CHAPTER 20
CHAPTER 20
CLARIANETTE felt like her heart has been pulled out from her heart and then shred it into tiny pieces. Her eyes were red and it hurts. She’s physically and mentally exhausted. Ayaw na niyang gumalaw pa. Gusto niyang umupo nalang sa isang tabi at ibuhos ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman niya. Pero hindi siya puwedeng umupo sa gilid at umiyak, kailangan niyang umuwi para kunin ang mga gamit niya. Babalik siya sa bahay ni Cleevan kahit ayaw niya.
Papalapit palang sa bahay ni Cleevan ang taxi na sinasakyan niya, nanikip kaagad ang dibdib niya. Parang may kamay na pimupiga niyon. Napakasakit ng puso niya. Nang tumigil ang taxi, saka lang niya napansin na hilam na naman pala ng luha ang mga mata niya.
Pagkatapos niyang bayaran ang taxi, mabilis siyang naglakad papasok sa bahay. Sinalubong siya ni Ace ng makapasok siya.
“Claria—”
“Don’t talk to me.” Sansala niya sa sasabihin nito at nilampasan ang lalaki.
“I have something to tell you.”
“Wala akong pakialam.” Tuloy-tuloy na naglakad siya patungo sa hagdanan.
Nang makapasok sa loob ng kuwarto nila ni Cleevan, parang sinakal ang puso niya. This room holds a lot of memories. Good and bad. Marahas niyang pinahid ang basang mata at tinungo ang closet. Kinuha niya ang travelling bag at mabilis na inilagay doon lahat ng damit at gamit niya.
Isinara niya ang zipper ng travelling bag ng mapuno iyon ng gamit niya, pagkatapos ay lumabas siya ng silid na iyon dala-dala ang travelling bag. Nang makababa siya sa hagdan, agad na nakita niya si Ace na nakatayo sa nakabukas na pintuan ng bahay.
“Please, Claria, just give me one minute to talk. I have to tell you something.” May halong pagmamakaawa ang boses nito.
Ipinilig niya ang ulo. “I’m in a hurry.”
“Hindi mo kailangan magmadali. I called Cleevan’s secretary, nasa opisina pa si Cleevan at parang wala raw sa sarili so please, give me a minute.”
“I don’t care about Cleevan—”
“You should. Know why?”
“Why?” She asks dryly.
“Because all those monstrous things he did … he did that so he could have you.” Lumapit sa kanya si Ace. “Bago mo isisi lahat kay Cleevan, puwede bang isipin mo muna kung ano ang mga ginawa niya para sa’yo?”
“The end doesn’t justify the means.” Walang emosyong aniya. “At saka, hindi na magbabago pa ang isip ko. Aalis ako. Iiwan ko ang kapatid mo na pinakulong ang tatay ko. Alam mo ba kung gaano kasakit ‘yon para sa isang anak na makulong ang ama niya? Akala ko kaya kong tanggapin ang sekreto ni Cleevan, pero hindi pala. Hindi ko kayang makisama sa lalaking nagpahirap sa pamilya ko. I would do anything for our marriage to be null and void—”
“You don’t have to do that.”
“I do.”
He sighed. “Okay. Hindi kita pipiliting manatili. Just give me one minute to tell you another secret.”
Mapakla siyang tumawa. “Another one? Balak mo bang pira-pirasuhin ang puso ko na dati nang pira-piraso? Tama na, Ace! Hindi ko na kaya. Masyado ng masakita e.”
“Just hear this one out.”
Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at humalukipkip. “Sige. Tell me. Just make it quick. Aalis na ako.”
Huminga muna ng malalim ang lalaki bago nagsalita. “You’re not actually married to Cleevan.”
Dahan-dahang umawang ang labi niya ng unti-unting mag sink-in sa utak niya ang sinabi ni Ace. “A-Ano? I-Impossible! I signed a marriage contract—”
“Hindi umabot sa City Hall ang dokumento na iyon. Paglabas ng dokumentong iyon sa bahay niyo, pinunit iyon ni Cleevan. See? Hindi kayo kasal. No need to make your marriage null and void.”
“Bakit niya pinunit?” Naguguluhang tanong niya kay Ace.
Nagkibit-balikat ito. “I don’t know. I asked him once, he didn’t answer me. Sabi niya, tanging ikaw lang ang puwedeng makaalam ng sagot sa tanong na iyon.”
Bumuga siya ng hangin atg ihinilamos ang dalawang kamay sa mukha. Gulong-gulo na siya. Hindi na niya alam kung ano ang paniniwalaan, kung ano ang susundin. Her mind was shouting to leave Cleevan and never come back, but her heart was shouting otherwise. She’s so confused!
“You’re free to leave, Claria.” Ani ni Ace. “But before you go, I advise you to go to Cleevan’s office—”
“No. Hindi na ako babalik doon.”
“I wasn’t talking about his office in Sudalgo Corporation; I was talking about his office here.” Itinuro nito ang maliit na pasilyo na nasa kanang bahagi ng second floor. “At the end of that hallway lies Cleevan’s office. Nasa iyo na kung pupuntahan mo.” Kinuha nito ang kamay niya at may inilagay doon na susi. “It’s up to you.” Pagkasabi ‘non ay umalis ito.
Matagal siyang nakatingin sa pasilyo na tinutukoy ni Ace bago nakapagdesiyon. Iniwan niya ang travelling bag sa sala at naglakad patungo sa pasilyo. Nang makarating doon, agad niyang nakita ang pintuan ng opisina ni Cleevan.
Mabilis siyang naglakad palapit sa pintuan at ipinasok ang susi sa key hole at pinihit iyon pabukas.
Napakagat labi siya ng makaramdam ng kaba. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at pumasok. Ipinalibot niya ang tingin sa kabuonan ng opisina ni Cleevan. Wala namang kakaiba roon tulad ng nasa isip niya. It’s just a normal office of a business man.
Lumapit siya sa mesa na nasa gitna at umupo sa swivel chair. Bumaba ang tingin niya sa drawer na nasa harapan niya. Her curiosity kicks in. Hinugot niya pabukas ang drawer habang piping nagdarasal na sana ay hindi iyon naka-lock.
Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa labi niya ng mabuksan niya iyon.
Nagmamadali siyang hinalungkat ang laman ng drawer. Natigilan siya sa paghalungkat ng may nabuksan siyang folder at puro larawan niya ang laman ‘non. Umawang ang labi niya sa nakita.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga larawan. All of it was stolen pictures of her. Napaawang ang labi niya ng makita na may larawan din ito nuong nasa U.S. siya at nag-aaral. Pati nuong nagkatrabaho siya! She should find this creepy but her heart was feeling insanely different. Pakiramdam niya, kahit papaano, nabawasan ang sakit na nararamdaman niya.
Cleevan must be a cold-hearted man who put her father in jail but he is also the man who cares and loves her too damn much! And seeing this picture, he could pass up as her stalker.
Ibinalik niya ang mga larawan sa folder at ibabalik na sana iyon sa drawer ng may mahagip ang mga mata niya. Kinuha niya ang ilang pirasong papel na medyo may kalumaan na at binasa kung ano ang mga iyon.
Sumikdo ang puso niya habang isa-isang binabasa ang mga sulat ni Cleevan.
July 7, 2004
Hey, Clarianette
It’s me, Cleevan. Do you remember me? Of course you don’t. I’m just the boy who loves you from a far. It’s not really a big deal for you, but for me, it is.
Today is the first day of your senior high school and I just want to say good luck. I wish to see you and tell you about our father’s deal but it’s not time yet. Have a nice day ahead.
Love, Cleevan
September 22, 2004
Hello, Clarianette. Today is your birthday. Happy birthday! Hindi ko kayang ibigay sa iyo ng personal ang regalo ko dahil alam ko namang hindi mo ako kilala, baka isipin mo pa na weirdo at creepy ako. Kaya naman ipapadala ko nalang kay Daddy ang regalo ko sa’yo. Sana magustuhan mo ang necklace. Pina-personalize ko pa ang pendant niyan kasi alam ko kung gaano mo kagusto ang mga personalize na pendant. Sana talaga magustuhan mo.
Love, Cleevan
January 19, 2005
Dear, Nett.
Okay lang ba na tawagin kitang Nett? I know, I know, feeling close. But I like Nett. It’s not mouthful. Well, I’m writing to you again. Hindi ko nga lang alam kung may lakas ako ng loob na ibigay o ipadala ito sa’yo. I have two letters now but I haven’t had the courage to mail it to you. Nagpaplano palang ako na ipadala sa’yo, kinakain na ng kaba ang buo kong pagkatao.
Pero ngayon, lalakasan ko na ang loob ko. I need to mail this letter to you. Aalis na kasi ako. Pupunta na ako sa U.S. I realize that, I won’t torture myself in staying here in the Philippines and seeing you happy with Lance, your boyfriend. Yes, I know his name. Kasi minsan ko ng ginustong ipa-assassinate siya para masulo kita pero naisip ko, baka kamuhian mo ako kaya naman, pina-imbistagahan ko siya and it turns out na okay naman siya. Magiging masaya ka sa kanya. Mabuti na rin siguro iyon. May mag-aalaga sayo habang wala ako.
This is me, saying good bye. For now…
Love, Cleevan
March 29, 2005
Nett, I need you. Hindi ko na kaya ang sakit. I need someone to hold me and tell me that everything is going to be all right. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayong patay na ang mga magulang ko. I don’t know where I stand; I don’t know where I’m going to start. I’m lost, Nett. I don’t know where to go. I need you here, with me. I really need you, Nett. I feel so alone and I’m scared. I feared for my future and my brothers’.
If I send this letter to you, I wonder if you would actually care. I wonder if you would come to me and hugged me and tell me that everything is going to be okay. I wonder if you would stay with me to guide me until I know where to go again. Pero kahit paulit-ulit kong sabihin sa sarili ko na may pakialam ka sa’kin, alam kong wala. Ni hindi mo nga ako kilala. Niloloko ko lang ang sarili ko sa pag-iisip na darating ka at sasabihin mong magiging maayos din ang lahat.
It pained me to think that you don’t actually care, that you won’t waste your time in such trivial matters. But even if my heart is clenching in pain right now, I have to be strong … stronger than anyone in this world. I have to stand up on my own feet because no aid will come. No one cares…
This may be my last letter to you. I just want to say that I love you. Kahit manlang sa sulat, masabi ko.
Love, Cleevan
Napatigil sa pagbabasa si Claria ng maradamang basang-basa na ang pisngi niya sa mga luha niya. Walang ingay siyang humihikbi habang nagbabasa. Hindi niya akalaing ganoon ang naramdaman ni Cleevan ng mawala ang mga magulang nito. She thought he doesn’t care… but she was wrong.
Kinagat niya ang ibabang labi ng maradamang tumulo na naman ang mga luha niya. Mabilis niyang tinuyo iyon at muling ibinalik ang atensiyon sa binabasa.
May 20, 2007
Nett,
The sky is so dark. It suites my mood today. I feel the darkness in me. I thought I’ll be happy if you become my wife, but I’m not. Because I know, it’s against your heart. It was so stupid of me to think that somehow, a miracle will happen between us, but I guess I’m just hoping against hope.
I’m fucking hopeless and pathetic!
But even though I hate hoping, still, I want to hope that someday, your heart and soul will be mine. I’m hoping… that you’ll love me too.
Always loving you, Cleevan
Iyon ang huling sulat nito. It was dated May 20. Yon ang petsa kung kailan siya pumerma ng marriage contract.
Humahangos na Cleevan ang pumasok sa silid na kinaroroonan niya na ikinagulat niya. “Don’t leave me!”
Her heart yearns for him. “Cleevan…”
“Huwag mo akong iiwan. Please… Nagmamakaawa ako, Nett.” Lumapit ito sa kanya at lumuhod sa harapan niya. “’Diba sabi mo kahit anong malaman mo tungkol sa’kin o kahit gaano pa iyon kasama, hindi mo ako iiwan? Nett, nangako ka sa’kin. Pinanghawakan ko ang pangako mo na iyon, please, tuparin mo. Mahal na mahal kita. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka. Mababaliw ako. Pease, Nett, stay. Stay with me. Please…” A tear escaped his eyes and it clenched her heart to see the man she loves cry. “I’m sorry if I did those awful things to your family—”
“Stop.”
Sadness and pain dawned on his face. “Iiwan mo ako,” Napasalampak ito ng upo sa sahig at tumingala sa kanya. Bakas ang takot at sakit sa mukha nito. “Bakit mo ako iiwan? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko sa’yo? Hindi pa ba sapat ‘yon? Nett, I know I’ve made mistakes, a lot of them, but I can’t change them now. If I could I would in a heartbeat. But I cannot turn back the time and changed them.” Walang emosyong itong tumawa. “Hindi mo ba ako mahal? Ayaw mo na ba talaga sa akin?”
Dumukwang siya palapit dito at hinaplos ang pisngi nito. “I was planning to leave for New York today—“
“Was?” Hope was sporting on his face.
“Yes, I was, but my plan change.” She wet her dry lips using her tongue. “Ayokong umalis. Maybe because I want to keep my promise to you, but we have to get this straight.” Tumingin siya sa mga mata nito. “I’m staying because something in me wanted to stay, but I’m no longer your wife and for the meantime, I will stay at my parents’ house.”
Bakas sa mukha ni Cleevan na hindi ito sang-ayon sa sinabi niya pero tumango ito. “Okay. That’s good enough for me.”
She gave him a tight smile and then she stands up and was about to leave the office when he heard Cleevan talked.
“I love you, Nett.”
She looked at him softly. “I feel the same way, but it still hurts like a truck mowed me over. I need time to think. I need space.”
Lumabas siya sa opisina nito at kinuha ang travelling bag na iniwan sa sala, pagkatapos ay lumabas ng bahay. Sa bahay muna siya ng mga magulang niya titira habang naguguluha pa ang isip at puso niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro