Hi." Simpleng bati ko sakaniya.

Nagkatinginan kaming tatlo nila Pearl and Elsie – nagtataka. Ngayon lang din may ipinakilalang babae samin si Atlas. He'd been with a lot of women, but he doesn't introduce us to them. Sakaniya na rin kasi nanggaling na pang isang gabi lang 'yung mga babae na nakikilala niya.

At ayaw matahimik ng utak ko sa kakaisip kung bakit bukod tanging si Chloe lang ang pinakilala niya samin. Anong pinagkaiba niya sa ibang babae niya noon?

I quickly took the bottle of Cuervo and poured myself another shot. I immediately drank the cuervo from my shot glass. Ramdam ko 'yung pagguhit ng alak sa lalamunan ko. Wala nang laman 'yung bote ng Cuervo, ako lang halos ang uminom nun simula kanina.

Tumayo ako agad bago pa makaupo sila Atlas kasama namin. I suddenly felt this scary feeling inside my chest. I needed to leave...

"Gael, saan ka pupunta?"

"Washroom lang," sagot ko habang may pilit na ngiti sa mukha ko.

Nahihilo na ako at pakiramdam ko ay babagsak ako any minute. Malabo na rin 'yung paningin ko at halos hindi na ako makatayo nang diretso, pero pinilit ko pa rin 'yung sarili ko na tumayo at umalis. Kailangan kong umalis.

Muntik na akong matumba at nakakadalawang hakbang palang ako pero agad akong nahawakan sa bewang ni Atlas. Saglit ko lang siyang tinignan sa mata bago ko tinanggal 'yung pagkakahawak niya sa'kin.

"Kaya ko na," sabi ko sakaniya. Naglakad ako palayo sakanila. Kahit na hilong hilo ako, pilit kong hinanap kung nasaan 'yung washroom. Madami akong nabubunggong tao dahil kailangan kong dumaan sa dance floor. Madaming nagsasayawan. Sobrang siksikan at halos dikit dikit na ang katawan namin sa sobrang sikip.

"Sorry," sabi ko nang may mabunggo ulit ako. Sumandal muna ako sa isang sulok dahil hindi ko na kayang maglakad pa. Hindi na rin ako makapag lakad nang diretso!

"Okay ka lang, miss?" tanong noong lalaking nakabunggo ko.

Nginitian ko siya at pilit na tumango, "Okay lang ako. Salamat." Sagot ko.

Bakit ba kasi inubos ko mag-isa 'yung bote ng Cuervo!

Akala ko umalis na 'yung lalaki, pero nagulat ako nang hawakan niya ako sa bewang at pilit na inaalalayan. Sinubukan ko siyang itulak, pero mas lalong humigpit 'yung pagkakahawak niya sa'kin, "Ano ba! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko sakaniya pero parang useless lang din dahil sobrang lakas ng music sa loob ng bar.

Tinulak ko siya pero dahil ang dami kong nainom, nanghihina 'yung katawan ko. "Ihahatid nalang kita pauwi, miss." Sabi noong lalaki habang nakangiti sa'kin!

"No! Bitawan mo ako!"

Pilit niya akong hinahatak para sumama sakaniya, habang pilit ko siyang tinutulak. Ang daming tao sa bar, pero ni isa sakanila wala man lang nakakapansin na pinipilit akong isama nitong gagong 'to!

Sisigaw na sana ako nang biglang nakita ko nalang 'yung gagong lalaki na nasa sahig habang hawak-hawak 'yung panga niya. Nagdudugo na rin 'yung gilid ng labi niya. Nakita kong susugurin pa ulit ni Atlas 'yung lalaki, pero hinawakan ko siya sa braso para pigilan. Nakita kong tumawag na ng bouncers sila Elsie at pinadampot 'yung lalaki.

Nanginginig 'yung kamay ni Atlas sa galit. Ang lalim nang paghinga niya. "Atlas..." I called out his name at saka lang siya bumalik sa wisyo. Mabilis niya akong niyakap. "I'm sorry..." sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagso-sorry.

I was shaking in fear. Naramdaman ko nalang 'yung pagtulo nang luha ko. Nakayakap pa rin sa'kin si Atlas habang pilit akong pinapatahan sa pag-iyak.

Kasalanan ko naman talaga.

Umalis ako kahit na alam kong hindi ko naman kaya.

Masyado akong naging kampante sa sarili ko.

He cupped my face and said, "Stop crying, Abigael... it's not your fault that there are men out there who can't take no for an answer. And it's not your fault that he's an asshole!" He was staring intently at me. I nodded at him before he wiped my tears away.

Marahan niya akong hinalikan sa noo bago muling niyakap.

Naputol 'yung pagyayakapan namin nang biglang dumating si Chloe. Agad siyang lumapit samin ni Atlas, "Oh, my gosh! Are you okay?" tanong niya sa'kin.

Tumango ako, "Oo, Salamat." Sagot ko sakaniya at agad naman niyang ibinaling 'yung attention niya kay Atlas. Mabilis niyang hinawakan sa mukha si Atlas na parang chine-check kung may nangyari ba sakaniya.

Naglakad ako palayo kila Atlas at Chloe at nilapitan ko sila Elsie, Pearl at Milo na kanina pa nakatingin samin. Tipid akong ngumiti sakaniya, "Okay lang ako..." agad na sabi ko.

May sasabihin pa sana si Pearl pero nagsalita ulit ako. "Uwi na tayo. Pagod na ako."

W H A T Y A S E Y

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro