Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 23

CHAPTER 23

"CLEEVAN, where the hell are you taking me?" Nakakunot ang nuo na tanong ni Claria sa lalaki ng makarating sila sa rooftop ng Sudalgo Corporation.

"It’s a secret." Iyon lang ang tanging sagot nito sa kanya.

Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng nuo niya ng makita na may helicopter sa helipad ng roof top.

"Seriously, Cleevan, saan mo ba ako balak dalhin?"

Cleevan just smiled at her and help her hopped in to the helicopter. Nang makasakay siya, ito naman ang sumakay at may isinuot sa kanyang helmet. Ganoon din ang ginawa nito, nagsuot din ito ng helmet.

"Anong—"

"Can you hear me?"

Napaigtad siya ng marinig ang boses ni Cleevan sa loob ng healmet.

"What the..."

"There's a microphone and speaker inside the helmet. So we could talk while the helicopter is moving." Paliwanag nito.

Pinagsiklop niya ang kamay nila ni Cleevan ng maramdaman niyang gumalaw ang helicopter na sinasakyan nila.

"Where are we going?" Tanong niya kay Cleevan ng nasa himpapawid na sila.

"To Baguio." Simpling sagot nito at pinisil ang kamay niya. "I want to show you something."

Hindi na siya umimik at tumingin nalang siya sa labas ng helicopter. Napangiti siya ng makitang lumiliit na ang mga building sa ibaba pati na rin ang mga tao.

"Wow. It’s cool." She said under her breath.

Cleevan chuckled. "Yeah. Beautiful."

Lumingon siya kay Cleevan at nginitian ito. "I love you."

"I love you more, Nett."

Walang imik sila habang nasa biyahe. Pagkalipas ng mahabang minuto, nakarating din sila sa Baguio.

"Okay. Where here."

"Bababa ba tayo?" Tanong niya.

"Later." Anito na may kakaibang ngiti sa mga labi.

Hindi niya iyon pinansin at tumingin sa ibaba. Napakunot ang nuo niya ng mapansing nasa ibaba nila ang Burnham Park. At kung tama ang nakikita niya, papalapit sila sa sasakayan ng swan boat.

Ibinalik niya ang atensiyon sa binata. "I think we're in Burnham Park." Aniya na nakangiti. "Sasakay ulit tayo sa swan boat?" Excited na tanong niya.

"Later." He then, smiled. "Look down at the lake, Nett." Narinig niyang wika ni Cleevan.

Sinunod niya ang sinabi nito. Nanlaki ang nga mata niya ng makita ang nasa lake. Her heart swell in happiness as she looked at the lake where Swan Boats are used to create those fourteen letters, five syllables and four words which made her heart soar in the sky.

Will you marry me?

Hindi niya napigilan ang luha na kumawala sa mga mata niya. Its tears of joy. Since they got back together, she wondered when he is going to ask her that question.

She hoped that he'll propose but she never expect.

"Well?" Pukaw sa kanya ni Cleevan. "Will you marry me? If it’s a yes, then we're going down but if it’s a no, then we'll go back to Manila."

She smiled with tears in her eyes. "The answer is yes." Aniya at hinubad ang helmet na suot at sinunod ang suot nito at siniil ito ng mainit na halik sa mga labi.

Cleevan was grinning happily when they pulled away from the kiss. He then signaled the pilot to land the helicopter.

Nang lumapag ang helicopter, mabilis silang lumabas ni Cleevan. Hawak-hawak nito ang kamay niya habang naglalakad sila palayo sa helicopter. Nang makalayo sila, saka lang umalis ang helicopter.

Napatigil siya sa paglalakad at tumingala sa papalayong helicopter.

"Come on." Cleevan urged her to walk.

Naglakad siya muli habang magkahawak kamay sila ni Cleevan. Iginigiya siya nito patungo sa dereksiyon ng swan boat.

"Pupunta tayo sa swan boat?" Tanong niya. She wanted to make sure if they are really going there.

"Yes." Kumpirma nito.

Nakangiti siya habang naglalakad patungo sa Swan Boat. Nang makarating doon, iginiya siya ni Cleevan patungo sa isang bangka at sumakay sila roon.

Nang mag-umpisa itong magsagwan, tumingin siya sa malinaw na tubig ng lawa.

A smile appeared in her lips when she saw a floating flower of roses in the water. The flower that was floating in the water has different colors. Napakaganda niyon sa paningin niya. Para siyang nasa isang Fairytale Lake.

Binalingan niya si Cleevan na tumigil na sa pagsagwan. "Is this part of your proposal? I already said yes, remember?"

Cleevan just smiled then he leaned in to press his lips against hers.

"Just wait, Nett." He said over her lips then grinned.

Humalukipkip siya. "Sabihin mo na kasi sa'kin."

"Nope." He winked. "Not a chance."

Napasimangot siya. "Bakit naman? Just tell me, please?" She gave him a puppy dog eye.

Pinanggigilan ni Cleevan ang pisngi niya. "You're very cute and all, but still a no."

Tinabig niya ang kamay nito sa pisngi niya at umaktong nagtatampo. "Hmp! Ewan ko sa'yo."

Natatawang umiling-iling ang lalaki kapagkuwan natigilan ito habang nakatingin sa tubig na nasa kaliwang bahagi niya.

Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito at napasinghap siya sa nakita.

"Aww. That is so cute, Cleevan."

"You like it?"

She nodded. "Yes. It's beautiful."

Her hand moved to touch the mini-version of the Swan Boat. It’s so small, it’s a size of her two palms put together. Napapalibutan ang maliit na bangka ng mga bulaklak at napakaganda niyon tingnan. At nakasuot ng maliit na flower crown ang maliit na ulo ng Swan.

She looked at it with amazement. "Wow. How did you do this?"

"With a help of Ace. He's an architect, so, he's good at making miniature things." Sagot nito.

Dumukwang siya palapit sa maliit na swan boat at kumunot ang nuo ng may mapansing maliit na kulay puting velvet box. Out of curiosity, she picked it up and opened it.

Nag-uunahanag namalisbis ang luha ng kaligayahan sa pisngi niya ng makita ang laman niyon.

"Oh, Cleevan," She sob silently. "You shouldn’t have. Sapat ka na para sa’kin."

"I want to." Kinuha nito sa kamay niya ang velvet box at kinuha mula roon ang 24-karat diamond na singsing. "I want you to be officially my fiancé, and that would only happen with this ring." Isinuot nito ang singsing sa daliri niya at puno ng pagmamahal na tumingin ito sa mga mata niya. "From the moment I saw you, I wanted you to be mine. And today is the day that my dream came true."

Tinuyo nito ang mga luha sa pisngi niya. "I love you so much, Nett, and I want you to be mine, for as long as I live in this world."

Naiiyak na mahigpit niyang niyakap ang lalaki. "I love you too, Cleevan." She said between sobs. "And I’ll be yours for as long as I breathe."

Kumawala si Cleevan sa pagkakayakap sa kanya ang siniil ang mga labi niya ng halik. Bago pa lumalim iyon, may narinig silang sumugaw.

"Hello! Stop it you two!" Sigaw ng isang boses lalaki na agad din naman niyang nakilala na boses ni Ace.

Naghiwalay ang labi nila ni Cleevan at tumingin siya sa dereksiyon ng boses. Tama siya, si Ace nga ang sumigaw.

"Anong ginagawa mo rito?" Pasigaw na tanong niya kay Ace.

He gave her a 'duh' look. "Who do you think put this all together?" Iminuwestra nito ang kamay sa magkakadikit na swan boat. "Thanks to me, nagandahan ka sa proposal ni Cleevan."

Binalingan niya ang fiance. "Totoo?"

Cleevan nodded. "Yes. Pakiramdam kasi niya may kasalanan siya sa akin, kaya naman tinulungan niya ako. At sino ako para tanggihan ang offer na tulong ni Ace?"

Kumunot ang nuo niya. "May kasalanan siya sa’yo?"

"Yeah. It’s his way of saying 'I’m sorry' to me." Anito na nagkibit-balikat. "I was really wondering why he would tell you my secret, sabi niya sa akin, bilang kapatid, gusto niya akong maging masaya. At magiging masaya lang ako kapag nalaman mo na ang sekreto ko at patawarin mo ako. I never thought that that’s his reason. And he even said that though he's not showing it, he does love—"

"Shut the fuck up!" Sigaw ni Ace na nagpatigil sa pagsasalita ni Cleevan. "You dickhead! Continue that love thing and I will drown you!" Namumula ang pisngi nito.

Malakas na tumawa si Cleevan ag bumulong sa taenga niya. "He said he loves--"

Naputol na naman ang sasabihin nitong ng makarinig sila ng parang may tumalon sa tubig. Sabay silang tumingin ni Cleevan sa pinanggalingan ng tunog at ganoon na lamang ang gulat nila ng makita si Ace na lumalangoy patungo sa kanila.

"You better shut up, Cleevan!" Sigaw nito habang lumalangoy. Masama ang tingin nito sa kapatid na nakangisi lang.

"Ace said he loves me so much." Nakangisi at malakas ang boses na wika ni Cleevan.

Tumigil sa paglangoy si Ace at nanlilisik ang matang tumingin kay Cleevan.

"I’m going to drown you!" Pagbabanta nito. "And then kill you afterwards!"

Natatawang nagumpisang nagsagwan si Cleevan palayo sa kapatid nito. Nang makarating sila sa dock, mabilis silang umalis sa bangka at nagtatawanang tumakbo.

"Come back here, Cleevan! I’m going to kick your ass!" Narinig nilang sigaw ni Ace. Nang lingunin nila ito, basang-basa ito habang hinahabol sila.

Ang lakas ng tawa ni Cleevan habang mabilis silang tumatakbo palayo kay Ace. Panay rin ang tawa niya dahil pulang-pula ang pisngi ni Ace. Mukhang nahihiya ito. But it’s nice to know that Ace cares for Cleevan. Akala niya wala itong pakialam sa kapatid. Ang magkapatid, kahit anong mangyari, magkapatid pa rin.

Humihingal na tumigil sila sa pagtakbo ni Cleevan ng hindi na nila nakita si Ace.

"You should really stop teasing your brother—" Hindi pa niya natatapos ang sasabihin, lumapat na ang labi nito sa mga labi niya.

Napaungol siya ng maramdamang mas pinalalim pa ni Cleevan ang halik.

Pinakawalan ni Cleevan ang mga labi niya na may malapad na ngiti sa mga labi. "I love you."

She smiled back. "And I love you too."

Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ni Cleevan. "That's so good to hear."

"Yeah." Sang-ayon niya. "But you really should stop teasing Ace. Namumula na yung kapatid mo."

Malakas na natawa si Cleevan. "Nakakatuwa kasi siya e. Para siyang nagco-confess ng feelings niya sa akin."

Akmang magsasalita siya ng bigla nalang may tumulak kay Cleevan sa Bermuda Grass. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Ace na niri-wrestling si Cleevan. Sa halip na paghiwalayin niya ang dalawa, natawa nalang siya at hinayaang mag wristling ang magkapatid.

Childish! 

A/N: In case hindi niyo makita ang Chapter 24 (epilogue), here's the link: http://www.wattpad.com/88235720-not-in-the-contract-chapter-24-epilogue?d=m

Hayan ang Link, girls! Naka-private kasi at restricted super. Haha. Tinagalog ko na nga e! haha

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro