Prologue
PROLOGUE
MALUHA-LUHA si Clarianette habang nakatingin sa malawak na karagatan. Sa La belle resort niya naisipang pumunta pagkatapos ng mga nalaman niya sa mga magulang niya. Ito ang resort na pag-aari ng kasinatahan niya.
Hindi siya nakapaniwala na magagawa ng mga magulang niya ito sa kanya. I can’t believe they did that to me. I’m their only child!
Napalingon siya ng maramdamang may umakbay sa kanya. She smiled sadly when she saw her boyfriend for two years.
“Ayos ka lang ba, Claria?” Tanong nito sa kanya, puno ng pag-aalala ang mukha nito.
Umiling siya. “I can’t believe they did this to me. And for what? For a company merger? My god, Lance, ano ba ang tingin nila sa’kin? I’m not a good to be parcel.”
Hinagod ng kasintahan ang likod niya. “It’s okay. We’re going to talk to them. Sasabihin natin sa kanila na nagmamahalan tayo at hindi nila iyon puwedeng gawin. Kapag nalaman ng mga magulang mo na may kasintahan ka na, baka hindi nila ituloy yun.”
She shook her head. “And you think everything is going to be fine after that? Lance, hindi mo kilala ang mga magulang ko. They’re going to disown me!”
“Claria, you’re being melodramatic. Walang magulang na idi-disown ang sariling anak. Lalo na at ikaw lang ang ka-isa-isa nilang anak.”
Hilam ng luha ang mga mata niya ng tumingin siya kay Lance. “Hindi mo kilala ang mga magulang ko. They’re strict as hell lalo na si mommy. Natatakot ako sa gagawin nila kapag umayaw ako sa gusto nila. I’m still in college, I can’t stand on my own, and I still need their support.”
“’Yon lang ba ang kinakatakot mo? I will support you. Akin ka, Claria, hindi kita ibibigay sa lalaking yun, kung sino man siya! I don’t care if it’s your parents will. Mahal kita. Mahal na mahal kaya naman ipaglalaban kita.”
Umiling-iling siya. “Hindi ako puwedeng basta-basta nalang mag alsa balutan dahil kahit ganoon ang ginawa nila sa akin, mahal ko pa rin sila. Hindi ko kayang mawala sila sa’kin.”
“Claria, I love you. At kung ipagpapatuloy nila ang kagustuhan nila, kung kailangan kong itanan ka, gagawin ko. Ipaglalaban kita, Claria.”
She looked at Lance softly. “I love you too. Ipaglalaban din kita. Promise. Hindi ko hahayaan na basta nalang gawin nila yun sa akin.”
Tumango ito at niyakap siya ng mahigpit. “I love you so much, Claria.”
She hugged him back. “I love you too, Lance.”
PAGPASOK palang ni Clarianette sa bahay nila, agad na sinalubong siya ng kaniyang mga magulang. Her father looks calm but her mother looks furious. Masama ba siyang anak kung sasabihin niyang wala siyang pakialam kung magalit man ang mga ito sa kanya?
“Good evening, Mom, Dad.” Bati niya sa mga ito sabay halik sa pisngi.
“Where have you been?” Matigas ang boses na tanong sa kanya ng kaniyang mommy.
Walang emosyong tumingin siya rito. “Nakipagkita ako sa boyfriend ko. Masama ba iyon?”
“Do you know how worried we are?”
She glared at her mother. “Worried of me? Baka naman natatakot kayo na wala na kayong ipagbibili kapag nawala ako?”
Naningkit ang mga mata ng ina niya. “That’s it! You’re grounded! Walang TV, walang cell phone, walang laptop at walang boyfriend. Since summer naman ngayon, hindi ka lalabas sa bahay na ito ng walang pahintulot namin. Understand?!”
Tumingin siya sa Daddy niya para humingi ng tulong pero nag-iwas lang ito ng tingin. Umirap siya sa hangin at nagma-martsang tinungo ang silid niya na hilam ng luha ang mga mata.
Ano ba ang magagawa ng isang tulad niya. Wala siyang masasabing masama sa mga magulang niya. halos lahat ng luho niya ay naiibigay ng mga ito. From dresses to cars.
Lahat ng gusto niya binigay ng mga ito kaya naman hindi niya alam ang gagawin niya. Napaka-walang kwenta naman niyang anak kapag hindi siya pumayag sa mga ito pero buhay naman niya ang masisira kapag pumayag siya.
For Christ sake! Hindi pa nga niya kilala kung sino ang lalaking yon! Tapos ipapakasal sila. I’m only nineteen years old! I don’t want to get married at a young age!
Naputol ang pag-iisip niya ng makarinig ng katok mula sa pintuan ng kuwarto niya.
“It’s open.” Sigaw niya mula sa loob.
After a second, the door opened. Pumasok ang Daddy niya na nangungusap ang mga mata na patawarin niya.
“Hello, baby.” Anito at lumapit sa kanya.
“Hey, Dad.” Walang buhay na bati niya rito.
“I’m sorry if this ruined your summer.” Sabi nito at tumabi sa kanya ng upo sa kama niya.
“I just don’t understand, Dad. Why are you doing this to me?”
Her father exhaled loudly. “Listen and listen very well. The moment Cleevan said that you’re very pretty and he wanted to marry you someday, napagkasunduan na namin at ng mga magulang ni Cleevan ang kasal niyo. Supposedly, ikakasal kayo kapag twenty-five ka na, but something happened. Our company needs their company’s support. Hindi na kakayanin ng kompanya natin na tumayo sa sarili nitong mga paa. Akala ko magiging maayos ang lahat dahil kaibigan ko naman ang pakikiusapan ko, pero nag-take over na pala si Cleevan. At ikaw ang gusto niyang kapalit sa tulong na ibibigay niya sa pamamagitan ng pagmi-merge ng kompanya natin sa kompanya nila. Bata ka pa, ayokong masira ang mga pangarap mo ng dahil sa amin pero ang pamilya naman natin ang masisira kapag hindi ka pumayag.” Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil iyon. “Nasa iyo ang desisyon. You can accept it or reject it. I’m sorry, baby.” A tear fall down from her father eyes.
Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya kayang makita ang ama niya na umiiyak sa harapan niya.
Habang nakatingin sa kawalan, napaisip siya. Ganoon ba talaga siya kawalang silbing anak? Matagal na palang nalulugi ang kompanya nila hindi man lang niya alam. Pabili lang siya ng pabili ng kung ano-ano sa mga ito. Kinakain ng konsensiya ang buong pagkatao niya.
Partly, it’s her fault too.
She lives in luxury since birth. Lahat ng gusto niya ay ibinigay ng mga magulang niya sa kaniya tapos ngayon aabandunahin niya ang mga ito kung kailan kailangan na kailangan siya?
But… my life will be ruined! I heard this man… Cleevan… is a very ruthless man. Makakaya ba niya na pakisamahan ito?
Ibinalik niya ang tingin sa ama na nakatungo at hawak-hawak pa rin ang kamay niya. “Daddy, it will ruin my life and I don’t want that for myself.”
Tumango-tango ang ama niya. “I understand.” Tumayo ito at pinisil ang kamay niya pagkatapos ay lumabas na ito ng silid niya na bagsak ang balikat.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at bumilang hanggang sampo. When she reached number ten, she hurriedly stands up and went to her parents master’s bedroom. Kakatok sana siya ng marinig niya ang boses ng mommy niya. Nakaawang ang pintuan ng silid ng mga ito kaya naman narinig niya.
“Napapayag mo ba?” Tanong ng mommy niya sa daddy niya.
“Cara, kilala mo ang anak natin. May isip na siya. Hindi siya pumayag.” Sagot ng ama niya.
“Alam kong hindi siya papayag at sa totoo lang, ayoko rin siyang pumayag. Pero paano ang kompanya natin? Paano ang utang natin sa bangko. Sa susunod na buwan, i-elite-tin na ang bahay natin kapag hindi pa tayo nakabayad. Ano nalang ang gagawin natin kapag nangyari yun? Saan tayo titira? Ayokong maghirap tayo. Paano na si Claria? Hindi na natin maiibigay ang gusto niya.”
Claria was stunned for a minute. Oh god! Ganito ba kalaki ang problema ng mga magulang niya? At siya pa rin ang iniisip ng mommy niya sa kabila ng problema ng mga ito?
Wala sa sariling itinulak niya ang pintuan ng silid ng mga magulang at pumasok siya roon.
“Wala na bang ibang sulosyon?” Tanong niya sa mga ito na halatang nagulat sa presensiya niya.
Her mother was the one who answered her. “Wala na. I’m sorry anak kung pati ikaw dinamay namin dito.”
Her heart was wrench from her chest as she looked at her mother wounded expression. “It’s okay. Naiintindihan ko. I’ll accept the marriage.”
Nanlaki ang mga mata ng magulang niya.
“Anak, ayokong masira ang buhay—”
She cut off her father’s words. “Daddy, kapag hindi ako nagpakasal sa kanya mas lalong masisira ang buhay ko… ang buhay nating tatlo. Kung ako lang ang tanging sulosyon para maging okay ang lahat, then okay, I accept it. With one condition.”
Natigilan ang mommy niya. “What condition?”
Claria looked at her mother’s eyes. “I’m going to finish my college in the US and I’m going to stay there for five years after I graduate. Tell that to that ruthless man, then after that, he can have me. Papayag ako sa lahat ng gusto niyang gawin sa’kin. Just please, let me experience how it feels like to achieve my goals in life.”
Nawalan ng imik ang mga magulang niya.
“Tell him that.” Wika niya at tinalikuran na ang mga ito at lumabas ng kuwarto.
Nagmamadaling tinungo niya ang silid at itinapon ang katawan sa kama. Claria covered her face with the pillow and she let her tears flow. This is for my family. I’m sorry, Lance. I’m really sorry.
KINAUMAGAHAN habang nag-aagahan siya, lumapit ang mommy at daddy niya. May kasama ang mga itong lalaki na naka-coat ang tie at may dala itong attaché case. Her father was holding a piece of paper.
Her forehead furrowed. “Anong mayroon?”
Her father put the piece of paper in the table next to her plate. “This is yours’ and Cleevan’s marriage contract. Sign it.”
Her mouth hanged open. Her heart beat quicken and fear sipped through her being as she looked at the piece of paper. “M-Marriage contract?”
“Yes.” Her father sighed heavily. “Pumayag siya sa gusto mo, pero kailangan mong permahan ito.”
Hindi siya gumalaw. Nakatitig lang siya sa puting papel na nasa harapan niya. A marriage contract? What the hell? This is absurd!
“Kailangan mo iyang permahan para makaalis ka ng bansa tulad ng gusto mo.” Wika ng ina niya na lumapit sa kanya at may iniabot itong ball pen sa kanya.
Kinuha niya ang ball pen at dahan-dahan niyang inilapit ang kamay sa marriage contract na nasa harapan niya.
She squeezed her eyes shut then drop her hand on her side. “Is this even legal?”
Tumango ang lalaki na kasama ng mga magulang niya. “I’m Atty. Knight Velasquez, a friend of Mr. Cleevan Sudalgo. This marriage contract is signed by Judge Ejercito. Kahit wala naman talagang kasalan na naganap, kasal pa rin kayo dahil pagkatapos mong permahan iyan, ipapasa ko yan sa City Hall, then you’ll be legally married to Cleevan.”
Huminga siya ng malalim at mabilis na pinirmahan ang nasabing kontrata. Ayaw niyang mag-isip dahil alam niyang hindi sang-ayon sa kaya ang kaniyang utak.
Claria exhaled then stands up. Mabilis na lumabas siya ng bahay para makasagap ng sariwang hangin. Pakiramdam niya naninikip ang dibdib niya.
Hinagod niya ang dibdib at pilit na kinalma ang sarili. Claria looked at her finger. I’m freaking married. God! She’s freaking married! Tears fall down from her eyes but she quickly wiped it away when she heard footsteps.
It was Atty. Velasquez.
“Here.” Anito sabay bigay sa kanya ng isang brown envelop.
She looked at the enveloped with a frown. “What is that?”
“It contains your passport and plane ticket. You may go to US tomorrow. Ayaw ni Mr. Sudalgo na magtagal ka pa rito. Ayaw niyang makipagkita ka sa kasintahan mo. He said and I quote ‘I am the one who’s going to penetrate that hymen of yours’ end quote.”
Nag-iwas siya ng tingi para itago ang namumula niyang mukha. Oh god! I’m married to a pervert!
Mabilis na kinuha niya ang envelop at iniwan si Atty. Velasquez sa labas ng bahay nila. Tinungo niya ang silid at nag-isip ng paraan para makontak niya si Lance. Hindi niya hahayaan na ang lalaking iyon ang makakuha sa pinaka-iingatan niyang pag-aari.
After she gives her virginity to Lance, saka siya lilipad patungong US. To hell with Cleevan Sudalgo! Whoever he is, screw him! He could rot in hell for all she cares!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro