Chapter 05
MABILIS AKONG nag bihis and I made sure na mahaba 'yung suot kong damit!
Ang lakas nang tibok ng puso ko!
Pakiramdam ko aatakihin ako sa bilis nang pintig ng puso ko!
Tangina.
Bakit ba kasi pumasok siya dito sa kuwarto ko basta-basta!
Wala man lang pagkatok! Sobrang feel at home ng gago!
Ayaw kumalma ng puso ko! Ang pula pa rin ng mukha ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung mahihiya ba ako or what! Pero tangina kasi. Nakita niya ako nang nakahubad – hindi counted 'yung gabi na may nangyari samin dahil hindi naman niya maalala 'yun! But this... this is different!
Kitang kita ko 'yung mata niya kanina na nakatitig sa katawan ko!
I tried to calm myself, but to no avail. After a few more minutes, lumabas na rin ako sa kuwarto ko. Akala ko umalis na si Atlas pero nasa sala siya nakaupo habang nakatakip ang mukha sa palad niya at nakayuko.
Aba't mabuti naman at nahihiya siya sa ginawa niya!
"A-andito ka pa pala," pagbasag ko sa katahimikan. I don't know but I instinctively hugged myself, trying to cover myself from him – kahit na I'm wearing long sleeves and pj's!
Dahan-dahan, nag-angat siya nang ulo. I could see from his eyes how sorry he was. But his cheeks and ears are still red!
Proud naman ako sa katawan ko and I like to actually flaunt myself because that's how confident I am, but this is Atlas! Kahit naman mag best friend kami, hindi naman kami nag kikitaan ng katawan no!
"Sorry. I'm really, really, really sorry Abigael." sabi niya. Ni hindi siya makatingin sa'kin. Gano'n din ako. Parang automatic na umiiwas 'yung mata ko pagnapapatingin ako sakaniya.
"Okay," I replied, almost in a whisper. Nakatayo pa rin ako. Ayaw gumalaw ng paa ko.
"I swear, hindi ko alam na nagbibihis ka. You didn't lock the door,"
"Ano ba sa tingin mo gagawin ko sa sarili kong kuwarto?" medyo inis na sabi ko dahil parang kasalanan ko pang hindi ako nag lock ng sarili kong kuwarto, sa sarili kong condo.
My gosh! This is so awkward and embarrassing!
"Sorry." nakayuko pa rin siya. Nakatingin lang siya sa carpet.
"Gabi na." sabi ko. Gusto ko nalang na umalis siya. I sighed. I'm not used to being this awkward with Atlas.
I heard him sighed bago tumayo sa pagkakaupo sa couch. "Alis na ako," sabi niya. Sandali siyang napatingin sa mata ko, bago nag iwas agad nang tingin.
"Okay," I replied.
"Okay."
"Bye."
"Bye," he repeated unconsciously before walking his way out of my unit. And when I heard the front door close, I exhaled, not even aware that I'd been holding my own breath.
#
Ilang linggo kaming hindi nag-kita o nag-usap ni Atlas dahil sa nangyari. Mabuti nalang at walang nag-aya sa mga kaibigan namin na mag-lunch or mag-hang out – like what we used to do.
I was thankful na medyo occupied din ako dahil kay Steven – simula nang makabalik siya from London. Sabi kasi niya ay binigyan sila ng additional day off dahil sa nangyari sa eroplano nila sa London.
We were able to go out on a few more dates. I really like him. I admit naman na may doubt ako kay Steven after our first date – akala ko nga hindi na niya ako ko-kontakin e. But he was so interested and sincere towards me that I decided to give him the benefit of the doubt.
It was worth a shot naman.
And after going out for a few more dates, he really proved to me that he's trustworthy and sincere.
"Are you done with this, Gael?" tanong sa'kin ng supervisor ko. I nodded at him.
"Thank you. I don't think I have something else for you to do. So, you can go home if you want." He said, smiling.
I smiled back, "Okay po. Salamat!" sabi ko, bago siya lumabas sa opisina ko.
Actually, mas malaki pa 'yung office ko kaysa sa supervisor ko, actually. Sinabi ko naman kasi sakanila na hindi ko kailangan ng opisina dahil nag-a-assist palang naman ako sa pagma-manage dito but they insisted – or probably because they're aware na anak ako ng owner and they're giving me special treatment.
Inayos ko na 'yung gamit ko bago ako umalis ng office. 4 PM palang, pero pinauwi na nila ako. Wala naman akong balak puntahan, at 5 or 6 PM pa talaga ang uwian. Si Steven naman nasa flight palang ngayon pabalik dito sa Manila galing LA. Mamayang gabi pa siya makaka-land, kaya bukas pa kami makaka-pag date ulit.
I decided to just go to Little Birds because I was craving sweets. At saka, wala talaga akong ibang maputahan. Nakakainggit, buti pa sila Pearl magkakasama sila sa isang company. Kausapin ko nalang kaya sila Mama if puwede akong lumipat sa ibang company?
Hays.
Pagdating ko don, I ordered my usuals. Nakakapag taka nga kasi medyo madaming tao ngayon dito. Naupo nalang ako sa table sa isang sulok at saka nilabas 'yung airpods ko para manood ng Friends sa Netflix.
I tried not to laugh while watching, kahit na tawang-tawa ako sa ginagawa ni Joey at Chandler. Mabuti nalang pala at sa sulok ako naupo.
I was busy watching Friends while enjoying my cake when someone sat in front of me. Tinanggal ko 'yung left airpod na suot ko para sana kausapin kung sino man ang naupo sa harap ko at nang-iistorbo sa'kin, pero laking gulat ko nang makita kong si Atlas 'yung nasa harap ko.
"W-what are you doing here?" I don't know why I kept on stuttering! This is not normal anymore!
"Chill ka lang, self! Si Atlas lang 'yan!" I reminded myself.
"Friends?" he asked, giving me a small smile. He extended his hand to me.
Napangiti na rin ako. Akala ba niya hindi na kami magkaibigan dahil lang sa nangyari?
I held his hand and said, "Best friends." I was smiling widely.
Nakaka-miss din pala 'tong lalaking 'to kahit papano!
Nagulat ako nang biglang kumunot 'yung kilay niya na parang nagtataka sa ginawa ko. "What?" I asked, my brows arefurrowed in confusion.
Bigla naman siyang tumawa nang malakas, nagtinginan tuloy 'yung ibang customer samin! Tignan mo 'tong lalaking 'to! Ngayon nalang kami ulit nag kita tapos ang lakas agad mang-asar!
"Bakit ka ba tumatawa diyan?" I hissed at him.
"You're so cute. God, I've missed you." sabi niya while still laughing a little.
Agad namula 'yung pisngi ko dahil sa sinabi niya. Ang lakas din talaga nang toyo ng lalaking 'to! Tatawanan ako tapos biglang babanat nang gano'n! Ayaw tuloy kumalma ng puso ko!
Pagtapos niyang tumawa ay mahina niyang pinisil 'yung ilong ko tapos ginulo niya 'yung buhok ko. I bit my lower lip to stop myself from smiling like crazy!
"I asked if 'Friends' ba 'yang pinapanood mo at inabot ko 'yung kamay ko para ibigay mo sa'kin 'yung isang airpods para makanood din ako," explain niya. Naluluha pa siya dahil sa pagtawa niya.
Hindi naman ako nakasagot dahil sa sinabi niya.
Nakakahiya!
"But kidding aside, do you really think we're not best friends anymore just because of what happened that night? He asked. He looks nervous. Nag iwas siya nang tingin.
Gosh, puwede ko bang iumpog nalang 'yung ulo ni Atlas para makalimutan na niya 'yun?!
"H-hindi ah..." I denied it. Gusto ko nalang na bumalik kami sa dati na hindi nahihiya sa isa't isa. This is killing me! "Bakit ka pala nandito. Wala ka bang trabaho?" pag-iiba ko nang usapan. Medyo nag relax naman agad si Atlas.
It looks like we can never be the same as long as we can both remember that night!
"I craved something sweet."
"Ahh."
"Ikaw? Why are you here this early?"
"Pinauwi na nila ako nang maaga."
"Yeah?"
"Yeah," I replied.
I hate being this awkward with him! Hindi ako sanay at wala akong balak masanay sa ganito.
"This is really awkward. Can we just... forget that night?" I asked bravely, staring into his eyes. Para alam niyang seryoso ako na gusto ko nalang kalimutan 'yung gabing 'yun.
"Sure. I really don't like being awkward with you. And, just for your peace of mind, i didn't see anything. It was really dark in your room," tipid siyang ngumiti sa'kin. Alam ko naman sa utak ko na hindi totoong wala siyang nakita, pero sumang-ayon nalang ako para na rin hindi na namin pag-usapan pa ulit 'yun.
Nanood nalang kami ng Friends habang kumakain ng cake. And thank God, bumalik na rin kami sa dati!
"We were on a break!" sabay naming sabi ni Atlas at saka kami tumawa. Hindi na nga namin pinapansin 'yung mga ibang customers na tumitingin samin dahil kanina pa kami maingay dito habang nanonood.
Hindi namin namalayan na 8 PM na pala at halos apat na oras na kaming nakatambay dito. Mabuti nalang kilala na kami dito at hindi nakakahiya na ang tagal naming nakatambay.
"Uwi kana? Hatid na kita," sabi ni Atlas paglabas namin ng Little Birds.
"Hindi na. Andyan lang naman 'yung condo ko. Maglalakad nalang ako," sagot ko sakaniya. Agad naman siyang sumimangot sa'kin.
"Delikado at gabi na. Ihahatid nalang kita, kunin ko lang 'yung sasakyan ko sa back parking lot. Diyan ka lang, wag kang aalis diyan!" bilin niya sa'kin. At bago pa ako makatanggi ay mabilis na siyang tumakbo paalis para kunin 'yung sasakyan niya.
Napailing nalang ako, pero hindi ko maiwasang hindi mapangiti.
I was waiting for Atlas when my phone vibrated. Steven was calling at agad kong sinagot 'yung tawag niya.
"Where are you? I'm going to pick you up for dinner. I'm on my way to your place." dire-diretsong sabi ni Steven.
"Akala ko—"
"Yeah, I forgot to tell you that we had an early flight from LA, so I'm back here in Manila, baby," he replied, and I knew that he was smiling kahit hindi ko siya nakikita.
Sinabi ko kay Steven na nasa Little Birds ako at sabi niya ay malapit na daw siya.
Maya-maya lang at tumigil sa tapat ko 'yung sasakyan ni Atlas. Binaba niya 'yung salamin sa passenger side.
"Let's go?" he cheerfully said. Alanganin naman akong ngumiti sakaniya habang nakatayo lang sa labas at nakasilip sa bintana.
"Abigael? Hindi ka pa sasakay?" natatawang tanong niya, pero agad ding nawala 'yung ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ko.
"Papunta na si Steven. Susunduin niya raw ako," I gave him a small smile. He was just staring at me in disbelief because of what I just said.
"Okay." Ang tanging sagot lang niya. Bago tipid na ngumiti sa'kin at nag-drive paalis.
I don't know, but I suddenly felt guilty.
Alam mo 'yung feeling na wala ka namang ginawang masama, pero sobra 'yung guilt na nararamdaman mo. Parang ang bigat bigat sa dibdib ko.
Wala namang mali kung si Steven ang sumundo sa'kin dahil siya naman talaga ang dine-date ko.
But damn it! Why do I feel this way?
Maya maya lang at dumating na rin si Steven. He was quick to pull me into a hug pagsakay ko sa passenger seat.
He kissed my forehead after we broke our hug and said, "You're the main reason why I keep looking forward to going back home." Our faces are just an inch away from each other. I could smell his after-shaved cream.
Magkadikit 'yung noo namin habang nakatingin sa isa't isa. He then slowly lowered his face to kiss me on the lips – our supposed first kiss. But I was quick to evade him, kaya sa pisngi niya ako nahalikan.
My gosh, what is happening to me?
W H A T Y A S E Y
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro