Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Bunganga ni Rose ang sumalubong sa akin nang pumasok siya sa aming classroom. Halos lahat kami ay sabay-sabay na nag-angat ng tingin sa kaniya. Si Joel, iyong isang kagrupo ko ay biniro pa siya na trespassing dahil basta na lamang itong tumilasok sa aming classroom pero dahil ma-attitude 'tong si Rose ay tanging pambabara lamang ang inabot ni Joel sa kaniya.

"Hay naku! Matagal pa ba kayo riyan Bluie? Inaantok na ako, oh! Tara na!"

Humila siya ng isang bakanteng armchair at itinabi sa akin. Nilapit niya ang kaniyang mukha sa screen ng laptop ko at kunwari'y binabasa ang tina-type ko pero iba naman ang sinasabi niya.

"Ang ganda ganda mo, Rose. Sa sobrang ganda mo, natitibo na ako," malakas na wika n'ya at nakangising pinanliitan ako ng mga mata. Napa-igik ako nang sundutin niya ang tagiliran ko. "Ikaw, huh? Sinasabi ko na nga ba! Kaya ayaw mong mag-boyfriend kasi ako pala ang gusto mo!"

Umasim ang mukha ko at tinulak ang noo niya palayo sa akin gamit ang hintuturo. "Reyna ka ng fake news 'no? Puwede bang huwag kang magulo para matapos na ako sa ginagawa ko?"

Nginiwian niya ako ngunit sumunod rin naman. Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy lamang ang pagta-type ng report sa aking laptop. Ang iba kong kagrupo ay tahimik lang din. Abala sa kani-kanilang ginagawa. Tanging si Rose lang 'tong nanggugulo at nangungulit sa amin. Nakakahiya! Bakit kaya hindi na lamang kaya siya maunang umuwi? May sariling susi naman siya ng dorm!

"Uwi na kasi tayo. Hayaan mo na 'yang mga kagrupo mo ang gumawa tutal ngayon lamang naman sila tumulong sa 'yo, eh."

Napasinghap ako at pasimpleng sinipa ang paa niya bilang pagpipigil sa mga sinasabi n'ya. Humingi ako ng pasensiya sa mga kagrupo kong mukhang na-offend sa sinabi ni Rose. Harap-harapan ba namang sabihin 'yon!

"Rosemarie, nakakahiya ka! Umayos ka—" Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko nang bigla niya akong putulin sa pamamagitan ng isang sarkastikong tawa.

"Walang nakakahiya ro'n. Bluie. I'm just stating the fact. Bakit? Nahiya ba sila noong tinakasan ka nila dahil tinatamad silang tumulong?" Isa-isa n'yang sinulyapan niya ang mga kagrupo kong tahimik lang na nakikinig ngunit bakas ang pagkairita sa kanilang mukha. "Oh? Bakit kayo ganiyan tumingin? Nagagalit kayo kasi totoo? Aba real talk lang. Hinilot ko ang aking sentido at nagpasya nang iligpit ang mga gamit. Sinabihan ko rin si Rose na mauna nang lumabas at susunod na lamang ako. Bago tuluyang umalis sa classroom ay humingi muli ako ng despensa sa katabilan ng bunganga ni Rose.Nahihiya akong humawak sa aking batok. "Sorry ha? Kilala n'yo naman 'yon. Walang preno talaga ang bunganga."

"Ayos lang 'yon, Bluie. Sanay na ako riyan kay Ate Rose. Sige, you can go home na. Send mo na lang 'yong powerpoint presentation natin sa gmail ko," tugon ni Ria at binigyan pa ako ng sinserong ngiti.

"Kami nang bahala rito. Promise!" dagdag pa n'ya.

Tanging isang matipid na tango lamang isinagot ko sa kaniya bago tuluyang lumabas ng silid. Umirap ako sa kawalan nang makita si Rose na abala sa pagse-selife sa gitna ng corridor. Kung saan tumatama ang sinag ng araw sa kaniyang makinis na mukha.

"Tama na 'yan! Umuwi na tayo!" singhal ko sa babae.

Habang naglalakad kami palabas ng College of Business Management and Accountancy (CBMA) building ay panay ang talak n'ya tungkol sa mga pangyayari sa kaniyang buhay ngayong araw. I just listened intently without giving her any reaction. Pagod na pagod ako sa buong maghapon na ito at pakiramdam ko'y gusto ko na lamang humilata agad pagdating sa dorm. Balak ko pa naman sana maglaba ng mga damit ko.

"So ayon nga. Hindi ako pumasa dahil sa letseng hangover–nakikinig ka ba?!" asik n'ya at malakas na hinampas ako sa braso.

"Nakikinig ako! H'wag kang manakit!" I fired back and rolled my eyes at her.

Rosemarie is my dorm mate. Mas matanda siya sa akin ng isang taon. Kasalukuyang nasa first year college ako at siya naman ay second year. Pareho ang kursong kinukuha naming dalawa at iyon ay BS Entrepreneurship. Ang kaibahan lamang namin ay gusto niya talaga itong kurso ngunit ako ay hindi. Ang pangarap ko talaga ay maging chef ngunit hindi ako pinayagan ng parents ko dahil masyado raw yatang malaki ang gastos noon. Baka hindi namin kayanin.

Hindi naman kasi kami mayaman. Ang tatay ko ay isang foreman habang ang nanay ko naman ay mayroong small business. Ang kinikita nila ay sapat lamang sa mga gastusin at pag aaral ko.

I am only child. Kaya nga noong sinabi ko na balak kong mag-aral sa Maynila ay hindi nila ako pinayagan. Hindi raw nila ako mababantayan. Masiyado rin daw mahirap ang buhay doon. Masiyado nang masikip at hindi ka mabubuhay nang walang sapat na pera. Kaya naman ay hindi na rin ako nagpumilit pa. Mayroong kaunting panghihinayang kasi nakapasa ako sa entrance exam ng FEU, NU, LPU at iba pang kilalang University. Isang malaking oportunidad iyon ngunit sa huli ay napagdesisyunan kong sa isang pampublikong unibersidad na lamang sa Laguna pumasok.

Matagal bago ko napapayag sina Nanay at Tatay. Masaya na rin ako kahit na hindi ko man makuha ang dream course ko atleast napagbigyan nila ako man sa unibersidad na gusto kong pasukan. Suportado nila ako sa lahat. Si Nanay pa nga mismo ang humanap ng dorm para sa akin. Malapit lamang iyon sa main gate ng LSPU kaya hindi hassle.

"Teka! Naiihi ako! Samahan mo muna ako sa CR!"

Kumunot ang noo ko sa babaeng kasama ko. "Hindi ba puwedeng sa dorm na lang? Pauwi na rin naman tayo, eh."

Sunud-sunod siyang umiling na may kasama pang pagpadyak. "Hindi na kaya ng pantog ko, Teh!" Wala na akong nagawa pa kung 'di magpatianod nang hawakan n'ya ang aking braso at halos kaladkarin na sa bilis ng lakad.

Sa building ng Tourism at HRM kami pumunta dahil iyon ang pinakamalapit na mayroong CR. Kumpara sa ibang building, mas malinis din ang banyo rito. Habang hinihintay siya ay inilabas ko ang aking cellphone para tingnan ang oras. Alas singko pa lang naman pero pagod na pagod na talaga ako. Pinatong ko muna iyon sa sink at nag-ayos ng sarili. Ang haggard ko pala!

Nang matapos si Rose ay lumabas na rin kaagad kami. Malapit na kami sa main gate nang makapa kong wala ang cellphone sa aking bulsa. My world suddenly stopped as my heart doubled its beat. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na kinapa ulit ang bawat sulok ng katawan ko.

Shit! I wiped the beads of sweat forming on my forehead. My hands started to shake in nervousness.

Mawala na ang lahat ng chismosang kapitbahay. Huwag lang ang cellphone ko!

"Problema mo?" tanong n'ya nang mapansin na natigilan ako sa paglalakad at balisang kinakapa ang bawat bulsa na mayroon ako.

"Wait lang Rose."

Kumunot ang kaniyang noo. "Bakit?"

Sinubukan ko ring hagilapin sa aking bag at halos itaktak ko na ang lahat ng laman no'n. "Nawawala cellphone ko. Naiwan ko yata sa CR."

"Ay ang laki mong tanga!"

Wala kaming nagawa kung 'di ang bumalik sa CHMT building at habang naglalakad ay sinusubukan ko pa ring halughugin ang aking bag. Si Rose naman ay abala sa pagpipindot sa kaniyang cellphone.

"Rose bilisan natin—aray!" Hindi ko na natuloy pa ang aking sasabihin dahil lumagapak ang pwetan ko sa semento.

Ramdam ko ang pananakit ng pwetan at balakang sa lakas ng impact ng pagkakabagsak ko. Mariin kong ipinikit ang aking mata sa hiya at sakit. Hindi kaagad ako nakatayo. I can feel the stares of the other students. Mayroon pa akong narinig na humagikhik.

Si Rose naman ay imbis na tulungan ako ay inuna pa ang paghagalpak ng tawa. Hindi ko iyon pinansin at sinubukang tumayo.

"Aray ko..." mahinang daing ko habang sapo ang aking balakang.

"Miss sorry, hindi kita napansin. Sorry talaga," ani isang panlalaki at malagong na tinig.

Bwisit! Sa lawak ba naman ng daan at sa laki kong ito, hindi man lang ba niya naisip na umiwas? Alam naman niyang hindi ako nakatingin sa dinadaanan! Sana siya na lang ang nag-adjust!

Tumayo ako nang hindi tinatapunan ng tingin iyong lalaking nakabangga sa akin. Si Rose ang sumagot dahil abala ako sa pag-aalis ng dumi sa kulay gray na pencil cut kong palda. "Hay nako Chavez! Kahit kailan ka talaga!" Tinulungan niya akong pulutin ang laman ng aking bag na ngayo'y nakakalat sa daan.

Matalim akong nag-angat ng tingin doon sa lalaki. Ang balak kong sanang pagsinghal ay nawala sa aking utak nang nang tumama ang kulay abo at bilugan n'yang mga mata sa akin. Agad kong nahulaan kung saang departamento ito base sa suot nitong Criminology Uniform.

Ang kaniyang buhok ay naka-clean cut. Perpekto ang hubog ng kaniyang kilay. Hindi iyon makapal ngunit hindi rin naman manipis. Kapansin-pansin din ang tangos ng kaniyang ilong pati na rin ang mapula at manipis n'yang labi.

Pasimpleng bumagsak ang mga nagniningning kong mata sa kaniyang katawan. Grabe! Pati sa hubog ng katawan ay walang tapon. Malaya kong natatanaw ang pag-flex ng biceps n'ya! Halatang laman siya palagi ng gym...and what makes me attract the most is his fair skin and chiseled jaw.

Ang guwapo! Jojowain!

"M-miss? Okay ka lang ba?"

Bumalik ako sa reyalidad nang palihim akong kurutin ni Rose sa tagiliran na may kasama pang panlalaki ng mga mata.

"U-Uh, sige." Bigla na lamang iyong lumabas sa bibig ko at hindi ko alam kung saan nanggaling ang mahinhin kong boses. Namungay ang abo n'yang mga mata. I saw a glimpse of amusement as he licked his lower lip. He then muttered a soft yet manly laugh.

"Anong sige?" I can sense hilarity in his voice.

Umawang ang labi ko kasabay ng sunud-sunod na pagkurap. Sa totoo lang ay hindi ko kasi nasundan iyong sinasabi niya! Masiyado kong na-enjoy ang pagbibigay papuri sa kaniya at nakalimutan kong masakit nga pala ang balakang at puwetan ko.

Humalakhak si Rose na nasa aking tabi at hinapit ako papalapit sa kaniya. "Teh, tinatanong ka kung anong masakit sa 'yo," aniya sa akin sa pagitan ng tawa bago muling bumaling sa lalaking nasa harapan namin. "Naku, pagpasensyahan mo na 'to Chavez, mukhang napunta yata sa puwet ang utak. Anyway, kailangan na naming umalis kasi may hinahanap kami, eh!"

Oo nga pala! Iyong cellphone ko!

"H-ha? Okay. Ingat kayo," Criminology guy said and smiled again. "Sorry again, Miss?"

"Bluie—"

Hindi ko pa natapos ipakilala ang sarili ko ay hinila na ako ni Rose at siya naman ang tumatalak ngayon. Hindi naman ako nakikinig sa kaniya dahil hindi mawala sa isip ko iyong gwapong lalaki. Hindi ko siya gusto...ano lang, gwapo. Gwapo siya. Wala sa sarili akong nilingon ulit siya. I gasped and my eyes widened when I saw him still standing where we left him. He's still looking at us... at me.

He licked his lower lip and waved his hands at me.

Napakurap akong muli.

Nakahinga ako nang maluwag nang makuha ko ang aking cellphone sa CR. Hanggang makauwi sa dorm ay hindi pa rin mawala sa isip ko iyong lalaking nakabunggo sa akin. Hindi ko na nga naisip na masakit ang puwetan ko.

"Naku sinasabi ko sa 'yo Bluie huwag kang mahuhulog sa kamandag 'non! Alam mo naman iyong kasabihan na basta pulis, matulis. Hindi ba?"

I secretly rolled my eyes.

"Hindi pa naman siya pulis," simpleng sagot ko habang pinapanood siyang magsalang ng sinaing sa rice cooker.

Nagpunas siya ng kamay at sinamaan ako ng tingin. "Ayun na nga, hindi pa nga pulis matulis na! Palibhasa ay gwapo at malaki ang etits!"

Namula ako sa kaniyang turan. Ang bulgar masiyado!

Bumukas ang pinto ng dorm. Dumating si Ate Neza, isa sa kasamahan pa namin dito sa kwarto. "Sinong malaki ang etits?" natatawang tanong n'ya.

Nginiwian ko si Rose. Tinalikuran ko siya at umakyat na sa kama ko. Tatlong double deck ang mayroon dito sa dorm ngunit tatlo lang kaming rumerenta. Wala pang isang buwan magmula nang rumenta ako rito pero si Rose at Ate Nez ay last year pa.

"Si Miguel Xavier Chavez. Iyong kaibigan kong Criminology, kilala mo?" sagot ni Rose na tinanguan naman ni Ate Neza.

Oh, so kaibigan pala ni Rose 'yong lalaki? Napanguso ako.

"Ah oo. Gwapo iyon at...malaki nga raw sabi noong kaklase kong ex-girlfriend niya."

They let out a naughty giggle.

Ate Neza looked at me, may naglalarong ngiti sa kaniyang labi. "Type mo?"

I shook my head, disgusted. "Hindi 'no!"

"Kunwari ka pa riyan! Obvious ka kaya kanina! Gusto mo ilakad kita?" si Rose at agad akong umiling. "Hmm, sabagay babaero nga iyon. Wawasakin lang 'non ang puso at pempem mo."

Nagtawanan ulit silang dalawa ni Ate Neza. Hindi ko rin tuloy maiwasang matawa sa mga kabastusan ni Rose.

"Kung ilalakad mo ako 'ron para mo na rin akong binigyan ng batong ipupukpok sa ulo ko." I chuckled.

Mahirap mag-boyfriend ng playboy 'no! Sasakit lang ang ulo mo. Karamihan sa mga relasyon ngayon ay hindi na simbahan ang tuloy kung 'di kay Raffy Tulfo. I love you now, Tulfo later.

Sumang-ayon naman sila sa akin at pinagpatuloy ang pag-uusap tungkol doon sa Miguel. Napailing na lang ako at pinasak ang earphones sa tainga ko. Hindi ko siya gusto. Guwapo lang siya pero hindi ako interesado.

Ekis tayo sa mga babaero. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro