Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3 - Our Times

Not So Innocent
MyJaffStories©2018

~

“He is Laxus Ausiryo Samaniego, kapatid siya ni Mr. Larry Aurocio Samaniego, yung may-ari ng SAMANIEGO Construction Company.” C.A hand him the papers of the Samaniego brothers. “Dad want you to meet the younger one and eventually date him, the SCC is a big catch tho.”

“We don't need it, Kuya. Isa pa, marami na tayong investors at kayang tumayo ng H. Hotels without them.”

“Still, we need more back ups Cereese. Para sa safety naman iyon nang Hotel natin.”

Gusto niyang mapairap sa sinabi nito. “I heard that the younger Samaniego is a blacksheep, why would I entertain him if I can do it with the older Samaniego.”

Dumilim ang mukha ng kanyang kapatid. “Larry is already married tho without kids, kahit na on process na ang divorce nila ng asawa niya, still, Larry is too old for you, Cereese.” Anito. “Isa pa, si Laxus ang gusto ni Dad na i-try mong i-date, baka sakaling mag work, at least nakahanap ka na rin ng mapapangasawa mo but its still your choice, Cereese di ka namin pinipilit na magpakasal.”

“I know. Dad, won't do that to me.”

Hindi naman siya ipagkakanuno ng Daddy niya sa kung sino lang lalaki basta't may yaman. She still have a choice.

Hapon na nang umalis siya sa office niya ng H.Hotels sa Makati Branch. Magkikita kasi sila ngayon ni Tati — Tati is a soldier, anak ng isa sa mga unang Torturers. Nakabakasyon kasi ito ngayon kaya may usapan silang magkikita sila sa isang bar para uminomkahit na hindi naman umiinom si Cereese.

Cereese!!” Kaway sa kanya ni Tati nang makarating siya sa bar. Bumaba ang tingin ni Cereese sa mesa ni Tati at napangiwi na lamang ng makita niyang may ilang bote ng beer na naroon. “Kanina pa ko nandito. Late ka! That's not so you.”

Pasensya ka na, nagmeeting pa kasi kami ni Kuya C.A.” Paliwanag niya. Inalok siya nito ng alak na kaagad niya namang tinanggihan. “Pineapple juice is fine with me Tati.”

“Tss. Boring.”

Hard drinker si Tati unlike her, kumbaga pumupunta lamang ito ng bar para uminom samantalang siya naman ay kapag niyayaya siya ni Tati. Minsan lang naman itong magbakasyon mula sa pagiging sundalo kaya sinasamahan na niya.

“We're heading at Mindanao next month to eliminate another terrorist.”

Kayang kaya mo na 'yan Tati.” Aniya.

Tati is a tactician and she's great on planning things.

“I know right!” Tinaas pa nito ang bote ng beer na hawak. “I will eliminate them all! I am the great fairy tactician...” She was chanting something, maybe a soldier song?

“How long your vacation is?” She asked.

“35 days.” Sagot nito. “Oh wait! I want you to have a blind date with my friend. Si Macky! Bagay kayo 'non!” She suggested.

Napairap naman si Cereese sa sinabi ng kaibigan. “No thanks. I'm not into soldiers, Tati. You know that.”

“Yeah, you want businessmen para may pakinabang sayo. Anyway, I got you something.”

Yup. Iyong something na iyon ang dahilan kung bakit sila nagkita kahit na medyo gabi na.

Nilabas ni Tati ang isang kulay asul na kahita at saka binuksan iyon, nanlaki ang mga mata ni Cereese ng makita ang isang eleganteng set ng pearl earrings at necklace sa loob niyon.

“I know you want something like that... You know... Expensive...”

Yeah! She really likes it! She likes every expensive things in the World.

Regalo sakin 'yan kaso hindi ko type kaya sa'yo na lang. Galing yan sa isang Gobernador sa Bohol.”

Noong nakaraan, gold bracelet na galing sa isang Sultan ang ibinigay sa kanya ni Tati. Hindi naman kasi maalahas ang kaibigan niya, you know she's more manly than being feminine.

“Thanks Tati! I like it.” Aniya sabay kuha noong isang pares ng hikaw. “Can I try it?”

“Of course sa'yo na 'yan eh!”

She happily removed her gold ring earrings before fixing the pearl one on her ear, inilagay niya rin ang sa kabila.

“Oh! It looks really nice.” Aniya nang makita ang sarili sa salamin na nakalagay sa make up pouch niya.

Hinubad rin naman iyon ni Cereese at saka ibinalik sa kahita. She will wear it sa mga party at important gatherings lang.

Inabot sila ng hating gabi sa bar, actually, sinamahan niya lang talaga si Tati na mag-inom dahil siya na rin ang naghatid nito sa bahay nito dahil hindi na nito kayang magdrive sa sobrang wasted.

Pagsakay niya ng sasakyan ay saka niya lang napansin na wala iyong bag niya! Nandoon iyong pearl jewelry set na bigay ni Tati sa kanya pati ang kanyang cellphone.

“God! Maybe I forgot it sa bar?” She was too occupied awhile ago dahil akay niya ang lasing na kaibigan.

Napagdesisyonan ni Cereese na bumalik ng bar. She was hoping that it was still there because she really likes that pearl jewelry.

Pagkabalik niya roon ay nagulat siya nang makita ang isang lalaki na hawak ang pouch niya habang may kinakausap na tao yata ng bar.

Tumaas ang kilay ni Cereese at mabilis na lumapit doon.

“Excuse me, that's my bag.” Aniya.

Humarap sa kanya ang lalaki. Matangkad ito. Mas matangkad pa nga yata ito kay C.A ng isang dangkal. His pitch black hawk like eyes are intimidating, pero hindi natinag si Cereese. The guy isn't that attractive.

“How sure are you?”

“I can tell you what's inside.” Sagot niya gamit ang malamig na boses.

“What's your name first?”

Umarko naang kanyang kilay. “Kailangan pa ba iyon?”

“Not necessary.”

“Then give me my bag.” asshole.

Ngumisi ito na para bang walang balak na ibigay sa kanya ang naiwang gamit. God! This is getting annoying!

When she was about to fire back, the man with a hawk-like eyes handed her the bag,

“Here, I was just joking you.” Anito. “I just want to talk with a beautiful lady like you.”

Tss. “Thanks.” for the compliment? Tss.

She was about to go when he handed her the bag pero hindi pa pala nito tuluyang nabibitawan ang bag kaya nahila rin siya ng lalaki kasabay ng bag.

“What the...”

Napakalapit ng mukha nito sa kanya! And fucking take note, he was hugging her from the behind!

“Go out with me...”

And that's the first she met Laxus Ausiryo Samaniego.

GABI ng Martes nang umuwi si Cereese galing ng Surigao. She checked the current renovation of H. Hotel there, wala naman siyang nakitang problema liban na lamang sa mga materyales na pinapalitan niya.

Actually, gusto pa sanang magtagal doon ni Cereese, kaya lang iniisip niyang baka mapabayaan na niya ang SCC kapag nagfocus siya masyado sa H. Hotels.

She will never give up the SCC to Laxus.

And speaking of Laxus, naabutan niya ito sa may garden — tabi ng pool area — na nakaupo sa isang table set doon habang nakatutok sa laptop nito.

He was wearing a plain white shirt and gray shorts, he's looking serious while wearing his eyeglasses, para bang napaka-seryoso nito sa ginagawa at may sarili nang mundo.

Cereese immediately shook her head, hmm... She's too focus on... Nevermind.

Didiretso na sana siya sa loob ngunit hindi na siya nakatakas sa pansin ng binata.

“You're back.”

“Yes, I am.” Pirming aniya.

“I'm reviewing the sales of SCC. Malaki na rin pala ang nawala nitong nakaraang dalawang taon, nagbabalak akong magtanggal ng tao.”

Napataas ang kilay ni Cereese sa sinabi nito. “The SCC is stable, hindi mo kailangang magtanggal ng tao dahil sa naluging pera na kaya namang tapalan at bawiin.”

“You don't know about this business. Approval mo na lang ang kailangan ko, since dalawa tayong namamahala sa SCC, kailangan pa rin ng pirma mo.” Madilim na anito.

“I will not sign it.” She said with finality. Tumalikod na siya at humakbang palayo, habang ginagawa niya iyon ay muling nagsalita. “I'm sure, Larry didn't want it too.”

“Do not drag his name here!” Pagalit na anito.

Muli niyang nilingon ang binata. “And why wouldn't I? He is the real owner of SCC after all!”

“He's long dead Cereese!”

“He will never be dead in the hearts of his people.” Mariing aniya. “You're trying to invade his company, but you will never invades his position. Ilang beses ko bang sasabihin sayo? Noon o ngayon, wala kang pag-asa sa mga pag-aari ni Larry na pilit mong inaangkin.” Tumalikod na siyang muli.

“Baka nakakalimutan mong una kang naging akin, Cereese? Unang naging sa akin ang SCC... Lahat ng mayroon si Kuya, ay unang naging sa akin.”

Doon siya natigilan. Panandaliang nawala sa postura si Cereese, ngunit sa huli ay pinilit na lamang niyang magmartsa papasok ng mansyon.

Hindi siya makahinga... Hindi siya makahinga ng maayos dahil kay Laxus.

**

Happy New Year Torturers! Special thanks to Miss Joanalyn Reyes :* Muaaahugs!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro