Chapter 01
NANDITO KAMI ngayon sa condo ko at pinapunta ko si Elsie at Pearl ngayon para tulungan akong mamili ng isusuot ko para sa date ko mamaya, pero parang aabutin kami hanggang mamayang hapon dahil hindi sumasang-ayon sa'kin 'tong dalawa sa lahat nang gusto kong suotin.
"How about this one?" tanong ko, tapos humarap ako sakanila para ipakita 'yong damit ko. Pang-anim na palit ko na ata 'to.
Nagkatinginan ulit si Elsie at Pearl na parang nagtataka kung bakit puro ganitong damit ang sinusuot ko.
"Sigurado ka diyan sa suot mo, girl?" Elsie commented with a disapproving look on her face. She then looked at me from head to toe before shaking her head again.
"Bakit naman puro ganyan mga napipili mong isuot? Wala na bang mas-iikli pa diyan?" sarkastikong sabi naman ni Pearl.
"What? Ganito naman talaga usually na sinusuot ko pag may date ako ah," sagot ko sakanila. Medyo iritable na ako dahil napapagod na ako kapapalit. Humarap ulit ako sa full-size mirror at tinignan 'yong kabuuan nang katawan ko.
Aminado naman ako na medyo maiksi nga 'yung suot kong fitted mini skirt at tube top. But why not? Sexy naman ako at sanay akong mag suot nang mga ganitong damit, pero madalas nga lang sa club ang punta ko, pero bakit ba?! Puwede rin namang ganito ang isuot ko kapag may date, ah!
"Girl, alam naman naming proud kang i-flaunt 'yang ka-sexy-han mo, pero unang date niyo palang kasi today 'di ba... Wala pa nga kayong one week—"
"6 Days Els. Wala pa ngang 1 week e," pagputol ni Pearl kay Elsie. Napairap nalang ako.
Exasperatedly, I sighed. They have a point, and I'm fully aware that they're both just concern about me, but I'm not stupid. Hindi naman ako basta-basta makikipagkita sa isang lalaki kung saan lang. Siyempre, ako ang namili ng lugar at sa crowded place kami mag-kikita. Hindi naman sa liblib na lugar. And besides, I always make sure na ina-update ko sila Elsie at Pearl kung anong ginagawa ko every time na may date ako.
"Ah, basta... ito nalang isusuot ko. Don't worry, I can take care of myself and promise, I will update you two always!" sabi ko sakanilang dalawa habang nakataas pa 'yung kanang kamay ko. Nagkatinginan silang dalawa. Ilang segundo pa at nginitian nalang nila ako at hindi na nakipagtalo pa.
"Okay... but you promise to always update us sa date mo mamaya, ha!" Elsie replied.
"Kapag hindi ka nag-text samin mamaya, tatawagan agad namin si Atlas para puntahan ka!" pagbabanta naman ni Pearl sa'kin. Tumawa lang ako, but I know she means well. Dakilang sumbongera kasi 'tong si Pearl kay Atlas!
"Oo na! Promise 'yan!"
Tinulungan nila akong mag-make up at mag kulot ng buhok ko. 15 minutes before 12, finally at natapos na ako sa pag-aayos. I grabbed my bag with my wallet, phone, and pepper spray with me – just in case!
Balak kong saktong 12 umalis dito dahil ayaw kong nauuna akong dumating kaysa sa ka-date ko. Mas gusto kong mauna 'yung guy sa'kin para ma-pi-picturan ko siya ng patagao para i-send ko kila Elsie at Pearl.
"Sana all nalang talaga maganda, sexy, mabait at mayaman!" Sabi ni Pearl habang nasa sala kaming tatlo at naghihintay mag-12 o'clock.
"Kaya nga! Sana all laging dine-date..." pagsang ayon naman ni Elsie.
Inirapan ko silang dalawa. Akala mo hindi magaganda at mayayaman 'tong dalawang 'to kung makapagreklamo!
"Pero bakit kasalanan ko? Parang kasalanan ko?" sabi ko tapos nag-act pa ako na parang si Bobbie Salazar sa 4 sisters and a wedding! Nagtawanan kaming tatlo. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na naming pinanood 'yung movie na 'yon.
"Pero kidding aside, ang gaganda niyo rin kaya at mayaman rin naman kayo, ah! Ikaw naman kasi Elsie, bakit kasi ayaw mo pang pumayag na i-date ka ni Milo! Kita mo namang deds na deds sa'yo 'yung isang 'yon." Sabi ko at agad namang namula 'yung mukha ni Elsie. Tumawa naman kaming dalawa ni Pearl at nag-apir pa kami.
"Desisyon ka girl?" Pang-aasar pa ni Pearl.
Inasar lang namin nang inasar si Elsie hanggang sa mag-12 o'clock at sabay-sabay kaming umalis ng condo ko. Nag-book lang ako ng grab ride ko, tapos hinantay nila akong makaalis bago sila umuwi.
I was fidgeting while on my way to the restaurant that I chose for meeting up. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali, hindi naman 'to ang first time kong makipagdate or meet up sa mga nakaka-match ko sa tinder or any other dating sites.
Maya't maya ko chine-check 'yung phone ko dahil nagtataka ako kung bakit hindi man lang nag-text si Steven kung nandon na ba siya or kung papunta naba siya.
Don't tell me baka hindi nanaman ako siputin nitong date ko?!
My gosh!
Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil sa naiisip ko! Mas lalo akong hindi mapakali! Ang lakas na nang tibok ng puso ko dahil sa kaba! Feeling ko masusuka ako na ewan.
Ilang minuto pa at nakarating na rin kami sa restaurant. Kinalma ko muna 'yung sarili ko dahil ayaw ko naman na humarap sa ka-date ko na sobrang tense. Dapat kalmado lang ako. Hindi dapat mahalata na kinakabahan ako.
"Breath Abigael. Kaya mo 'to! Ikaw pa!" I chastised myself.
After a few minutes, medyo kumalma na ako, kaya pumasok na ako sa loob ng restaurant. May ibang napapatingin sa'kin, nasisilaw yata sa kagandahan ko!
I straightened my back, put my chin up, and walked like a model on a runaway, as if I owned the stage.
Ang motto ko nga, "They can stare at me, but they can never have me."
Agad naman akong binati 'noong waiter pagkapasok ko sa loob, "Table for 1 ma'am?" nakangiting tanong niya. I quickly scanned the surrounding to check kung nandito na ba si Steven – nakita ko naman na siya sa picture. Medyo na-bother ako nang hindi ko siya makita sa loob.
Nasaan na kaya siya.
Ibinialik ko 'yung tingin ko sa waiter na kanina pa nakatitig at naghihintay sa'kin. Tipid ko siyang nginitian.
"For two please." I replied.
"Okay ma'am. This way please," Sagot naman niya bago ako dinala sa table ko. Mabuti nalang sa bandang dulo niya ako dinala at kitang-kita ko mula sa puwesto ko lahat nang pumapasok at lumalabas sa restaurant.
I ordered a long island for a drink. Alam kong tanghali palang pero na-i-stress na kasi ako dahil kay Steven. Limang minuto na ang nakalipas, pero pa ring Steven na dumadating. I'm debating with myself if I should call or text him, but I don't want to sound so eager on meeting him. Unang date pa lang nain, pero parang ligwak na agad siya sa'kin.
Sayang ang gwapo pa naman niya tapos ang bait pa niya at masarap kausap! Plus, he's a pilot!
Halos 10 minutes na siyang late at naubos ko na 'yong inumin ko! Nagugutom na rin ako, ilang araw akong nag-diet, tapos hindi niya ako sisiputin?!
Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay late comer! Hindi ko rin gets 'yung mga taong inugali na talaga 'yung pagiging Filipino Time! Like, come on! Do not make others wait for you. Always arrive on time! Nakakainis kaya 'yung may usapan kayong oras tapos late pa dadating!
"You want a refill, Ma'am?" The waiter asked. I nodded before getting up and headed to the washroom. Mabilis kong tinawagan si Elsie at Pearl sa isang conference call.
"Girl! Anong balita?" Bungad ni Elsie.
"Ano, yummers ba?" Sabi naman ni Pearl at saka tumawa.
"He's not even here! Wala pa siya at 10 minutes na akong naghihintay!" inis na sabi ko. Mabuti nalang at walang tao sa washroom. Kanina ko pa talaga gustong ilabas 'yung inis ko!
"Uh-oh!" sabay nilang sabi.
They both know how much I hate waiting! Maikli talaga ang pasensya ko sa paghihintay.
"Are you going to leave na or you'll wait for him? We all know naman kung gaano kaikli 'yang pasensya mo." Elsie asked.
I sighed while massaging my temple, "I don't know... I really like Steve and I want to get to know him more. We already have a connection, sayang naman kasi..."
"Is he worth the wait naman ba?" Pearl asked.
I don't know. Is he worth my time? How would I know if I haven't given the chance to meet him? This is actually the second time na hindi dumating 'yong ka-date ko. It's actually embarrassing.
But what can I do?
"I don't really know... Maghihintay ako ng another 10 minutes pa at kapag hindi talaga siya dumating, then I guess it's not meant to be." I replied. My shoulder sank.
Nag-paalam na rin ako sakanilang dalawa at nag-retouch ng kaunti. Mabuti nalang at mukha pa rin akong fresh at hindi halatang na-indian ng ka-date!
Iniisip ko palang ang mga sasabihin ni Atlas kapag nalaman niya 'to, sumasakit na agad 'yung ulo ko!
Bumalik na ako sa table ko. Tinignan ko 'ulit yung loob ng restaurant para hanapin kung dumating ba si Steven, pero wala talaga. Hindi naman puno 'yung restaurant kaya madali lang mahanap kung nandito na ba siya o wala.
After another 5 minutes, nag-order na rin ako ng pagkain ko, feeling ko naaawa na rin sa'kin 'yung waiter dahil alam niyang may hinihintay akong kasama. Ang balak ko ay pag nag-12:30 na at wala talagang Steven, ipapa-take out ko nalang 'yung in-order kong pagkain tutal wala na rin akong ganang kumain. At nahihiya akong kumain mag-isa dito.
Kahit text or tawag wala man lang. Puwede naman siyang mag-text if may emergency siya or biglang may flight pala siya today, pero wala talaga.
As I was waiting for my food, kinuha ko ulit 'yung cellphone ko sa bag and texted Elsie and Pearl. Nakayuko ako habang busy sa pag-type ng biglang may umupo sa tapat ko. Agad akong ngumiti at nagtaas nang tingin dahil akala ko dumating na si Steven, pero agad ding nawala 'yung ngiti sa labi ko nng makita kong hindi si Steven 'yung nakaupo sa tapat ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Kunot-noong tanong ko nang matapos akong magtype ng text message kila Elsie at Pearl. Napatingin naman si Atlas sa suot ko, nakita kong bumuka 'yung bibig niya para magsalita, pero hindi niya tinuloy 'yung sasabihin niya.
My brow creased even more. Himala wala siyang comment sa suot ko ngayon.
"Hoy, Atlas? Bakit ka ba nandito?" pag-uulit ko, nakatulala pa rin siya. Napalunok siya bago nag-iwas nang tingin.
"Wala. Napadaan lang," sagot naman niya. "Ikaw, what are you doing here alone? Is this your new hobby? Eating alone?" sabi niya sabay tawa. Inirapan ko lang siya. Mas lalong nag-iinit 'yung ulo ko dahil kay Atlas.
"Ha-Ha! Umalis ka na nga! Mas lalo mo lang akong bini-bwisit e,"
"Ouch, hindi ka nanaman ba sinipot ng ka-date mo?"
"Mind your own business."
"You are my business." Sagot niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. Kung hindi ko lang kilala 'tong si Atlas, iisipin kong worried talaga siya sa'kin, pero alam kong nang-aasar lang an isang 'to.
"FYI, wala akong hinihintay na kasama. Dine-date ko 'yung sarili ko, masama ba 'yon?" Sagot ko. Eksaktong dumating na rin 'yong inorder kong pagkain.
"Do you need anything, Ma'am?" nakangiting tanong sa'kin noong waiter.
I gave him a small smile before saying, "No, Thank—"
"I will order the same thing, and will you please stop staring at her, Mike." Atlas cut me off. Mabilis niyang hinawakan sa braso 'yong waiter at sapilitag pinaharap sakaniya. Atlas is glaring at Mike, habang nakita ko namang napalunok at parang natakot 'yung waiter namin. Siraulo talaga 'tong si Atlas! Lahat nalang inaaway.
Mabilis na umalis 'yung waiter tapos inabot naman ni Atlas 'yung Long Island ko at saka ininom.
"So... do you think your date saw you and then left?" Atlas inquired with a smug look on his face!
In frustration, my face began to heat up! Talent talaga niyang inisin ako!
Padabog akong tumayo at saka naglakad paalis! Bwisit talaga siya!
Narinig kong tinatawag niya ako, pero dire-diretso lang ako sa paglalakad palabas na parang hindi siya naririnig.
Nakakainis ka talaga Julian Atlantis Recio!
W H A T Y A S E Y
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro