CHAPTER 9
CHAPTER 9
HINDI alam ni Clarianette kung matatawa ba siya o maiinis sa hindi maipintang mukha ni Cleevan. Kanina pa ito nakabusangot at kahit pigilan niya ang sarili, natatawa pa rin siya rito.
Cleevan has been complaining about his tux. Oo nga naman, nakakahiya itong kasama. Who would wear a tux in Star City? Hindi nakapagtataka na pinagtitinginan ito ng mga tao.
“Isang tao pa ang tumingin sa’kin na parang taga-mars ako, uuwi na talaga ako!” Galit na wika ni Cleevan at humalukipkip.
“Huwag mo nalang silang pansinin.” Ani niya.
“Huwag pansinin? Are you freaking kidding me?” He really looked irritated. “They’re looking at me like I have three heads instead of one.”
Ipinalibot niya ang braso sa matitipuno nitong braso. “Let them be. Kapag pinansin mo ang mga iyan, mas papansinin ka nila.”
“Easy for you to say, you’re wearing a jeans and a blouse.” Sarcasm was visible on his voice.
Itinirik niya ang mata sa kaartehan nito at hinila ito patungo sa pinakamalapit na food cart. Nagugutom siya sa parereklamo ni Cleevan.
Clarianette bought one foot long. She was about to eat it when she heard Cleevan’s voice.
“Where’s mine?”
Binalingan niya ito. “Akala ko hindi ka nito kumakain.”
“Anong tingin mo sa’kin, walang bituka?”
Inirapan niya ito at dahil sa inis na nararamaman, sa halip na bilhan ito, pinahati niya ang foot long. Binigay niya ang kalahating parti ng foot long kay Cleevan. “Hayan. Enjoy eating.”
Nauna na siya maglakad habang patingin-tingin sa nadadaanan nilang mga booth at paninda. Naramdaman niyang tumabi sa kanya sa paglalakad si Cleevan at ng tingnan niya ito, nakita niyang kumakain ito ng foot long at mukhang sarap na sarap ito sa kinakain.
“Masarap?” Tanong niya.
“Shockingly, yes.” Sagot nito at ipinagpatuloy ang pagkain.
As they walk side by side, a small and colorful booth caught her eyes. Napatigil siya sa paglalakad at matamang tiningnan ang nasabing booth. Nang masigurado na tama ang hinala niya tungkol sa booth, hinala niya patungo roon si Cleevan na kumakain pa rin.
Sa wakas nakahanap din siya ng booth na nagtitinda ng mga souvenir t-shirts.
“Diba panay ang reklamo mo riyan sa suot mo?” Tanong niya rito ng makalapit sa booth. “This is the answer to your problem.”
Tumigil sa pagkain si Cleevan at kunot ang nuong tiningnan ang paninda ng booth.
“May black t-shirt ba kayo?” Tanong ni Cleevan sa tindera.
“Yes, Sir.”
“Good. Give me one.”
“Pero, Sir, hindi ko kasi puwede na isa lang ang—”
“I said, give me one.” Matigas ang boses na wika ni Cleevan sa tinder na mukhang natakot sa lalaki.
Nakita ni Clarianette na natatarantang kumuha ang tindera ng isang black-shirt. Napakunot ang nuo niya ng mapansing hindi lang isang t-shirt ang dala ng tindera kung hindi dalawa. At nang ipinakita sa kanila nito ang desinyo ng dalawang t-shirt, saka lang niya nalaman na hindi ito isang souvenir booth kundi isang couple shirt booth. Bakit ba hindi ako nagbabasa?
“Sir, hindi po puwedeng isa lang ang bilhin niyo, couple shirt po kasi ito e.” Wila ng tindera na hindi makatingin kay Cleevan.
Clarianette saw how Cleevan’s eyes widen a bit when he saw the couple shirt. The shirts color is black and white.
Napangiti si Clarianette sa disenyo ng couple shirt. The left part of the black t-shirt has a man kneeling in one knee and the man is holding a half heart. And the design of the white t-shirt is that, in the right part of it, a woman was smiling down and was also holding a half heart. Kapag pinagdikit mo ang dalawan t-shirt, magkakalapit ang mga kalahating puso na hawak ng babae at lalaki at magiging isa iyon.
Definitely a couple shirts. Aniya sa sarili.
She was expecting Cleevan to turn around and leave, but he stunned her by saying, “How much for one couple shirt?”
Napanganga siya rito. “Seriously? Bibili ka?”
Binalingan siya nito. “Yeah. I would rather wear that shirt than this tuxedo.”
Nang mabayaran ni Cleevan ang couple shirt, nagtungo sila sa pinakamalapit sa rest room. Hindi niya sinamahan si Cleevan sa loob dahil baka ano na naman ang mangyari. The last time they went inside the rest room together, she gave Cleevan a hand-job.
Pagkalabas ni Cleevan sa rest room, napangiti siya ng makita ang suot nitong t-shirt, it looks cute on him.
“Siguro naman hindi ka na pagtitinginan ng mga tao niyan.” Komento niya.
Cleevan shrugged then looked at his pants and Italian shoes. “Well, this will do for now.” Pinagsiklop nito ang kamay nila. “Halika na. Ready na ako sumakay sa ibang rides.”
Napatingin siya sa magkasiklop nilang palad. Bakit parang napaka-normal na gawin nila ‘yon? It feels normal holding his hand in public. It doesn’t feel awkward.
“Nett. Nett!” Pukaw nito sa lumilipad niyang kaisipan.
Mabilis siyang nag-angat ng tingin dito. “Ha?”
“Sabi ko, anong rides ang sunod na sasakyan natin?”
Umakto siyang nag-isip pero ang totoo, may naisip na siya kanina pa.
“Sakay tayo sa Horror train.” Aniya na nakangisi.
“Horror train?” Ulit nito. “Puwede bang sa Ferris wheel nalang? Okay lang naman sa’kin ang Horror Train pero baka umiyak ka sa sobrang takot—”
“Ako, iiyak?” She smirked. “Baka ikaw ang umiyak.”
Cleevan narrowed his eyes on her then grabbed her hand and pulled her towards the Horror Train.
After they bought the tickets, Cleevan and Clarianette secured themselves in the front seat of the train. A moment later, the train started to move. Clarianette can hear gasps and whispers of people behind them but she was just nonchalantly leaning on her seat and waiting for the darkness to swallow them.
WHEN DARKNESS surrounded them and scary sounds started to play, Cleevan waits for Nett to shout, but she didn’t. All he can hear are muffle of gasp and shriek of the people behind them. Nag-alala siya baka nanigas na si Nett sa sobrang takot.
“Nett?” Tawag niya sa pangalan nito.
“Yeah?” Her voice sounds calm.
Nang tumapat ang train sa medyo may nakatanglaw na ilaw, inaninag niya ang mukha ni Nett. She was looking around, trying to see things and it looks like she’s not scared at all. Wala siyang makitang takot sa mukha nito kahit na nung gulatin ito ng paring pugot ang ulo.
“Hindi ka man lang ba natatakot?” Tanong niya na kunot ang nuo.
She shook his head. “Nope. Bakit naman ako matatakot?” Then she paused. “Ikaw, natatakot ka?”
Umayos siya ng upo. “Nope. I’m not even half-scared. This is lame.”
Mahina itong tumawa at humilig sa balikat niya. “Thank you for this day, Cleevan.” Anito kapagkuwan.
He stilled at what she said. He can feel his heart beating a lot faster than normal. “Why are you thanking me?”
“Kasi pinasaya mo ako sa araw na ‘to.”
“Pinasaya? In what way?”
“Basta, pinasaya mo ako. Huwag mo ng itanong kong paano mo ako napasaya, basta masaya ako.”
Mahina siyang napatawa. “Okay. Hindi na ako magtatanong.”
“Good.”
NANG makalabas sila sa Horror Train, ang mga kasabay nila, napaas sa katitili, sila naman ni Nett, parang namasyal lang sila sa loob.
They are walking side by side when Nett faced him. “Saan mo gustong pumunta?”
Nagkibit-balikat siya. “I don’t know about you, but I’m really hungry.”
“Me too.”
“Want to grab something to eat?”
“Ano? Foot long na naman?”
Umiling siya. “Nope. May iba akong pagkain na nasa isip.”
Hinawakan niya si Nett sa kamay at hinila palabas ng Star City.
“Uuwi na tayo?” Naguguluhang tanong ni Nett ng makita ang exit sign.
“Oo.”
“Ano?” She stopped him from pulling her. “Isn’t this supposed to be a date? Diba ang date buong araw?”
“Oo, pero gusto ko ng umuwi eh.”
“Oh.” Biglang nawala ang kislap ng mga mata nito. She looks so sad. “Gusto mo na talagang umuwi?”
“Yeah.”
Nauna na siyang maglakad dito. Nang makasakay sila sa kotse niya, sinupil ni Cleevan ang ngiti na gustong kumawala sa mga labi niya ng makita ang nakasimangot na mukha ni Nett. Alam niyang ayaw pa nitong umuwi pero kailangan talaga nilang umuwi.
He has a surprise for her. Thanks to Ace for helping him. Sana nga lang magustuhan nito ang surpresa niya rito.
PAGDATING nila sa bahay, hindi hinintay ni Clarianette na makalabas ng kotse si Cleevan. Iniwan niya ang lalaki at pumasok sa kabahayan. Naabutan niya si Ace na naka-upo sa sofa at nanunuod ng TV. Hindi niya pinansin ang lalaki at nagtuloy-tuloy sa kuwarto nila.
Hindi niya alam kung bakit naiinis siya. Is it because the date was cut off short? Or is it because Cleevan was so eager to go home? Ano ba ang mayroon sa bahay na ‘to at gusto na nitong umuwi? Hmp! Urgh! Argh!
Naiinis na hinubad niya ang sapatos at nahiga sa kama. Bwesit talaga ang lalaking ‘yon!
NANG makapasok sa bahay si Cleevan, sinalubong siya ni Ace.
“Anong ginawa mo kay Claria at mukhang masama ang timpla?” Tanong nito.
Nagkibit-balikat siya. “Malay ko sa kanya. I just wanted to go home so I can surprise her.”
“Sinabi mo bang so-sorpresahin mo siya??”
“Nope. Bakit ko naman sasabihin ‘yon? E di hindi na sorpresa ‘yon. Baliw.”
Natawa ito. “Kaya naman pala bad mode si Claria. Nabitin yata sa date niyong dalawa.”
Tinalikuran siya ni Ace at nauna na itong naglakad patunong kusina para ihanda ang sorpresa niya.
Sumunod siya sa kapatid. Ipinagdarasal niya na sana magustuhan ng asawa ang inihanda nila ni Ace para rito, dahil kapag hindi, Hinding-hindi na talaga siya makikipag-date kahit kailan.
MALAPIT NA, kaunting-kaunti nalang, makakatulog na si Claria ng biglang may kumatok sa pinto. Naiiritang bumangon siya mula sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan. Binuksan niya iyon at kumunot ang nuo niya ng makita si Ace.
“Anong kailangan mo?” Naiiritang tanong niya rito.
“Ahm,” He paused. “Cleevan is in the balcony. He’s waiting for you. May sasabihin daw siya sa’yo.”
Nalukot ang mukha niya. “Ano naman ang kailangan ng hudyong ‘yon sa’kin?”
“Malay ko.” Anito na nagkibit-balikat. “Puntahan mo nalang para malaman mo.” Wika nito at umalis.
Nagdadalawang isip siya kung pupunta siya o hindi, pero pagkalipas ng ilang minuto, napagdesisyunan niyang puntahan ang asawa sa Teresa.
Nang makarating sa Teresa, napakunot ang nuo niya ng makitang wala naman doon si Cleevan. Akmang aalis na siya ng may mahagip ang mata niya.
Claria turns to her left, and her lips parted in shock. Hindi niya mailayo ang mga mata sa mesa na nasa harapan niya. The table is covered with black silk and petals are scattered on the table. May champagne sa ibabaw ng mesa at dalawang wine glass. At kapansin-pansin din ang tatlong tangkay ng rosas na nakalagay sa vase na nasa gitna ng mesa.
“Para naman kaya saan ‘to?” Tanong niya sa sarili habang naglalakad palapit sa mesa.
“Para sa’yo.” Anang boses mula sa likuran niya.
Mabilis siyang lumingon at napaawang ang labi ng makita si Cleevan na nakasuot ng tuxedo. He looks so gorgeous standing there with his hands on his pocket.
“This is for you.” Ulit nito ng hindi siya magsalita at nakatitig lang dito. “I hope you like it.”
“Bakit ka naman mag-aabala?” Dumako ang mga mata niya sa mesa. “I mean, why would you do this for me?”
Binitawan ni Cleevan ang kamay niya at pinaghugot siya ng upuan. “Have a seat.”
Sa halip na umupo, hinarap niya si Cleevan. “Bakit mo ginagawa ‘to?”
Humugot ito ng isang malalim na hininga at sinagot siya. “Because I want to, okay? Now, have a seat.”
Napipilitan siyang umupo. Sa totoo lang, nagustuhan niya ang ginawa nito pero hindi niya maiwasang magtanong.
Nang makaupo ang lalaki sa kaharap niyang upuan, may waiter na lumapit sa kanila. When she looked at the waiter’s face, her eyes bulged when she saw Ace. He winked at her before serving them her favorite food of all time.
Pizza!
Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya ng maamoy ang mabangong aroma ng Pizza. Her mouth watered for a taste! She wanted to eat but a question boggles her mind.
Nag-angat siya ng tingin kay Cleevan na nakatingin sa kanya. “Paano mo nalaman na paborito ko ang Pizza?”
“Nagtanong ako sa Mommy mo.” Mabilis na sagot nito.
Bakit ito nagsisinungaling sa kanya? “My mom doesn’t know my favorite food. Masyado silang abala sa negosyo para alamin ‘yon, at huwag mong sabihin sa’kin na si Daddy ang nagsabi sa’yo, kasi katulad ni Mommy, wala rin siyang alam.”
Nawalan ng imik ang kaharap at nag-iwas ng tingin.
She took a deep breath and sighed. “Cleevan, kanino mo nalaman?”
“Importante bang malaman mo kung kanino ko nalaman?” Wika nito sa iritadong boses. “Kumain ka nalang at magpasalamat na binilhan kita ng Pizza.”
She really wants to know who told Cleevan, but she also can see that he won’t tell her who. It’s written all over his face. Kaya mamaya na niya ito kukulitin, ngayon, kakain siya ng paborito niyang Pizza.
A/N: Hmmm. May isa pa akong iimbestigahan. Saan kaya nalamn ni Cleevan na paboritong pagkain ni Nett ang Pizza. Hahahaha. Pag-pasensiyahan niyo na, inaataki lang ako ng ka-abnormalan ko. Hahaha.
Enjoy reading <3 Lot's of love, C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro