CHAPTER 8
CHAPTER 8
WALANG imik si Clarianette habang nag-aagahan kasama ni Cleevan. Panay ang dasal niya sa panginoon na sana dumating si Ace para may makausap siya pero hindi pinakinggan ang dasal niya.
“Where have you been last night?” All of a sudden, Cleevan asked.
Nagtaas siya ng tingin dito. “I’m very sure Ace already told you.”
Walang emosyon ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. “I’ll ask you again Nett, nasaan ka kagabi?”
Itinirik niya ang mga mata. “Nasa Royal Restaurant ako kagabi, kasama ko si Ace.”
“Si Ace lang ba?” Puno ng pagdududa ang boses nito.
“Nope, not just Ace.” Nang-uuyam na nginitian niya ito. “I was with Lance last night. We talk about a lot of things.” She sighed dreamily. “It was an amazing night.”
Cleevan abruptly stands up and left her in the table. Mahina siyang natawa sa inakto nito. Mag-deny man ito ng mag-deny alam niyang nagseselos ito kay Lance. Walang ibang paliwanag sa inaakto nito kung hindi pagseselos. Pero bakit naman ito magseselos? Unless he— Marahas niyang ipinilig ang ulo. That’s absurd. Hinding-hindi mangyayari ang nasa isip niya kani-kanina lang. Napaka-imposible na magkagusto sa kanya si Cleevan.
Bumuntong-hininga siya at pinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos niya, sa halip na bumalik sa silid nila ni Cleevan, naglakad-lakad siya sa kabuunan ng bahay.
Halos sampong minuto na rin siya palakad-lakad ng dalhin siya ng paa niya sa isang maliit na hallway, ang dulo niyon ay isang kulay mahogany na pinto. Out of curiosity, she walked towards the door and was about to open it when the door suddenly opens showing Cleevan.
Namilog ang mga mata nito ng makita siya at mabilis na isinara ang pinto at ini-lock. She tried to take a peek on what’s inside the room, but failed. Nakaharang kasi ang matipunong katawan ni Cleevan kaya wala siyang nakita.
“Anong mayroon sa loob at parang may tinatago ka?” Usisa niya.
Hinablot nito ang kamay niya at hinila siya palayo sa silid na iyon. Tumigil lang ito sa paghila sa kaniya nung nasa sala na sila.
“Anong mayroon sa silid na ‘yon?” Usisa niya ulit dito.
“None of your business.” He turns to leave, leaving her in confusion.
Clarianette took a deep breath then exhaled loudly. Hindi talaga niya maiintindihan ang ugali ng lalaking ‘yon.
Umupo siya sa mahabang sofa at binuksan ang TV. Kinuha niya ang remote at inilagay sa Star Movies. Nang makitang Insidious ang palabas sa TV, humilig siya sa malambot na likod ng sofa at nanuod.
A minute passed by and she felt someone sat next to her. Nang tingnan niya kung sino iyon, nakita niya si Ace. Ibinalik niya ang tingin TV para manuod. Wala silang imik pareho ni Ace, focus sila sa pinanunuod nila.
Pagkatapos ng palabas, narinig niyang mahinang tumawa ang lalaki.
Bumaling siya rito. “Anong nakakatawa?”
“From the time you watched that movie until the end, you didn’t even scream in terror.”
She shrugged. “I love horror Films. Noon, takot talaga pero noong nagtagal na palagi nalang akong nanunuod ng Horror, nawala na ang takot ko. Nasanay na siguro ako.” Binuntutan pa niya ng tawa ang huling sinabi.
Napailing-iling ito. “When you’re on a date and you watched Horror Movie, sigurado akong maiinis ang ka-date mo.”
Tumawa siya ng mahina. “Yeah, nangyari nga yon. I was in college, sophomore, when the president of the broadcasting team asked me out. He wanted us to watch a Horror movie.”
“And it was a disaster?” Ace assumed.
Natawa si Clarianette ng maalala ang nangyari. “Kinda. Nahiya ako sa lakas ng tili niya.”
Ace laughed. “Nakakahiya nga ‘yon. Lalaki pa naman siya.” The he paused like he remembered something. “Speaking of which… kailan mo na aayain ng date si Cleevan? Natalo ka sa pustahan natin, remember?”
Nalukot ang mukha niya sa pinaalala nito. “Ace, ayoko ng maalala ang nangyari sa Charity Ball.”
“Okay fine. Hindi ko na ipapaalala, pero hindi ibig sabihin ‘non na hindi mo na gagawin ang pustahan natin. At kapag hindi mo ginawa, I swear to god, hindi kita tatantanan. Pinapangako ko sayo, Claria, dudugo iyang taenga mo sa kakulitan ko.”
Napasimangot siya. “Do I really have to ask him on a date?”
“Yes.” Ace grinned. “You lost, remember?”
Mas lalong humaba ang nguso niya. “Paano kong tanggihan niya ako?”
“That would never happen.”
“Paano ka naman nakakasiguro?”
Ngumiti ng makahulugan si Ace. “Because I know Cleevan, he won’t say no, especially if it’s you who’s asking.”
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ng lalaki. “Ano naman ang ibig sabihin ‘non?”
Ace shrugged. “Wala.” Biglang sumeryuso ang mukha nito. “So gagawin mo ba o hindi?”
Inirapan niya ito. “May choice?”
Nagmamartsang iniwan niya si Ace sa sala at nagtungo sa silid nila ni Cleevan. Nang maabutan niya si Cleevan sa silid na nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame, kumunot ang nuo niya.
“Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya saka lumapit dito.
His head turns to her. “This is our room; I have the right to be here.”
“That’s not what I meant.” Umupo siya sa gilid ng kama at humarap dito. “Ang ibig kong sabihin, bakit narito ka? Shouldn’t you be in the office?”
Nagkibit-balikat ito. “It’s Saturday.”
“So? You should still be out there womanizing.”
Ibinalik nito ang tingin sa kisame. “Akala ko ba hindi na ako puwedeng mambabae dahil nandiyan ka na?”
Saglit siyang natigilan sa sinabi nito. “Akala ko hindi ka sang-ayon doon.”
Kibit-balikat lang ang naging sagot nito.
Naghari ang katahimikan sa buong silid. Wala itong imik habang nakatingin sa kisame, siya naman ay walang imik na naka-upo sa gilid ng kama.
Nang maalala ang pusatahan nila ni Ace na natalo siya, humarap siya ulit sa lalaki. Sa pagkakataong ito, nakapikit ang mga mata nito. Looking at him with his eyes close, he looks so calm and peaceful, not the Cleevan she knew who always gave orders. Kinain siya ng guilt ng maalala ang pakikipag-usap niya kay Lance.
Hindi niya alam na pumayag pala ito na hindi mambababae. Kung alam lang niya, e di sana hindi siya nakipag-usap kay Lance kagabi. Hindi man niya aminin alam niyang nasaktan siya sa pakikipag-usap ng asawa sa malanding lintang hipon na iyon, kaya naman ng makita niya si Lance, kinausap niya ito, because deep down, Clarianette knew that Ace will tell Cleevan and she’s hoping that he’ll get hurt too.
Bangenge talaga siya minsan.
Humugot siya ng isang malalim na hininga at walang sere-seremonyang kinubabawan ang asawa. Halatang nagulat ito sa ginawa niya dahil napamulagat ito at umawang ang mga labi.
Cleevan’s stunned eyes looked at her. “What the heck are you doing?”
Nginitian lang niya ito at ipinatong ang ulo sa matitipuno nitong dibdib. Clarianette can hear the erratic beat of Cleevan’s beating heart. Bakit kaya ang bilis ng tibok ng puso nito? Sa halip na magtanong, nanahimik siya at pinakinggan ang pagtibok ng puso nito. From beating rapidly to beating calmly. Ilang minuto rin ang lumipas bago kumalma ang tibok ng puso nito.
“Cleevan?” Basag niya sa katahimikan.
“Hmm?”
“Would you go out on a date with me?”
Clarianette gasped audibly when Cleevan suddenly rolled her over. He is now on top of her. They’re so close. He’s face is just inch away from her. She can smell his minty breath and masculine scent.
“Cleevan…”
Bumaba ang tingin nito sa bahagyang nakaawang na labi niya. “Ask me again.”
“What?” She’s in a daze.
“Ask me again.” Ulit nito. “Ask me about the date again.”
“Oh.” Kumurap-kurap siya at sinalubong ang matiim nitong titig. “Would you go out on a date with me?”
Parang may sinusupil na ngiti sa mga labi si Cleevan. “You’re asking me on a date?”
Clarianette can feel her cheeks burning. “Y-Yeah…”
“Hmm. Are you blushing, Nett?”
Nag-iwas siya ng tingin. “H-hindi ah!”
Cleevan chuckled then moved his hand to pinch her cheek. “You’re cute.”
Inirapan niya ito. “Tigilan mo ako, Cleevan.”
Cleevan rest his head on her shoulder, she can feel his breath on her skin.
“Mamaya na tayo mag-date.” Wika nito. “I want to stay like this for a while.”
Ipinalibot niya ang dalawang braso sa beywang nito at niyakap ito ng mahigpit. This feels wonderful. She can feel her heart beating so fast. Nag-alala siya na baka marinig ni Cleevan ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Pero agad din namang nawala ang kabang iyon ng umalis ito sa pagkakakubabaw sa kanya.
“Come on, maligo na tayo.” Biglang sabi nito.
Nanlaki ang mga mata niya. “Ano?”
Umalis sa kama si Cleevan. “Sabi ko, maligo na tayo.”
Malalaki pa rin ang matang nakatingin siya kay Cleevan. “As in, tayong dalawa? Magkasama sa banyo?”
“Yeah.” Anito at tumango. “Halika na.”
Hindi siya nakagalaw sa kinahihigaan. Maliligo siya kasama si Cleevan? Nakikinita na niya ang mangyayari sa loob ng banyo. Bigla nag-init ang katawan niya at pinagpawisan siya sa naiisip.
“But on second thought, mauna ka na maligo.” Bigla nitong sabi ng makitang pinagpapawisan siya. “Susunod nalang ako sa’yo.”
Mabilis siyang bumangon at nagmamadaling tinungo ang banyo. Baka magbago pa ag isip nito. Nang makapasok siya sa loob ng banyo, hindi niya napigilan ang ngiting kumawala sa mga labi niya. Sinong mag-aakala na may gentleman side rin naman pala ang asawa niya?
“ANONG gagawin natin dito?” Naguguluhang tanong ni Cleevan kay Nett ng itigil nito ang sasakyan niya sa harap ng Star City. Hinayaan niya itong ito ang magmaneho dahil surpresa daw ang pupuntahan nila.
Yes, I’m surprise all right.
Hindi niya maintindihan kung bakit dito siya dinala nito. When she asked him on a date, ang nasa isip niya ay kumain sa isang mamahaling restaurant, shopping kasama ito at kung ano-ano pang ginagawa ng nagdi-date. Hindi niya akalaing dadalhin siya ni Nett sa Star City. Who would have thought?
When Nett steps out from the car, so does he.
“Anong gagawin natin dito?” Ulit na tanong niya ng makalabas sila sa sasakyan.
She didn’t answer him; she just grabbed his hand and pulled him towards the entrance. Akmang hihilain na naman siya nito ng pigilan niya ito.
“Nett, what are we doing here?” His voice was stern. “Umalis na tayo rito. This place is crawling with teenagers. We should be in restaurant—”
“Oh, shut it.” Humarap ito sa kanya. “I was the one who ask you on a date so I am the one who choose where. Kung ayaw mo, then leave.”
He looked at Nett and then to the entrance of the Star City. “Ganito ba talaga ang lugar na ito, maingay?”
“Yep.” Pinagsiklop nito ang palad nila at hinila siya papasok.
Tama ang hinala niya. This place is full of teenager and a man like him, a business man is not suitable for this place. Bakit ba ako narito? Yeah, right. I’m here because of Nett.
Sa halip na mag-reklamo, huminga siya ng malalim at kinumbensi ang sarili na walang masama kung nakasuot siya ng tuxedo sa Star City. He keeps on thinking that it is not that embarrassing.
Nang maramdamang hinila siya ni Nett, hinayaan niya itong hilain siya patungo sa kung saan nito gustong pumunta.
“Saan mo ba ako dadalhin?” Naiiritang tanong niya ng hindi ito tumigil sa paghila sa kanya.
“Just wait. You’ll love it.” Wika nito na hindi tumitigil sa paghila sa kanya.
Then a moment later, Nett stopped pulling her. Nang tingnan niya kung nasaan sila, halos malaglag ang panga niya.
“No.” Umatras siya. “You’re not actually thinking of riding that … that thing!”
Nett looked at him and grinned. “Come on, Cleevan. It’s going to be fun.” Excitement is visible on her voice. “Hindi mo pa ba nararanasang sumakay sa bumper car? Ang saya kaya!”
Bago pa siya makapag-react, nakita niyang lumapit si Nett sa nagbebenta ng ticket para makasakay sila sa bumper car at bumili. Marin niyang ipinikit ang mga mata at nilapitan ang babae.
“Hindi ako sasakay diyan!” Mariin niyang sabi.
Sumimangot si Nett sa kanya. “Ha? Bakit naman?” Then he gave her a puppy dog eye. “Please, I really want to ride a bumper car.”
While looking at her puppy dog eyes, he keeps on telling himself… don’t fall for that! Don’t you dare fall for that puppy eyes! Don’t!
“Fine, I’ll do it.” Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa pagpayag niya pero ng makita niya ang masayang mukha ni Nett, napagdesisyunan niyang mamaya nalang niya kukutusan ang sarili kapag napahiya siya.
Hinila na naman siya ni Nett patungo sa lalaking nagko-kolekta ng ticket para sa mga sasakay sa bumper car.
“Here’s our ticket.” Masayang sabi ni Nett at ibinigay sa lalaki ang ticket.
Pinasadahan sila nito ng tingin bago tinanggap ang ticket nila. The kind of look that says, ‘aren’t they old enough to ride a bumper car?’
Hindi niya pinansin ang lalaki at hinawakan ang kamay ni Nett.
Nakakahiya talaga itong gagawin nila pero para namang kaya niyang tanggihan ang babaeng ‘to. Nakakainis mang aminin pero kaya niyang mapahiya para lang mapasaya ang babaeng kasama niya. Pero ngayon lang ito mangyayari! Hinding-hindi na ito mauulit!
Cleevan can feel his nape and face burning as he ride the bumper car. Pero si Nett mukhang hindi nakakaramdam ng hiya dahil wagas ang ngiti nito habang tinuturuan ng isang operator kung paano pagalawin ang maliit na sasakyan na ito.
Cleevan can’t even move a muscle. This bumper car is a very small contraption and he cursed every time he moved but couldn’t. Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili. He was still calming himself when he felt someone bumped his car. Nang tingnan niya kung sino iyon, nakita niya ang nakangising babae na dahilan kung bakit nakasakay siya sa maliit na sasakyan na ito!
“Why did you bump my car?” Inis na tanong niya rito. Alam niyang hindi maipinta ang mukha niya habang nakatingin dito.
Nett just laughed at her irritated face. “Because I have to. You know Cleevan, there is a reason why this is called bumper car.” Wika nito at binunggo na naman ang sasakyan niya.
Naningkit ang mga matang tinitigan niya ito. Reason pala ha? Hinawakan niya ang maliit na monabela ng sasakyan at kinabig iyon para bungguin ang sasayan ni Nett.
He smirked when Nett’s car slightly shook.
She glared at him. “Bakit mo binangga ang sasakyan ko?” Galit na tanong nito na ikinakunot ng nuo niya.
“So, okay lang na banggain mo ako pero hindi okay na banggain kita?” Hindi siya makapniwala rito. “Now, where is justice?”
“Justice-sin mo ang mukha mo!” She then bumped her car then drives to get away from him.
“Ahh… so gusto mo pala ng habulan ha?” Nakangising hinabol niya si Nett na medyo malayo na sa kanya.
He cursed loudly when a bumper car blocked his way and he accidentally bumped it. It was a kid who’s driving the car.
“You bumped my car!” The kid whined.
He cringed. “So? This is called a bumper car for a reason.”
“But you’re old.” The kid said.
Cleevan heave a deep sighed. “So? Is there a sign here saying I can’t ride because I’m old?”
Pinukol siya ng masamang tingin ng bata at binunggo ang sasakyan niya ng ilang beses. Sa halip na patulan ito, he maneuvered the car towards Nett whose chuckling with herself.
“Why are you laughing?” Asik niya kay Nett.
“Nakakatawa ka.” Tumawa ito ng malakas. “Pati bata pinalasap mo sa kasungitan mo.”
He rolled his eyes. “Buti nga hindi ko binunggo ang sasakyan niya e.”
Tumatawa pa rin ito habang nagsasalita. “Pero nakakatawa ‘yong sinabi niya tungkol sa pagiging matanda mo.”
Tiningnan niya ito ng masama. “Kapag hindi ka tumigil sa kakatawa riyan, hahalikan kita.” Pagbabanta niya.
Tumigil naman ito at inirapan siya. “Hmp! Diyan ka na nga.” The Nett maneuvered her car away from him.
Sa loob ng trenta minuto, wala siyang ginawa kung hindi habulin si Nett. Panay pa rin ang tawa nito sa tuwing nakakabunggo siya ng bata. Sa totoo lang, nakakahiya ang pinaggagagawa niya. Pinagtitinginan siya ng mga tao. He’s pretty sure that the people staring at him are thinking the same thing. ‘What the in the world is that old dude doing riding a bumper car? And he’s wearing a freaking tux.’
A moment later, Nett decided to stop and he was the happiest man alive.
“That was fun!” Nakangiting sigaw ni Nett na ikinalukot ng mukha niya.
“Ano naman ang masaya sa ride na ‘yon? Nakakahiya kamo!”
Tinawanan lang siya ni Nett at ipinalibot ang braso nito sa braso niya. “Come on, let’s go buy something to eat.”
Of course, nagpahila na naman siya kay Nett. He doesn’t like when someone is pulling him, but if it’s Nett who’s pulling him, then it’s cool.
A/N: Hmm.. Parang kahina-hinala ang kuwarto na nilabasan ni Cleevan. Magiimbestiga ako. Hahahaha
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro