Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 03

INILAPAG KO 'yung drinks namin sa table. "Nakakapanibago talaga at nanlibre si Gael ngayon," Pearl said, habang ine-enjoy 'yung binili kong iced coffee sakaniya. Inirapan ko siya, bago ako naupo sa tabi ni Elsie.

"Alam mo Pearl, sa lahat ng nililibre ikaw 'yung pinakanakakainis na ilibre. Balik mo na lang sa'kin 'yan," sabi ko bago pilit na inaabot 'yong kape na binili ko sakaniya.

"Kurips ka kasi! Nakakapanibago lang, pero salamat pa rin." Natatawang sabi niya. Hindi ko nalang siya pinansin at saka ko inabot 'yung iced coffee ko.

Nandito kaming tatlo ngayon sa Little Birds. Inaya ko sila para magkwento sa nangyari noong nakaraang linggo. Tutal day off rin nilang dalawa kaya pumayag din sila.

"Spill the tea." Elsie commanded. They both looked at me, waiting for my chika.

I didn't hesitate to tell them what had happened to my supposedly "date," including what Atlas had done to Steven. Elsie and Pearl were also my friends, and I have complete trust in them.

"Wow, binabakuran kana agad girl. Mag best friend pa lang kayo niyan ha," Elsie teased.

"Oo nga! Bakit naman gagawin ni Atlas 'yun, 'di ba?" pag-gatong naman ni Pearl.

"Anong binabakuran? Baka kamo gusto lang akong bini-bwisit nun! Parang 'di niyo naman kilala 'yung lalaking 'yun. Ang goal yata nun sa buhay, e palagi akong inisin!" sagot ko naman. Elsie simply shrugged at me, while Pearl shook her head.

I like what Elsie and Pearl implied, but I don't want to set expectations that will leave me disappointed. It's better not to expect anything so that I don't get hurt eventually.

"Anyway, maiba ako. Anong balak mo kay Steven? Are you going to give him a second chance?" Elsie curiously asked. Napasandal ako sa upuan habang nag-iisip. Halos isang linggo rin akong kinukulit ni Steven na makipag date ulit sakaniya.

"I don't know, actually... Pero hindi naman niya fault na hindi siya sumipot 'di ba? It's technically Atlas' fault. Tinakot niya 'yung tao!" naiinis pa rin ako pagnaiisip ko 'yung ginawa ni Atlas, pero ang tanga ko rin kasi pinatawad ko siya agad-agad!

Ang rupok naman, self!

"At ang bilis naman niyang matakot! Wala ba siyang balls?" Pearl asked, a bit frustrated.

"Girl, Atlas threatened him to break his neck! So, malamang matatakot talaga 'yung tao." Elsie defended Steven.

"Ah, basta! Duwag pa rin siya. Pano mo 'yun ide-date kung takot siya kay Atlas? E, alam mo namang buntot mo 'yung lalaking 'yun!" sagot naman pabalik ni Pearl. Mas lalo lang akong hindi makapag decide sa dalawang 'to.

"Basta for me girl, give him another chance. You said it yourself, that you're interested in him, and you two already have a connection. So, my vote is to date him again." Elsie said while staring at me.

"My vote is no! No date for a guy who has no balls! " Boto ni Pearl na ngayong nakatingin na rin sa'kin.

They're both looking at me, waiting for my decision. But I can't decide! Lalo pa na pareho silang may point.

Paano kong ide-date si Steven kung takot siya kay Atlas? But at the same time, he also explained to me na natakot lang daw siya kasi nagulat siya sa ginawa ni Atlas at nag-promise siya na hindi na mauulit 'yun.

Napahawak ako sa mukha ko habang nakapatong 'yung magkabilang siko ko sa table. I pouted while looking back at Elsie and Pearl.

"Hindi ko alam. Parehas naman kasi kayong may point, e! Mas lalo tuloy akong nahihirapan mag-decide!" Sagot ko sakanila at medyo napalakas 'yung pagsalita ko dahil sa frustration at ginulo ko 'yung buhok ko at saka tumungo sa lamesa.

"What? Anong desisyon?"

"What are you doing to your hair, Gael?"

Agad akong napaangat ng ulo ng marinig ko 'yung boses ni Milo at Atlas.

"Finally! Dumating din 'yung manlilibre ng cake!" Pearl said, excitedly. Mukha talagang palibre 'tong babaeng 'to. "Bakit' ngayon lang kayo?"

"Na-traffic kami dahil kay Atlas. He saw one of his 'girls' kaya natagalan kami." Milo explained.

"What? She's a friend at nagkamustahan lang kami," depensa ni Atlas sa sarili niya.

"Yeah? Then why did I see you two exchanging numbers? Booty call?" Milo asked. Tumawa naman si Atlas at saka nag thumbs up.

Napatingin naman si Pearl at Elsie sa'kin. Pinanlakihan ko sila ng mata para tigilan nila ako sa pagtingin tingin nila ng ganyan. Sanay na sanay na ako kay Atlas at sa mga babae niya!

Kumuha naman ng extra seats si Milo at Atlas. Nasa tabi ko si Atlas habang si Milo naman tumabi kay Elsie.

"Ay, wow naman! 'Di ako nainform, fifth wheel pala ang role ko today!" sabi ni Pearl dahil siya lang ang walang katabi. Nagtaas baba pa 'yung kilay niya na parang nang-aasar.

"Para kang sira!" Elsie said, habang namumula 'yung tainga niya. Pakipot din kasi 'tong isang 'to! Ayaw pang pumayag i-date si Milo.

"Bakit ba kasi kayo nandito?" pag-iiba ko ng usapan at saka ko nilingon 'yung katabi ko.

"Bakit ayaw mo ba kaming nandito?"

"Si Milo puwede, pero ikaw, ayaw!" inis na sabi ko. Hindi ko alam kung bakit biglang naiinis na naman ako.

"Ouch!" He said while clenching his chest na akala mo nasasaktan talaga. Tumawa naman 'yung tatlo!

Ang epal talaga nitong lalaking 'to! Bakit di nalang niya pinuntahan 'yung babae niya kaysa nandito siya.

My gosh! I sound like a bitter person!

"Bago kayo mag-away na naman, bili niyo na muna kami ng cake! Gusto ko ng strawberry cheesecake. Sa'yo Els?"

"Oreo cheesecake sa'kin."

"Sa'yo, Gael?" Pearl asked.

"Ako gusto niyan. Ayieee!" Atlas teased, at saka nilapit pa sa'kin 'yunang mukha niya. Agad kong tinulak 'yung mukha niya palayo, pero 'yung puso ko hindi na naman mapakali sa lakas nang kabog!

"Yieee mo mukha mo! Kadiri ka! Caramel Cheesecake sa'kin. Thanks, Milo!" agad namang sumimangot si Atlas bago tumayo at sinamahan si Milo para bumili ng cake namin.

Paglingon ko sa dalawa, nakatakip 'yung bibig nila habang pigil na pigil sa pagtawa! Bakit ba naging kaibigan ko 'tong mga 'to! Lakas din nang mga sapak sa ulo, e! Mas nami-miss ko tuloy si Cara. Buti pa yung matino.

"Yiee, kilig 'yan?" pang-aasar pa ni Pearl. Hinampas ko nga siya sa braso. Habang si Elsie naman nagpipigil nang ngiti sa tabi ko.

"Pero aminin mo kinilig ka," Elsie said. Isa pa 'to e. Akala mo tahimik lang, pero lakas din mang-asar.

"Tigilan niyo nga akong dalawa! Baka marinig kayo nun! Alam niyo namang nang-aasar lang 'yun. At saka narinig niyo naman kanina 'yung sinabi ni Milo 'di ba kaya wag na kayong umasa na seryoso 'yung mga sinasabi niya."

"Okay, okay, sabi mo 'e," sagot ni Pearl, pero halata mo namang hindi naniniwala sa sinabi ko. Inabot ko nalang 'yung iced coffee ko at saka uminom. Pakiramdam ko natuyo 'yung lalamunan ko dahil sa sinabi ni Atlas.

Nasanay na rin ako sa mga ganyang hirit ni Atlas. Bata pa lang kami, palagi nang ganyan ang sinasabi niya pero alam ko namang best friend lang talaga ang tingin niya sa'kin.

Nagkwentuhan lang kaming lima habang kinakain 'yung mga cake na binili ni Milo at Atlas para samin.

"Nga pala, kamusta na si Cash? Ano nang balita sakanila ni Cynthia?" Pearl asked while enjoying her slice of cake.

"He's a mess. He won't talk to us." Milo replied.

"Mukhang malaki talaga 'yung nangyari sakanila. 'Yung katulong lang nila ang nakausap namin noong pinuntahan namin siya," dagdag pa ni Atlas.

"Sana maayos nila agad kung ano man 'yung problema nila. Nakakatakot pa naman 'yung tatay niya!" Pearl retorted.

As much as possible, si Milo at Atlas lang talaga ang kumakausap kay Cash lalo na kapag may problema siya dahil natatakot kaming girls sa tatay niya! Kapag nagsalita 'yung tatay ni Cash para kang kikilabutan sa boses niya! Parang wala kang magagawa kapag may sinabi siya sa'yo kaya hindi talaga kami nagpupunta sa bahay nila.

"Thanks sa paghatid." I thanked Atlas, kahit na ilang kanto lang naman 'yung Little Birds sa condo ko. "Ingat ka sa pagdrive!" paalam ko sakaniya pagbaba ko ng sasakyan niya. Hindi pa ako nakakapag lakad paalis nang ibaba niya 'yung bintana sa passenger side.

"Puwede bang mag-stay nalang ako sa condo mo? I'm tired of driving 2 hours to get back home," reklamo ni Atlas. Nakanguso pa siya. Ang layo kasi ng condo niya. Gustong gusto niyang lumipat sa Empire para raw hindi na siya nagda-drive nang matagal pero wala pa kasing vacant unit kaya hindi pa siya makalipat doon.

Gusto ko sanang sabihin na "Bakit hindi mo nalang tawagan 'yung babaeng nakausap mo kanina at doon ka maki-stay?" Pero siyempre, hindi ko naman kayang sabihin sakaniya 'yun! Hindi naman niya ako kagaya na pinapakealaman 'yung mga gusto niyang i-date. Or rather, i-sex.

"You know, dad will kill you pagnalaman niyang dito ka natulog, 'di ba?"

"I know and I don't want to anger Tito. He's really nice, but he can be really scary," nginitian ko siya at saka tumango. I waved him goodbye at saka siya nagdrive paalis.

After ko maghilamos, I grabbed my phone and sent a text to Steven, saying we could meet tomorrow for lunch. I decided to give him a second chance. Ang unfair lang kasi sakaniya kung hindi ko na siya kikitain dahil lang sa ginawa ni Atlas.

Siguro naman pagpinakilala ko si Steven kay Atlas, mawawala na 'yung takot niya. At saka ako na mismo babali sa leeg ni Atlas, kapag inulit pa niya 'yung ginawa niya!

#

The next day, siniplehan ko nalang 'yung suot ko. I just wore a spaghetti strap floral dress and paired it with flats. Feel ko maging pa-girly today. Hindi na ako nagsuot ng high heels. Pareho kasi kaming matangkad e gusto ko mag mukha akong mas maliit kay Steven.

And as usual, saktong 12 o'clock na ako umalis sa condo para mauna sa'kin si Steven sa restaurant. Nag-crave ako ng Japanese food kaya sabi ko sakaniya sa may paboritong Japanese restaurant ko kami mag punta. Pumayag naman siya.

15 minutes after 12 nakarating ako sa restaurant. Malapit lang din naman 'to sa condo ko. Pagpasok ko sa loob ay agad akong in-assist noong babae at idinala sa isang booth.

"Hi." Steven said, upon seeing me. He's smiling at me.

"Hi." bati ko pabalik. Lumapit siya sa'kin at saka ako hinalikan sa pisngi. Medyo nagulat ako sa ginawa niya, pero alam kong normal lang naman 'yun lalo na at half American siya. Nakakaintindi naman siya ng tagalog at nakakapag-salita pero dahil mas sanay siya sa pagsasalita ng English. Nginitian ko nalang siya bago naupo sa kaharap niyang upuan.

"You look more beautiful in person, Gael."

"Thanks, you look great as well." sabi ko at saka siya nginitian.

Nag-order kami ng pagkain at nag-uusap lang habang hinahantay 'yung inorder namin.

Madami na akong nakausap na lalaki na nakilala ko sa mga dating apps and so far, si Steven palang talaga 'yung nagkaroon ko talaga nang connection. 'Yung iba kasi hanggang first or second date lang tapos may iba naman na inaaya agad ako sa apartment or condo nila! Nakakaloka.

Hindi naman ka-fubu ang hanap ko! And I know, mostly, yung mga nasa dating apps ay 'yun ang gusto, pero alam ko naman na may mga kagaya ko na gusto ng real connection with someone at hindi sex lang.

Steven is a nice guy. Gentleman pa! Minsan kasi sa chat or sa text lang mabait tapos pag kaharap mo na may pagka-hambog pala or puro tungkol sa sarili lang niya ang gustong pagusapan.

"So, when's your next flight?" Tanong ko habang kumakain ng sushi.

"Tonight, I will fly to New York, and we will stay there for a few days before flying to London," sagot niya at nanlaki 'yung mata ko. May trabaho pala siya mamaya tapos pumayag pa siyang makipag-lunch sa'kin!

"Bakit pumayag ka pang makipag kita sa'kin today, may flight ka pa pala mamayang gabi!" He chuckled before reaching for my hand on top of the table.

"Because I don't want to lose this chance – again, to see you in person." He said, while staring straight into my eyes. He looks sincere. I gave him a small smile.

Gusto ko pa sana siyang yayain na maglakad lakad dahil may malapit na park dito pero sa susunod nalang, dahil kailangan pa niyang mag handa para sa flight niya mamayang gabi.

Gusto sana niya akong ihatid pabalik sa condo ko pero sabi ko ibaba nalang niya ako sa Little Birds. Hindi naman sa wala akong tiwala sakaniya pero mas mabuti nang safe. Unang date palang naman namin ngayon at mas gusto ko pa siyang kilalanin pang mabuti.

"So..."

"So?" I asked. Nakatigil sa tabi 'yung sasakyan niya. Nandito na kami sa tapat ng Little Birds.

"Am I expecting a second date?" straightforward na tanong niya.

I slowly nodded my head, smiling at him. "Yes. We can plan the second date when you get back from London." sagot ko sakaniya.

He then reached for my hand, planting a soft kiss on my knuckles. My gosh! Ang haba lang ng hair ko!

"I can't wait to fly back from London." He said, smiling widely. Showing me his perfect set of white teeth! Mabait, gentleman, ang gwapo at ang ganda pa ng blue eyes niya! Parang sobrang perfect lang ni Steven!

"Hindi ka pa nga nakaka-alis, gusto mo na agad makabalik?"

"Exactly. 'Coz I'm already looking forward to our next date," sabi niya pa sabay kindat sa'kin! Feeling ko ang pula pula na ng mukha ko! Ang lakas din kasing magpakilig ng lalaking 'to!

Nagpaalam na ako dahil kanina pa kami nakatigil dito.

Pagbaba ko ng sasakyan ni Steven ay kumaway ako at saka siya nag drive paalis, hindi mawala wala 'yung ngiti sa labi ko. Sa tingin ko naman, hindi ako nagkamali na binigyan siya nang second chance!

Maglalakad na sana ako nang bigla akong mabunggo. Hindi ko napansin na may tao palang nakatayo sa likod ko. "Sorry..." sabi ko at saka ko hinawakan 'yung ilong ko. Ang tigas naman ng dibdib ng taong 'to! Parang nabali yata 'yung ilong ko.

"So... you went out on a date huh," sabi noong lalaki at nanlaki 'yung mata ko nang makita ko si Atlas na nasa harap ko. His forehead was slightly creased, his jaw clenched, and he had a small smile on his lips.

Oh, gosh!

W H A T Y A S E Y

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro