Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 04

BUONG LINGGO akong kinukulit ni Atlas kung anong ginawa ko sa date namin ni Steven, at kung anong pinag-usapan naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit interesado siyang malaman, pero alam ko namang chismoso lang talaga siyang tao!

Pinalagpas ko na nga 'yung ginawa niya kay Steven sa una naming date, e. Hindi ko na binanggit pa ulit 'yon dahil napapagod na rin akong makipag-away sakaniya. Hindi ko rin alam kung bakit sobrang daming energy ni Atlas para pakialaman 'yung mga ginagawa ko sa buhay!

"Dito ka ba matutulog ngayong gabi, Ate?"

Ate Gi shook her head, "Nope. I'll visit Mama and Papa. Ikaw rin bisitahin mo naman sila at nagtatampo na sila sa'yo! Palagi ka nilang tinatanung sa'kin kung bakit hindi mo raw sila pinupuntahan." Ate Gi said while putting away the groceries that she bought for me.

"Medyo busy kasi ako sa work ate" pagdadahilan ko.

"Talaga lang, ha? FYI, anak ka kaya ng may-ari pinagta-trabahuan mo." Sabi ni Ate na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. I smiled at her and let a nervous laugh. Bakit pa nga ba ako nag-sisinungaling e sa company ako ng magulang ko nagtatrabaho. Malamang alam ni Ate na hindi naman ako masyadong binibigyan ng trabaho doon.

Minsan nga nabo-bored ako sa pagwo-work kasi ayaw nila akong bigyan nang mabigat na trabaho. Feeling ko tuloy para lang akong saling pusa sa office!

Gusto ko tuloy lumipat ng ibang company para mag-work ng totoo. Feeling ko masyado nila akong binibigyan nang special treatment porket anak ako ng owner ng company.

Hays.

Mas gusto ko pa naman 'yung may ginagawa ako kaysa wala at nakatunganga lang. Sayang naman 'yung inaral ko ng ilang taon, tapos tatambay lang ako maghapon sa office. Kaya ang dami ko talagang time magbabad sa Tinder, e!

"Baka naman puro pakikipag-date ang inaatupag mo, ha."

"Grabe, hindi naman ate!"

"Isusumbong talaga kita kay Papa kapag nalaman kong may mga kalokohan kang ginagawa." pagbabanta pa ni Ate. Napakamot nalang ako sa batok ko. Minsan daig pa ni Ate si Mama kung makapag sermon sakin. Minsan na nga lang nakiki-stay dito sa condo ko, madalas puro sermon pa ang sinasabi sa'kin.

"Hindi nga, Ate. Mabait kaya ako." Tinignan lang ako ni Ate Gi na parang nagdududa sa mga sinasabi ko.

Malaki kasi ang age gap namin ni Ate Gi, halos 8 years, pero nagkakasundo naman kami. Uptight kasi siya masyado kaya tignan mo mag trenta na siya, pero wala pa rin siyang nagiging boyfriend! Puro kasi trabaho ang inuuna niya. Balak ata ni Ate na tumandang dalaga, e.

HInid bali ako nalang ang magbibigay ng apo kila Mama at Papa.

Napatingin si Ate Gi sa'kin nang mahina akong humagikgik sa tabi. Naka kunot 'yung noo niya habang nakatingin sakin.

"Siya nga pala, Atlas texted me yesterday and asked me if I knew anything about you and this guy named Steven. Are you dating that guy?" Ate Gi asked. I swallowed hard while internally choking Atlas to death!

Lagot talaga sa'kin si Atlas! Napaka-daldal talaga! At ang kapal pa ng mukha na magtanong pa kay Ate. Ako nga hindi naman ako nagtatanong sa mga kapatid niya tungkol sa mga babae niya. Nag-iinit nanaman 'yung dugo ko sa lalaking 'yun!

And usually, nagsasabi naman ako kay Ate kapag may dine-date ako, pero hinahantay ko munang makalimang dates kami bago ako mag kuwento.

Napaayos ako nang upo habang nakatayo naman si Ate at seryosong nakatingin sa'kin. "Sino 'yung Steven na 'yun?"

"A-ahh, wala naman Ate. Nakipagdate lang ako sakaniya last week. Mabait si Steven, promise!" tapos tinaas ko pa 'yung kanang kamay ko.

Nagtanong lang si Ate kung saan ko nakikilala si Steven, at kung anong trabaho nito. Tapos nag bilin din siya na h'wag ako basta sasama kung saan-saan, lalo pa at kakakilala pa lang naming dalawa. Alam ko rin naman 'yun! Gusto kong mag ka-boyfriend pero hindi naman ako gano'n ka-tanga para sumama lang sakaniya. Lagi kong mine-make sure na sa madaming tao kami nagpupunta.

Nanood lang kami ni Ate ng movies sa Netflix. Mamaya pa naman siya aalis para pumunta kila Mama. Parang gusto ko tuloy sumama nalang kay Ate na bumisita kila Mama bukas. Wala rin naman akong gagawin. Tapos si Pearl at Elsie ay busy rin bukas.

Chineck ko 'yung viber ko at nakita kong may text si Steven sa'kin.

From Steven:

We'll have to stay here in London for 2 more days :(

I want to fly back home.

I miss you already.

I can't wait for our next date.

Pigil na pigil 'yung ngiti sa labi ko dahil baka mahalata ni Ate. Sobrang prangka kasi ni Steven. Lakas magpa-kilig! Sobrang vocal niya sa mga sinasabi niya sa'kin! Ako naman, kilig na kilig!

Pasimple akong nagreply kay Steven. Dapat noong Friday pa siya nakauwi dito sa Manila, pero nakaroon daw nang problema 'yung eroplano nila kaya natagalan sila pagbalik. Na-delayed 'yung flight nila.

The next day, umalis kami ni Ate after namin mag-agahan para puntahan sila Mama at Papa. Mahigit dalawang oras 'yung byahe namin papuntang Laguna.

Pagdating namin don, gulat na gulat sila Mama sa pagdating namin. Dati kasi madalas t'wing linggo sama-sama kami palaging kumakain. Family time namin 'yung Sunday. Kaso simula ng magka-work ako tapos si Ate rin palaging busy e naging madalang 'yung pagpunta namin dito.

Hinalikan ko si Mama at Papa sa pisngi, "Na-miss niyo po ba ang paborito at napaka-ganda niyong anak?" Tanong ko sakanila. Napailing nalang si Ate na nasa tabi ko.

"Sinong nag-sabing paborito ka namin ng Mama mo?"

"Pa, naman!" I pouted at Papa tapos ginulo lang niya 'yung buhok ko habang tumatawa sila ni Mama.

"Kumain na nga tayo. Dapat nag-text kayo para sana nakapag luto ako ng paborito niyong pagkain," Mama said while walking us to the dining room.

Parang walang nagbago sa bahay namin simula nang lumipat ako sa condo. Gano'n na gano'n pa rin. 'Yun nga lang mas tahimik na ngayon dahil sila Mama at Papa nalang ang nakatira dito. Hindi kagaya noon na ang ingay palagi sa bahay – dahil maingay rin ako simula bata. Tapos madalas dito nakatambay si Atlas samin para makikain o kaya naman naglalaro kaming dalawa. Magkatapat lang kasi 'yung bahay namin at simula pagkabata, kami na ang palaging magkasama.

Para kaming buntot nang isa't isa.

Hindi kami mapag-hiwalay.

Kaya rin siguro ang dali kong nagka-gusto sakaniya. Kilalang kilala na namin ang isa't isa. Sobrang close kasi talaga namin sa isa't isa. Pati na rin ang pamilya namin. Literal na buong buhay ko kasama ko na si Atlas. Sabay na kaming lumaki at palagi kaming magkasama sa kahit na anong gawin namin. Mas madami pa nga akong memories na kasama si Atlas kaysa sa mismong Ate ko.

Dati, umaasa pa ako—na baka kahit konti lang—may gusto rin siya sa'kin.

Na baka magka-gusto rin siya sa'kin.

Lalo na't noong gabi na may mang-yari samin.

Umasa ako na sasabihin niya sa'kin na gusto rin niya ako – hindi lang dahil best friend niya ako. Pero mali ako. Dahil pagkatapos ng gabing 'yun e parang wala siyang naalala sa lahat nang nangyari.

Sobrang sakit lang.

Sobrang tanga lang.

Kasalanan ko rin naman. Parehas kaming lasing nun. Ang kaibahan ko lang sakaniya ay naaalala ko lahat nang nangyari ng gabing 'yun.

"Bunso?" pagtawag ni Papa sa'kin.

"Bakit po, Pa?" tanong ko. Kumakain na kami ng desert na binake ni Mama.

"I heard that you're dating someone?" nasamid ako sa kinakain kong cake dahil sa tanong ni Papa. Inabutan naman ako agad ni Ate ng tubig.

"Okay ka lang bunso?" tanong ni Mama. Tumango ako kay Mama pagkatapos kong uminom ng tubig.

Napatingin ako kay Papa at diretso siyang nakatingin sa'kin. Nilingon ko si Ate, hindi ko alam kung siya ba ang nagsabi, but she just shrugged at me.

"Paano niyo po nalaman, Pa?" Tanong ko pabalik. Bumilis 'yung tibok ng puso ko. Hindi naman kami pinagbabawalan ni Papa na magka-boyfriend – dahil matatanda na rin naman kami – pero ang bilin kasi niya, basta ipakilala sakanila kung sino man ang dine-date namin.

Hindi naman kami natatakot kay Papa, pero madami kasing na-kwento samin si Mama noon tungkol kay Papa. Mas natatakot kami sa puwede niyang gawin sa mga lalaking ide-date namin! Kaya gusto kong makilala ko muna nang todo 'yung lalaking ipapakilala ko sa magulang ko. I want to get to know him more before he meets my parents. I want to know if he's really serious about me.

Open din naman ako sa fling and random dates – hindi ko nga lang pinapaalam sa magulang ko, dahil gusto kong ipakilala sakanila 'yung talagang seryoso sa'kin. Kaya nagtataka ako kung paano nila nalaman 'yung tungkol kay Steven!

Mabait naman si Steven pero hindi pa akong 100 percent sure sakaniya. Kakasimula palang ng date namin, e!

"Dalhin mo dito 'yang Steven na 'yan at gusto kong makilala 'yan." Seryosong sabi ni Papa bago tumayo at umalis.

Gosh! Nakaka-isang date pa lang kami tapos ipapakilala ko na agad siya sa magulang ko?!

"Ma?" tawag ko kay Mama, para back-up-an niya ako kay Papa. Kapag pa naman sinabi ni Papa dapat gagawin mo talaga!

Tipid lang akong nginitian ni Mama, "Dalhin mo nalang si Steven dito, bunso."

"Pero Ma!" pagprotesta ko. Linapitan ko si Mama. I looked at her with my puppy eyes while pouting.

Mama sighed, "Subukan kong kausapin ang Papa mo. Kilala mo naman 'yun. Parehas kayong matigas ang ulo," sabi niya nang natatawa.

Napangiti ako sa sinabi ni Mama, at mabilis ko siyang niyakap, "Thank you! You're the best, Mama!"

#

Hinatid ako ni Ate pabalik sa Manila. Pagdating ko sa condo, napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Atlas na nakatayo sa tapat ng pintuan ko at walang tigil sa pagkatok sa pintuan. Hindi niya ako napansin. I crossed my arms while looking at him from afar.

Paniguradong kukulitin nanaman ako nito tungkol kay Steven. Kung hindi ko lang kilala 'tong si Atlas, iisipin kong nagseselos siya, pero bakit ko naman lolokohin 'yung sarili ko. Alam ko namang hindi 'yun mangyayari dahil best friend lang ang turing niya sa'kin.

Siya na mismo ang nagsabi nun.

I sighed before walking towards him. Mahina ko siyang binatukan. "Gabing-gabi na, ang ingay-ingay mo!"

Gulat 'yung expression niya sa mukha, hindi yata niya inaasahan na wala naman ako sa loob. Hindi ko kasi sinasagot 'yung mga text at tawag niya simula kanina.

Binuksan ko 'yung pinto sa unit ko at saka pumasok, sumunod naman si Atlas sa'kin. Minsan naiisip ko kung paano kung hindi nalang kami mag-best friend. Magugustuhan kaya niya ako?

Sobrang comfortable namin sa isa't isa. Kaya konti nalang talaga dito na rin siya tumira sa condo ko!

"Saan ka ba galing?" tanong niya. Nasa kusina kami. Kumuha ako ng tubig at saka uminom. Si Atlas naman binuksan agad 'yung cupboards ko at nagtitingin ng pagkain.

Patay gutom talaga! Siya nalang ang umuubos ng pagkain ko dito.

"Bakit?" tanong ko pabalik. Nakasandal ako sa kitchen island habang pinapanood siyang kumain ng mga pagkain na binili ni Ate Gi sa'kin kahapon.

"Nagpunta ka ba dito para kumain? Grabe, patay gutom ka talaga!"

"Mas masarap kasi pagkain mo," sagot niya habang nilalantakan 'yung wafers ko! Arg, favorite ko pa naman 'yun!

"Bahala ka nga diyan. Umuwi kana pagkatapos mo diyan kumain," sabi ko sakaniya at saka naglakad palabas ng kitchen.Napagod din kasi ako sa byahe. Traffic pa! Kaya ginabi na kami ni Ate.

Naglakad ako papunta sa kuwarto ko. Gusto ko nang matulog pero nandito pa kasi si Atlas. I took my shirt, bra, and jeans off para magpalit ng damit, I suddenly heard a loud noise. Agad akong napalingon sa likuran ko at nakita ko si Atlas na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa'kin! Namula 'yung mga tenga niya, pero hindi nawala 'yung tingin niya sa katawan ko!

"Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko sakaniya at sinubukan kong takpan 'yung hubad kong katawan!

Naka-panty lang ako!

I could feel the heat from my face going down to my neck. Natarantang lumabas si Atlas sa kuwarto ko! "S-Sorry!" sigaw niya paglabas niya.

Minsan, nasosobrahan na rin 'yung pagiging comportable namin sa isa't isa!

W H A T Y A S E Y

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro