Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 21

CHAPTER 21

NAPAPITLAG si Claria ng makarinig ng sunod-sumod na katok sa labas ng pintuan ng silid niya. "Princess, manananghalian na tayo." Anang boses ng ama niya. "Kagabi ka pa hindi kumakain."

"Wala po akong gana, Daddy." Wika niya mula sa loob ng kuwarto.

"Princess, please, kahit kunti lang. Ang importante malagyan ng pagkain ang tiyan mo."

Napipilitan siyang bumangon at binuksan ang pinto. Nang makita ng ama ang namumugto niyang mga mata, niyakap siya nito.

"Princess, you should really stop crying." Anito habang yakap-yakap siya. "Tama na, Princess, huwag ka nang umiyak."

Pinahid niya ang luha na kumawala sa mga mata niya at yumakap sa ama. "Okay lang ako, Daddy."

Kumawala siya sa pagkakayakap sa ama at nginitian ito. "Halika na, Daddy. Kumain na tayo." Aya niya sa ama at nauna nang naglakad dito.

"CLARIA, wala ka bang balak na bumalik sa bahay ni Cleevan?" Tanong ng Mommy niya habang kumakain sila.

"Sa anong dahilan, Mommy?" Nag-angat siya ng tingin dito. "Hindi naman kami kasal, so, bakit ako babalik doon?"

Nawalan ng imik ang ina niya sa sinabi niya.

Hindi niya napigilan ang bibig na magsalita. "Oo nga pala, alam niyo bang hindi ako tunay na kasal kay Cleevan? Oh, don’t answer that, I know you two knew. But why? Why did you keep it from me?"

Ang ama niya ang sumagot. "Princess, alam naman kasi namin na magiging mabuting asawa si Cleevan sayo. At alam din naman namin na magiging maginhawa ang buhay mo kay Cleevan. Kahit pa pinakulong niya ako, boto pa rin ako sa lalaking iyon. Kasi alam kong ginawa niya ang lahat nang nagawa niya para makasama ka."

"Matagal na naming napatawad si Cleevan." Sabad ng ina niya. "After you went to U.S., he came to us and kneeled in front of us and asked for forgiveness for what he did. He was crying with regret in his eyes. Do you think a cold-hearted man will do that? No. He was just blinded by too much love for you. So if I were you, go to him and do everything you can to take him back because you can’t find a man like him that will love you that much. Trust me on that one."

Nawalan siya ng imik sa narinig na sinabi ng ina. Hindi niya alam na humingi ng tawad si Cleevan sa mga magulang niya. The authoritarian Cleevan actually kneeled and ask for forgiveness? Nilukob ng kakaibang damdamin ang puso siya.

Hanggang sa matapos silang kumain, nasa isip pa rin niya ang sinabi ng kanyang ina. 

Huminga siya ng malalim at lumabas ng bahay. Napapikit siya ng tumama ang mainit na sikat ng araw sa balat niya. Ilang araw na rin siyang hindi lumalabas ng bahay.

She took a step towards their house gate. Nang makarating doon ay lumabas siya sa gate at naglakad ng walang destinasyon.

Ilang minuto na rin siyang naglalakad ng may tumawag sa pangalan niya.

"Hey, Claria." Anang pamilya na boses sa likuran niya.

Nilingon niya ang tumawag sa pangalan niya, ng makita niya si Lance, natigilan siya. Anong kailangan nito sa kanya?

"Yes?"

"Are you okay?" Tanong nito ng makalapit sa kanya. "Bakit namumugto ang mga mata mo?" May pag-aalala sa boses nito.

"Kagigising ko lang." Pagsisinungaling niya.

"Hindi ako naniniwala sa'yo." Hinawakan nito ang kamay niya. "Pinaiyak ka ba ng asawa mo?"

Pinukol niya ang lalaki ng masamang tingin. "Paano mo naman nasabi iyon? Cleevan loves me so much."

"I’m just asking. Anyway, how are you?"

Inagaw niya ang kamay na hawak nito. "I’m fine."

Akmang tatalikuran niya ito ng pigilan siya nito sa kamay. "Claria, can we talk?"

"Ano naman ang pag-uusapan na’tin?"

"Alam kong nagsisinungaling ka." Anito. "Alam kong humingi ka ng annulment kay Cleevan. I just want you to know that I’m here for you."

She frowned. "What? Saan mo naman nalaman ‘yan?"

"Claria, narinig ng sekretarya ng asawa mo ang sinabi mo. According to the rumors, you were shouting and it seems like you're in pain." Biglang tumalim ang mga mata nito. "I know that he's no good for you. He's an asshole—"

"And who are you to say that?" She glared at Lance. "Cleevan is the most amazing man I ever met and I’m thankful and proud to call him my husband. Kung ano man iyang tsismis na kumakalat, ako na ang nagsasabi sa'yo, kasinungalingan iyon dahil hinding-hindi ako makikipaghiwalay sa asawa ko."

Nang matapos ang mini-speech niya, saka lang niya na-realize ang mga sinabi niya. Kinapa niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya. Tumitibok pa rin ang puso niya para kay Cleevan at hindi niya iyon maitatanggi. Her heart will always beat for Cleevan and its time that she accepts the fact that whatever Cleevan does, bad or good, she will always love him, no matter what.

"Claria, alam kong sinasabi mo lang iyon para saktan ako."

Kinunotan niya ito ng nuo. "Ano? Bakit ko naman gagawin iyon?"

Lance smiled and hugged her tightly. "Kasi alam ko, deep down, mahal mo pa rin ako. Kapag na-annulled na ang kasal niyo ng asawa mo—"

Napatigil ito sa pagsasalita ng malakas na itinulak niya ito.

"Kung may tao man akong mahal, iyon ay si Cleevan Sudalgo, ang asawa ko." Tinalikuran niya ito at mabilis na naglakad pabalik sa bahay ng mga magulang niya.

NAKATUNGO si Cleevan sa mini-bar ng bahay niya at nilulunod ang sarili sa alak ng marinig niya ang boses ng kapatid niyang si Ace.

"Puwede ba tayong mag-usap?" Anang boses ni Ace.

Nag-angat siya ng mukha at tiningnan ang kapatid. "Ano ang pag-uusapan natin?"

"About you and Claria."

Mapakla siyang tumawa. "Ano naman? Wala namang dapat pag-usapan tungkol sa amin ni Nett."

"Mayroon." Umupo ito sa katabi niyang stool at humarap sa kanya. "I want to say sorry."

"For what?"

"I pressured you to tell Claria about your secret. I have a reason why I did that."

"And that is?"

"Hindi ka lubusang magiging masaya kung nariyan pa ang sekreto na iyon. At saka, hindi ko naman gagawin ang ginawa ko kung hindi ako sigurado na mahal ka ni Claria."

"Ace, umalis na si Nett, at kahit anong gawin ko, hindi na siya babalik." Tinunga niya ang laman na alak ng shot glass na hawak niya. "So, wala ng halaga iyang sorry mo o ang paliwanag mo. At saka, hindi mo naman kasalanan iyon. That’s my entire fault. There's no one to blame but me."

"Pero Cleevan—"

"Matulog ka na." Pagtataboy niya rito. "Have a good night sleep."

Nawalan ng imik ang kausap kapag kuwan at nagsalita ito. "We weren’t close and even though I don’t show it, I love you, Big Brother and I want you to be happy."

Medyo nabawasan ng kaunti ang sakit na nararamdaman niya ng marinig ang sinabi ng kapatid niya. Mahal din niya ito, kahit hindi halata.

"I know, now, sleep."

"Okay." Umalis na ito at iniwan siya sa mini-bar.

Cleevan grabbed the bottle of rum and drink it straight from the bottle. Iinom siya hanggang sa malasing siya at pansamantalang makalimutan ang sakit na nararamdaman.

NAKAHIGA si Claria sa kama ng may kumatok sa pintuan ng silid niya, bahagyan niyang tiningnan ang pinto at ibinalik ang mga mata sa kisame.

"Come in. Bukas 'yan." Aniya.

Pagkalipas ng ilang segundo, bumukas ang pinto ng silid at pumasok doon ang ama niya.

Bumangon siya at umupo sa ibabaw ng kama. "Anong kailangan niyo, Dad?"

Umupo ang ama sa gilid ng kama niya at inayos ang medyo magulo niyang buhok. "Princess, aren’t you going back to Cleevan’s house?"

She gave him a tight smile. "Dad, why would I? He's not my real husband."

"Dahil lang sa kadahilanang iyon, hindi ka na babalik sa kanya? Princess," sinuklay nito ang buhok niya. "Kaya ka binigyan ng panginoon ng puso para gamitin mo iyon. Kung mahal mo si Cleevan, go, be with him. Huwag mong pigilan ang nararamdaman mo."

Mariin siyang napapikit at humilig sa balikat ng ama. "Mahal ko ho si Cleevan, hindi ko iyon ipagkakaila. But I need time to forgive him. Yun lang ang hinihiling ko. Kapag napatawad ko na siya, ako na mismo ang pupunta sa kanya para hilingin na tanggapin at mahalin niya ulit ako. Ayoko siyang mahalin na may galit at pagtatampo pa sa puso ko."

Tumango-tango ang ama niya na parang naiintindihan ang sinasabi niya. "Okay, if that’s what you want. Just do what your heart want you to do." Niyakap siya ng ama at pinakawalan din. "Always remember, narito lang kami ng mommy mo at kahit hindi halata at hindi mo maramdaman, mahal ka namin."

She smiled. "Mahal ko rin kayo ni Mommy, Dad."

Her father gave her a warm smile before leaving her room.

Huminga siya ng malalim bago nahiga ulit sa kama. Nang ipinikit niya ang mga mata, pumasok sa isip niya si Cleevan. Hanggang sa makatulog siya, si Cleevan pa rin ang laman ng panaginip niya. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro