Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 19

CHAPTER 19

NANG MAKARATING si Clarianette sa bahay ng mga magulang niya, pumasok siya sa loob ng bahay ng hindi kumakatok. Maguumpisa na sana siyang hanapin ang mga magulang ng makita niya ang ina niya na naka formal dress at pababa ng hagdanan.

"Mommy, can we talk?" Wika niya ng makababa ang ina sa hagdan.

Mukhang nagulat ito na makita siya. "Claria, anong ginagawa mo rito? Shouldn’t you be with Cleevan?"

"I need to talk to you." Seryusong wika niya. "Nasaan si Dad? Nakaalis na ba siya?"

"Nandito pa ako, princess." Anang boses ng ama niya mula sa taas ng hagdanan. "Anong paguusapan natin?"

She took a deep breath before saying, "I need to talk to you about Cleevan's secret. May alam ba kayo? Kung mayroon man, please tell me. I really need to know."

Nakitang niyang natigilan ang mga magulang niya at nagkatinginan ang mga ito. Sa uri palang ng pagtitinginan ng mga ito, alam na niyang may alam ang dalawa.

"Alam kong may alam kayo, so please lang, sabihin niyo sa akin." Nagmamakaawa ang boses niya. "My marriage with Cleevan is in turmoil right now because of that secret his brother was talking about. Okay na kami eh, masaya na kami. Until Ace mention about a secret and Cleevan just went back to being cold and—"

"Si Ace?" Bumukas ang gulat sa mukha ng ina niya. "Anong sinabi niya sayo? He promised he won’t tell a soul about it!" Nanggagalaiti ito.

Mas lalong kumunot ang nuo niya. "So may alam nga kayo tungkol sa sekreto na sinasabi ni Ace sa akin. And he even said that the secret has something to do with me." Pagak siyang tumawa. “Please, Mommy, Daddy, have pity on me.” A lone tear escape from her eyes. “For once, iparamdam niyo naman sa akin na anak niyo ako at nag-aalala kayo para sa akin dahil mula ng magkamalay ako, wala kayong ibang inasikaso kung hindi ang kompanya at ang mga sarili niyo. Ang tanging gusto ko lang naman ay ang malaman ang dahilan kung bakit umaakto ng ganoon ang asawa ko. I just want to be happy with Cleevan and this secret is hindering that. Can you please tell me so I could do something to make my Cleevan happy again?”

Nawalan ng imik ang ina niya at nag-iwas ng tingin.

She gritted her teeth annoyance. "Kung tutuosin, wala kayong karapatang maglihim sa akin. Kasi lahat ng gusto niyo, ginawa ko. Lahat ng nakabubuti sa pamilya natin, ginawa ko. Nung sabihin niyong magpakasal ako para maisalba ang pamilya natin, nagpakasal ako kahit labag yun sa kalooban ko. Ngayon, masaya na ako sa piling ni Cleevan. Siguro namam, sapat na ang nagawa ko para ipaalam niyo sa akin iyang sekreto na iyan, kasi iyang sekreto na iyan ang sumisira sa pagsasama namin ni Cleevan. So please, im begging you, tell me. "

"Princess—"

"No!" Pigil ng ina sa iba pang sasabihin ng ama niya. "Hindi natin puwedeng sabihin sa kanya. We have a deal with Cleevan! Kapag sinabi natin sa kanya, Cleevan will be mad. Baka bawiin niya lahat ng ibinigay niya sa atin. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka. Hindi ko kakayanin."

Napatiim-bagang ang ama niya at tumalim ang mata na tumingin sa ina niya. "Paano naman ang anak natin? Tama na ang mga sekreto. Hindi ka ba naawa sa anak natin? Kung totoong masaya na siya sa piling ni Cleevan, walang magiging problema. Nakikita kong mahal na niya si Cleevan, sa tingin ko naman sapat na yun. Sapat na ‘yon para maintindihan at mapatawad niya ang asawa niya."

Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga magulang niya. “What are you two talking about?”

Her mother looks guarded and she seems cautioius about something. Her father on the other hand looks annoyed at her mother.

"Hindi natin sasabihin—"

"Tama na." Putol ng ama niya sa iba pang sasabihin ng ina niya. "Kung ayaw mong sabihin, ako ang magsasabi."

Hinawakan siya ng ama sa kamay ay hinila palabas ng habay nila. Her mother was calling her father to stop but her father didn’t. Mas binilisan pa nito ang paglalakad.

"Sa labas tayo maguusap." Wika ng ama ng makasakay sila sa sasakyan nito.

NATAGPUAN ni Clarianette ang sarili na nakaupo sa isang café na hindi matao at sumisipsip ng Choco Latte. Kaharap niya ang ama na sumisimsim naman ng kape.

“Dad, I don’t have much time.” Wika niya ng naghari sa kanila ang katahimikan. “Kailangan ko ng umuwi sa bahay kasi baka hanapin ako ni Cleevan. Magagalit iyon kapag nalaman na hindi pa ako umuuwi. Malapit ng mag-lunch.”

Tumango-tango ang ama niya at tipid na ngumit. “Did you know that Cleevan has always been in love with you?”

Claria nodded with a smile. Her heart was swelling in happiness. “Yes, he told me.”

“Ah.” Her father chuckled. “If that is so, sinabi rin ba niya sa’yo na ginawa niya ang lahat para maging pag-aari ka niya?”

Tumango ulit siya. “Oo. He told me about taking advantage of your problem and forcing you to forced me to marry him—”

“That’s not what happened, Princess.” Sansala ng ama niya sa iba pa niyang sasabihin.

Natigilan siya sa napatingin dito. “What? Anong hindi? Si Cleevan mismo ang nagkuwento niyan sa akin. He told me himself. Bakit naman siya magsisinungaling sa’kin?” Binuntutan pa niya iyon ng mahinang tawa.

Humugot ng isang malalim na hininga ang ama niya at hinawakan ang kamay niya na nasa ibabaw ng lamesa at pinisil iyon. “Makinig kang mabuti dahil hindi ko na uulitin ito. Sasabihin ko ito sa’yo dahil anak kita at may karapatan kang malaman ang totoo.”

He took a very deep breath before talking. “After Cleevan’s parents died in a Place crash, we kind of lost touch with Cleevan and his brother. Naging abala kami sa aming negosyo at nawala sa isip namin na may naiwan palang mga anak ang pumanaw na matalik naming kaibigan ng Mommy mo. Nagkaroon lang kami ng komunikasyon ulit ng magumpisa nang bumagsak ang kompanya natin. It was shameless in our part, but when our company started to sink, I seek for Cleevan’s help and he did help us. Pinautang niya kami ng sampung milyon para makabangong muli, pero hindi nagtagal ang sampung milyon na iyon. Hindi nga tumagal ng dalawang taon. Muli kong hiniling ang tulong ni Cleevan pero sa pagkakataong iyon, hindi na niya kami tinulungan. Sabi niya, sapat na daw ang sampung milyon na naitulong niya. Hindi namin alam ng Mommy mo ang gagawin. We left Cleevan’s office with sag feeling inside of us. Akala namin, wala ng pag-asa, hanggang isang araw, bumisita si Cleevan sa bahay. Wala ka sa bahay noon, lumabas ka kasama ang kasintahan mo.”

“That day, Cleevan offered us a deal.” Her father said.

“What deal?” She wanted to know, badly. Alam niyang naroon sa deal na iyon ang sekreto na tinutukoy ni Ace.

“He offered to buy you.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Bibihin niya ako?”

“Yes. Fifty million cash and a Real-estate company. Maliban pa roon, papalaguin niyang muli ang kompanya natin. Lahat ng iyon ay ikaw ang kapalit. You will be his for as long he wants.”

“Of course, you can decline that offer.” Ani niya na nanunubig ang mga mata. “Pinagbili niyo ako sa kanya.”

“No, Princess!” Inilapit ng ama niya ang upuan nito malapit sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kamay niya na nanginginig. “We didn’t accept his offer. We love you too much to sell you. Cleevan was so angry at us for not accepting, he threatened to bring us down until we are eating dirt. Nangako siya na hindi siya titigil hanggat hindi niya tayo nakikitang gumagapang sa lupa na parang mga uod. Akala namin na hindi niya tutuhanin ang banta niya pero doon kami nagkamali. He let all the bank knows that we are broke. Walang nagpa-utang sa’min. The company closes and everything just sunk. Hindi namin masabi sa’yo kasi nabuhay ka sa karangyaan at ayaw naming problemahin mo ang nangyayari. And then one day, your mom and I decided to leave Manila to start over, sasabihin na sana namin sa’yo ang totoo ng may dumating na subpoena sa amin. In the subpoena, it is stated that Cleevan Sudlaga is suing us for not paying our dept worth ten million pesos.”

Nasapo niya ang bibig sa gulat. “No, Cleevan would not do that—”

“He did and you know what’s worse? It’s when no Attorney wants to aid us. Wala kaming perang pambayad kaya naman hindi nakapagtataka na natalo kami. Remember that time when I wasn’t home for two weeks and your mom said that I’m in Los Angeles doing business?”

She nodded.

“I was in jail that time.”

Hindi makagalaw si Claria. How could Cleevan do this to her family? Paano nagawa ito ng lalaking mahal niya at mahal din siya? She wanted to shout at her father that I wasn’t true that it was all just a lie but she can see in his father’s eyes that he was telling the truth.

“Paano ka nakalaya?” Nangangatal ang boses na tanong niya.

“Your mom was so desperate to get me out of there that she accepted Cleevan’s offer.”

Parang nanghihina na napasandal siya sa likod ng upuan. Hindi niya namamalayang namamalisbis na pala ang luha niya habang nagku-kuwento ang ama.

“I can’t belive this.” Nanginginig ang boses niya dahil sapag-iyak. “I can’t belive Cleevan can be this cold-hearted.”

“He did those for you. Gustong-gusto ka talagang makasama ng batang iyon. Lahat gagawin niya, makasama ka lang.” Wika ng ama na para bang pinagtatanggol nito ang lalaki.

Hindi makapaniwalang tumingin siya sa ama. “Dad, he put you in prison! Pinagtatakpan niyo pa siya? Ayos lang sa akin kung ginipit niya kayo o kung binili niya ako pero ang ipakulong kayo? That’s not okay! I can’t accept that.” Walang ingay siyang napahagulgol.

All this time, nagalit siya sa mga magulang niya dahil sa pagpipilit ng mga ito na ipakasal siya ng Cleevan, iyon pala, si Cleevan ang may kasalanan ng lahat!

Nagpupuyos sa galit na tumayo siya at mabilis na lumabas ng café. Narinig niyang tinawag ng ama niya ang kanyang pangalan pero hindi niya ito pinansin. Tuloy-tuloy siyang naglakad at nang makakita ng paparating na taxi, pinara niya iyon at nagpahatid sa Sudalgo Corporation kung saan naroon ngayon at kinamumuhian niyang asawa.

NASA GITNA ng pagbabasa si Cleevan ng mga report para sa buwang iyon ng tumunog ang cell phone niya. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, may kakaiba siyang kaba na naramdaman ng makitang ang ama iyon ni Nett.

Pagkalipas ng ilang segundo sinagot niya ang tawag. “Hello? What can I do for you?” Aniya sa pormal na boses.

“Cleevan, I’m sorry.” Puno ng pagsisisi ang boses nito. “I know you’ll be mad but Clarianette deserves to know the truth.”

Truth…

Nanlaki ang mga mata niya ng maintindihan ang ibig nitong sabihin. Bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair niya at pinakalma ang sarili na binabalot na ng kaba at takot. Kaba sa magiging reaksiyon ni Nett at takot na baka iwan siya nito.

He took a deep breath to calm every nerve in his body. “What did you tell her?”

“Everything.”

Everything! Fuck!

He pace back and forth in his office. He doesn’t know what to do. “Galit ba siya? Is she going to leave me?” His voice cracked. “I can’t live without your daughter. I’ll wither and die if she ever leaves me.”

“I know that, but she’s really mad right now. Sa tingin ko pupuntahan ka niya. Ihanda mo na ang sarili mo, at siguraduhin mong hindi magkikita si Clarianette at ang kapatid mo. Dahil kapag sinabi ng kapatid mo ang isa mo pang sekreto, talagang iiwan ka na ng anak ko.” Pagkasabi niyon ay nawala ang kausap sa kabilang linya.

Napasandal siya sa gilid ng lamesa niya habang hinahalukay ang isip niya sa kung ano ang gagawin kapag nakaharap niya si Nett.

Bahagyan siyang napaigtad ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina niya. He pressed his lips together when he saw Nett, her eyes were red and pluffy and it holds no emotion whatsoever.

He took a step towads her, “Nett—”

“Don’t come near me!” She shouted in pure anger. “Paano mo yon nagawa sa pamilya ko? How can you fucking do that to my father?!”

“Nett—”

“Shut up! Ayokong marinig ang paliwanag mo. Sapat na ang mga nalaman ko mula kay Daddy. I just came here to tell you that I want an annulment.” Hilam ng luha ang mga mata nito. “I don’t want to be with a cold-hearted monster like you!” Pagkasabi ‘non ay patakbo itong umalis.

Nanghihinang napasalampak siya sa sahig, ang likod niya ay nakasandal sa gilid ng lamesa niya. He felt hopeless while sitting there. Sinapo niya ang ulo at napatungo sa sahig.

A lone tear rolled down to his cheek. “Ano nang gagawin ko ngayon?”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro